“Yes, Sir Aidan?” Oo ang ama ni Lucien na naman ang tumawag at alam ko na ang dahilan ng pag tawag nito. Inaasahan ko naman na pero hindi ko inaasahan na ganito kabilis. “Louise, magkasabay daw kayo kumain ni Lucien kanina? Ano ang pinag-usapan niyo?” Deretsong tanong nito. Jeez. Sabi na e! “Yes, Sir Aidan pasensya na ho kayo at wala akong nagawa kanina dahil nagpumilit ang anak niyo. Hindi naman ho kami masyado nag-usap kanina. Tinanong at kinamusta lang naman niya ang naging bakasyon ko. Iyon lang ho.” Seryoso kong sagot. “Good, nasaan ka ngayon? Still in the office ni Lucien?” Natigilan naman ako. Sh*t, alam na din pala niya. Napaka bilis dumating ng balita sa kanya. Ibig sabihin may mga mata siyang nakasubaybay sa bawat galaw ko. Huh! Bantay sarado din pala ako? Wow! “Yes Sir, Sinunod ko lang ang gusto ng anak niyo. Sabi niya ay uuwi na daw kami pag natapos ang meeting niya.” “I know, I know. Alam kong pina-cancel ni Lucien ang dalawang meeting niya. Iyan ang dahila
“We’re only friends,” Mahina niyang usal. Hindi naman ako kumibo. “Magkaibigan lang kami ni Crystal, mas naging malapit lang kami nitong mga nakalipas na araw dahil kay Dad.” Sambit pa ulit nito. Hindi ko alam pero parang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa inamin niya pero bigla naman pumasok sa isip ko ang mga pinag usapan namin ng kanyang ama. D*mn! “Pero hanggang doon na lang, hanggang kaibigan na lang ang kaya kong ibigay kay Crystal, So, whatever dad is doing, I hope he stops. I only see Crystal as a friend, nothing more.” Nang humarap siya sa akin ay mabilis akong umiwas ng tingin, Mali ito dapat magkabalikan silang dalawa dahil iyon ang gusto ni Sir Aidan, Iyon ang gusto niyang ipagawa sa akin ang mapaglapit ang dalawa at maging okay. Kahit labag sa kalooban ko kailangan kong gawin dahil nangako ako. Saglit na katahimikan ang namayani sa amin. “Let’s go Louise, hindi na ako babalik sa loob. Umuwi na tayo.” Turan niya pero hindi ako kumilos bagkus hinarap ko siya saka
Hinatid ko pa sila ng tingin bago nagpasyang pumasok sa loob ng kotse. Walang imik kong binuhay ang sasakyan at pinaandar. Habang nasa biyahe kami ay panaka-naka akong tumitingin sa rear mirror para silipin ang dalawa sa likod. Napapaiwas ako ng tingin kapag nakikita ko ang ginagawang panglalambing ni Crystal kay Lucien. Habang ang lalaki naman ay tipid lang ngumingiti. Nag-uusap din sila pero mas maraming kwento ang babae. Habang tumatagal hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman habang kasama ko silang dalawa, Parang may tumutusok sa aking dibdib. Humigpit ang hawak ko sa manibela. Dang! Ano ba Scarlett focus! Huminga ako ng malalim bago nag focus sa pagdadrive. Hindi na ako nag aksayang sulyapan ang dalawa sa likod. Naririnig ko na lang ang hagikgik ni Crystal. Seryosong seryoso ako sa pagmamaneho ng maalala ko kung saan ba namin ihahatid si Crystal? Hindi ko natanong kanina. Tatanungin ko na lang ngayon, tsk. Tumingin ako sa rear mirror at akmang magtatanong ng sumak
KINABUKASAN Maaga akong nagising para mag-asikaso at makakain. Nakatulugan kona lang pala ang pag iisip. Pati pagkain ng hapunan ay hindi ko na nagawa. Buti na lang pala kahit papaano nakakain ako ng konti noong naghihintay ako kela Lucien kagabi. Mabilis akong naligo at nag-ayos tapos dumiretso sa kusina para mag-umagahan. Gusto ko ring umiwas sa mga tanong at pabor ni Sir Aidan. At higit sa lahat ayoko sila makasabay kumain. Sa dami ng mga nangyari kahapon akala ko sa backseat uupo si Lucien pero sa passenger seat pa rin ito umupo. Blangko lang ang mukha nito habang busy sa kanyang ipad, hindi katulad kahapon na ramdam ko ang panlalamig niya sa akin. Hindi ko na lang iyon pinansin at nag focus na lang sa pagmamaneho. Hanggang sa makarating kami sa kompanya, nakabuntot lang ako sa lalaki. Mas ok na ganito siya kesa kung ano-anong lumalabas sa bibig niya. Didiretso na sana ako sa waiting area para doon maghintay ng biglang huminto si Lucien sa paglalakad patungo sa
Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko, hinintay ko na matapos mag-usap ang mag-ama. Nag-iisip din ako kung anong sasabihin ko mamaya kay Lucien. Gustong gusto ko sapakin ang sarili dahil sa bumigay ako. Sigurado iba na ang tumatakbo sa isip ni Lucien, Mas lalo ko lang pinahirapan ang mga sarili namin. Sumandal ako sa pinto at malungkot na yumuko. Ito ‘yung ayoko mangyari at maramdaman kaya pilit kong tinatago ang totoo kong nararamdaman. Denedeny ko at pilit tinatanggi pero dahil sa isang halik bumigay ako. Now what? mas lalo ko lang pinalala ang lahat. Mas lalo lang akong mahihirapan na makaalis. Nag-angat ako ng tingin ng marinig kong papalapit na si Lucien. Umayos ako ng tayo at hinanda ang sarili. At katulad ng dati kailangan ko magmatigas. Kailangan umarte na parang walang nangyari. “Here's your cellphone.” Sambit niya. Marahan ko namang kinuha ‘yon saka binalik sa aking bulsa. “L-labas na ako S-sir.” Turan ko saka akmang bubuksan na ang pinto ng mabilis n
SALUBONG ang mga kilay ng sumakay ako ng sasakyan at pinaandar ito. Hindi ko pinansin ang lalaking katabi. Hindi pa rin mawala-wala ang inis ko dahil sa nangyari kanina. Pati ‘yung pagkain na napakasarap hindi ko naubos dahil nawalan ako ng gana. Pinabalot ko na lang tapos inutusan ko ang isang tauhan ko na ibigay sa mga batang hindi pa kumakain kesa masayang, ang dami pa naman at masasarap. Nung una ay ayaw pa ng babaeng nag asikaso sa akin pero pinilit ko talaga siya na ibalot ang natira kong pagkain. Ang iba kasi hindi ko nagalaw. Napahiya kaya ako kanina, grabe yung pagkasamid ko sa tubig. Nabasa din ang suot kong pants dahil tumapon ‘yung iniinom ko. “Are you mad at me?” Basag ni Lucien sa katahimikan namin. Hindi ako kumibo at sa daan lang nakatingin. “Ever since I came out of the VIP room earlier, you haven't looked at me, and your eyebrows were furrowed. Are you mad because of the food I had prepared?” Mahinahon niyang tanong ulit. Ramdam ko din ang ting
“Si Gunner at Blade sugatan! Na-engkwentro nila ang tauhan nila Salvador.” “What?! Saan? kamusta silang dalawa?” Nag-aalalang tanong ko. “Ngayon ay nasa ER sila dito sa headquarters dahil malala ang naging lagay nila. I need your help dahil nabanggit sa akin ni Gunner bago siya mawalan ng malay na may transaksyon sila Ishida sa superclub bistro sa QC. Let’s go there. I’m sorry kung naabala kita ngayon, Pero ikaw lang ang maasahan ko ngayon para maipaghiganti sila Gunner. At baka sakaling nandoon din si Salvador. Ito na ang pagkakataon natin.” D*mn it. Biglang nabuhay ang dugo ko ng marinig ko ang pangalan ni Salvador at Ishida. “Where are the others?” Sambit ko habang tumatayo at dumiretso sa kabinet para kumuha ng damit at makapag palit. “Sapphire is not here pero tinawagan ko na siya, on the way na siya dito, Si Thunder pabalik na rin dito at sasama sa atin.” “No, ‘wag mo ng pabalikin dyan si Thunder. Padiretsuhin mo na dito. Kailangan may magbabantay pa rin kay Lucien.
Continuation... “It’s make sense, kaya nakakagulat at nakakapagtaka na nakaharap nila Gunner ang tauhan nila Salvador ng ganon ganon at sa mismong misyon pa nila.” Seryosong sambit naman ni Sapphire. “Sila ang inuna at siguradong may isusunod sila sa atin.” Muling turan ni Night. “Kaya kailangan natin mag-doble ingat. Kumikilos na sila.” Seryoso kong anas. “Yeah,” sabay nilang sagot. Hindi kaya ‘yung ina-akala kong mga nakamasid sa amin kanina sa restaurant ay isa doon ay mga tauhan ni Salvador? Ramdam ko kasing hindi iisa ang nagmamasid sa amin kanina. Tatlo o apa’t ‘yon. Akala ko mga mata lang ni Sir Aidan ‘yun hindi pala, May tao na rin pala si Salvador na nagmamatyag. Tsk, Masyado akong nagiging pabaya. “At isa pa pala, tingin ko rin ang mga nakaharap nila Gunner at Blade ay hindi basta basta. Marurunong din ang mga ito. Natumbasan nila ang galing ng dalawa.” Muling turan ko. “Iyan din ang naiisip ko kanina, Red. Kung sakali na mga tauhan lang nila Salvador an
KINABUKASAN Maaga dumating ang isang doktor — kasamahan ni Kuya. Maingat siyang pumasok sa kwarto, may hawak na clipboard, at ngumiti nang magaan sa amin. Lumakad siya papalapit sa kama ni Dad. “Good morning, Doc Santillan,” bati ng doktor kay Kuya. “Good morning, Doc Rivera,” magalang na sagot naman ni Kuya. Hinayaan ni Kuya si Doc Rivera na mag-check kay Dad. Sa ibang doktor na kasi inassign ni Kuya si Dad para sa monitoring, para makapag-focus si Kuya sa pagbabantay kela Lolo at Dad. Gusto raw niya na sa pagkakataong ito, sa pamilya muna siya. Matapos icheck si Dad, sumunod namang nilapitan ni Doc Rivera si Lolo. Tahimik kaming nagmasid habang tinitignan niya ang kalagayan ng aming lolo.Nang matapos ang pagsusuri, humarap ang doktor sa amin. Umayos ako ng tayo at handang makinig sa sasabihin ng doctor. “Doc Santillan,” umpisa niya habang nakatingin kay Kuya, “maganda ang initial response ng katawan ng ama ninyo. Wala naman akong nakitang problema sa ngayon. Hihint
When they finally disappeared from my view, I leaned weakly against the wall. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng tuhod ko. Yumuko ako saka umiyak.“Bakit?” bulong ko sa sarili. “Bakit kailangang mangyari ‘to? Why my dad and grandpa?” “Louise, ok ka lang ba?” Nag angat ako ng tingin at nilingon ang pinagmulan ng boses. At doon ko nakita si Lucien na nagaalalang nakatingin sa akin. Mabilis naman akong umayos ng tayo at pinunasan ang mga luha.. Ayoko ipakita sa kanya ang ganitong side ko. Ayokong makita niya akong mahina. Ayokong kaawaan niya ako o ano man. Sa totoo lang nawala sa isip ko na kasama ko nga pala silang pumunta dito. Kung hindi siya nag pakita sa akin ay hindi ko maaalala. Tumikhim ako saka seryosong nagsalita. “Sorry if I brought you guys here. There’s an emergency. I’ll call Thunder to pick you up and drop you to the mansion… For the meantime, he’ll stay with you.” “It’s okay, I understand, Don’t worry about it.” he said, then slowly walked toward me. “I’ll
LOUISE Walang nagbago mula noong gabing nagkaroon kami ng sagutan ni Lucien. Hindi pa rin niya ako pinapansin, at ako naman, pilit na lumalayo sa kanya. Pinanindigan ko ang lahat ng sinabi ko. Ayokong guluhin pa ang lahat. Napapagod na ako. Pero kahit anong iwas ko... kahit anong lakas ng loob ang ipakita ko sa iba... gabi-gabi ko pa rin siyang naiisip. Minsan, hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya mula sa malayo. Tahimik lang siya at abala sa kanyang trabaho. Naalala ko pa yung gabing tinalikuran ko siya, masakit–mahirap pero kailangan ko gawin dahil kung hindi ko pinigilan ang sarili baka ano na ang nagawa/nasabi ko—na pagsisisihan ko lang din. Pagod na akong umasa. Pagod na akong masaktan. Ngayon hinahanda ko ang sarili, dalawang araw na lang at ikakasal na si Lucien at Crystal. Mas lalo kong natanggap na talo talaga ako dahil hindi ako nagawang maalala ni Lucien. In the past few days, I kept myself busy reading the reports that Night delivered to me. I found out th
LUCIEN Shit, what’s happening to me? Why am I like this? Earlier, while I was in the car with Louise and she was talking to Night, I felt this sudden irritation—I just didn’t show it dahil baka mahalata ni Louise. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kung ano-ano ang sinabi ko sa kanya kanina tapos ngayon para akong tanga na hindi mapakali. Alam kong nasa baba na si Night at kausap si Louise. “Fvck.” Inis akong tumayo saka lumabas ng kwarto. Sa sala na lang ako tatambay. Pagbaba ko pasimple kong sinilip kung nasaan ‘yung dalawa. Nandoon sila sa labas mabilis akong naupo saka binuksan ang TV. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Tungkol kaya sa date nila bukas? Saan kaya sila mag-dedate? Tsk, nakakainis! Sinabihan ko si Louise na layuan ako pero ako naman ‘tong tanga na hindi mapakali ngayon. Napapala ng bigla-biglang nagdedesisyon. Nang marinig kong may papasok na ay umayos ako ng upo at kunwari ay seryosong nanonood ng TV. Akala ko ay magtatanong si Louise kung anong g
LOUISE Pagkapasok na pagkapasok ko ng kwarto ay napasandal ako sa pinto habang sapo ang dibdib na naninikip. Mapait akong napangiti, hindi ko inaasahan ang mga nangyari. Hindi ko akalain na kumikilos si Crystal para sirain ako kay Lucien. Sinigurado na talaga ng babaeng ‘yon na siya ang mananalo sa puso ni Lucien. Gumawa pa talaga siya ng kwento na ako ang dahilan ng hiwalayan nila. In the first place naman talaga hiwalay na sila ni Lucien ng dumating ako sa buhay nito. Si Claire ang girlfriend ng lalaki ng mga panahon na ‘yon. At kung hindi ako nagkakamali ang dahilan naman ng hiwalayan nila noon ay si Crystal. Nanghihina akong naglakad patungo sa aking kama at pabaksak na humiga. Mukhang kailangan ko ng tanggapin na talo ako sa labang ito. Harap harapan na niyang sinabi na mahal niya si Crystal at ayaw na niyang masaktan ito. Nalalapit na rin ang kanilang kasal. Wala sa sarili akong napahawak sa aking labi, I miss him, I miss him so much, but there’s nothing I can
LUCIEN Nasa sasakyan na kami pero sa unahan lang ang tingin ko. Sa buong hapon na dumaan ang mga nalaman ko ang naglalaro sa aking isip. Gusto ko ng komprontahin si Louise pero pinipigilan ko ang sarili. Gusto ko din alamin kung may nararamdaman pa ba ako sa babae dahil sa tuwing naaalala ko ang sinabi ni Crystal na minahal ko si Louise ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Hanggang sa makauwi kami ng mansion, katulad ng kinagawian. Nauna akong bumaba habang siya ay pinarada ang sasakyan.Habang paakyat ng hagdan hindi ako mapakali, may gusto akong gawin. Kapag hindi ko to ginawa paniguradong hindi ako makakatulog ngayong gabi. Kailangan ko ng kasagutan. Hindi ko na kaya maghintay pa. Akala ko hindi ko siya kokomprontahin ngayon araw pero hindi ako tinatantanan ng magulo kong isip. Kaya pag dating sa tapat ng aking kwarto hinintay ko si Louise na umakyat. Hindi naman ako nag hintay ng matagal dahil maya maya nakita kona itong naglalakad palapit habang nagtatakang nakatingin sa
LUCIEN Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa pag-iisip. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. I think Crystal is the first person I need to talk to. I need to clarify whether we really broke up or not. I need answers to all the questions running through my mind. I’ll invite her to lunch at my office. I’ll ask Louise to buy lunch so I can talk to Crystal privately, just the two of us. That’s the only opportunity I see to get some answers. Good thing at sumunod sa akin si Louise. Kahit na kita ko sa mga mata niya ang pagtutol. Sinadya kong marami ang ipabili at sa malalayo lahat para matagal siyang makabalik. Tok! Tok! “Come in.” Sagot ko saka umayos ng upo. “Hi Babe! Sorry, I got delayed because I had to deliver a report to the marketing department. So, what got into you that you invited me for lunch? Did you miss me?” Masayang bati ni Crystal saka dire-diretsong pumasok. Napansin kong napalingon siya sa pwesto kung saan lagi nakaupo si Louise. “Oh where is your
Mabilis akong bumaba ng sasakyan at sumunod sa lalaki. Baka magbago pa ang isip. “You like K-restaurant, right? Then order whatever you want. It’s on me,” He said bossily as we sat down. Instead of getting annoyed, I just smiled and shook my head. I think I already know why he’s acting like this—it’s because of Night. “Why are you shaking your head? Don’t you want to eat here? Where do you want to go? Let’s go there instead,” he said.“Nah, I like it here,” I replied with a smile. “Tss. Stop smiling.” “Why? I’m happy.” “Really, huh?”“Yeah, good thing you asked me to join you. I didn’t eat properly earlier. I didn’t even finish my food.” “Huh, paano enjoy na enjoy ka makipag usap sa Night na 'yon. May pa punas punas pa sa gilid ng labi mo.” I grinned at his reaction. He looked like a jealous boyfriend. “Why? Are you jealous? Do you want to be the only one to do that for me? Why? Are you in love with me?” I teased him.“What the… In your dreams. I’m loyal to Crystal,” he s
UWIAN Nakasunod ako kay Lucien at Crystal na magkahawak ang kamay. Patungo kami sa paborito nilang kainan para mag dinner. Well, Sila lang ang kakain dahil hindi naman nila ako niyaya. Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Lucien. Isa pa ayoko din silang makasabay. Sa bahay na lang siguro ako kakain or bibili na lang ako. Nasa harap na kami ng restaurant ng biglang tumunog ang cellphone ko. Shit, nakalimutan kong i-silent. Naka-agaw tuloy ako ng atensyon. Tumigil ako saglit at nagmamadaling kinuha sa bulsa ang phone. Napansin kong tumigil din ang dalawa at sinulyapan ako ni Lucien. Hindi ko siya pinansin, nang makitang si Night ang tumatawag ay agad ko iyong sinagot. “Hello Night?” “Hi, Are you guys having dinner?” Nangunot naman ang noo ko. “Huh? No, just them. I’m not joining. Why?” “Good, then let’s eat together. I’ll come to you.” “Huh? Where are you?” “Same place kung nasaan kayo. wait for me there.” “Naku, ‘wag na sa bahay na ako kakain ok—” Hindi kona nata