CHAPTER 237“Maganda po sir. Maputi at medyo matangkad din po. sagot naman ni Jane. Saglit naman na natahimik si Harold at iniisip niya kung sino kaya ang babae na iyon pero sa dami ng kilala niyang maganda, maputi at matangkad ay hindi niya malaman kung sino ba ito.“Sige salamat. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung sino ba ang babae na iyon. Pero wag kang mag alala dahil hindi totoo ang sinasabi niya. At hindi ko magagawang lokohin si Jillian,” sagot ni Harold sa dalaga.Napangiti naman si Jane sa sinabi na iyon ni Harold dahil kanina pa rin talaga siya hindi mapakali dahil baka nga linoloko na ni Harold ang kanyang kaibigan.“Naniniwala naman po ako sa inyo sir. At alam ko po na hindi ninyo magagawa iyon sa kaibigan ko,” sagot ni Jane.“Oo naman kaya ipanatag mo ang sarili mo,” sagot ni Harold. “May ipapakiusap lang sana ako sa iyo… sana ay hindi na ito makarating pa kay Jillian. Alam naman natin kung ano ang kundisyon niya ngayon at ayaw ko lamang na mag isip siya ng kung ano ano
CHAPTER 236“Anong problema mo? Bakit bigla bigla ka na lang nananampal dyan?” kunot noo pa na tanong ni Harold sa dalaga. “Pinapunta punta mo ako rito tapos mananampal ka na lang ng walang dahilan. Nababaliw ka na ba talaga, Rose?” pagpapatuloy pa nito dahil talagang nabigla siya sa ginawa na iyon ni Rose at wala siyang ideya kung ano ba ang problema nito sa kanya.“Umamin ka nga sa akin Harold Villanueva. Bukod kay Jillian ay may iba ka pa bang nobya? Meron ka na bang fiance ng hindi ko nalalaman?” parang nanay pa na sunod sunod na tanong ni Rose kay Harold.Lalo namang napakunot ang noo ni Harold dahil sa tanong na iyon ni Rose.“Ano ba ang pinagsasasabi mo r’yan? Nababaliw ka na ba talaga?” naguguluhan pa rin na tanong ni Harold dito.“Basta sagutin mo na lamang ang tanong ko. Ang dami mo pang sinasabi e,” inis naman na sagot ni Rose dahil kanina pa talaga siya hindi mapakali sa kakaisip tungkol sa babae na sinasabi ni Jane kanina.“Wala… wala akong ibang nobya kundi si Jillian la
CHAPTER 235Pagkabalik naman ni Rose sa kanyang pwesto ay hindi na rin nga siya mapakali dahil talagang iniisip niya ang mga sinabi na iyon ni Jane.Kilala naman na niya noon pa si Harold at ni minsan ay hindi niya ito nakitang pinagsabay ang dalawang babae. Alam din niya na marami ang naghahabol dito dahil nga sa napakagwapo nito pero wala pa siyang nabalitaan na may pinatulan ito sa mga babae na iyon. Sobrang malapit din kasi talaga sila Rose at Harold kaya naman nagsasabihan sila ng mga sikreto nila sa buhay. Kaya alam ni Rose na hindi ito magagawa ng binata kay Jillian dahil ngayon lang din niya nakita si Harold na mahumaling ng ganoon sa isang babae.At dahil nga hindi na mapakali pa si Rose ay agad na niyang kinuha ang kanyang cellphone upang tawagan si Harold dahil talagang hindi siya makakapag concentrate sa trabaho kapag ganitong mayroon siyang iniisip.“Hello Harold. Nasaan ka?” agad na tanong ni Rose sa kaibigan niya pakasagot nito ng kanyang tawag.“Nasa condo ko ako ngay
CHAPTER 234Pagkarating ni Jane sa kanyang pwesto ay agad nga niyang nakita si Ms. Rose na papalapit sa kanya kaya naman agad na siyang tumayo at agad na niya itong nginitian.“Good morning po, Ms. Rose,” bati ni Jane sa kanilang manager.“Good morning din Jane. Kumusta na nga pala si Jillian? Hindi na kasi ako nakakadalaw sa kanya. Masyado kasi akong maraming ginagawa rito ngayon kaya kahit na gusto ko siyang bisitahin ay hindi ko na magawa pa,” sagot ni Rose sa dalaga.“Ayos naman na po si Jillian. Binilinan lang pos iya ng kanyang doktor na wag daq po masyadong magpapagod para hindi raw po manikip ang dibdib nito. At sa awa naman po ng Diyos ay sinusunod naman po iyon ni Jillian," sagot ni Jane at natatawa pa nga siya sa huling sinabi niya dahil may pagkamatigas talaga ang ulo ni Jillian.“Mabuti naman kung ganon. Kapag maaga kong natapos ang mga gawain ko mamaya ay sasabay na ako sa’yo. Balak ko rin kasi talaga na bisitahin siya,” sagot ni Rose. “Sige na. Babalik na muna ako sa p
CHAPTER 233Nagkatinginan naman sila Camille at Hazel. Napangiti pa nga kaagad si Camille dahil mukhang tama nga ang hinala niya na naroon ang binata ngayon.“Fiance nya ako. At medyo nagkatampuhan kasi kami kaya hinahanap ko sya ngayon. Nariyan ba sya ngayon? Gusto ko kasi sana siyang makausap ng personal,” lakas loob na sagot ni Camille sa babae.Nagulat naman si Hazel sa sinagot na iyon ni Camille at talagang napaawang pa nga ang bibig niya dahil doon.Samantalang ang babae naman na nasa front desk ay nagulat din sa kanyang narinig. Wala naman kasi silang alam sa private life ng kanilang mga boss kaya naman ganon na lang din ang gulat nito ng may magpakilala nga na fiance ni Harold.“Ahm. G-ganon po ba ma’m. Sa pagkakaalam ko po ay parang hindi pa po bumabalik si sir Harold dito sa kumpanya. Pasensya na po,” sagot ng babae.Agad naman na napakunot ang noo ni Camille sa naging sagot na iyon ng babae.“Anong ibig mong sabihin na hindi pa siya bumabalik?” hindi na maiwasang tanong ni
CHAPTER 232“Villanueva Empire,” basa ni Hazel sa nakasulat sa building na nasa harapan nila kung saan tumigil ang sasakyan ni Camille.“Isa iyan sa mga kumpanya ng pamilya nila Harold at sa pagkakaalam ko ay si Harold ang namamahala r’yan. Kaya naman dito ko naisip na unang puntahan siya dahil baka nariyan siya ngayon,” sabi ni Camille at saka niya pinatay ang makina ng kanyang sasakyan.Seryoso naman na tiningnan ni Hazel ang kanyang kaibigan.“Camille, sigurado ka na ba talaga rito sa gagawin mong ito? Hindi naman sa tinututulan kita pero bakit ba ipinipilit mo pa rin ang sarili mo sa kanya gayong sinabi na niya sa’yo na ayaw niya sa’yo. Maganda ka Camille at panigurado na marami namang lalaki ang magkakagusto sa’yo. Kaya bakit kailangan mo pang ipagsiksikan ang sarili mo sa isang lalaki na wala naman nararamdaman para sa’yo,” seryoso pa na sabi ni Hazel sa kanyang kaibigan at talagang inulit niya itong itanong kay Camille.Kahit naman kasi may pagkamaldita nga itong si Hazel ay gi