Share

Chapter Fifteen: Apology Accepted

HANGGANG sa makabalik na kami ng bahay ay patuloy pa rin sa pangungulit si Damon ng tungkol sa heart problem na tinutukoy ng kanyang ina. Ngunit binaleala ko lamang ito. Naiinis ako sa tuwing naiisip ko na wala talaga siyang pakialam saakin. Sa simpleng bagay man lang ay hindi niya alam na may nasasaktan na siya. Ni-hindi niya man lang naisip na mag-aalala ako sa kanya.

Kaya naman matapos kong tulungan si Trisha sa pagbitbit ng mga groceries ay nagmamadali akong nagtungo sa aming silid. Subalit agad rin pala akong sinundan ni Damon.

"Let's talk!" Aniya nang tuluyan na kaming makapasok sa silid.

"Mamaya na tayo mag-usap. May gagawin pa ako. Kailangan kong ayusin 'tong mga gamit ko para pagbalik natin bukas ng Pilipinas ay hindi ko na kayo paghihintayin pa ng matagal."

"Really? Isang maleta lang naman ang dala mo. So, you don't need to fix that immediately."

"Alam mo naman kung gaano ako kakupad kumilos. Ikaw na nga ang may sabi, na palagi na lang kitang ponaghihintay ng matagal." Patul
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status