Share

Chapter 9 - The Runaway Bride's Reason

Ilang araw na rin kami na abala muli ni Mikel upang isaayos ang simple na kasal na napag-usapan namin ng kan’yang ina. Hindi man ito ang talaga na nais ko, pero napagkasunduan na namin ito ni Tita Marlene. Oo, 'yan pa rin ang tawag ko sa ina ni Mikel kapag hindi siya kaharap. Ayaw ko naman na umarte na totoo ang lahat kahit na alam ko naman na isang pagbabalat-kayo lamang ito.

Unti-unti na rin ako na nasasanay sa nagiging pag-arte namin kapag nasa labas kami ni Mikel at nakaharap sa ibang tao. Awtomatiko na nagiging isang mabuti na asawa ang dating ko kapag gano'n.

Para kami na isang tunay na mag-asawa na mahal na mahal ang isa’t-isa kapag kami ay wala sa apat na sulok ng bahay niya. Pero oras na makapasok kami rito, at maiwan na kami na lamang dalawa, ay nag-iiba na ang ihip ng hangin. Pareho na kami na bumabalik sa sariling mundo na ginagalawan namin.

Hindi naman na masyado na nagsusungit si Mikel sa akin dahil hindi naman din niya ako masyado na kinakausap kapag nasa bahay kami.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status