Share

Chapter 1

Ngayon ang araw na makikita ko si Ezekiel. I've been fetched earlier by his driver. Ngayon ay nakasakay na ako sa Lamborghini. Katahimikan lamang ang tanging namumutawi sa loob ng kotse. I don't want to initiate the talk too. Malay ko ba kung may inutos ang Ezekiel na 'yon sa driver n'ya.

Kinakabahan man sa magiging resulta nang pagkikita, nagawa ko pa ring pagmasdan ang kagandahan ng lugar. We're currently in their village. Ito yata 'yong sinasabi ni mommy na tanging mga bilyonaryo lamang ang nakatira. The entrance has many guards! May mga nakatayo malapit sa entrance ng mga sasakyan, mayroon din sa gilid kung saan dumaraan ang mga naglalakad.

Nang nasa tapat na kami ng dalawang gwardya, may ini-abot ang driver rito. It was a golden key with a small code in it. Kita s'ya sa puwesto ko ngunit hindi ko maintindihan ang nakaukit doon. The guard checked the key, itinapat din nila ito sa isang censor sa harapan nila, and to my shock, the light around the censor turned out green. I was literally amazed by it!

Ibinalik nang gwardya sa driver ang susi at sinenyasan ito papasok. As we enter the main village. Katahimikan ang bumalot sa amin, tanging mga hakbang ng mga nakakalat na gwardya ang maririnig. Kaliwa't kanan din ang mga naglalakihang bahay— mansion, perhaps. Malawak ang pagitan ng bawat mansion. Iba-iba rin ang structures and designs nila. Kakaiba ang mga itsura! It's my first time seeing a place like this!

"Madame." tawag ng driver sa akin.

Sa sobrang pagkamangha sa mga nakikita, hindi ko namalayan na nakahinto na pala ang sasakyan sa tapat ng isang mansion. Out of all the mansion I've seen, kakaiba ang pagkakagawa rito. It speaks luxury!

Bumaba agad ako ng kotse at sinundan ang driver papasok ng gate. Bago tuluyang makapasok, one of the female guards searched my body. Pagkatapos ay pumasok na ako.

Una akong sinalubong ng nagraragasang tubig mula sa fountain. The fountain was placed in the middle. Ang nagsisilbing pasilyo't barrier naman ay mga halaman. Sobrang lawak! Wala pa kami sa mismong mansyon nito, ha?

The distance from the gate to the mansion is so huge! Mahigit 6 meters ang kakailanganing lakarin bago matungo ang mansion. The guard led the way. Tahimik lamang ako habang inililibot ang paningin sa paligid.

"Mr. Fabros is inside, madame. Here's your card. You can enter at any moment." He bowed at me at nanatiling nakatayo sa gilid ng pinto.

Pinagmasdan ko ang card na ibinigay sa akin bago ito itinapat sa screen ng pinto. The door automatically opens.

As I entered the mansion, I was embraced by the cold air. Witnessing the dim lights gave me comfort too.

Mabagal ang paghahakbang na ginagawa ko. I want my eyes to see how beautiful this mansion is.

Sa ilang minutong paglalakad, nakita ko ang isang mahabang dining table sa kanan. Assuming that Ezekiel is there, dumiretso ako roon at naupo. No one was there. Bahala s'ya! Hindi ko s'ya hahanapin. Sa sobrang laki nito mapapagod lang ako kakahanap sa kanya.

I waited for him about an hour pero ni isang anino, wala akong nakita.

Me:

I'm already here, mom. But, Ezekiel's nowhere to be found. Hindi pa kami nagkikita.

I texted my mom.

Hindi nagtagal ay nakatanggap ako nang reply sa kanya.

Mom:

I just called Ezekiel, he's already there, honey. Where are you?

Me:

I'm at the dining area mom. Sitting.

Wala ba s'yang CCTV dito? Siguro naman kung mayroon ay madali n'ya lang akong makikita!

After that message, mom didn't reply anymore. I rested my face on the table. Ang tagal n'ya! I want to know where my room is. Gusto ko na magpahinga.

I was busy killing Ezekiel's in my mind when someone beside me coughed. Binaling ko agad ang tingin doon. I met a cold gaze from the guy. He's so handsome and hot! Mukhang masungit nga lang.

I smiled at him. He's wearing a black formal suit. Nakalagay ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng slack n'ya.

His dark black eyes were fixed on me. I also noticed his perfect pointed nose, jaw, and thin pinkish lips that suit his face so well. He's like a Greek God that emanates a cold and mysterious facade. He also has curly hair that adds to his Greek god-like look.

"H-Hello." Mahinang saad ko. Ini-abot ko ang kamay sa kanya. He didn't take it! Kaya ibinaba ko rin agad.

"Kairylinne Calista Sarmiento." pagpapakilala ko.

He didn't say any words. Tiningnan n'ya lamang ako.

Titigan na lang ba gagawin namin dito? Pasimple akong umirap.

Kaya hindi ako pabor sa gusto nila mommy, e! Ang weirdo nang lalaking 'to!

Hindi ko na s'ya kinibo. Muli na lamang akong umupo. Parang tanga. Aware naman siguro s'ya sa deal ng mga magulang namin, 'di ba? At saka, attitude siguro 'to dahil wala lang talaga s'yang pake sa akin? Baka hindi n'ya rin nagustuhan ang arranged marriage na 'to.

"Your room is upstairs." Malamig n'yang saad. Hindi ko pa rin s'ya nililingon kahit na ramdam ko ang paninitig n'ya.

"You also don't have to cook and clean. We have our maids." dagdag n'ya.

Obviously! Malamang may mga katulong. Magtaka ka kung wala. Sa sobrang laki pa naman ng bahay, kakailanganin talaga ng maraming katulong, 'no!

"You also don't need to act as my wife. Remember, this is just a deal. Act only when our parents are around." Inilipat ko ang tingin sa kanya.

Ayan! D'yan tayo magkakasundo. I smiled.

"I agree with you. No offense, but I don't really like you, okay? Hindi ko rin alam ba't naisipan nila mommy na sainyo magpatulong."

Mahirap na, 'no! Malay ko ba kung assuming 'tong lalaki na 'to. Baka isipin n'ya pang pinilit ko sila mommy na ipakasal ako sa kanya. Yuck!

He smirked after hearing what I said.

"For your information, I don't like you either. I don't have any idea as to why this is going on. I have a girlfriend, miss. So, never ever think that this arranged marriage will work."

I smiled again. I guess, this will gonna be fun. Pareho naming 'di gusto ang isa't-isa. So, all we have to do is to act.

"No catching feelings, deal?" Inilahad kong muli ang kamay sa kanya. At sa pagkakataong ito, tinanggap niya iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status