Share

Kabanata 3

Jenissa’s POV

Kumulo bigla ang tiyan ko. Puwersa akong bumangon dahil naalala ko na hindi pala ako kumain.

Tumingin ako sa wall clock sa ibabaw ng pinto. Alas Tres na pala ng madaling araw. Muling kumulo ang tiyan ko kaya'y bumangon ako at ini-on ang ilaw.

“Farris?” wika ko nang hindi ko siya mahagilap sa kama.

Nasaan na kaya siya? Baka masyado ko siyang nasaktan? Kung ganoon edi mabuti! Sana matauhan na siya at hindi na s’ya tumulad sa kung sino siya noon. Sana magbago na siya, nang sa ganoon ay makalaya na ako sa lintek na buhay na ito.

Binuksan ko ang pintuan at nagmadali akong bumaba.

“Hindi naman niya pinatay ang ilaw sa sala,” ani ko at akmang papatayin sana ang ilaw dahil maliwanag naman sa kusina.

Nanlambot ang aking buong katawan at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking nakita. Nahulog sa gilid ko ang kamay na papatay sana sa ilaw.

I saw him...

I saw him on top of a woman, thrusting and moaning the pleasure.

“Shit, Honey, you're so tight! Ooooh aaaaah aaaah oooooh!” ungol niya.

Nanginig ako. Hindi ko maipaliwanag kung ano’ng klasing sakit ang nararamdaman ko sa pagkakataong ito. Biglang nawala ang gutom ko dahil sa nasaksihan kong pagtataksil ni Farris.

Dinala ako ng mga paa ko kung saan nagtatalik si Farris at ang babae niya.

“Oooooh! Aaaah aaaaaaah! I-Iputok mo naaaaa aaaaaaah,” ungol ng babae.

“Oooh yeaaaaah! Aaaaah aaaaah! C-Coming!” aniya bago siya bumagsak sa ibabaw ng babae.

Akala ko nasaktan ko siya dahil sa ginawa ko at magbabago na siya. Pero, ‘tangina niya! Hindi pala!

Nanatiling nakaharang ang mga kamay ko sa aking bibig at pinigilan ang sarili na gumawa ng ingay. Ang mga luha ko’y dinaanan lang ang likod ng aking kamay.

“F-Farris?” banggit ko sa kaniyang pangalan.

Tinulak siya ng babae nang nakita nila ako.

“This is crazy! Ang sabi mo sa akin ay mag-isa ka lang sa buhay at sa bahay mo,” asik ng babae habang sinusuot ang kaniyang mga damit. “N-Nandito pala ang asawa mo?” Tumingin sa akin na parang hiyang-hiya ang babaeng binarurot ng mga kiyod ni Farris.

Nakita ko paano binalik ni Farris ang butones na malapit sa kaniyang leeg. Umalon ang kaniyang lalamunan na simbolo ng pag-lunok niya.

Matalim siyang tumitig sa akin habang nakangiti na para bang pinamumukha niya sa akin na hindi niya talaga ako mahal.

Sa katunayan ay hindi niya naman talaga ito dapat gawin, alam ko naman at maliwanag pa sa sikat ng araw na wala siyang pagmamahal sa akin. Hindi niya na kailangan pang gawin ito.

“I don't have a wife. Hindi ko asawa ang babaeng ito. She's just a maid, not my wife,” wika niya bago tumitig sa gawi ng babae. “You're underestimating my taste, Honey!” sabi pa niya.

He denied me. And that denial turned my broken heart into the smallest pieces of it. Matagal na niya akong binubugbog. Pero ibang sakit itong nararamdaman ko ngayon. Para akong mababaliw. Gusto kong mawala na parang bula sa kinatatayuan ko ngayon.

Dahil hindi ko na sila kayang titigan ay tumalikod ako sa kanila.

Nanliliit ako sa sarili ko. Hiyang-hiya ako sa babaeng ka-siping ng asawa ko. Bakit hindi na lang kasi mabiyak ang mga tile na ito at lamunin na lang ako ng mundo. Daig ko pa ang yelo na natutunaw dahil sa mga winika ni Farris.

“Kaya naman pala ganiyan ang hitsura. Ang pangit at ang laspag niya. Sabagay, she's a maid nga,” natatawang sabi pa ng babae. “I guess, I don't have to be ashamed of her. Yaya lang naman pala siya.”

Suminghot ako.

“Yes, Honey. Kaya imposibleng asawa ko iyan. Alam mo naman kung ano ang mga tipo ko, hindi ba? Maganda, sexy at magaling sa kama. She's beyond ugly.” Tumawa pa si Farris kaya naman ay mas sumikip ang dibdib ko.

Kailangan ba talagang laitin niya ako? Mas tanggap ko pang pagsalitaan niya ako ng kung anu-ano kapag kami lang ang tao. Huwag naman sana niya ako hiyain sa harap ng ibang tao, ang masaklap sa harapan pa ng babae niya.

Narinig ko ang mga tunog ng kanilang halikan.

“Aalis na ako, Farris,” paalam ng babae sa asawa ko. Maka-asta siya parang siya ang asawa.

Farris never kissed me when he goes and he arrived. Kahit na ako ang aalis at darating ay hindi niya ako magawang halikan sa pisngi.

Nakakapanlumo lang na ang mga bagay na dapat ginagawa niya sa sa’kin ay sa iba niya ginagawa. I feel sorry for myself.

“Yaya!” Alam kong ako ang tinawag ng babae niya pero hindi ko ito kayang harapin. Baka hindi ko makontrol ang sarili ko at mapatay ko siya sa harapan ng asawa ko.

Malaking kamay ang siyang humila sa akin kaya’y napaharap ako sa kanila. Agad kong  pinunasan ang aking mga luha.

“What's with you, woman? Hindi mo ba narinig na tinawag ka ng guest ko?” ‘Tangina mo Farris! ‘Tangina mo! “Huwag kang bastos kapag kinakausap ka,” dagdag niya pa.

Huminga ako ng malalim. Tumingin ako sa babae. Pineke ko ang ngiti na ginuhit ng labi ko ngayon.

“Sorry, Ma’am. Masyado pa kasi akong inaantok kaya hindi ko kayo narinig. Ano pala iyon?”

Ngumiti siya at tinaasan niya ako ng kilay. “Here, clean it, Yaya!” aniya at tinapon ng malakas sa sahig ang condom na puno ng semilya ng asawa ko.

Hindi ko napigilan ang muling pag-luha ng mga mata ko. Nainsulto ako sa ginawa ng babae niya. Mabuti na lang at tumalikod na ang babae at agad na umalis.

Naiwan kaming dalawa ni Farris sa gitna ng sala kung saan niya ako harap-harapang niloko.

Yumuko ako upang abutin ang bagay na tinapon ng babae niya. Natigilan ako nang bigla niyang pinigilan ang kamay ko.

“Leave that alone,” aniya na maawtoridad ang tono.

Hindi ko siya pinansin at sinubukan ko pang abutin ang condom sa sahig. Pumuwersa na siya ngayon.

“I said, leave that alone!” sigaw niya.

Nanginginig ang bibig ko at mga kamay. Umahon ako at humarap ako sa kaniya. Malakas akong pumiglas kaya nabitawan niya ako.

“Huwag mo akong mahawak-hawakan, Farris! Hindi ba ito ang gusto mong gawin ko? Iyong pag-silbihan ka a-at maging katulong mo? Trabaho ng isang katulong ang linisin ang d-dumi at kalat ng amo niya! Kaya puwede ba’y umalis ka na lang sa harapan ko ngayon!?” sigaw ko sa kaniya.

Bumagsak ang katawan ko at napaupo ako sa sahig. Ngayon ay sigaw ako ng sigaw kaiiyak habang pinupunasan ang semilyang kumalat sa tiles.

“Jenissa! I said stop that and leave that alone,” sigaw niya pa.

Hindi ko siya pinakinggan. Nanginginig kong pinulot ang condom sa sahig habang patuloy lang ako sa pag-iyak. Ang sakit-sakit ng puso ko. Ang sakit-sakit talaga. Ang baba ko na klase ng tao, ang baba-baba kong babae.

“Sana naging masaya ka sa mga ginagawa mo sa akin, Farris. Hindi mo man lang ako nirespeto! Bakit kailangan mo pa akong lokohin ng harap-harapan? Sana naman inisip m-mo na tao ako, na nasasaktan rin ako! Ganoon ka ba talaga ka-walang puso?”

Lumapit siya sa akin at pinatayo ako. “Hindi mo ba ako narinig, babae ka!? I said leave that alone!”

Tumingin ako sa kaniya habang patuloy na lumuluha. “Alam ko na h-hindi mo ako mahal. And I-I’m not naive to that fact. Pero sana alam mo na m-may puso ako! Tao ako at nasasaktan!”

Blangko lang siyang nakatingin sa akin. Bigla siyang ngumiti at niyugyog ako.

“Wake up! Huwag kang magpa-victim, Jenissa. You cheated on me! May lalaking naghatid sa iyo! Kung akala mo palalagpasin ko iyon, puwes nagkakamali ka! At isa pa, I will fuck anyone I want! Bahay ko ito! Bahay ko!”

“‘Tangina ka!”

Hinagis ko sa kaniya ang condom na hawak ko. Tumilamsik sa kaniyang damit ang mga semilya niyang nasa loob nito. Umabot rin ang talsik sa kaniyang mukha.

Dahil sa galit niya ay tinaas niya ang kamay niya.

“Sige! Saktan mo ako! Saktan mo ako at huwag kang magpahinga kabubugbog sa akin, Farris! Saktan mo ako! Tutal iyon naman ang gusto mo hindi ba? Doon ka masaya! Masaya kang nakikita akong lugmok, palaging umiiyak at bugbog sarado! Putangina lang! I'm so tired of this life!” sigaw ko.

Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang kamay niyang binaba na niya. Ako na mismo ang sumampal ng sarili ko gamit ang malaki niyang kamay!

Hinila niya ang kamay niya. Ngumiti ako habang nakatitig ako sa kaniya. 

Malakas kong pinagsasampal ang sarili ko. Tutal ito naman ang gusto niya ang mabugbog ako palagi at palaging may pasa.

“G-Ganito ba!? G-Ganito ang gusto mo, hindi ba!?” sigaw ko at patuloy sa ginagawa kong pananakit sa sarili ko.

He stepped off to my direction. Kinuha niya ang mga kamay ko at mahigpit niya akong hinawakan sa magkabila kong pulso.

“Tumigil ka na! Nahihibang ka na ba!?” he shouted.

“Hibang na hibang na, F-Farris! Sa kahibangan ay parang gusto ko na lang mabura na parang bula!” Pumiglas ako at tinulak ko siya.

Bumuntung-hininga ako. Inayos ko ang buhok ko. Hindi ko na sinubukang punasan pa ang mga luha ko. Ganoon lang din naman ang mangyayari, kahit na ilang beses kong punasan ito ay agad rin itong mapapalitan ng panibagong mga luha. Hinayaan ko na lang bumulwak at bumagsak sa sahig ang mga luha ko.

Nilagpasan ko siya. Aalis ako. Kahit na hindi ko alam kung saan ako pupunta.

“Where the fuck are you going!?” sigaw niya.

“Jenissa! Bumalik ka rito!”

Takbo ako ng takbo hanggang sa makalabas ako sa gate ng bahay namin. Wala akong dalang kahit na ano, bukod sa sarili kong walang silbi at halaga.

Mali, dala ko pala ang poot at sakit na dinulot ng asawa ko, ni Farris.

Naglalakbay ako ngayon at hindi ko alam saan ako patungo. Tanging mga ilaw lang sa bawat poste ng kuriyente ang naging tanod ko sa gitna ng maputik na kalsada. Namanhid na ang aking balat dahil sa ginaw dulot ng ulan na kanina pa ako pinaliliguan. Namanhid ang mga sugat subalit dama pa rin ng puso ko ang masalimoot at masasakit na wika ni Farris.

Nakakita ako ng bangko kaya agad akong tumungo rito at umupo. Nanginginig na ako sa ginaw ngayon. Tantiya ko ay isang oras na akong naglalakad sa kalsadang ito.

Iniwas ko ang aking sulyap sa silaw na nagmula sa ilaw ng isang kotse.

Huminto ang kotse sa tapat ko kaya naman ay maigi akong humarap dito. Salamat na lang at makakaalis na ako kapag tinulungan ako ng taong nasa loob ng kotse.

Tumayo ako at agad na kumatok sa bintana ng kotse. Ito na siguro ang pagkakataon na makatatakas na ako mula sa kamay ni Farris.

“T-Tulungan mo ako! I-Itakas mo ako sa lugar na ito! Ilayo mo ako sa asawa ko! Bunubugbog niya ako! P-Palagi niya akong sinasak-sinasaktan! M-Maawa---”

Tumigil ako sa aking ginawang pagkatok nang bumukas ang bintana. Napalunok ako at naawang ang aking mga labi.

Umatras ako ng umatras hanggang sa muli akong napaupo sa bangkong kinakauupuan ko kanina.

Bumukas ng tuluyan ang pintuan ng sasakyan. Nakatingin lang ako sa sapatos niyang natatalsikan ng putik na dinulot ng pagpatak ng ulan.

He’s coming. He’s walking on to my direction.

Yumuko siya at kinabig ang ulo ko. Mahigpit niya akong hinawakan sa buhok ko malapit sa aking batok at hinila niya ako pataas.

“P-Pakawalan mo na ako! A-Ayaw ko na! M-Maawa ka naman sa akin!” pagmamakaawa ko.

Wala siyang emosyong nakatitig sa akin. Maya't maya ay tumawa siya ng tumawa.

“Hahahaha! You really think that you can escape from me, Jenissa!?” sabi niya at dinura niya ang aking mukha. “Huwag mo na lang habulin ang suwerte mo! Matagal ka ng walang suwerte, babae ka!”

“H-Hayop ka, Farris! N-Nasasaktan ako,” ani ko.

Hindi niya ito ininda. Inangat niya ang kaniyang kabilang kamay at bigla akong sinampal nito ng dalawang beses. Uminit ang aking mukha na kanina ay nanlalamig.

“Aaaah! T-Tama na!” pagsusumamo ko.

Hinila ako ni Farris patungo sa kaniyang sasakyan. Akala ko ay makakaligtas na ako. Hindi pala! Akala ko lang pala ito.

Binuksan niya ang pintuan sa backseat ng kaniyang kotse at walang awa niya akong tinapon sa loob nito.

“F-Farris, naman! Hanggang kailan mo ba ako sisingilin sa utang ng Daddy ko!? It's already five years! H-Hindi pa ba sapat ang lahat ng ginawa ko? Hindi ka pa ba nagsasawang saktan at bugbugin ako?” iyak ko.

May kung ano siyang kinuha sa front seat.

Hinila niya ako at tinali niya ang mga kamay ko padikit sa aking katawan.

“Hinding-hindi ka puwedeng umalis sa tabi ko, babae ka! Sa akin ka na habang-buhay!  Sinabi ko na rin sa iyo na hindi ka puwedeng tumakas kasi kahit saan na dako ka pa ng impiyerno mag-kubli ay susundin pa rin kita!” nakakasindak niyang sabi.

Napapikit ako sa sinabi niya. Wala talaga siyang awa. Hindi pa siya nakuntento sa ginawa niyang pag-tali sa aking mga kamay. Sinunod niya pa ang aking mga paa.

Imbes na umimik ay tumahimik na lang ako at hinayaan ko siya sa kaniyang ginagawa. Hinubad niya ang kaniyang necktie at tinali niya ito sa likod ng ulo ko upang matabunan ang aking bibig.

Wala na ba akong karapatang mamuhay ng normal? Iyong malayo sa kinaroroonan ko ngayon?

Hindi ito ang buhay na gusto ko. Ang layo nito sa pangarap kong buhay noon. Sinabi ko sa sarili ko noon na ako ang magiging pinakamasipag na asawa kapag dumating na ang panahon. Handa akong pagsilbihan ang asawa ko at ialay sa kaniya ang lahat-lahat.

Hindi ito ang love story na inasam ko. Bakit rin ba kasi ako naniwala sa mga ‘tanginang fairytale na binabasa ko noon?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lenny Yruma
bakit may gamito klase story.. madyado ka mapanakit na author ...Hindi manhid yong mga readers nyo ....shawla ka ......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status