مشاركة

Chapter 188

مؤلف: Michellara
last update تاريخ النشر: 2026-08-24 23:52:44

Jane POV

Matapos ang pormal na pagpapakilala ng emcee sa mga importanteng bisita at pamilya, unti-unting bumalik ang malumanay na tugtog ng orchestra sa loob ng napakalawak na bulwagan. Dumami ang mga negosyanteng naglalakad-lakad, may hawak na baso ng mamahaling wine habang abala sa paghahanap ng mga potensyal na kasosyo at bagong oportunidad sa negosyo.

Hindi ko pinalampas ang pagkakataong kumuha ng isang maliit na sour candy mula sa clutch bag ko habang bahagya akong nakatagilid sa tabi ni A
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 190

    “Scarlet,” pormal kong panimula, habang diretso ko siyang tinitingnan. “Ang lakas naman ng loob mong sabihin na tira-tira lang ako. Sino ba sa atin ang mahilig sa lalaki? Hindi ba ikaw?”Napatango-tango si Kian. Halatang sumasang-ayon sa ibinubuga ng bibig ko. “Sa pagkakaalam ko, ikaw lang naman ang babaeng pinalayas ni Kian dahil sa pagiging desperada mong maangkin ang asawa ko.”Bahagyang natigilan ang grupo ni Scarlet sa sinabi ko. Pansin kong napa-“Oh” ang ilan sa mga kaibigan niya sa likuran, habang ang iba naman ay napatingin sa isa’t isa na para bang hindi nila inaasahang sasagot ako.Nanlisik ang mga mata ni Scarlet. “Akala mo ba naging mataas ka na dahil lang sa apelyido ng asawa mo? Kahit anong suot mong gown, Jane, galing ka pa rin sa ibaba! Isang hampaslupa na ginagamit lang ang ganda para makaakyat sa lipunan!”“Sobra ka na, Scarlet!” galit na singit ni Kian habang mabilis na humahakbang sa pagitan namin para harangan ako. “Umalis na kayo rito bago ko pa tawagin ang secu

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 189

    Nang makalayo si Aviv, pinalipas ko muna ang ilang segundo bago ako dahan-dahang humakbang patungo sa gilid ng venue para humanap ng maiinom na juice.Pero habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang maramdaman na may sumusunod sa akin. Hindi na ako nagulat nang mapansin kong si Madison iyon.Bago pa man siya tuluyang makalapit, isang matangkad na pigura ang biglang humarang sa daanan ko.Si Kian.Naka-tuxedo siya at may hawak ding baso ng wine. Sa kaniyang mga mata, bakas ang matinding emosyon habang malapitan niya akong tinititigan.“Jane...” mahina nitong bati, bahagyang paos ang boses.Pumihit ako upang harapin siya at pormal siyang tiningnan. “Kian.”Mula ulo hanggang paa niya akong sinuri, para bang isa-isang tinitingnan ang bawat detalye ng mukha ko, pati ang midnight blue gown na suot ko.“You look so breathtaking,” matapat niyang komento. Isa iyong papuring napakadalang kong marinig mula sa kaniya noong kami pa. “The dress, the mask... everything suits you perfectly. Hindi man

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 188

    Jane POVMatapos ang pormal na pagpapakilala ng emcee sa mga importanteng bisita at pamilya, unti-unting bumalik ang malumanay na tugtog ng orchestra sa loob ng napakalawak na bulwagan. Dumami ang mga negosyanteng naglalakad-lakad, may hawak na baso ng mamahaling wine habang abala sa paghahanap ng mga potensyal na kasosyo at bagong oportunidad sa negosyo.Hindi ko pinalampas ang pagkakataong kumuha ng isang maliit na sour candy mula sa clutch bag ko habang bahagya akong nakatagilid sa tabi ni Aviv. Mabilis ko iyong isinubo at hinayaang matunaw sa dila ko. Napabuntong-hininga ako nang unti-unting kumalma ang sikmura ko at humupa ang pagduduwal.Grabe naman kasi itong pagbubuntis ko. Ang bilis kong maduwal kapag may naaamoy akong hindi gusto ng sistema ko!Ang hirap pala talagang magbuntis. Sa ganitong sitwasyon ko ngayon, pakiramdam ko ay ayaw ko nang muling magbuntis pa pagkatapos kong mailuwal ang batang nasa sinapupunan ko.Napabuga ako ng mabigat na hininga. Gusto ko sanang i-enjoy

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 187

    Jane POVHabang nakasakay kami sa mamahaling sasakyan patungo sa venue, panay ang malalim kong paghinga para pakalmahin ang sikmura ko. Mahigpit kong hawak ang maliit kong clutch bag kung saan nakatago ang ilang piraso ng sour candy, ang tanging panlaban ko sa bahagyang pagduduwal na nararamdaman ko ngayong gabi.Inihilig ko nang kaunti ang ulo ko sa backrest ng upuan. Ang ganda ng ayos ng buhok ko, at ang ganda ng midnight blue ball gown na suot ko, lalo na ang mabibigat nitong embroidered lace sleeves. Pero higit sa lahat, ang kakaibang kabog sa dibdib ko ang hindi ko mapakalma. Hindi lang ito simpleng gala, ito ang unang pormal na pampublikong kaganapan na dadaluhan ko bilang opisyal at tunay na asawa ni Aviv Averoné.“Are you okay, baby?” tanong ng asawa ko nang mapansin ang pananahimik ko. Nakasuot siya ng tailored tuxedo at hawak ang silver masquerade mask na match sa suot niya. “Medyo maputla ka.”Agad niyang inabot ang kamay ko at inilagay iyon sa ibabaw ng kaniyang mainit

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 186

    Aviv POVPinagmamasdan ko ang asawa ko habang patuloy siyang tumitingin sa mga nakasabit na designer dresses sa loob ng pribadong boutique. Maliwanag ang kaniyang mga mata at halatang nag-e-enjoy siya sa pagpili ng gown para sa gaganaping Ross Corporation’s Annual Grand Gala.Nakaluklok ako sa leather couch habang humihigop ng kape, pero ang buong atensyon ko ay nakatutok lang sa kaniya at hindi umaalis kahit isang segundo.Simula pa nitong umaga, noong bigla siyang patakbong tumungo sa banyo para mag-suka, hindi na ako napakali. May maliit na takot at pag-aalala na patuloy na sumusundot sa dibdib ko.Kahit mukha siyang masigla ngayon, nakikita ko pa rin ang kaunting pagod sa kaniyang mga mata. Ayaw kong napapagod siya nang labis ngayong araw.“Mr. Averoné, ito po ang pinakabagong evening gowns mula sa aming haute couture line,” magalang na present ng head designer habang itinuturo ang tatlong mannequin sa aming harapan.Ang unang gown ay isang napakagandang crimson dress. May rin it

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 185

    Jane POV Nagising ako dahil sa matinding pagkabalisa ng sikmura ko. Parang nagwawala at bumabaligtad ang tiyan ko, at may kung anong gustong umakyat diretso sa lalamunan ko, kasabay ng matinding pagkahilo. Mabilis kong inalis ang braso ni Aviv na nakayakap sa akin at dali-dali akong bumangon. Sa sobrang pagmamadali ko, muntik pa akong matisod sa gilid ng kama bago patakbong tumungo sa banyo. Pagdating doon, bumagsak agad ang dalawa kong tuhod sa malamig na tile ng sahig at napadukdok ako sa harap ng toilet bowl. “Ugh... hck!” Wala namang gaanong lumabas kundi maasim na tubig, pero ang sakit at matinding pagbaligtad ng sikmura ko ay halos magpahina sa buong katawan ko. Mahigpit akong napahawak sa gilid ng bowl habang patuloy na naduduwal at nasusuka. “Jane? Baby, what’s wrong?!” Napalingon ako sa kaniya. Nagising ko pa yata siya sa bigla kong pag-alis sa kama. Hindi siya nag-atubiling lumapit sa akin at marahang hinagod ang likod ko. Gulo-gulo pa ang kaniyang buhok at halatang-h

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 002

    Isang matangkad na lalaki ang makikita sa hindi kalayuan. Nakasuot siya ng charcoal overcoat. Anino pa lang nito ay bakas na ang awtoridad at panganib. Nanlaki ang mga mata ko noong hubarin ng lalaki ang suot niyang overcoat at tumambad ang dalawang baril na nakasuksok sa kanyang tagiliran. Marahan

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 001

    Jane's POV Umuulan habang tinatahak ko ang daan papunta sa charity gala ng mga Averoné. Dumaan ako sa isang liblib na shortcut dahil pinagmamadali na ako ng boyfriend ko na makarating kaagad sa destinasyon. Ito ang huling gabi na dadalo ako sa isang magarbong event na hindi pa ako kasal. Dahil buk

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 004

    Nasa loob na ako ng isang bakanteng kuwarto dito sa bahay nina Lolo Esteban at Lola Alicia. Katatapos ko lang maligo at ngayon ay abala na ako sa pagpapatuyo ng buhok ko gamit ang tuwalya. Naibaling ko ang tingin sa pintong gawa sa lumang tabla. Unang pumasok si Lola Alicia, kasunod si Aviv na may

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 003

    “Paano po ’yung kotse ko, sir?” ani ko, sabay lingon sa kotse kong nakaparada sa gilid ng kalsada “I’ll have my staff to take care of your car,” he said calmly. “Get in,” utos niya pagkabukas ng pinto kaya walang sabi-sabing sumunod ako. Pagkaupo ko sa mamahaling leather seat, muli akong napaya

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status