Share

Kabanata 37

Alas tres y medya ng madaling araw ng maalimpungatan sina Shaina at Lou, nang makarinig sila ng malakas na pagkalabog mula sa labas ng kanilang pintuan.

"Ano 'yon? narinig mo ba 'yon?" usisa ni Lou sa kaniya. Bigla naman napabangon si Shaina at pasimpleng kinapa ang kaniyang baril mula sa ilalim ng kaniyang unan.

"Shaina, saan mo nakuha ang bagay na 'yan?" gulat na gulat na sambit ni Lou, habang tinuturo nito ang hawak niyang baril.

"Hindi mo na 'yon kailangan pang malaman. Basta diyan ka lang, huwag kang lalabas sa kwartong ito. Nagkakaitindihan ba tayo?" aniya at tumango na lamang ito sa kaniyang ulo.

Dahan-dahan at maingat niyang inihakbang ang kaniyang mga paa patungo sa tapat ng pintuan. Tahimik at nakasilip naman si Lou mula sa loob ng silid habang nakaawang ng kaunti ang pintuan nito.

Saglit na huminto sa paglalakad ang dalaga nang makarinig siya ng malakas na pagkatok mula sa kanilang pintuan.

"Tulong! tulungan niyo ako!" ang paulit-
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status