Mag-log inNian's POVNanghihinang iminulat ko ang aking mga mata. Nakahiga ako sa kama at may aparatong nakakonekta sa akin.Si Zarius.Tiningnan ko ang orasan sa wall clock. Malapit nang mag-alas-diyes.Agaran kong tinanggal ang nakakabit sa akin at lumabas ng silid. Paika-ika akong bumaba ng hagdanan. Pero bago pa man ako makababa, may narinig akong boses sa likod ko."You didn't change, you are still stubborn."Taka kong nilingon ang nagsalita. Matangkad, sakto lamang ang katawan, at maamo ang gwapo nitong mukha.Pamilyar na pamilyar sa akin ang kanyang mga mata.Si Zachu.He was now a fully grown teen, at masyado siyang matangkad at matured sa kanyang edad."How's life after you left without telling me?"He has this weird smile on his face. He is being sarcastic.Napahinga ko nang malalim. Namimiss ko siya, at gusto kong umakyat muli para yakapin si Zachu. Pero sa tingin ko ay hindi ito ang tamang oras, alam kong galit siya sa akin dahil sa pag-iwan ko.Ang anak ko...Tumalikod ako at mulin
Nian's POV"Kumain ka muna, Nian," rinig kong saad ni Nanay Flora sa likod ko.Pinanood ko siyang ilapag sa lamesa ang inihanda niyang almusal. Wala akong balak na galawin iyon, wala akong gana at hindi ko kayang kumain habang iniisip kung kamusta na ang kalagayan ng anak ko.Paano ako kakain sa isiping baka hindi pa siya kumakain at nagugutom ngayon?Ang anak ko...Napapikit muli ako nang bumuhos ang mga luha sa aking mga mata habang mahigpit na niyakap ang sarili.Ang hirap huminga, lalo na kapag naiisip ko ang takot na nararamdaman niya roon nang mag-isa at walang kasamang ina sa tabi niya.Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Nanay Flora. Lumapit siya sa akin at inalis ang mga kamay ko para mayakap ako nang mahigpit. Napahagulhol akong muli, "N-Nanay Flora...""Tahan na, gagawin namin ang lahat ni Zacharias para mahanap ang anak mo," malambing na saad niya habang dahan-dahang hinahagod ang nanginginig kong likod."Mababaliw ako kapag nawala ang anak ko, Nanay Flora..."Wala akong
Nian's POV Hindi ko na alam kung saan pa ako lulugar o kung paano ko hihinga sa sobrang takot. Hanggang ngayon, wala pa ring magandang balita tungkol kay Zarius. Oras na ang lumipas pero tila bula na naglaho ang van at ang nag-iisa kong anak. Paulit-ulit kong binabasa ang mga huling text message at notification sa telepono ko, umaasang kahit papaano ay may magpadala ng mensahe na nagsasabing ligtas siya, pero puro pagkabigo at walang kasiguraduhan ang sumasalubong sa akin.Nanginginig nang husto ang mga kamay ko habang mahigpit na nakahawak sa isang tasa ng mainit na kape na kanina pa lumalamig. Wala na akong ganang kumain o uminom; ang tanging laman ng isip ko ay ang kalagayan ng anak ko ngayon. Natatakot ba siya? Nilalamig kaya siya? Sino ba kumuha sa kaniya at bakit kailangang idamay ang isang inosenteng bata?"Nian, kailangan nating lumipat ng lugar," seryosong wika ni Zacharias habang abala sa pag-aayos ng ilang mahahalagang gamit sa kaniyang sasakyan.Nagtaka ako at napaanga
Nian's POV"Ang ganda niyan, sir. Magugustuhan talaga ng asawa mo."Tinutulungan ko ang kapapasok na customer namin na namimili ng bulaklak para sa kaniyang maybahay. Siya na rin ang huling customer na pinapasok ko dahil malapit na mag-alas-sais ng gabi at isasara ko na ang shop."Sige, miss. Sana nga magustuhan niya, nagtatampo kasi sa akin," malungkot na saad niya."Sige—""Ate!"Napalingon ako nang malakas sa sigaw na nagmula sa labas. Agad akong tumakbo palabas dahil alam kong si Nani iyon.Nakaluhod siya sa salsada at humahagulhol habang nanginginig. Nag-aalala akong lumapit at dinaluhan siya."Bakit, Nani? Anong nangyari?" nagpapanik kong tanong, habang nagsisimulang kabigin ng kaba ang dibdib ko."A-ate, si Zarius... kinuha!" umiiyak niyang saad.Kumabog nang paglakas-lakas ang dibdib ko sa narinig. Parang nawalan ako ng hangin sa lalamunan."H-huh? Sinong kumuha? Anong nakuha?!" nanginginig at nagpapanik kong tanong habang inaalog siya."Ate, kinuha siya ng nakatab
Nian's POVNakasunod lamang ako sa kaniya habang pumipili siya ng bulaklak. Parang pinag-iisipan niyang mabuti kung ano ang pipiliin.Mukhang espesyal na tao ang pagbibigyan niya. Sino naman kaya 'yon? Bakit kailangan pagalawin ang utak ng isang Zacharias para lang sa bulaklak? Bigla akong nakaramdam ng kaunting kurot at inis sa dibdib ko.Sino 'yong babae? May bago na ba siya?Dati sarap na sarap siya sa bulaklak ko, ngayon mukhang may bibilhan na siyang iba. Napairap ako sa hangin habang nakatingin sa likod niya. Kainis."I can't pick," aniya at nilingon ako."Bakit?""Do you have any recommendations?"Tumikhim ako at pinilit na maging propesyunal kahit na kinakain na ako ng selos sa loob-loob ko. Tiningnan ko ang mga bouquet. "'Yang mga red roses, fresh pa," malamig kong sambit. Baka sakaling nababagay 'yan sa bago niyang kalandian."Do you love roses?" he asked.Teka, ako ba pagbibigyan niya?Biglang nagbago ang ikot ng mundo ko. Parang biglang napawi ang inis at pinalit
Nian's POVHanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan ang boses ni Zachu. Parang pinipiga ang puso ko habang inaalala ang sinabi niyang hindi niya ako kilala.Hindi ako makaisip ng magandang gawin. Gusto kong bumawi pero paano?I dialed Zacharias' phone number. Kailangan ko siyang makausap. Tinatanggap ko nang mahihirapan akong iwasan siya."I didn't expect you to call me first...""May number ka ba ni Zachu?" agad na tanong ko."I don't have. Why?"Anong klaseng ama 'to? Number ng anak ay wala siya."Sige, ibababa ko na—""Check his social media," putol niya sa sasabihin ko."Zachu Viglianco ba?" tanong ko habang sinisimulan nang hanapin ang account niya. Kaso walang lumabas, niloloko ata ako ng isang 'to. "Wala naman!""Chill, ang init ng ulo mo kaagad. What's your account?""Bakit?""I'll add you so that I can share his account link," aniya."Nian Nian," napipilitang saad ko. Gumagawa lang ata ng paraan ang mokong para makita din ang account ko.Agad na nag-pop sa
Nian’s POV Hindi ko alam kung anong flavor ang gusto ng bata, kaya naman kumuha na ako ng dalawang pagpipilian niya. Orange at apple flavor. Pabalik na ako sa kanila nang madaan ko ang dalawang tao. Babae at lalaki na mukhang nag-aaway, nasa tabi sila ng kotseng nakaparada sa may puno. Mula rito,
Nian’s POV "Nian!" Nakasandal ako sa kotse nang marinig ang sigaw ni Zachu. Palabas na siya sa gate ng school nila habang kumakaway. Naglakad ako para salubungin siya at kinuha ang kanyang bag para ako na ang magbitbit. "We have an event next week. I wish Dad could come and watch me," sabi niya.
Nian’s POV Nakarinig ako ng katok galing sa labas. Katatapos ko lang ayusin ang mga gamit ko, suot ko na rin ang unipormeng binigay sa akin. Lumapit ako sa pintuan at binuksan iyon. "Tawag ka ni sir sa office niya," nakangiting sabi ng maid na sa tingin ko ay kasing edad ko lamang. "Sige." Sumu
Nian’s POV"Uncle."Naglakad ang matandang lalaki palapit sa amin. Nakasuot ng mamahaling uniporme. Matikas ang pangangatawan at matindig. May pagkakapareho sila ng katabi ko, kung hindi ko lamang narinig na tinawag siyang uncle ay baka pagkakamalan kong mag-ama sila."Nagdala ka pala ng babae. I'







