MasukKabanata 3
Alex’s POV Nakatulala lang ako sa hawak kong pregnancy test nang nakita ang dalawang guhit. Dalawang buwan na akong hindi dinadatnan kaya bumili ako ng PT kanina. “No…” mahina kong bulong. Mabilis akong umiling. Agad akong kumuha ng isa pang pregnancy test at ulit iyong ginamit Pero pareho pa rin ang resulta. Positive. Napaupo ako sa gilid ng kama habang nanginginig ang kamay ko. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Unti-unti akong napahawak sa tiyan ko. Buntis ako. Hindi ko alam kung sino ang ama ng batang dinadala ko maliban sa estrangherong nakasama ko sa hotel. Napapikit ako habang pinipigilan ang pag-iyak. “What am I supposed to do now?” bulong ko. Tumunog ang cellphone ko at nakita ang pangalan ni Mama sa screen. Kinuha ko ang cellphone at sinagot ang tawag niya. “Anak, may extra money ka ba riyan? Ubos na kasi ang gamot ng Papa mo,” sabi ni Mama sa kabilang linya. Napahawak ako sa ulo ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. May sakit si Papa at kailangan niya ng maintenance na gamot tapos ngayon ay nagdadalang-tao pa ako. Ano na lang ang iisipin ng pamilya ko kapag nalaman nilang nabuntis ako, pero hindi ko kilala ang ama? “Mama…” mahina kong sabi. “Kumusta na si Papa?” “Gan’on pa rin, anak. Mabilis mapagod. Tapos mataas na naman blood pressure niya kagabi.” Napapikit ako. “Dinala niyo ba sa clinic?” “Oo, pero may nireseta na namang gamot.” Bumuntong-hininga si Mama. “Pasensya ka na, anak. Ikaw na naman hinihingian ko.” “Okay lang, Ma. Magpapadala ako ngayon.” “Sigurado ka ba? Baka kapusin ka.” “May sweldo pa naman ako.” Tumahimik si Mama sandali bago nagsalita ulit. “Anak… okay ka lang ba? Parang matamlay ka kasi.” “I’m fine, Ma. Napagod lang sa work.” “Hindi ka pa rin ba okay dahil kay Marco?” Biglang sumikip ang dibdib ko sa pagbanggit ng pangalan niya. “Please, Ma. Ayoko muna pag-usapan iyon.” “Pasensya na.” Bumuntong-hininga siya. “Hindi ko lang matanggap na nagawa niya iyon sa ‘yo.” “Ako rin naman.” Napatawa ako nang mahina pero walang saya. “Pero tapos na iyon.” “Makakahanap ka rin ng lalaking mamahalin ka nang tama.” Napalunok ako habang napapahawak ulit sa tiyan ko. Hindi na ako nakasagot. “Anak?” “Kailangan ko na pong mag-work, Ma. Magpapadala ako mamaya.” “Okay. Mag-ingat ka lagi.” Pagkababa ng tawag, tuluyan na akong napaiyak. Pakiramdam ko sabay-sabay akong sinasakal ng problema. Brokenhearted na nga ako, buntis pa ako. Tapos may sakit pa si Papa. Pagkatapos kong magpadala ng pera kina Mama, agad akong naligo at naghanda para pumasok sa trabaho. Malapit nang matapos ang kontrata ko sa kompanya kaya kailangan kong magtiis kahit nahihirapan ako emotionally. Pagdating ko sa office building, ramdam ko agad ang mga tingin ng tao sa akin. Alam kong pinag-uusapan pa rin nila ang nangyari sa engagement party. “Isn’t that Alex?” “She’s still working here?” “I heard iniwan daw siya ng boyfriend niya.” Napahigpit ang hawak ko sa bag ko pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Pagpasok ko sa lobby, agad kong nakita sina Lovely kasama ang dati naming circle of friends. Nakatawa sila habang nagkukuwentuhan. Nang makita ako ni Lovely, bigla itong ngumisi. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad dahil wala akong energy para patulan sila. “Salamat, Alex,” malakas na sabi ni Lovely kaya napahinto ang ilang empleyado sa paligid. “Dahil sa iyo naabot ni Marco ang mga pangarap niya.” Unti-unti akong napahinto. “Pero sorry kasi unang-una pa lang, hindi ka na kasali sa pangarap niya. Ginamit ka lang niya.” Mabilis kumuyom ang mga kamao ko. Mabilis akong humarap sa kanila. Ngumisi ako kahit na gusto ko na naman siyang sugurin. “Proud na proud ka pa talaga sa pagiging mang-aagaw mo, Lovely?” Mabilis nag-iba ang ekspresyon niya. “Kahit na ikaw ang pinili niya, hindi mababago ang katotohanang naging other woman ka sa relasyon namin. Mana ka talaga sa nanay mong dakilang kabit. Kaya hindi na ako nagtaka kung bakit mo nagawa iyon sa akin. Dahil kung ano ang puno, iyon din ang bunga. Naging kabit ang nanay mo. Pareho kayong mang-aagaw.” “Watch your mouth!” sigaw ni Lovely. “Why?” taas-kilay kong tanong. “Totoo naman, ah.” “Hindi mo puwedeng idamay ang mama ko!” “At hindi mo rin dapat ginalaw ang fiancé ko dahil tinurin kitang parang totoong kapatid!” sigaw ko pabalik. “Pero ginawa mo pa rin!” Namumula ang mukha ni Lovely sa galit. “At least pinili ako ni Marco!” Napatawa ako nang mapait. “Congratulations. You won a cheater.” “Excuse me?” “You heard me.” Lumapit ako sa kaniya. “Akala mo ba special ka? Kung nagawa niyang lokohin ako habang kami pa, anong assurance mong hindi niya rin gagawin sa ‘yo iyon?” “Because he loves me!” “Talaga ba?” natatawa kong tanong. “A man who truly loves you wouldn’t sleep with you behind another woman’s back.” “Stop acting innocent, Alex,” singit ng isa naming dating kaibigan. “Hindi ka rin naman perfect.” Mabilis akong napatingin dito. “Oh really? Ano bang ginawa ko?” “Marco was unhappy with you for a long time.” Napatango ako nang dahan-dahan. “So kasalanan ko pa?” “Nobody said that.” “But that’s exactly what you’re implying.” Napairap si Lovely bago hinawakan ang braso ni Marco na kararating lang pala. Agad nanlamig ang katawan ko nang makita siya. Naka-formal attire pa rin siya galing meeting pero walang bakas ng guilt sa mukha niya. “Marco,” sabi ni Lovely habang nakayakap dito. “Your ex is causing drama again.” Napatingin sa akin si Marco. “Ano na naman ba ang problema mo, Alex? Hindi ka ba maka-move on sa akin?” malamig niyang tanong. Napatawa ako dahil sa kapal ng mukha niya. Kumunot noo niya. “Can’t you just move on?” “Move on?” ulit ko habang nakatitig sa kaniya. “You humiliated me in front of everyone, Marco.” “And I already ended things with you. Ano pa bang gusto mo?” “Respect.” Tumawa siya nang mahina. “You’re asking respect from me after everything?” “After everything?” ulit ko. “Ikaw ang nag-cheat.” “Because I got tired of you!” sigaw niya dahilan para matahimik ang paligid. Ramdam kong namuo ang luha sa mata ko pero pinigilan ko iyon. “You know what?” tumango ako. “Thank you.” Nagulat siya sa sinabi ko. “For what?” “Because you saved me from marrying a disgusting man like you.” Mabilis nagdilim ang mukha niya. “At least I’m with someone better now,” sabi niya habang hinihigpitan ang hawak kay Lovely. Napangiti ako nang pilit. “Then stay with her. Bagay naman kayong dalawa.” Tatalikod na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang braso ko. “Hindi mo pa rin ba matanggap na hindi ikaw ang pinili ko?” malamig niyang bulong. Mabilis kong inalis ang kamay niya sa braso ko. “Let go. Nasusuka ako sa mukha mo.” Tahimik siyang napatitig sa akin at binitawan ako. Pagkatapos no’n, iniwan ko silang lahat habang taas-noong naglalakad palayo. Pero pagkapasok ko sa elevator, doon bumigay ang katawan ko. Napahawak ako sa tiyan ko habang pilit pinipigilan ang pag-iyak. “I’m sorry…” bulong ko sa batang dinadala ko. “I’ll protect you no matter what.”Kabanata 61 Azrael's POV Sunod kong binuksan ang folder na naglalaman ng mga financial records ni Congressman Qiambao. Isa-isang dumaan sa paningin ko ang mga dokumento. Mga pondong inilaan para sa mga infrastructure project sa distrito niya, pero napunta sa pagbili ng mga bahay, mamahaling sasakyan, at iba't ibang ari-arian. Milyon-milyong piso ang nawala. Milyon-milyong pisong dapat ay para sa mga mamamayan. "Ang dami niyang ninakaw," malamig kong sabi habang patuloy na binabasa ang mga dokumento. "Ang dami niyang binulsa. Paano siya nakaligtas sa lahat ng imbestigasyon? Paano hindi siya nahuli?" "Malakas po ang kapit niya, Boss," sagot ni Carlo. "Marami po siyang koneksyon sa gobyerno. May mga kakilala rin po siya sa loob ng pulisya at iba pang ahensya. Kaya sa tuwing may nagsasampa ng kaso laban sa kanya, lagi siyang nakakalusot. Palagi pong may nagtatakip sa mga kasalanan niya." Napakuyom ako ng kamao. "Hindi na siya makakalusot ngayon." Tumayo ako mula sa upuan at daha
Kabanata 60 Azrael's POV Nakatayo ako sa harap ng malaking mesa sa opisina ko. Nakasindi ang lahat ng ilaw sa kisame, pero parang hindi pa rin sapat para maalis ang bigat ng paligid. Ang atensyon ko ay nakatutok sa mga dokumentong nakalatag sa harapan ko. Mga dokumentong naglalaman ng pangalan ng taong dapat managot sa lahat ng nangyari sa pamilya ko. Congressman Raffy Qiambao. Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatitig sa pangalan niya. Paulit-ulit ko iyong binabasa, parang gusto kong ukitin sa isip ko ang bawat letra. Siya ang dahilan kung bakit nasa ospital ang anak ko. Siya rin ang taong nag-alok ng isang milyong piso sa asawa ko para patahimikin siya. "Boss, siya po ang congressman na naging karelasyon ni Marga," seryosong ulat ni Carlo habang nakatayo sa harap ng mesa ko. Nakayuko ang ulo niya. Alam niyang wala ako sa tamang kondisyon. "Siya rin po ang may-ari ng sasakyang nakabangga kay Aiden. Ayon sa imbestigasyon namin, siya mismo ang nagmamaneho noong araw na iyon."
Kabanata 59 Alex's POV Napahagulhol ako nang nakita ko si Azrael na pumasok sa kwarto ni Aiden dito sa ospital. Kararating niya lang at kagigising lang din ni Aiden. "Azrael," tawag ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. "Salamat sa pagdating mo. Kailangan ka namin ngayon." Mabilis niya akong niyakap. "I'm here, Alex. Sorry kung natagalan ako. Hindi ko alam na ganito pala kalala ang nangyari." "Daddy," mahinang tawag ni Aiden. Nakapikit-pikit pa ang mga mata niya. Halatang mahina pa siya at pagod na pagod pa. Kumalas si Azrael sa pagyakap sa akin at lumapit sa anak namin. "Son, how are you? May masakit ba? Masakit ba ang katawan mo?" sunod-sunod niyang tanong. Niyakap niya rin ang anak namin. "I'm okay, Dad," sabi ni Aiden. Mahina ang boses niya. Pero ngumiti siya. "Masakit lang po ang ulo ko. Pero okay lang." Bumaba ang tingin ni Aiden sa akin. "They bullied Mommy, Dad. ‘Yung mga pulis. Sinabihan nila si Mommy na delusional siya. Sinabihan nila si Mommy na wala k
Kabanata 58 Alex's POV Hinawakan ko ang malamig na kamay ni Aiden. Sobrang lamig. Parang yelo. Hindi ko alam kung dahil ba sa aircon ng ospital o dahil sa kung ano pa. Pero hindi ko gusto ang pakiramdam na ito. Hindi ko gusto na ganito ang anak ko. "Aiden." Tawag ko sa kanya. Mahina. Parang natatakot akong sumagot siya. Pero mas natatakot akong hindi siya sumagot. Hindi siya sumagot. "Baby… Wake up. Mommy is here." Hinaplos ko ang pisngi niya. "Please, Aiden. Nag-aalala ako sa iyo." Wala pa ring reaksyon. Nakita ko ang dugo sa damit niya. Tuluyan akong napaiyak. "Please… Huwag mo akong iwan. Hindi ko kakayanin kung mawala ka. Ikaw lang ang meron ako bago dumating si Daddy mo." Niyakap ko ang walang malay kong anak habang patuloy ang pagpatak ng mga luha ko. Paulit-ulit kong sinasabi sa kanya na mahal ko siya. Paulit-ulit kong sinasabi na hindi ko siya iiwan. Maya-maya'y dumating ang mga pulis. Tatlo sila. Nakasuot ng uniporme. May dalang notebook at ballpen. Tumingin sila sa
Kabanata 57 Alex's POV Tahimik ang hapunan namin ngayong gabi. Hindi gaya ng dati na puno ng kwentuhan at tawanan. May kakaiba sa hangin. May mabigat sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may masamang mangyayari. “Wife, mawawala ako ng ilang linggo dahil may business trip ako sa Indonesia,” sabi ni Azrael habang kumakain kami ng hapunan. Hindi niya ako tinitignan. Nakatuon ang atensyon niya sa pagkain sa harapan niya. Nag-angat ako ng tingin bago sinubo ang pagkain. “Ayos lang. Mag-ingat ka lang doon.” Pilit akong ngumiti. Hindi ko gustong ipakita na nalulungkot ako. Hindi ko gustong ipakita na natatakot akong mawala siya kahit ilang linggo lang. Bumaling siya sa anak naming si Aiden na abala sa pagkain ng ice cream. “Son, bantayan mo si Mommy habang nasa abroad ako. Kapag may nanakit kay Mommy, inform me agad. Okay?” “Yes, Dad. I will protect Mommy!” masiglang sagot ni Aiden kahit na punong-puno ang bibig niya. “Promise! Walang mananakit kay Mommy habang wala ka.
Kabanata 56 Alex's POV Pagkapasok ko pa lang sa elevator ng Laurent Holdings, alam ko nang may iba sa hangin. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero ramdam ko ang pagbabago. Parang lahat ng tao sa paligid ko ay may kanya-kanyang ngiti na hindi ko maintindihan. May mga nakatingin sa akin na may halong paghanga, may iba namang parang natutuwa na makita ako. Hindi ako sanay sa ganitong atensyon. Nang magbukas ang p***o ng elevator sa floor ng mga architects, hindi na ako nagtaka kung bakit. Bawat taong lumalabas at pumapasok sa elevator ay pinag-uusapan si Susan. Hindi ko maiwasang marinig ang mga bulungan nila. "Alam mo ba, simula kaninang umaga, naglilinis na siya. Hindi siya pinayagang umupo kahit isang segundo," sabi ng isang babae na nakasuot ng black blazer. Nakatingin siya sa cellphone niya habang nagkukuwento sa kasama niya. "Seryoso? Si Susan na architect? Ang may-ari ng Mendez Group?" tanong ng isa pa, halatang hindi makapaniwala. "Oo. Sinabi mismo ni Sir Azrael. Hindi na
Kabanata 5Alex’s POV“Mommy, how's the interview?” tanong agad ng anak ko pagkatapos ko siyang sunduin sa school niya.Ngumiti ako habang inaayos ang buhok niya.“I'm hired!” masayang sabi ko kay Aiden.Mabilis niya akong niyakap. “Congratulations, Mommy! You're the best architect!”Napangiti ako
Kabanata 4Alex’s POVSix years later…“Mommy! Faster!” masayang sigaw ni Aiden habang tumatakbo palabas ng maliit naming apartment.“Hey! Slow down!” natatawa kong sigaw habang hinahabol siya. “Madadapa ka!”Huminto siya sa hallway at ngumisi sa akin. “But I’m excited!”Napailing ako habang inaayo
Kabanata 2Alex's POVPagpasok pa lang namin sa isang kwarto, agad inangkin ng estranghero ang labi ko kasabay ng pagbaba niya sa zipper ng dress ko. Pinatalikod niya ako at hinalikan ang leeg ko habang ang mga kamay niya ay naglalakbay sa iba't ibang parte ng katawan ko. "So what's your name?" t
Kabanata 1Alex’s POV“Nasaan na ba si Marco?” tanong ng mommy ni Marco habang palinga-linga sa entrance ng ballroom.Mabilis akong napatingin sa paligid dahil wala rin akong maisagot. Kanina pa late si Marco.“Baka traffic lang, tita,” pilit kong sagot kahit ako mismo kinakabahan na.Napatingin ak







