LOGINChloe’s POVParang huminto ang mundo ko sa sinabi ng tauhan. “Elena Montenegro?” ulit ko, nanginginig ang bawat pantig ng pangalan. “Ang anak ni Julian… nandito siya?”Mahigpit na hinawakan ni Leo ang bewang ko, damang-dama ko ang biglaang paninigas ng kanyang katawan. “Ipakita mo sa amin ang footage,” mariing utos niya. “Ngayon na.”Sa security room, nakatitig kaming lahat sa screen habang pinapanood ang madilim na video—malinaw na makikita ang babaeng nakatayo sa likod ng puno, nakatingin direkta sa bintana ng kwarto namin. Nang itaas niya ang mukha at tumama ang mahinang ilaw ng buwan sa kanya… napasinghap ako. Maganda siya, may matalim na mga mata na parang kilala ko… at nakangiti. Isang ngiting malamig, puno ng paghamon.“Anong kailangan niya?” bulong ko habang napapahawak sa tiyan ko, parang biglang sumikip ang paghinga ko. “Kung anak siya ni Julian… bakit siya nakikisali rito?”Lumingon si Leo sa akin, hinawakan ang magkabilang kamay ko nang mahigpit. “Hindi mo kailangang harap
Chloe's POVBiglang namatay ang lahat ng ilaw.Sa loob ng isang iglap, nilamon ng kadiliman ang buong mansyon.Napasinghap ako at agad na kinapa ang paligid hanggang sa maramdaman ko ang kamay ni Leo."Leo... where are you?""Nandito lang ako," mahina niyang sagot habang mahigpit akong hinihila palapit sa kanya. "Don't be scared. Hawak kita."Halos kasabay noon, mabilis siyang lumapit sa crib ni Leonel. Kahit hindi ko siya gaanong makita, narinig ko ang maingat niyang paghaplos sa aming anak."He's okay," bulong niya. "Tulog pa rin."Ngunit ramdam ko ang tensyon sa boses niya.Ilang segundo lang ang lumipas nang makarinig kami ng nagmamadaling yabag sa hallway.Sunod ang malakas na katok."Sir Leo!"Bumukas ang radyo ng isa sa mga bodyguard sa labas."Sir! Main circuit breaker has been sabotaged! At may nakita po kaming unidentified person sa hallway malapit sa master's bedroom. Nakalayo po siya bago namin naabutan."Parang tumigil ang paghinga ko.Hallway.Ibig sabihin... ilang hakba
Leo's POV Ilang minuto lang ang lumipas, dumating na sa garahe ang mga pinagkakatiwalaan kong tauhan. Doon nakaparada ang SUV na palagi naming ginagamit kapag kasama si Leonel. Paglapit pa lang nila, alam ko nang may mali. Kita sa mga mukha nila ang tensyon. "Sir Leo," seryosong bungad ng head of security. "May nakita po kaming bakas ng paa sa likod ng bahay. Maliit lang ang sukat, pero mukhang sinadya talagang dumaan papunta sa garahe." Huminto siya sandali bago inilabas ang isang maliit na bagay na nakabalot sa puting panyo. "At ito po... nakita naming nakakabit sa likod ng car seat ni Baby Leonel. Sigurado po kaming hindi ito galing sa mga tao natin." Dahan-dahan kong kinuha ang bagay. Isang maliit na silver tag. Wala itong pangalan, pero sapat na ang ukit na nasa gitna para kumulo ang dugo ko. Simbolo ng Montenegro. Nanigas ang panga ko habang mahigpit ko itong hinahawakan. Nakapasok sila. Hindi lang sa bakuran. Kundi sa mismong tahanan namin. Sa lugar na akala ko a
Chloe's POV“Alam na nating si Julian Montenegro ang nasa likod ng lahat ng ito,” kalmadong sabi ni Leonard Sr. habang pinagmamasdan ang bawat isa sa amin. “He already made us pay for sins we never committed, and now he wants to destroy everything we've built. We need to be smart. More than that, we need to stay united.”Tahimik ang malawak na sala ng Villafuerte mansion. Nakaupo roon ang lahat ng taong handang lumaban kasama namin—si Leonard Sr., Tiya Adele, sina Giovanni at Marielle, Adrian at Alexa, pati ang dalawang abogadong matagal nang pinagkakatiwalaan ng pamilya. Nakakalat sa mahabang mesa ang mga dokumento, kopya ng mga ebidensya, sworn statements, at mga plano na ilang araw naming pinaghandaan.Hindi takot ang naroon sa bawat mukha. Determinasyon.Nagpalitan ng tingin ang dalawang abogado bago nagsalita ang isa.“Mr. Montenegro has powerful connections. Matagal na siyang sanay gumalaw sa likod ng mga tao,” seryoso nitong sabi. “Pero kung maipapakita natin ang malinaw na ebi
Leo’s POVNakakalat sa ibabaw ng malaking mesa sa silid-aklatan ang mga lumang dokumento, kopya ng mga transaksyon sa bangko, at mga kupas na ulat na pinagsama-sama namin ni Giovanni buong maghapon. Nakakunot ang noo ko habang pinag-uugnay ang bawat detalye na matagal nang nakatago sa dilim.“Tingnan mo ito, Leo,” seryosong sabi ni Giovanni habang itinuturo ang pangalang nakasulat sa mga talaan ng bangko—Julian Montenegro. “Inalis siya sa kumpanya ng tatay mo ilang dekada na ang nakalilipas dahil sa pagnanakaw at pagsasabwatan. Nangako siya noon na babalik at wawasakin ang lahat ng Villafuerte. At ngayon… nakikita natin na siya pala ang nagpondo sa tinatawag na Project Lazarus—ang lihim na samahang nasa likod ng lahat ng panghihimasok, paninira, at banta sa pamilya niyo.”Napahawak ako sa gilid ng mesa, parang biglang bumigat ang buong mundo sa balikat ko. “Damn it,” bulong ko sa sarili ko. “Akala ko tapos na ang lahat ng gulo mula sa nakaraan. Akala ko nakaalis na ang lahat ng kalaba
Chloe's POV"Alam kong delikado, Leo," mahinahon pero matatag kong sabi habang pinapanood siyang ihanda ang mga gamit niya bago umalis kasama si Marco para sa imbestigasyon. "Pero hindi puwedeng magtago lang ako sa bahay habang sinisira nila ang pangalan ko at pinagbabantaan ang pamilya natin."Napabuntong-hininga siya at humarap sa akin. Kita sa mga mata niya ang matinding pag-aalala."Natatakot lang ako para sa'yo... at kay Leonel," mahina niyang sabi. "Kung may mangyari sa inyo habang wala ako, hindi ko mapapatawad ang sarili ko."Lumapit ako at hinawakan ang magkabilang kamay niya."Ikaw ang nagturo sa akin na maging matapang," sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya. "Kaya hayaan mo akong lumaban kasama mo—hindi sa likuran mo. Kailangan nilang makita na hindi ako madaling matinag, at lalong hindi ang pamilya natin."Ilang sandali siyang natahimik bago siya ngumiti. Dahan-dahan niya akong hinila sa isang mahigpit na yakap."Tama ka," bulong niya. "Hindi kita dapat ikulong dahil
Leo’s POV Tahimik na tahimik ang buong penthouse ko. Ang lamig ng aircon ay tumatagos kahit sa suot kong damit—bagay na bagay sa imahe kong “Ice King” na laging pinapakita ko sa lahat. Sa labas ng malalaking bintana, makikita ang kumikinang na ilaw ng siyudad ng Maynila, pero ang buong atensyon ko
Chloe’s POVAng ingay sa loob ng Villafuerte Gala Ballroom ay nakakabingi, pero sa pandinig ko, parang naging muffled background noise na lang ang lahat. All the lights and the judgmental eyes of the elite were fixed on us, trying to peel off my skin and see the "fraud" underneath.Pero mas nararam
Chloe’s POV The drive back to the penthouse felt suffocating. Pagkatapos ng gulo sa office niya at ng biglaang pagpapakita ni Sophia, sobrang bigat ng katahimikan sa loob ng itim na SUV ni Leo. Mahigpit niyang hawak ang manibela kaya mapuputi na ang kanyang mga buko. He was driving with reckless pr
Chloe’s POV Nakahiga ako sa kama, nakatitig sa puting kisame habang paulit-ulit na nagre-replay sa isip ko ang lahat ng nangyari. Lalo na ang paraan ng pagtingin sa akin ni Leo Villafuerte—delikado. ‘Yung klase ng tingin na makakalimutan mo na ang sarili mong pangalan. “Hindi pwede ‘to,” bulong ko







