Partager

Kabanata 4

Auteur: Lavender Skye
last update Date de publication: 2026-05-25 04:05:46

Kabanata 4

Alex’s POV

Six years later…

“Mommy! Faster!” masayang sigaw ni Aiden habang tumatakbo palabas ng maliit naming apartment.

“Hey! Slow down!” natatawa kong sigaw habang hinahabol siya. “Madadapa ka!”

Huminto siya sa hallway at ngumisi sa akin. “But I’m excited!”

Napailing ako habang inaayos ang maliit niyang backpack.

Six years old na si Aiden pero sobrang kulit pa rin. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang personality niya. Madaldal siya, makulit, at sobrang lambing.

“Excited saan?” tanong ko habang yumuyuko para ayusin ang necktie niya.

“Because you have an interview today!” sagot niya. “Kapag natanggap ka, bibili tayo ng dinosaur lunch box!”

Napatawa ako nang mahina. “So iyon lang pala ang gusto mo?”

“And nuggets,” dagdag niya agad. “And fries. And ice cream.”

“Wow. Ang dami.”

“Because we’re celebrating!”

Hindi ko napigilang ngumiti habang pinagmamasdan siya.

Anim na taon na ang lumipas mula noong gabing bumago sa buhay ko. Marami nang nangyari. Pero kahit gaano kahirap ang naging buhay ko, never kong pinagsisihan si Aiden.

Siya ang dahilan kung bakit bumabangon pa rin ako araw-araw.

“Mommy?”

“Hmm?”

“Are you nervous?”

Napabuntong-hininga ako. “A little.”

Actually, sobra.

Laurent Holdings ang a-apply-an ko. Isa iyon sa pinakamalaki at pinakamakapangyarihang kumpanya sa bansa. Kapag natanggap ako roon, magiging stable na ang buhay namin. Hindi ko na kailangang kumuha ng kung anu-anong sideline projects para lang mabayaran ang bills.

“Don’t worry,” sabi ni Aiden habang hinahawakan ang kamay ko. “You’re the best architect.”

Napangiti ako. “Architectural designer pa lang si Mommy.”

“Still the best.”

Hinila niya ako pababa para halikan sa pisngi.

“Now go make money, Mommy.”

Napatawa ako nang malakas. “Who taught you that?”

“You.”

“Hindi ko tinuro ‘yan.”

“You said bills are scary.”

Napahawak ako sa noo ko habang tumatawa.

“Okay, okay. Tara na.”

Pagkatapos kong ihatid si Aiden sa school, dumiretso na ako sa Laurent Holdings.

Pagkababa ko pa lang ng taxi, halos mapatingala ako sa sobrang taas ng building. Puro glass walls at halatang sobrang mahal ng bawat detalye ng kompanya.

Huminga ako nang malalim bago tuluyang pumasok.

“You can do this, Alex,” bulong ko sa sarili ko.

Pagpasok ko sa lobby, agad akong sinalubong ng sobrang lamig na aircon at seryosong atmosphere. Halos lahat ng empleyado naka-formal attire at mukhang busy.

Lumapit ako sa reception.

“Good morning. I’m Alex Reyes. I have an interview scheduled for the senior architectural designer position.”

Ngumiti ang receptionist. “Yes, Ma’am. Please wait on the 35th floor. The executives will conduct the final interview there.”

“Thank you.”

Habang nasa elevator ako, pilit kong kinakalma ang sarili ko. Hindi puwedeng magkamali ako rito. Kailangan kong makuha ang trabahong ito.

Pagdating ko sa 35th floor, agad akong sinalubong ng isang babae.

“Miss Reyes?”

“Yes?”

“I’m Claire, executive assistant ni Mr. Azrael Laurent.”

Napatigil ako.

Azrael Laurent.

Hindi ko alam kung bakit pero may kakaibang pakiramdam agad akong naramdaman.

“This way, please.”

Tahimik akong sumunod sa kaniya habang pinagmamasdan ang paligid. Halos lahat ng empleyado tahimik.

Parang takot silang magkamali.

Huminto kami sa harap ng isang conference room.

“The board members are already inside,” sabi ni Claire. “And the CEO.”

Napalunok ako.

CEO mismo?

Ganito ba kaimportante ang posisyon na ina-apply-an ko?

“Good luck,” sabi ni Claire bago binuksan ang pinto.

Pagpasok ko, agad akong bumati.

“Good morning.”

Halos sabay-sabay silang napatingin sa akin.

Pero agad natigil ang paghinga ko nang makita ko ang lalaking nasa pinakadulong upuan.

Naka-black suit siya. Nakatiklop ang manggas ng polo niya hanggang wrist. Nakaayos ang buhok. Seryoso ang mukha.

Pero iyong mga mata niya… hindi ko makakalimutan iyon.

Nanlamig ang buo kong katawan.

Impossible.

Hindi puwede…

“Miss Reyes?” tawag ng isa sa executives. “Please take your seat.”

Dahan-dahan akong umupo habang nakatitig pa rin sa lalaki.

Siya ang estrangherong nakasama ko anim na taon na ang nakalipas.

Pakiramdam ko bumalik lahat ng alaala sa isang iglap. Kung paano niya ako inangkin.

“Oh God…” bulong ko.

“Is there a problem?” malamig na tanong ng lalaki. Diretso ang tingin niya sa akin. Parang hindi niya ako kilala.

Mabilis akong umiling. “N-No. Sorry.”

Tumango lang siya bago ibinalik ang tingin sa hawak niyang file.

“Start.”

Mabilis na nagsimula ang interview pero halos hindi ako makapag-focus. Hindi ko matanggap na siya ang CEO ng Laurent Holdings. At mas lalong hindi ko matanggap na hindi niya ako naaalala.

“Miss Reyes?” tanong ng isa sa board members. “Can you explain your proposed concept for sustainable urban residential structures?”

Mabilis akong natauhan.

“Yes. Of course.”

Huminga ako nang malalim bago nagsalita.

“As architects, we shouldn’t focus only on aesthetics. We also need functionality and sustainability—”

“Too broad.”

Naputol ako nang magsalita si Azrael.

Mabilis akong napatingin sa kaniya.

Nakasandal siya sa upuan habang malamig akong tinititigan.

“Be specific,” sabi niya. “I don’t like generic answers.”

Naramdaman kong nanuyo ang lalamunan ko.

“I apologize.”

“Then answer properly.”

Napahigpit ang hawak ko sa folder ko bago inayos ang sarili ko.

“Sustainable urban structures should maximize limited city spaces without sacrificing ventilation, natural lighting, and accessibility,” dire-diretso kong sagot. “Most developers prioritize profit over livability. That’s why many residential projects feel overcrowded.”

Tahimik lang siyang nakatingin sa akin.

I continued.

“If given the opportunity, I want to create designs that are both efficient and comfortable for long-term living.”

Nanatiling tahimik ang buong conference room pagkatapos kong magsalita.

Then Azrael spoke again.

“You designed this portfolio yourself?”

“Yes, Sir.”

“Without assistance?”

“Yes, Sir.”

“Prove it.”

Nagulat ako. “Excuse me?”

“Explain page seventeen.”

Mabilis kong binuksan ang portfolio ko.

“The mixed-use commercial structure?” tanong ko.

“Yes.”

Tumango ako bago nagsimulang mag-explain nang detalyado. Halos sampung minuto akong tinanong ni Azrael tungkol sa bawat detalye ng designs ko. At bawat sagot ko, mas lalo siyang tumatahimik.

Hindi ko alam kung good sign ba iyon o hindi.

Pagkatapos ng mahabang discussion, isinara niya ang file.

“You’re hired.”

Nanlaki ang mata ko. “What?”

Isa sa executives ang agad nagsalita.

“Mr. Laurent, shouldn’t we evaluate the other applicants first?”

“No need.” malamig na sagot niya. “She’s qualified.”

“Pero—”

“She stays.”

Natahimik agad ang lahat.

Doon ko naryealize kung gaano kalakas ang authority niya sa kompanya. Isang salita lang niya, tapos agad ang usapan.

Mabilis akong napatayo. “Thank you, Sir.”

Hindi siya sumagot agad. Tinitigan niya lang ako nang diretso.

“Don’t disappoint me, Miss Reyes.” malamig niyang sabi. “I hate incompetent people.”

Napahigpit ang hawak ko sa folder ko.

“I won’t, Sir.”

Tumango lang siya bago muling bumalik sa mga documents niya. Parang wala lang sa kaniya ang lahat ng nangyari sa amin. O sadyang hindi niya lang talaga ako maalala?

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • My Baby's Daddy Is My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 5

    Kabanata 5Alex’s POV“Mommy, how's the interview?” tanong agad ng anak ko pagkatapos ko siyang sunduin sa school niya.Ngumiti ako habang inaayos ang buhok niya.“I'm hired!” masayang sabi ko kay Aiden.Mabilis niya akong niyakap. “Congratulations, Mommy! You're the best architect!”Napangiti ako at pinagsiklop ang mga kamay namin kasi ibibili ko pa siya ng pagkain at laruan na pinangako ko sa kaniya kanina.Pagpasok namin sa isang fast-food restaurant, agad akong umorder ng mga kakainin namin ni Aiden.“Mommy, can I get extra fries?”“Extra agad?” taas-kilay kong tanong.“Please?” nakangiti niyang sabi habang nakahawak sa braso ko. “I supported you emotionally today.”Napahalakhak ako. “Supported emotionally?”“Yes.” Seryoso siyang tumango. “You were nervous earlier, remember?”“Fine. Extra fries.”“Yes!”Pagkatapos naming umorder, naupo kami sa isang bakanteng table. Habang hinihintay ang pagkain namin, tuloy-tuloy sa pagkukuwento si Aiden tungkol sa school niya.“Mommy, may crush

  • My Baby's Daddy Is My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 4

    Kabanata 4Alex’s POVSix years later…“Mommy! Faster!” masayang sigaw ni Aiden habang tumatakbo palabas ng maliit naming apartment.“Hey! Slow down!” natatawa kong sigaw habang hinahabol siya. “Madadapa ka!”Huminto siya sa hallway at ngumisi sa akin. “But I’m excited!”Napailing ako habang inaayos ang maliit niyang backpack.Six years old na si Aiden pero sobrang kulit pa rin. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang personality niya. Madaldal siya, makulit, at sobrang lambing.“Excited saan?” tanong ko habang yumuyuko para ayusin ang necktie niya.“Because you have an interview today!” sagot niya. “Kapag natanggap ka, bibili tayo ng dinosaur lunch box!”Napatawa ako nang mahina. “So iyon lang pala ang gusto mo?”“And nuggets,” dagdag niya agad. “And fries. And ice cream.”“Wow. Ang dami.”“Because we’re celebrating!”Hindi ko napigilang ngumiti habang pinagmamasdan siya.Anim na taon na ang lumipas mula noong gabing bumago sa buhay ko. Marami nang nangyari. Pero kahit gaano kahirap

  • My Baby's Daddy Is My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 3

    Kabanata 3Alex’s POVNakatulala lang ako sa hawak kong pregnancy test nang nakita ang dalawang guhit. Dalawang buwan na akong hindi dinadatnan kaya bumili ako ng PT kanina.“No…” mahina kong bulong. Mabilis akong umiling.Agad akong kumuha ng isa pang pregnancy test at ulit iyong ginamit Pero pareho pa rin ang resulta.Positive.Napaupo ako sa gilid ng kama habang nanginginig ang kamay ko.Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman.Unti-unti akong napahawak sa tiyan ko.Buntis ako.Hindi ko alam kung sino ang ama ng batang dinadala ko maliban sa estrangherong nakasama ko sa hotel.Napapikit ako habang pinipigilan ang pag-iyak.“What am I supposed to do now?” bulong ko.Tumunog ang cellphone ko at nakita ang pangalan ni Mama sa screen.Kinuha ko ang cellphone at sinagot ang tawag niya.“Anak, may extra money ka ba riyan? Ubos na kasi ang gamot ng Papa mo,” sabi ni Mama sa kabilang linya.Napahawak ako sa ulo ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.May sakit si Papa at kail

  • My Baby's Daddy Is My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 2

    Kabanata 2Alex's POVPagpasok pa lang namin sa isang kwarto, agad inangkin ng estranghero ang labi ko kasabay ng pagbaba niya sa zipper ng dress ko. Pinatalikod niya ako at hinalikan ang leeg ko habang ang mga kamay niya ay naglalakbay sa iba't ibang parte ng katawan ko. "So what's your name?" tanong ko habang hinahalikan niya ang balikat ko. "Bago pa tayo magpatuloy, gusto ko lang malaman kung sino ang kausap ko.""I don't think you need to know my name," sagot niya. Hindi siya tumigil sa paghalik. "I don't think names matter tonight.""And why is that?" tanong ko. Sinubukan kong tumingin sa kanya pero nakatalikod ako. Hindi ko makita ang mukha niya."Because after tonight, we're never seeing each other again," sabi niya. "That's the deal, right? That's why you're here."Tama siya. Hindi ko naman talaga siya kailangan kilalanin. Hindi ko naman siya gusto maging boyfriend. Hindi ko naman siya gusto makasama habang buhay. Gusto ko lang may makakasama ngayong gabi. Gusto ko lang may

  • My Baby's Daddy Is My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 1

    Kabanata 1Alex’s POV“Nasaan na ba si Marco?” tanong ng mommy ni Marco habang palinga-linga sa entrance ng ballroom.Mabilis akong napatingin sa paligid dahil wala rin akong maisagot. Kanina pa late si Marco.“Baka traffic lang, tita,” pilit kong sagot kahit ako mismo kinakabahan na.Napatingin ako sa wall clock. Alas-diyes na ng gabi. Eight PM dapat magsisimula ang official engagement party namin pero halos dalawang oras na siyang nawawala.Unti-unti nang nag-uusap-usap ang mga bisita. Nararamdaman ko na rin ang tingin nila sa akin. ‘Yung iba nagtataka. ‘Yung iba naaawa.“Alex, hindi mo ba siya ma-contact?” tanong ng daddy niya.“I tried calling him several times already, tito. Nakapatay po ‘yung phone niya.”“Impossible naman na hindi siya sisipot sa sarili niyang engagement party,” sabi ng mommy niya habang pilit na ngumingiti sa mga bisita. “Marco knows better than that.”Tahimik akong napalunok.Hindi ko alam kung bakit sobrang bigat ng pakiramdam ko. Kanina pa ako hindi mapakal

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status