Share

Chapter 7: Nightmare

LUMIPAS ang halos tatlong buwan nang hindi namamalayan ni Eunice at unti-unti na ring nakikita ang paglaki ng kanyang tiyan. Sa loob ng mga nagdaang mga buwan ay unti-unti na siyang nasanay sa pamumuhay bilang isang miyembro ng Salvatore ngunit tanging ang pabago-bagong ugali lang ni Stefan ang hindi niya pa rin nagagawang makasanayan o maunawaan—naroon pa rin ang biglaang pagiging sweet at malamig nito minsan.

Sa mga nakalipas din na mga buwan na iyon, wala siyang ginawa kung ‘di ang magbasa ng mga libro at panunuod ng lectures online tungkol sa medisina. Pati panunuod ng mga medical drama ay kanya ring naging libangan. Walang mapaglagyan ang kanyang tuwa sa tuwing nakakabasa o nakakapanuod siya ng may kinalaman sa medisina lalo na sa pag-oopera.

“You really like to be a doctor, aren't you, Hija?” nakangiting tanong ni Doña Divina na sumulpot sa tabi ni Eunice.

Tumango nang mangilang ulit ang dalaga. “Oo naman po!” tuw

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status