Share

CHAPTER 186

Author: Anne
last update Last Updated: 2025-07-14 14:11:14

CHAPTER 186

“Bwiset na lalaki yun. Napakahirap kumbinsihin. Ilang araw na akong pabalik balik upang kumbinsihin siya na magpakasal na kami pero talaga yatang matigas ang isa na iyon dahil ni hindi man lang talaga siya nagpapatinag at ni hindi man lang siya natatakot sa mga pagbabanta ko sa kanya,” inis na inis pa na sabi ni Camille.

Hindi kasi niya matanggap na hindi man lang siya pinapansin ni Harold kahit na maghubad na nga siya sa harapan nito.

Noong nakaraang araw kasi ay sinadya talaga niya ang lahat ng iyon... na maghubad sa harapan nito at plinano na talaga rin niya ang lahat na madadatnan sila ng kanilang magulang sa ganoong posisyon para nang sa gayon ay wala na itong kawala kapag sinabi ng kanyang ama na pakasalan siya nito dahil sa ginagawa nila. Pero nagkamali pala siya dahil talaga palang matigas ang binata at hindi man lang nagpatinag at para bang hindi man lang ito nasindak sa mga banta nilang mag ama na kukunin nila ang kumpanya ng nga ito.

Isang malalim na buntong hi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Archie Love Archie
baliw ka Camille,,,,
goodnovel comment avatar
Michelle Castillo
yes nga parang hba na ng kwentong ito...tpos late na ng update..wla ng ka thril2 paikot ikot nlang..hays
goodnovel comment avatar
(^_^)
kakonsintedor ba!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 186

    CHAPTER 186“Bwiset na lalaki yun. Napakahirap kumbinsihin. Ilang araw na akong pabalik balik upang kumbinsihin siya na magpakasal na kami pero talaga yatang matigas ang isa na iyon dahil ni hindi man lang talaga siya nagpapatinag at ni hindi man lang siya natatakot sa mga pagbabanta ko sa kanya,” inis na inis pa na sabi ni Camille.Hindi kasi niya matanggap na hindi man lang siya pinapansin ni Harold kahit na maghubad na nga siya sa harapan nito. Noong nakaraang araw kasi ay sinadya talaga niya ang lahat ng iyon... na maghubad sa harapan nito at plinano na talaga rin niya ang lahat na madadatnan sila ng kanilang magulang sa ganoong posisyon para nang sa gayon ay wala na itong kawala kapag sinabi ng kanyang ama na pakasalan siya nito dahil sa ginagawa nila. Pero nagkamali pala siya dahil talaga palang matigas ang binata at hindi man lang nagpatinag at para bang hindi man lang ito nasindak sa mga banta nilang mag ama na kukunin nila ang kumpanya ng nga ito.Isang malalim na buntong hi

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 185

    CHAPTER 185Hindi naman na nagsalita pa si Harold at balewala na lang talaga sa kanya ang lahat ng sinasabi ng dalaga dahil wala talaga siyang balak na magpasindak dito. Napapailing na lang talaga siya sa kabaliwan na pinagsasabi ni Camille ngayon.Pagkasabi ni Camille noon ay padabog pa nga itong lumabas ng opisina ni Harold. Kaya naman napapalatak na lang din talaga si Harold sa inasta ng dalaga dahil kitang kita niya ang pagiging spoiled brat nito.Nang tuluyan na nga na mapag isa si Harold ay kinuha naman na niya ang kanyang cellphorne at agad niyang tinawagan ang kanyang ina.“Hello mom. Tapos na po ba kayo sa ginagawa ninyo?” agad na tanong ni Harold sa kanyang ina pagkasagot nito ng kanyang tawag.“Oo anak. Tapos na rin naman ako sa pag iimpake ng gamit natin. Maglilinis linis na lang ak9 ng kaunti rito,” sagot ni Shirley. “Ikaw ba riyan!? Naayos mo na ba ang nga dapat mong ayusin at tapusin na mga papeles?” tanong pa niya sa kanyang anak.“Malapit na po akong matapos mom. Nati

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 184

    CHAPTER 184Agad naman na nakakuha ng ticket si Shirley ara sa kanila ni Harold pabalik ng Pinas at makalipas lamang nga ang dalawang araw ay babyahe na sila pabalik ng bansa.Sa nakalipas din nga na dalawang araw na paghihintay nila na iyon ay hindi pa rin talaga tinigilan ni Camille si Harold at talagang kinukulit pa rin niya ito at pabalik balik pa rin ang dalaga sa opisina ni Harold.Habang ang binata naman ay wala ngang pakialam kay Camille at para bang hindi niya ito nakikita sa tuwing nagpapapansin ito sa kanya dahil bukod sa wala siyang amor sa dalaga ay talagang naiinis nga siya rito lalo na at ipinipilit din nito ang pagpapakasal daw kuno nila na labis talaga niyang ikinaiinis dito pero kahit na ganon ay grabeng pagtitimpi talaga ang ginagawa niya para lang hindi niya masaktan ang dalaga.“Hindi mo ba talaga ako papansinin man lang? Gusto mo ba na papuntahin ko si dad dito para ipakasal na tayong dalawa sa lalong madaling panahon,” pangungulit pa ni Camille kay Harold. Nari

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 183

    CHAPTER 183“At noong biglaan ka niyang pinadala rito sa London ay talagang nagtaka na ako sa kanya pero kahit na ganon ay hindi ko siya kinontra dahil sa alam ko na kapag may problema ang iyong ama ay nagsasabi siya sa akin. Pero noong mga panahon na yun ay nainip na ako sa kakaintay na magsabi siya sa akin kung ano ba ang naging problema dahil takang taka na talaga ako sa kanya dahil palagi ng mainit ang kanyang ulo at para bang ayaw niya akong harapin o kausapin man lang. Kaya naman kinomprunta ko na siya at pinaamin kung ano ba talaga ang nangyayari kung bakit siya nagkakaganoon. At doon ko na nga nalaman ang lahat. At nalaman ko rin na…” saglit naman na tumigil sa kanyang pagkukwento si Shirley at isang malalim na buntong hininga muna ang kanyang pinakawalan.“Nalaman ko na ang kumpanya nating ito ay sinagip ng ama ni Camille na si Mr. Miguel Rodriguez at bilang kapalit nga ng ginawa niyang pagtulong na iyon ay gusto niya na maikasal ka sa kanyang anak,” pagpapatuloy pa ni Shirle

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 182

    CHAPTER 182Gulat na gulat naman si Harold sa mga pinagsasabi na iyon ng dalaga. Hindi siya makapaniwala na magaling pala itong umarte at nabaliktad pa nito ngayon ang sitwasyon.“What!? Nababaliw ka na yata talaga Camille,” sabi ni Harold at napapailing na lamang talaga siya rito. “Magsabi ka na lang ng totoo dahil walang maniniwala sa kahibangan mong yan,” inis pa na sabi niya.“Tsk. At gagawin mo pa talagang sinungaling ang anak ko matapos nang mga nakita namin na iyon. Hindi ito maaari kailangan mong panindigan ang anak ko. Kailangan mo siyang pakasalan,” galit naman na sigaw ni Miguel kay Harold.“Pakasalan? Excuse me sir. Wala kaming relasyon ng anak ninyo para pakasalan ko siya at ang mga naabutan ninyo kanina ay kahibangan lang ng inyong anak. Kaya kung maaari lang ay iuwi nyo na sya bago pa sya makapagkalat sa kumpanya ko,” inis din naman na sagot ni Harold sa ginoo dahil bakit nga naman niya pakakasalan si Camille gayong hindi naman niya ito nobya.Bigla naman nagpantig ang

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 181

    CHAPTER 181“Itigil mo na yang ginagawa mo Camille habang may respeto pa ako sa’yo at nagagawa ko pang pigilan ang sarili ko na saktan ka,” gigil pa na sabi ni Harold.Tila nahihibang naman na tumawa si Camille habang dahan dahan niyang tinatanggal ang kanyang braso sa pagkakahawak ng binata. At nang tuluyan nga siyang mabitawan nito ay pinalandas nga niya ang kanyang daliri mula sa bibig nito patungo sa dibdib nito.“Kung sa kama mo naman ako sasaktan ay hinding hindi kita pipigilan baka nga ikalugod ko pa iyon, Harold,” tila nang aakit pa ang boses na sabi ni Camille.Natigilan naman bigla si Harold at para bang bigla siyang natuod sa kanyang kinauupuan. Napalunok pa nga siya ng kanyang sariling laway ng bigla ngang kumandong sa kanya si Camille.“Alam mo ba na matagal na kitang gusto kaso ay hindi mo naman ako pinapansin. Kaya heto… ako na lang gumawa ng paraan para naman mapansin mo na ako. Kaso masyado ka naman yatang mapili sa babae kasi hindi mo pa rin ako pinapansin kahit na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status