LOGIN
Kabanata 1
Alex’s POV “Nasaan na ba si Marco?” tanong ng mommy ni Marco habang palinga-linga sa entrance ng ballroom. Mabilis akong napatingin sa paligid dahil wala rin akong maisagot. Kanina pa late si Marco. “Baka traffic lang, tita,” pilit kong sagot kahit ako mismo kinakabahan na. Napatingin ako sa wall clock. Alas-diyes na ng gabi. Eight PM dapat magsisimula ang official engagement party namin pero halos dalawang oras na siyang nawawala. Unti-unti nang nag-uusap-usap ang mga bisita. Nararamdaman ko na rin ang tingin nila sa akin. ‘Yung iba nagtataka. ‘Yung iba naaawa. “Alex, hindi mo ba siya ma-contact?” tanong ng daddy niya. “I tried calling him several times already, tito. Nakapatay po ‘yung phone niya.” “Impossible naman na hindi siya sisipot sa sarili niyang engagement party,” sabi ng mommy niya habang pilit na ngumingiti sa mga bisita. “Marco knows better than that.” Tahimik akong napalunok. Hindi ko alam kung bakit sobrang bigat ng pakiramdam ko. Kanina pa ako hindi mapakali. Hindi rin normal kay Marco ang mawala nang walang pasabi lalo na ngayong gabi. “Excuse me po. I’ll check on him.” Mabilis akong tumalikod at lumabas ng ballroom. Habang naglalakad sa hallway ng hotel, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Tinatawagan ko ulit si Marco pero unreachable pa rin. “Please answer your phone…” bulong ko. Pagdating ko sa floor kung nasaan ang suite niya, agad akong nagtungo roon. Pero bago pa ako makarating sa mismong room number, may napansin akong isang bahagyang nakabukas na pinto. Narinig ko ang mahinang ungol ng babae. Napahinto ako. Nanlamig ang buo kong katawan. Unti-unti akong lumapit habang parang nawawalan ako ng hangin. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may masamang mangyayari. Pagtingin ko sa loob, parang huminto ang mundo ko. Nakita ko si Marco. Hubad. Pawisan. Nakahiga sa kama habang nakapatong sa kaniya si Lovely. Ang best friend ko. “Fuck…” mahina kong sabi habang nanginginig. Hindi agad nila ako napansin. Busy silang dalawa sa ginagawa nila. Naririnig ko pa ang tawa ni Lovely bago siya muling hinalikan ni Marco. Parang may sumabog sa loob ng dibdib ko. “Mga hayop kayo!” sigaw ko. Mabilis silang napatingin sa akin. “Alex—” Mabilis na tumayo si Lovely at tinakpan ng kumot ang katawan niya habang umiiyak kunwari. Sinugod ko agad si Lovely bago pa siya makapagsalita. Hinila ko ang buhok niya nang sobrang lakas dahilan para mapasigaw siya. “Aray! Alex! Stop!” “You bitch!” sigaw ko habang nanginginig sa galit. “Best friend kita!” “Alex, calm down!” sigaw ni Marco habang pilit akong inaawat. Sinampal ko siya nang sobrang lakas. “Calm down?!” halos mawalan ako ng boses kakasigaw. “You’re fucking my best friend during our engagement party!” “Alex, listen to me first—” “Anong ie-explain mo?!” sigaw ko. “Na matagal niyo na akong ginagawang tanga?!” Hinablot ko ulit si Lovely. “How long has this been happening?!” “Alex, please…” umiiyak na sabi ni Lovely. “It’s not what you think.” Napatawa ako nang wala sa oras. “Not what I think?” paulit-ulit kong sabi. “Nakita ko kayong nagse-sex! Ano bang dapat kong isipin?! Naglalaro kayo ng bahay kubo?!” “Enough!” galit na sigaw ni Marco. Bigla niya akong hinila palayo kay Lovely bago ako malakas na sinampal. Napahawak ako sa mukha ko. Nabingi ako sa lakas ng sampal niya. Ilang segundo akong natulala habang nakatingin sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang nagawa niya iyon sa akin. “Marco…” nanginginig kong sabi. “Stop acting crazy,” malamig niyang sabi. “You’re embarrassing yourself.” Parang dinurog ang dibdib ko sa narinig. “Ako pa ang nakakahiya?” tanong ko habang tumutulo ang luha ko. “Ako pa talaga?” Bago pa siya makasagot, may narinig kaming mga yabag sa labas. Maya-maya lang, bumukas nang tuluyan ang pinto. Pumasok ang pamilya namin kasama ang ilang kaibigan. Nanlaki ang mga mata nila pagtingin sa sitwasyon. Magulo ang kama. Halos hubad si Marco at si Lovely. Ako namang umiiyak habang magulo ang buhok. “Marco!” gulat na sigaw ng mommy niya. Pero imbes na mahiya, ngumisi lang si Marco. “I will not marry you, Alex.” Pakiramdam ko may humila pababa sa buong pagkatao ko. Dahan-dahan niyang pinulupot ang kamay niya sa baywang ni Lovely. “Look at yourself,” malamig niyang sabi habang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa. “You’re so boring.” Napasinghap ako. Parang nawalan ako ng lakas. “Marco…” umiiyak na sabi ng mommy niya. “What are you doing?” “I’m being honest.” Kumibit-balikat siya. “I don’t love Alex anymore.” “Then why propose to her?!” sigaw ko. “Why waste five years of my life?!” Tahimik lang siya sandali bago tumawa nang mahina. “Because she was convenient.” Parang huminto ang paghinga ko. Narinig kong may ilang napasinghap sa paligid pero wala akong pakialam. Hindi ko na marinig ang ibang tao. Si Marco lang ang nakikita ko. Ang lalaking minahal ko nang buong-buo. Ang lalaking akala ko makakasama ko habambuhay. “You’re disgusting…” mahina kong sabi. “Alex,” singit ni Lovely habang umiiyak. “I’m sorry…” Mabilis akong napatingin sa kaniya. “You’re sorry?” natatawa kong sabi habang umiiyak. “You slept with my fiancé!” “Hindi namin planong masaktan ka…” “Shut up!” sigaw ko. “Pareho kayong basura!” Akala ko may kakampi ako sa mga kaibigan namin pero nagulat ako nang lapitan ng ilan sa kanila si Lovely para damayan ito. “Kumalma ka muna, Alex.” “Baka may misunderstanding lang—” “Misunderstanding?!” napasigaw ako ulit. “Nakita ko silang nagtatalik!” Hindi sila nakapagsalita. They comforted my best friend kesa damayan ako. Doon ko na-realize ang mas masakit na katotohanan. Alam yata nilang lahat ang tungkol sa relasyon nina Marco at Lovely. Matagal na nilang alam. Unti-unting bumagsak ang tingin ko sa mga mukha nila. Walang makatingin nang diretso sa akin. “You all knew?” nanginginig kong tanong. Walang sumagot. Tumulo nang tuloy-tuloy ang mga luha ko. “Wow…” natatawa kong sabi kahit halos hindi na ako makahinga. “You all made me look stupid.” “Alex…” “Don’t.” Tinaas ko ang kamay ko. “Don’t talk to me.” Mabilis akong tumalikod at lumabas ng room. Naririnig ko pa ang pagtawag nila sa pangalan ko pero hindi ako huminto. Halos madapa ako kalalakad palabas ng hallway habang umiiyak. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang mawala. Pagdating ko sa hotel bar, agad akong umupo sa bakanteng stool. “Whiskey,” sabi ko agad sa bartender. “Ma’am, are you sure—” “Just give me the damn drink.” Maya-maya lang ay sunod-sunod ko nang iniinom ang alak. Hindi ko na mabilang kung ilang baso na ang naubos ko. Masakit pa rin. Sobrang sakit. “Another one,” sabi ko habang pinupunasan ang luha ko. “Too much alcohol is bad for you.” Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Nakatayo siya sa tabi ko. Matangkad. Naka-black suit. Gwapo. Sobrang seryoso ng mukha. Mukha siyang mayaman at sanay mag-utos. “Mind your own business,” malamig kong sagot. Pero imbes na umalis, tahimik lang siyang umupo sa tabi ko. “Heartbreak?” tanong niya. Napatawa ako nang mapait. “Obvious ba?” “Yes.” Tahimik akong uminom ulit. Hindi siya makulit. Hindi rin siya manyak tulad ng ibang lalaking sumusubok kumausap sa akin kanina. Tahimik lang siya habang umiinom. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong nagsalita. “My fiancé cheated on me.” Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako. “With my best friend.” Napahigpit ang hawak ko sa baso. “During our engagement party.” Tahimik pa rin siya. Pero nakatingin siya sa akin. Siguro nakikinig. “At alam pala ng mga kaibigan namin.” Napatawa ako habang umiiyak. “I looked so stupid tonight.” “You’re not stupid,” kalmado niyang sabi. “You trusted the wrong people.” Napatingin ako sa kaniya. For the first time that night, may nagsalita para kampihan ako. “What if I can’t recover from this?” mahina kong tanong. “You will.” “How can you be so sure?” “Because people like them don’t deserve to ruin your life.” Hindi ko alam kung epekto ba iyon ng alak o ng paraan ng pagsasalita niya pero pakiramdam ko gusto kong umiyak lalo. Hinawakan ko ang kamay niya. “Can you stay with me tonight?” mahina kong tanong sabay haplos ng kamay niya pataas sa balikat niya. Tinitigan niya ako nang ilang segundo. “Are you sure?” Mabilis akong tumango.Kabanata 61 Azrael's POV Sunod kong binuksan ang folder na naglalaman ng mga financial records ni Congressman Qiambao. Isa-isang dumaan sa paningin ko ang mga dokumento. Mga pondong inilaan para sa mga infrastructure project sa distrito niya, pero napunta sa pagbili ng mga bahay, mamahaling sasakyan, at iba't ibang ari-arian. Milyon-milyong piso ang nawala. Milyon-milyong pisong dapat ay para sa mga mamamayan. "Ang dami niyang ninakaw," malamig kong sabi habang patuloy na binabasa ang mga dokumento. "Ang dami niyang binulsa. Paano siya nakaligtas sa lahat ng imbestigasyon? Paano hindi siya nahuli?" "Malakas po ang kapit niya, Boss," sagot ni Carlo. "Marami po siyang koneksyon sa gobyerno. May mga kakilala rin po siya sa loob ng pulisya at iba pang ahensya. Kaya sa tuwing may nagsasampa ng kaso laban sa kanya, lagi siyang nakakalusot. Palagi pong may nagtatakip sa mga kasalanan niya." Napakuyom ako ng kamao. "Hindi na siya makakalusot ngayon." Tumayo ako mula sa upuan at daha
Kabanata 60 Azrael's POV Nakatayo ako sa harap ng malaking mesa sa opisina ko. Nakasindi ang lahat ng ilaw sa kisame, pero parang hindi pa rin sapat para maalis ang bigat ng paligid. Ang atensyon ko ay nakatutok sa mga dokumentong nakalatag sa harapan ko. Mga dokumentong naglalaman ng pangalan ng taong dapat managot sa lahat ng nangyari sa pamilya ko. Congressman Raffy Qiambao. Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatitig sa pangalan niya. Paulit-ulit ko iyong binabasa, parang gusto kong ukitin sa isip ko ang bawat letra. Siya ang dahilan kung bakit nasa ospital ang anak ko. Siya rin ang taong nag-alok ng isang milyong piso sa asawa ko para patahimikin siya. "Boss, siya po ang congressman na naging karelasyon ni Marga," seryosong ulat ni Carlo habang nakatayo sa harap ng mesa ko. Nakayuko ang ulo niya. Alam niyang wala ako sa tamang kondisyon. "Siya rin po ang may-ari ng sasakyang nakabangga kay Aiden. Ayon sa imbestigasyon namin, siya mismo ang nagmamaneho noong araw na iyon."
Kabanata 59 Alex's POV Napahagulhol ako nang nakita ko si Azrael na pumasok sa kwarto ni Aiden dito sa ospital. Kararating niya lang at kagigising lang din ni Aiden. "Azrael," tawag ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. "Salamat sa pagdating mo. Kailangan ka namin ngayon." Mabilis niya akong niyakap. "I'm here, Alex. Sorry kung natagalan ako. Hindi ko alam na ganito pala kalala ang nangyari." "Daddy," mahinang tawag ni Aiden. Nakapikit-pikit pa ang mga mata niya. Halatang mahina pa siya at pagod na pagod pa. Kumalas si Azrael sa pagyakap sa akin at lumapit sa anak namin. "Son, how are you? May masakit ba? Masakit ba ang katawan mo?" sunod-sunod niyang tanong. Niyakap niya rin ang anak namin. "I'm okay, Dad," sabi ni Aiden. Mahina ang boses niya. Pero ngumiti siya. "Masakit lang po ang ulo ko. Pero okay lang." Bumaba ang tingin ni Aiden sa akin. "They bullied Mommy, Dad. ‘Yung mga pulis. Sinabihan nila si Mommy na delusional siya. Sinabihan nila si Mommy na wala k
Kabanata 58 Alex's POV Hinawakan ko ang malamig na kamay ni Aiden. Sobrang lamig. Parang yelo. Hindi ko alam kung dahil ba sa aircon ng ospital o dahil sa kung ano pa. Pero hindi ko gusto ang pakiramdam na ito. Hindi ko gusto na ganito ang anak ko. "Aiden." Tawag ko sa kanya. Mahina. Parang natatakot akong sumagot siya. Pero mas natatakot akong hindi siya sumagot. Hindi siya sumagot. "Baby… Wake up. Mommy is here." Hinaplos ko ang pisngi niya. "Please, Aiden. Nag-aalala ako sa iyo." Wala pa ring reaksyon. Nakita ko ang dugo sa damit niya. Tuluyan akong napaiyak. "Please… Huwag mo akong iwan. Hindi ko kakayanin kung mawala ka. Ikaw lang ang meron ako bago dumating si Daddy mo." Niyakap ko ang walang malay kong anak habang patuloy ang pagpatak ng mga luha ko. Paulit-ulit kong sinasabi sa kanya na mahal ko siya. Paulit-ulit kong sinasabi na hindi ko siya iiwan. Maya-maya'y dumating ang mga pulis. Tatlo sila. Nakasuot ng uniporme. May dalang notebook at ballpen. Tumingin sila sa
Kabanata 57 Alex's POV Tahimik ang hapunan namin ngayong gabi. Hindi gaya ng dati na puno ng kwentuhan at tawanan. May kakaiba sa hangin. May mabigat sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may masamang mangyayari. “Wife, mawawala ako ng ilang linggo dahil may business trip ako sa Indonesia,” sabi ni Azrael habang kumakain kami ng hapunan. Hindi niya ako tinitignan. Nakatuon ang atensyon niya sa pagkain sa harapan niya. Nag-angat ako ng tingin bago sinubo ang pagkain. “Ayos lang. Mag-ingat ka lang doon.” Pilit akong ngumiti. Hindi ko gustong ipakita na nalulungkot ako. Hindi ko gustong ipakita na natatakot akong mawala siya kahit ilang linggo lang. Bumaling siya sa anak naming si Aiden na abala sa pagkain ng ice cream. “Son, bantayan mo si Mommy habang nasa abroad ako. Kapag may nanakit kay Mommy, inform me agad. Okay?” “Yes, Dad. I will protect Mommy!” masiglang sagot ni Aiden kahit na punong-puno ang bibig niya. “Promise! Walang mananakit kay Mommy habang wala ka.
Kabanata 56 Alex's POV Pagkapasok ko pa lang sa elevator ng Laurent Holdings, alam ko nang may iba sa hangin. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero ramdam ko ang pagbabago. Parang lahat ng tao sa paligid ko ay may kanya-kanyang ngiti na hindi ko maintindihan. May mga nakatingin sa akin na may halong paghanga, may iba namang parang natutuwa na makita ako. Hindi ako sanay sa ganitong atensyon. Nang magbukas ang p***o ng elevator sa floor ng mga architects, hindi na ako nagtaka kung bakit. Bawat taong lumalabas at pumapasok sa elevator ay pinag-uusapan si Susan. Hindi ko maiwasang marinig ang mga bulungan nila. "Alam mo ba, simula kaninang umaga, naglilinis na siya. Hindi siya pinayagang umupo kahit isang segundo," sabi ng isang babae na nakasuot ng black blazer. Nakatingin siya sa cellphone niya habang nagkukuwento sa kasama niya. "Seryoso? Si Susan na architect? Ang may-ari ng Mendez Group?" tanong ng isa pa, halatang hindi makapaniwala. "Oo. Sinabi mismo ni Sir Azrael. Hindi na
Kabanata 5Alex’s POV“Mommy, how's the interview?” tanong agad ng anak ko pagkatapos ko siyang sunduin sa school niya.Ngumiti ako habang inaayos ang buhok niya.“I'm hired!” masayang sabi ko kay Aiden.Mabilis niya akong niyakap. “Congratulations, Mommy! You're the best architect!”Napangiti ako
Kabanata 4Alex’s POVSix years later…“Mommy! Faster!” masayang sigaw ni Aiden habang tumatakbo palabas ng maliit naming apartment.“Hey! Slow down!” natatawa kong sigaw habang hinahabol siya. “Madadapa ka!”Huminto siya sa hallway at ngumisi sa akin. “But I’m excited!”Napailing ako habang inaayo
Kabanata 3Alex’s POVNakatulala lang ako sa hawak kong pregnancy test nang nakita ang dalawang guhit. Dalawang buwan na akong hindi dinadatnan kaya bumili ako ng PT kanina.“No…” mahina kong bulong. Mabilis akong umiling.Agad akong kumuha ng isa pang pregnancy test at ulit iyong ginamit Pero par
Kabanata 2Alex's POVPagpasok pa lang namin sa isang kwarto, agad inangkin ng estranghero ang labi ko kasabay ng pagbaba niya sa zipper ng dress ko. Pinatalikod niya ako at hinalikan ang leeg ko habang ang mga kamay niya ay naglalakbay sa iba't ibang parte ng katawan ko. "So what's your name?" t







