Share

Kabanata 49

"Ano ang ibig mong sabihin?" usisa ni Karlos sa dalaga na may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha.

"Huwag ka ng magkaila pa. Kilala ko ang mga tipo at hindi mo 'ko basta-basta na lang maloloko." Ang tinugon ni Alona sa kaniya.

Tila nakahinga naman ng maluwag ang binata sa kaniyang narinig. Ang buong akala niya ay nakukutuban siya ng dalaga sa mga binabalak niyang gawin.

"Ako manloloko? teka nga lang, ano ba talaga ang pagkakakilala mo sa akin? iniisip mo ba na pinaglalaruan lang kita? nasa mukha ko ba ang ganoong klase ng lalaki?" aniya habang tinuturo ang kaniyang sarili.

"Isang beses ko lang nakita ang mukha mo pero hindi ko 'yon makakalimutan," mahinang turan niya.

"Hindi makalimutan? anong ibig mong sabihin? huwag mo sabihing may nararamdaman ka na para sa akin?" pabirong usal niya sa dalaga, ngunit sumimangot lang ito at sumalubong ang dalawang kilay.

"Hindi ko makakalimutan ang babaero mong mukha, iyan ang ibig kong sabihin."
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status