Share

Chapter 163

Author: Michellara
last update publish date: 2026-08-13 22:06:06

“N-No! No way!” napapaatras na wika ni Scarlet bago niya nilingon si Kian. Lumapit siya rito at hinawakan ang braso ng binata. “Kian, tulungan mo ako! I am your fiancée! Please, huwag kang pumayag na ilayo nila ako sa ’yo! Sabihin mo sa kanila na mahal mo ako! Ipagtanggol mo ako!”

“Kian!” halos mapiyok niyang tawag nang hindi man lang siya tingnan ng binata.

Marahang itinulak ni Kian ang mga kamay ni Scarlet bago siya napahalukipkip at tuluyang napatayo.

“I am not your fiancé anymore, Scarle
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Cely Aguirre
Thanks po sa update ^⁠_⁠^ ingat ka Jane sa hitad mong pinsan (peace) (⁠✿⁠^⁠‿⁠^⁠)
goodnovel comment avatar
Rina Arca Sarito
deserve,kaso my Kian at Madison pang natitirang ahas
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 165

    Hindi ko siya nilingon, pero sinagot ko siya gamit ang matabang na boses habang inilalapag ko muna ang hawak kong baso ng tubig sa gilid ng counter. “Kian, gabi na. Magpahinga ka na lang at huwag ka nang mag-ingay.” “Humarap ka naman sa akin, Jane... please,” nagmamakaawa niyang pakiusap habang naririnig ko ang mabibigat niyang hakbang palapit sa kinaroroonan ko. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya at pinanatiling walang emosyon ang mukha ko. “Ano pa bang kailangan mong sabihin? Sabihin mo na dahil aakyat na ako.” Mabilis na gumalaw ang mga kamay niya at bago pa ako makaiwas, hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Nanginginig at mahigpit ang kaniyang pagkakahawak habang malinaw kong naaamoy ang alak na kumapit sa kaniyang katawan. “Jane, nagsisisi na ako. Sising-sisi ako sa ginawa ko sa ’yo noon,” pabulong niyang litanya na may luha sa mga mata. “Naging tanga ako kay Scarlet... Masyado akong nabulag sa kalìbugan ko kaya pinagtaksilan kita. Pero ikaw, Jane... ikaw pa rin ang gu

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 164

    Jane POV “Hindi ko akalain na agad-agad mong palalayasin si Scarlet,” wika ko sa asawa ko habang nasa harap ako ng vanity mirror, nakaupo at marahang sinusuklay ang aking buhok. Si Aviv naman ay nakasandal sa headboard ng kama, may seryosong binabasa sa hawak niyang tablet. Pareho na kaming nakapagpalit ng pangtulog na kasuotan. Maya-maya, kapag natapos na ako sa pagsusuklay, ay sabay na kaming matutulog. “Si Kian ang nakiusap sa akin na paalisin siya agad-agad,” tugon niya na ikinahinto at ikinalingon ko sa kaniya. Napatitig siya sa akin habang bahagyang ibinababa ang tablet. “Tumawag siya sa akin kanina, pagkarating na pagkarating ko pa lang sa opisina ko. Sabi niya, hindi niya na raw kayang pakisamahan pa si Scarlet. Sa tuwing nakikita niya raw ang pagmumukha nito, naaalala niya ang mga lalaking kinakalantari nito sa labas.” Naibaba ko ang suklay sa ibabaw ng vanity organizer sa harap ng salamin. “Ayaw niya kasing maniwala sa sabi-sabi na isang pakawalang babae si Scarlet da

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 163

    “N-No! No way!” napapaatras na wika ni Scarlet bago niya nilingon si Kian. Lumapit siya rito at hinawakan ang braso ng binata. “Kian, tulungan mo ako! I am your fiancée! Please, huwag kang pumayag na ilayo nila ako sa ’yo! Sabihin mo sa kanila na mahal mo ako! Ipagtanggol mo ako!” “Kian!” halos mapiyok niyang tawag nang hindi man lang siya tingnan ng binata. Marahang itinulak ni Kian ang mga kamay ni Scarlet bago siya napahalukipkip at tuluyang napatayo. “I am not your fiancé anymore, Scarlet. I already cancelled our wedding. At alam na rin ng parents ko kung anong klase kang babae, kaya wala nang dahilan para panindigan pa kita.” Mas lalong nagimbal si Scarlet. Tila nanuyo ang kaniyang lalamunan dahil hindi niya maibuka ang kanyang bibig sa tindi ng gulat at kahihiyan. Napatayo na rin ang mga magulang ni Kian. Tumingin si Tito Ernest kay Scarlet nang may matinding pait sa kaniyang mga mata. “Ayaw kong mapalayas sa mansiyong ito nang dahil lang sa ’yo, Scarlet. Kaya hindi na ka

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 162

    Jane POV Pagkahinto ng van sa tapat ng entrance ng mansiyon, mabilis na pinagbuksan kami ng pìnto ni Sid. Unang bumaba si Aviv bago niya iniabot ang kamay niya sa akin upang alalayan ako pababa. Bahagyang gumuhit ang isang tipid na ngiti sa kaniyang mga labi nang makababa ako sa semento bago niya ipulupot ang isang kamay sa aking baywang. Magkasabay kaming naglakad papasok sa mansiyon. Pagkarating namin sa grand foyer, agad kaming sinalubong ng mabigat na tensyon. Magkatabing nakaupo sa four-seater leather sofa ang mag-asawang Ernest at Isabela. Nakahalukipkip si Ernest at madilim ang mukha, habang si Isabela naman ay tahimik at pormal na sumisimsim ng tsaa, pero halatang nagtitimpi lamang ng galit. Sa kabilang sofa naman nakaupo si Kian, nakasandal at nakadekwatro ang mga hita habang nakatitig sa kawalan. Sa tabi nito ay si Scarlet na mugto ang mga mata, bahagyang magulo ang buhok, at kapansin-pansing nagmamakaawa ang hitsura na para bang ginagawa ang lahat para makuha ang simpa

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 161

    Aviv POV“Wait lang. Maghintay ka muna rito,” paalam ko sa asawa ko noong paalis na sana kami ng hotel.Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Dire-diretso akong naglakad patungo sa kinaroroonan ng general manager ng hotel na ito. Nakatayo siya sa gitna ng silid, halatang kanina pa may inoobserbahan sa paligid.Nang makalapit ako sa lalaking manager, agad niya akong binati nang may paggalang.“Good evening po, Mr. Averoné. May nakalimutan po ba kayo?” bungad na tanong niya sa akin habang bahagyang yumuyukod.“Iyong waitress na nag-serve sa mesa namin kanina. Puwedeng pakitawag? May sasabihin lang ako sa kaniya,” ani ko.Agad namang tumango ang manager at binalingan ang isang malapit na waiter. “Roi, pakitawag mo nga si Charlie. May gusto raw sabihin si Mr. Averoné,” utos nito na agad namang tinalima ng waiter.Sinundan ko ng tingin ang waiter at nakita kong mahinahon nitong tinapik ang babaeng abala sa pagse-serve sa isang bagong dating na VIP customer. Itinuro nito ang kinaroroonan

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 160

    Jane POVBitbit ko ang malaking flower bouquet na ipinadala ng asawa ko kanina. Yakap-yakap ko ito habang mabagal akong naglalakad palabas ng building ng Del Austria Enterprises. Hindi ko mapigilang sumulyap sa mga bulaklak na nag-uumapaw sa ganda at halatang hindi tinipid sa ayos.Pagkarating ko sa labas, agad kong nakita ang pamilyar na nakaparadang sasakyan. Nasa tabi na ng pinto ang driver na si Tope, na mabilis na yumukod at pinagbuksan ako ng pìnto ng kulay itim na BMW. Napangiti ako sa kaniya bago ako dahan-dahang pumasok at umupo sa backseat.“Good evening po, Ma'am Jane. Ihahatid ko na po kayo sa Aurelia Grand Hotel,” maingat at magalang na bati ni Tope bago dahan-dahang pinatakbo ang sasakyan.Napatango ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Habang bumibiyahe ang sasakyan sa gitna ng abalang kalsada ng lungsod, muli kong niyakap nang bahagya ang bouquet at napahinga nang malalim.Gusto ko na talagang iparamdam kay Aviv kung ano na nga ba ang totoong nilalaman ng puso ko.

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 004

    Nasa loob na ako ng isang bakanteng kuwarto dito sa bahay nina Lolo Esteban at Lola Alicia. Katatapos ko lang maligo at ngayon ay abala na ako sa pagpapatuyo ng buhok ko gamit ang tuwalya. Naibaling ko ang tingin sa pintong gawa sa lumang tabla. Unang pumasok si Lola Alicia, kasunod si Aviv na may

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 003

    “Paano po ’yung kotse ko, sir?” ani ko, sabay lingon sa kotse kong nakaparada sa gilid ng kalsada “I’ll have my staff to take care of your car,” he said calmly. “Get in,” utos niya pagkabukas ng pinto kaya walang sabi-sabing sumunod ako. Pagkaupo ko sa mamahaling leather seat, muli akong napaya

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 002

    Isang matangkad na lalaki ang makikita sa hindi kalayuan. Nakasuot siya ng charcoal overcoat. Anino pa lang nito ay bakas na ang awtoridad at panganib. Nanlaki ang mga mata ko noong hubarin ng lalaki ang suot niyang overcoat at tumambad ang dalawang baril na nakasuksok sa kanyang tagiliran. Marahan

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 001

    Jane's POV Umuulan habang tinatahak ko ang daan papunta sa charity gala ng mga Averoné. Dumaan ako sa isang liblib na shortcut dahil pinagmamadali na ako ng boyfriend ko na makarating kaagad sa destinasyon. Ito ang huling gabi na dadalo ako sa isang magarbong event na hindi pa ako kasal. Dahil buk

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status