Share

Kabanata 2

Author: Innomexx
last update publish date: 2026-02-05 01:09:04

Nanlalamig akong bumababa ng hagdanan namin. Naabutan ko si Tita Lumi at Ashley sa baba. Nakatingala sila sa portrait ni Mommy sa sala.

“Mom, you should change this portrait,” ani Ashley.

Kita kong tumango si Tita Lumi.

“That’s my mother’s portrait. Wala iyang ginagawa sa inyo!” I said bitterly.

Napalingon silang dalawa sa akin. Walang bakas na makikita kay Ashley na umiyak siya. Tita Lumi smiled at me sadly, na para bang hindi niya ako sinampal kanina.

“Thalia, it’s for your Dad’s sake. Nalulungkot lang siya kapag nakikita niya ito. Your mother’s dead. Wala na siyang magagawa. Mas mabuting palitan ko na lang ito ng portrait ko,” ani Tita Lumi.

“We were just concerned about Dad’s health,” dagdag ni Ashley.

I looked at them hatefully. “Really? O gusto niyo lang kunin ang lahat ng nandito sa bahay?”

Mahinang tumawa si Tita Lumi. “That’s just how you see it kasi malungkot ka ngayon. But Thalia, we were really just concerned about your Dad.”

The manipulation reeked from them, and Dad was so blind about it. Gustong-gusto ko silang sugurin pero alam kong ako rin ang mapapahamak sa huli. Dad never chose me over them.

Bago pa ako makapagsalita, may pumasok na tauhan namin.

“Miss Thalia, hinihintay na po kayo sa labas.”

“Thalia, thank you sa kwarto mo. I’ve been wanting to have a big room. I could do it now.” She then giggled excitedly.

Nag-init ang mata ko sa iritasyon at kawalang magawa.

Why do I feel so hopeless? Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagdurusa nang ganito when all I want is a simple and normal life.

Dumiretso ako sa labas. True enough, may itim na kotse nga sa labas na naghihintay sa akin.

May nakatayo sa may backseat na lalaki. Nakabukas ang pinto at mariin siyang nakatingin sa akin. Iminuwestra niya sa akin ang loob.

Lumabas ako ng bahay kasabay ng pagtawa nina Tita Lumi at Ashley. Lumingon ako sa loob. Nakita kong nakababa na rin si Dad. May sinasabi si Ashley kaya natawa silang tatlo.

Agad akong nag-iwas ng tingin at naglakad palapit sa lalaking halatang naiinip sa labas ng kotse.

“Hinihintay na po kayo ni Mr. Velasco,” seryoso niyang sabi nang nasa harap ko na siya.

Nagdalawang-isip akong pumasok pero alam ko rin sa sarili ko na wala naman akong magagawa. My destiny is sealed to this, na pain ako sa lalaking iyon. And I have to endure whatever he wants to do.

Tahimik ako sa biyahe. I was hoping it would take forever for us to reach his home. Kaso isang oras lang, pumasok na kami sa isang gated subdivision.

Nagsimulang kumalabog ang dibdib ko habang nakikita kung gaano kagarangya ang mga bahay na dinaraanan namin.

And then the car stopped at a big black gate. Agad iyong bumukas, welcoming me to my doomed day.

May inikutan kaming fountain bago tumigil ang kotse sa tapat ng mansion. Pinatay ng driver ang makina at saka bumaba. Lumabas din ang isang kasama niyang bodyguard.

They didn’t tell me what to do. Naguguluhan din akong bumaba. Iyong dalawang lalaki na kasama ko, dumiretso na sila sa loob. I was left alone outside.

For a moment, hindi ko alam ang gagawin. Nangapa ako sa sitwasyon. Pero naisip ko ang mga gamit ko kaya iyon ang pinagkaabalahan ko. Buti na lang at hindi naka-lock ang kotse. Unti-unti kong ibinaba ang apat kong malalaking maleta.

Tumingala ako sa langit nang mapansin kong dumidilim na ito. May nambabadyang ulan. That, for sure.

Naibaba ko ang lahat ng gamit ko pero wala akong mapagtanungan. Ano ba ang gagawin ko?

Pwede ba akong pumasok o dito lang ba ako sa labas? Tumingin ako sa paligid. Wala naman akong nakikitang naka-separate na bahay.

Wala bang sasalubong man lang sa akin para sabihan ako kung ano ang gagawin ko? Kahit iyon man lang, hindi pwede?

Tahimik kong hinila ang isang maleta paakyat sa iilang baitang papunta sa portiko. It was heavy kaya agad akong hiningal.

Nasa portiko na ako nang may lumabas na isang kasambahay.

“Ikaw ba ang personal maid ni Sir?” nagmamadali at seryoso niyang tanong.

“Uh… ako nga po?” I replied, unsure of everything.

“Ang tagal mo. Kanina ka pa niya hinihintay,” bulyaw niya sa akin. “Puntahan mo na siya sa kwarto niya. Kanina pa iyon nagwawala.”

Nanlaki ang mata ko nang tumalikod ang babae para pumasok. Nabitawan ko ang maleta ko para habulin siya.

“Saan po ba ang kwarto niya?”

Mariin niya akong tiningnan. “Sa taas. Kanina pa iyon naghihintay. Kung ayaw mong makarinig sa kanya, bilisan mo ang kilos mo.”

“Saan sa—”

Pero hindi na siya tumigil at dumiretso sa tingin ko ay kusina. Tumingala ako sa itaas. The grand staircase, although exquisitely beautiful, only made me more nervous.

Tinahak ko ang hagdan, nag-aalala sa kung ano ang kahahantungan ko.

Hingal na hingal ako nang makarating sa landing sa itaas. Kaya lang, napakaraming kwarto ang bumungad sa akin. They didn’t specifically tell me which one is his room.

At hingal na hingal na ako kung babalik pa ako sa baba.

I tried to open each door. Kaya lang nang mapagtanto kong pwede akong mapagbintangan, tumigil ako. Tatlong kwarto ang nabuksan ko, lahat ay walang tao.

Kahit hingal pa rin, bumaba ulit ako. Nasa hagdanan ako nang mapansing bumuhos na ang ulan. Nasa labas pa ang mga maleta ko!

Halos patakbo akong bumaba. But then, I was on the landing again when a househelp approached me. Galit na galit na siya.

“Bakit wala ka pa raw sabi ni Sir?” galit niyang tanong.

Huminga ako nang malalim bago nagsalita.

“H-hindi ko alam… kung saan ang… kwarto ni Sir,” hirap kong sabi dahil hingal na hingal ako.

The househelp glared at me.

“Sa pinakadulong kwarto! Bilisan mo! Ipapahamak mo pa kami!” iritado niyang sabi.

Napalunok ako. Bumalik ulit ako sa itaas. I am panicking now that the househelp is mad at me.

I couldn’t breathe properly when I reached the landing upstairs again. Pero naglakad pa rin ako patungo sa pinakadulo.

My heart was pounding really hard against my chest. It was practically begging me to stop, but I can’t do it.

Nang marating ko ang dulo, mabilis kong pinihit ang doorknob.

And then I entered. Ang lakas ng tibok ng dibdib ko, halos umalingawngaw yon sa tenga ko kaya parang humina ang pandinig ko.

Pero natigilan ako sa pagpasok nang makita ko ang lalaking galit na galit.

A vase flew to my feet. It almost hit me. Nanlaki ang mata ko sa gulat.

Rio was looking at me darkly and menacingly.

“Kanina pa ako naghihintay dito! Nasaan ang pagkain ko?” he demanded furiously.

Napaatras ako nang sipain niya ang upuan sa gilid niya bago tumayo.

It didn’t help that my body was experiencing a lack of oxygen, tapos hinaluan pa ng takot.

“Get out and bring me my food!” sigaw niya habang nakaturo sa pintuan. His jaw was so clenched I started to get scared about my safety.

…

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Maid of the Ruthless CEO   Kabanata 136 - Special Chapter

    Ako ang may gustong mag-try ng IVF pregnancy pero ramdam kong si Zio ang apektado sa gagawin namin.I realized he was still not okay with the trauma of not being able to give me a child. It's possible that I might get pregnant, but I might not, either.Kapag nakikita ko siyang tahimik at malalim ang iniisip, naguguilty ako dahil baka ang iniisip niya ay ang susubukan naming pagbubuntis. Kapag ganoon, tatanungin ko siya kung bakit malalim ang iniisip niya, pero ang sinasabi niya ay may iniisip lang siyang trabaho. Pero may kutob ako na itong IVF pregnancy ang iniisip niya.Gusto ko mang huwag na lang ituloy, nagawa na. I already had my consultations, examinations, medications, and countless discussions with the doctors. Sayang kung hindi pa itutuloy.Tulala ako sa kisame habang nakahiga sa hospital bed. My hands were resting on my stomach.Finally, we were going to give ourselves a chance to have a baby."Are you nervous?" basag ni Zio sa katahimikan.Bumaling ako sa kanya at saka ngum

  • Maid of the Ruthless CEO   Kabanata 135 - Special Chapter

    Umiirap ako dahil natapos na lang ako sa paliligo ay wala pa rin si Zio. Ang sabi niya, sasabay siya sa akin, pero hanggang ngayon ay wala siya. Nag-a-apply na lang ako ng skincare.Inayos ko ang bathrobe ko at saka lumabas ng bathroom. Kita kong nasa kama pa siya at may kausap sa phone. He was topless. No, he was naked. Natatakpan lang ng kumot namin ang ibabang parte ng katawan niya.Inirapan ko siya nang tumingin siya sa akin. His lip twisted into a smirk.“I'll call you later,” aniya sabay baba ng tawag.Tumayo siya mula sa kama at huminto sa harap ko.I glared at him, lalo na at hubad siya. Hindi man lang nahihiya. Ako pa tuloy ang nawawalan ng galit sa kanya.“Tapos na akong maligo, wala ka pa rin,” reklamo ko.“Alastair called. He was inviting me to a basketball match. I refused.”Pero hindi pa rin ako natutuwa sa reason niya kaya wala akong sinabi. Nakasimangot lang ako sa kanya.Hinalikan niya ako sa noo.“I'm gonna take a bath now, wife,” he teased.Umismid ako. “Nakatipid p

  • Maid of the Ruthless CEO   Kabanata 134

    Zio Velasco I chuckled as I watched Ella talk to Thalia. We visited the mansion at Thalia's request. Rio was upstairs, getting some papers to show me. It's been two months since we got married. After the wedding, I fixed our problems. She never confronted her Tita Maxine. Ako na ang kumausap. She was so mad at me when I told her I had already married Ella. “She was supposed to marry my son! Simula noong mga bata pa sila, nakatakda na sila,” sigaw niya. She was looking at me with daggers. She was the one who made the picture, but it was only edited. No one was naked in the picture. She did it so we could fight and eventually break up. Ipinakita sa akin ang totoong kuha at ang edited version. I felt relieved after finding out it was only edited. Ella suffered trauma because of it. I filed a case against her. Nalaman ni Ella. After finding out that the picture was also edited, she told me to drop the case. “She was still good to me despite what she did,” marahang bulong sa a

  • Maid of the Ruthless CEO   Kabanata 133

    Matapos naming mamili ng wedding gown at suit para kay Zio, I didn't know the wedding would progress faster than I expected.Ni hindi ako ang nagplano ng wedding venue. Nag-hire lang kami ni Zio ng wedding planner. I was busy with my studies, and he was busy with the companies.Sinasama ko na rin siya sa meetings sa estate para kapag hindi ko na kayang pagsabayin ang pag-aaral at ang trabaho, siya muna ang hahawak.Advantage ng may CEO na fiancé.A few days passed, and I was shocked when Zio told me he would marry me tomorrow. Akala ko kasi one month pa. Two weeks pa lang ang nakalipas mula nang mamili kami ng wedding dress.Bahagyang umawang ang labi ko at wala akong masabi.“You're not backing out, are you?” Zio asked with a frown.And now, here I am. I am about to walk down the aisle at my own wedding.Kabado akong nakatayo sa labas. The double doors would open, and that would be my sign to go inside.I bit my lower lip when I felt nervous. Ang sabi ni Zio, magpapakasal na kami kah

  • Maid of the Ruthless CEO   Kabanata 132

    Matapos ng meeting ay hindi na kami nakapag-usap ni Thalia kahit halata na marami siyang tanong dahil may emergency sila ni Rio sa Manila.“Matagal na kitang gustong makausap. Hindi lang nabibigyan ng oras,” she said, a bit disappointed dahil hinihila na ni Rio ang bewang niya palayo sa akin. “Let's talk next time.”Bahagya akong tumawa. “Next time,” I assured her.Nagsilabasan din ang ibang tao sa meeting hanggang sa kami na lang ni Zio ang naiwan.He was still holding my hand.“Hindi ako nakapagdala ng mga damit ko,” sabi ko nang maalala kong sa lugar niya kami ngayon pupunta.Tumaas ang gilid ng labi niya.“My shirts are fine. Pwede ring mag-utos ng mga tauhan.”Ngumisi ako. I started to picture myself in his clothes. Hindi na rin kami nagtagal sa loob at lumabas din kami. Dumiretso na kami sa kotse at saka iniwan ang site.Modern house ang tinutuluyan niya dito sa Batangas. Sa labas, makikita mong made of glass ang ibang bahagi ng bahay.“Do you always go here?” tanong ko nang du

  • Maid of the Ruthless CEO   Kabanata 131

    Dahil sa biglaang natuklasan, biglang nagulo ang mga pinaniniwalaan ko. I was reminded of those pictures na ayaw kong alalahanin.I was sick of it! Tapos malalaman ko na kagagawan lang pala iyon ng taong akala ko ay may malasakit sa akin?Kahit ayaw kong umiyak, hindi ko na napigilan. Mabuti na lamang ay nasa tabi ko si Zio. Hindi na niya ako hinayaang umiyak.Kaya kahit ayaw niya, he finally gave in to my whim. Kahit ang plano ko ay maglakad-lakad kami sa estate, nanatili kami sa kwarto ko at nagkulong doon. We stayed in bed, cuddling and watching TV. Pero kadalasan ay nagbubulungan kami. Inaalo niya ako para hindi na ako malungkot.“Are you done?” tanong ni Zio.Natigilan siya sa may pintuan nang makita niyang tapos na ako. Kagagaling lang niya sa baba. Dumating na ang kotse niya at sinalubong niya iyon kanina.He looked at me from head to toe. His lip twisted then. Pumasok siya sa loob at saka dumiretso sa akin.“I'm done. Isang kotse na ang gagamitin natin?” tanong ko.Pero imbes

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status