ANMELDENKAKATAPOS lang namin kumain pero ramdam ko na agad ang pagod. Hindi ko alam kung dahil sa bigat ng deadline, o dahil sa presence ni Mr. Corpuz na parang CCTV na walang patayan kung makabantay.Habang inaayos ang kalat galing sa pinagkainan ko ay naramdaman ko ang presensya ni Mr. Copruz na papalapit sakin.“Ms. Francisco.” tawag niya, kaya napatigil ako at napalingon sakaniya."Yes sir?" tanong ko, at ngumiti ng bahagya, pero siya hindi man lang nagbago ang ekspresyon na nakakunot ang noo at salubong ang mga kilay.“Can I talk to you for a moment?” malamig niyang tanong.Nagkatinginan kami nina Parsha at Tristan, si Parsha ay pasimple lang na umiling at lumapit sakin“Oh no,” bulong ni Parsha, “ano na naman yan?” tanong ni Parsha.Napabuntong hininga na lang ako at pekeng ngumiti pag harap ko ulit kay Mr. Corpuz na tumalikod na at pumasok sa loob ng office niya.Agad naman akong sumunod na pumasok sa loob at pagkasara ng pinto, ramdam ko ang pagbigat ng atmosphere. Yung tipong kahit w
PAGBALIK ko sa department namin ay bumungad sakin ang nakapamewang na si Mr. Corpuz sa harap ng lahat, kaya walang ideya akong naglakad papunta sana sa cubicle ko ng bigla nalang tumiktim si Mr. Corpuz.“Oh, so this is the life of a marketing assistant? Just roaming around during work hours?” sarkastikong sabi nito kaya kusang tumaas ang kilay ko."Wag mo akong tarayan Ms. Francisco. Hindi porke ATE ka ng girlfriend ko ay hahayaan kong pairalin mo ang ugali mo sa oras ng trabaho–under my supervision." may pang uuyam na litanya nito. Dinig ko ang mahinang bulungan ng ilan at nakita ko rin ang pagngisi ni Mr. Cospuz."I was merely asking how she is, Mr. Corpuz." magalang kong sagot."Really, akala ko naman nagkaintindihan na kayo kanina sa loob ng office" nakangisi nitong sabi.Napangisi ako at napantig ang tainga ko dahil sa sinabi niya.“I thought, Sir, we weren’t supposed to discuss personal matters during work hours? We’re on the clock, and in front of other employees… And isn’t it
Mabilis na lumipas ang oras mula sa pagpapakilala ng bagong Head hanggang sa ngayon na naglalakad ako paakyat ng hagdan bitbit ang kape nila ni Lilian.Bago pa man kasi sila pumasok sa dating office ni Ms.Heidy ay inutusan ako agad ni Mr. Copuz which is ang bago naming Head.Nang utusan niya ako ng gano'n nakita ko ang pagtingin sakin kanina ng mga kasamahan ko, habang si Parsha naman ay parang gusto nalang sugurin ang dalawa mabuti nalang talaga at napigilan ko.Nang makapasok ako sa department ay agad akong sinalubong ni Parsha at halata ang pagkabadtrip nito."Sabihan mo lang ako, kakalbuhin ko talaga yang kapatid mo!" asik ni Parsha, ngumiti nalang ako at hinawakan ang braso niya."Shh, bawal maistress ang buntis! sige na keri ko na 'to" saad ko sakaniya at naglakad na papunta sa office dati ni Ms. Heidy.Pagpasok ko ay naabutan ko si Lilian na nakakandong kay Mr. Corpuz kaya naman napatikhim ako ng bahagya, dahilan para mapatayo si Lilian.Lumapit ako sakanila at inilapag ang bin
Mabilis na lumipas ang araw simula noong magpaparty si Liam para kay Ms. Heidy.Halo halong emosyon ang nangyari no'n, puro iyakan pero napalitan rin ng tawanan at kilig dahil nga nabuking na kami ni Liam dahil narin sakaniya.Nandito ako ngayon sa condo ni Parsha na ipinagkatiwala niya sakin, hindi rin kasi ako makatulog dahil narin ngayon ang alis ni Liam pa Singapore dahil may malaking exchange deals raw roon.Gusto niya pa sana akong isama pero ayoko dahil marin marami pa akong mga files na need irevise, tsaka isa pa bukas rin ang dating ng bagong Head ng Marketing Department, sobrang nalungkot kami kasi akala namin may mapropromote sa team namin, pero pinag iisipan pa raw hanggang sa mag announce nga na may bagong Head -,-Tinanong ko pa si Liam about doon, pero ang sabi niya ay hindi pa raw niya namimeet ang bagong Head, pero usap usapan raw na Lalaki raw ang bagong Head. Dati raw itong Marketing specialist sa dating kumpanyang pinapasukan niya, kaya siguro agad ring natanggap a
Pagbaba namin ni Liam sa dining ay naabutan namin sina Ate Flora at Gina na nagaayos sa hapag at masayang nag kuwentuhan.“Goodmorning Sir! Good morning Ate Dev” nakangiting bagti ni Gina. “Goodmorning Gina” bati ko pabalik, habang dahan dahang umupo sa upuan na inayos ni Liam bago siya umupo.“Maupo na kayo, nasan ang iba?” tanong ni Liam at maya maya pa ay nagsidatingan na ang iba.Naging masaya ang breakfast naming lahat, napuno ng kwentuhan at tawanan ang agahan namin kaya ng matapos kaming kumain ay nagkanya kanya na kami ng mga gagawin.Si Ate Flora at Gina ay busy sa pagaayos ng mga pinagkainan, habang ako ay nakaupo lang sa couch, si Liam bama ay dumeretsyo sa study niya dahil may aasikasuhin raw itong mga papeles.Maya maya pa ay lumapit sakin si Gina bitbit ang tray ng chips at may juice pa.“Upo ka muna, kwentuhan mo naman ako about kay Liam” nakangiti kong sabi kay Gina. Hind ito tumanggi, basta naupo siya at napatitig sakin.“Ano naman po ang gusto nyongikwento tungkol k
Pagkatapos ng hapunan, halos lahat ay busog at masaya. Ramdam ko pa rin ‘yung init ng tawanan sa paligid, si Gina na hindi mapigilang mang-asar, si Ate Flora na panay ang payo kay Liam na parang tunay na nanay, at si Nay Merlyn na hanggang sa huli ay sinisiguro kung may natira pa raw ba akong gusto.Nang magpaalam kaming aakyat na muna ni Liam, lahat ay nagpa-goodnight. May halong kilig pa sa tono ni Gina nang sabihin niyang, “Goodnight Ate Dev! Goodnight, soon-to-be Mrs. Vezqua!” na sinundan ng tawa nilang mag-ina.Pinisil ko lang ang kamay ni Liam habang paakyat kami sa hagdan. Tahimik lang siya, pero ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang niya.“Ang saya nila,” sabi ko habang tumitingin sa paligid. Ang hallway ay puno ng mga framed photos ni Liam with his team, old company events, at ilang lumang larawan ng pamilya niya. “Hindi ko akalaing ganito kainit sa bahay mo.”“Hmm.” Yun lang ang sinagot niya, pero napangiti ako.Hindi siya madaldal, pero minsan ‘yung katahimikan niya ‘yung pi







