LOGINomg, akala ko na update ko 'to kahapon huhu. niways, wala akong nababasang comments, chika nga tayo diba para naman kapag nababasa ko mga reaksyon niyo makakaisip pa ako ng ibang ideasss. lovelats!
Nian's POVInabala ko ang sarili ko sa pagtulong sa mga gawaing bahay. Gusto kong kahit papaano ay malibang at makapagpahinga ang utak ko. Mabilis ang oras at hindi ko namalayang sumapit na ang gabi. Napagod ako at nakakaramdam na ng antok.Bumaba ako saglit mula sa silid para kumuha ng tubig para sa amin ni Zarius. Dumiretso ako sa kusina. Naabutan ko roon si Rein. Bahagya siyang nagulat nang makita ako."Rein, ngayon na lamang ulit kita nakita," nakangiting sabi ko.Nakasuot siya ng black na jacket at may suot na sumbrero."Ah, na-busy sa mga trabaho sa opisina," naiilang niyang sagot.Tumango-tango akong lumapit at binuksan ang refrigerator para kumuha ng isang lagayan ng tubig. Kumuha na rin ako ng baso."Makipag-bonding ka naman sa amin minsan. Uso ring magpahinga," sabi ko. "Hindi yung lagi mong nilulunod ang sarili mo sa trabaho. Hindi 'yan healthy kaya magpakasaya ka."Sumeryoso ang kanyang mukha. Hindi ko alam kung ganito ba siya dati pero parang may nagbago sa kanya. Hindi n
Nian's POVMabilis akong tumayo at agad na inayos ang sarili ko."L-lalabas na ako," sabi ko, pilit na pinapakalma ang nanginginig kong boses.Natatawa siyang napailing, may mapanuksong kislap sa kaniyang mga mata."Pagkatapos kitang pasarapin..."Sinamaan ko siya ng tingin. "Bahala ka nga diyan!"Lumabas ako ng opisina na namumula ang mukha sa hiya at pagkapahiya. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga tao rito sa mansyon lalo na ang mga mata nilang tila may nalalaman. Gusto kong sampalin ang sarili ko. Ang lala mo, Nian! Huli na para sisihin ang sarili ko dahil nangyari na.Pero totoong nasarapan ako. Namimiss ko ang mga ginagawa namin dati—ang patagong relasyon, ang mga kababalaghang nangyayari sa pagitan naming dalawa, at ang init ng katawan niya na hindi ko matanggihan.Pumasok ako sa loob ng silid pero nagulat ako nang makitang naroon sina Zachu at Zarius. Nakaupo sila sa kama, parehong nakatingin sa akin. Naiilang akong ngumiti sa kanila. Kainis. Nakakainis ka, Zacharias.
Nian's PovBinuksan ko ang pintuan ng opisina ni Zacharias. Parehong napalingon ang dalawa sa akin. Nakaramdam ako ng kaginhawaan nang makitang sa visitor's seat nakaupo si Artemis—malayo sila sa isa't isa at mukhang seryoso ang pinag-uusapan.Artemis smiled. "Is this how you always enter Zacharias' office? Parang ako noon. Maybe you are someone special to him," sabay lingon niya kay Zacharias."Do you need anything?" tanong ni Zacharias. Ramdam na ramdam ko ang malamig na pakikitungo niya sa akin ngayon."Humigit-kumulang isang oras na kayong nandito," panimulang sabi ko. "Nagdala ako ng meryenda para sa inyo."Ipinakita ko ang hawak ko at inilagay iyon sa maliit na table. Ang totoo ay rason ko lamang ito para masilip sila. Wala naman akong pake kung magutom sila, gusto ko lang malaman kung ano ang ginagawa nila."Well, actually, we are done talking," aniya. "Zacharias, pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko," saad niya at umalis na.Buti naman at umalis na. Pero ano ang usapan nila na
Nian's POV Hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong isipin. Bumabalik si Artemis para kunin si Zachu sa piling ni Zacharias. Alam kong hindi ito sang-ayon, sapagkat sa kanya lumaki ang bata at alam kong hindi siya basta-bastang papayag. May karapatan si Artemis dahil siya ang ina, pero iniwan niya ang anak at hinayaang lumaki nang walang ina sa tabi. Hindi ko alam ang tunay na rason kung bakit siya umalis noon, pero may anak siya at hinayaang mag-isa. Alam na kaya ni Zachu ang tungkol dito? Ito ba ang kinakatakutan ni Zacharias? Magulang din ako kaya maiintindihan ko ang nararamdaman niya ngayon. Nag-aalala ako at hindi ko alam kung paano ko siya dadamayan. "Mommy." Narinig ko ang boses ng aking anak papasok sa loob ng aming silid. Doon ko lamang namalayan kung gaano na ako katagal nakaharap sa vanity mirror. Nilingon ko si Zarius. Mukha siyang parang nakakita ng multo pero namamangha. "Mommy, you look like someone out there!" aniya habang palapit. Kinabahan ako at napatayo
Nian's POVNang magising kinabukasan, si Zacharias agad ang hinanap ng mga mata ko. Hindi ako nakatulog nang maayos sa kakaisip sa kanya at dahil na rin sa mga napag-usapan namin.Dahil ba sa away namin kaya siya naglasing? Nagpaparinig ba siya sa akin kagabi?Bumaba ako dahil wala siya sa kanyang silid o sa opisina. Pero hindi siya kasama ngayon nina Zachu at Zarius na mag-bonding at maglaro. Ngumiti ako nang tumakbo ang anak ko palapit sa akin at yumakap nang mahigpit."Pawis na kayo," sabi ko. "Pinapagod mo na ata masyado ang Kuya Zachu mo," biro ko sa anak ko.Umiling siya. "No, Mommy, Kuya Zachu is pretty strong and healthy.""Kung gusto mong maging katulad ko, dapat gayahin mo ako," mayabang na sambit ni Zachu habang palapit sa amin."Zachu... ang daddy mo?" tanong ko sa kanya.Bago pa man siya makasagot, bumaba ang tingin ko sa paghawak ni Zarius sa kamay ko."Mommy, stop fighting with Uncle."Yumuko ako at tumango. "Magso-sorry ang Mommy.""Daddy is in the backyard feeding his
Nian's POVMabilis kong pinahid ang luha ko nang pumasok ang anak ko. Malungkot ang kaniyang mukha na lumapit sa akin at yumakap."Mommy, did you and Uncle Zacharias fight?" he asked. "I'm sorry for being stubborn for wanting to stay here. We can now go home if you want, Mommy."I hugged him tightly."Ayaw mo na bang makasama ang Kuya Zachu mo?" tanong ko.Umiling siya. "Kuya Zachu can still visit us, right?""Of course, anytime as long as your fa—" napatikhim ako nang muntikan nang madulas. "I-if your Uncle Zacharias lets him visit you—us, then it's fine," sabi ko."Then let's go home, Mommy. I know you are not comfortable being here and with Uncle."Ngumiti ako. "Magpapaalam muna tayo, hmm?""Opo," tumatangong aniya. "Mommy, lunch is already ready outside. Let's go and eat na po, so you have enough strength."Hawak-kamay kaming bumaba ng anak ko papunta sa dining area. Naroon na silang lahat, maliban kay Zacharias. Baka susunod pa siguro siya, lagi naman siyang nahuhuli. Nakatutok an
Nian’s POV "Nian!" Nakasandal ako sa kotse nang marinig ang sigaw ni Zachu. Palabas na siya sa gate ng school nila habang kumakaway. Naglakad ako para salubungin siya at kinuha ang kanyang bag para ako na ang magbitbit. "We have an event next week. I wish Dad could come and watch me," sabi niya.
Nian’s POV Nakarinig ako ng katok galing sa labas. Katatapos ko lang ayusin ang mga gamit ko, suot ko na rin ang unipormeng binigay sa akin. Lumapit ako sa pintuan at binuksan iyon. "Tawag ka ni sir sa office niya," nakangiting sabi ng maid na sa tingin ko ay kasing edad ko lamang. "Sige." Sumu
Nian’s POV Hindi ko alam kung anong flavor ang gusto ng bata, kaya naman kumuha na ako ng dalawang pagpipilian niya. Orange at apple flavor. Pabalik na ako sa kanila nang madaan ko ang dalawang tao. Babae at lalaki na mukhang nag-aaway, nasa tabi sila ng kotseng nakaparada sa may puno. Mula rito,
Nian’s POV"Uncle."Naglakad ang matandang lalaki palapit sa amin. Nakasuot ng mamahaling uniporme. Matikas ang pangangatawan at matindig. May pagkakapareho sila ng katabi ko, kung hindi ko lamang narinig na tinawag siyang uncle ay baka pagkakamalan kong mag-ama sila."Nagdala ka pala ng babae. I'







