Share

Welcome Boss

"Welcome Boss"

Kinabukasan maaga akong pumasok sa office. Dahil nga second day ko palang dapat magpapakitang gilas muna ako.

Dumaan ako sa isang exclusive coffee shop sa ibaba ng building. Kasunod ay pumanhik na ako sa itaas upang sisimulan ang aking trabaho.

Hindi ako mapakali dahil ito ang araw na unang papasok ang bagong boss ko.

Lahat ng kasamahan kong mga babae ay sabik sa bagong boss namin, ano naman kayang klaseng lalaki ito at bakit lahat ng nasa opisina ay parang sabik itong makita.

Nakanguso akong nakamasid sa mga kasamahan ko, parang mga bagong nagdadalaga. Animo'y kilig na kilig na naghihintay sa bagong CEO.

Baka nga gwapo pareho sa kapatid nitong si Travis. Hindi ko naman maitatangging malakas ang appeal ni Travis at sobrang gwapo din.

"Ayyyy!Pamila huwag mo na ngang ikumpara ang dalawang iyon dahil alam mo naman na trabaho ang pinunta mo dito hindi kalandian eh ano naman kung gwapo ang mga ito ang tanong lilingonin ka ba ng mga ito? Tingnan mo muna ang sarili mo salamin para malaman mo, simulan mo iyang trabaho mo," pangaral ng utak ko.

Pabagsak akong naupo sa harapan ng desk. Sinimulang kong inumin ang dalang kong coffee.

Nang biglang nagtayuan ang mga kasamahan ko. Sa gulat ko muntik ng mapaso ang dila ko dahil sa init ng kapeng dala ko.

Leche! Pabigla bigla itong mga kasama ko at hindi naman ako sinabihan kung anong meron.

Sumunod na rin akong tumayo kahit napipilitan, blankong expression ang rumihistro sa aking mukha sabay lapag sa kapeng hawak sa ibabaw ng mesa.

Itinaas ko ang aking leeg upang makita ko kung sino o ano ang nangyayari.

"Magandang umaga Boss"

"Good morning Sir."

Rinig kong ang sunod sunod na bati ng mga kasamahan ko. Inayos ko ang salaming suot, pilit inaninag kung sino bang dumating. Itinaas ko ang leeg ko na halos maputol na sa kalilinga.

Kinabahan tuloy ako. Is my new boss is the person coming?

"Pamela ano ka ba ob course as expected di ba huwag ka ngang tanga!" sabi ng kabilang utak kong matino.

Nag iinit ang anit ko at pinagpawisan ata ang aking sentido.

Bwesit bakit ba ako kinabahan sa taong hindi ko pa nakikilala.

Hinintay kong dumaan ito sa tapat ng desk ko. Ewan ba pero bakit parang nanginginig ang tuhod ko.

Papalapit na ito sa aking kinaroroonan. Napakagat ako ng aking ibabang labi.

Naiinis ako o sabik lang, bakit pakiramdam ko ay naging pagong ata ang takbo ng orasan at kay tagal nitong matapat sa desk ko.

Hanggang sa unti unti nang naging malinaw sa aking paningin ang imahe ng bagong boss ko.

Natameme ako, nanlaki ang aking mga mata at kusang bumilis ang tibok ng aking puso.

Bahagya akong napahawak sa aking dibdib. Anong nangyari ba't parang tinambol ang dibdib ko?

Napasinghap ako, nakaawang bahagya ang labi ko nang tuluyang matapat ito sa desk ko.

Kung merong langaw sa loob ng office siguro'y kanina pa nakapasok sa bibig ko. Walang kakurap kurap na nakatitig ako sa mukha nito.

"Oh my God, siya?" bulalas ng utak ko nang mapagtanto kung sino.

He was the man from the other day, the stranger who stole a kiss from me, ewan ba kung nakaw ba ang matatawag doon iyon ang hindi ko masasagot!

Hindi ako makapaniwala pati ako ay natameme sa kagwapohang taglay nito, nakalimutan ko ata na may atraso ito sa akin.

Malaya ko nang natitigan ang mukha nito sa malapitan, he had a brown eyes makinis ng balat nito, clean shaved ang panga at baba. He looked so adorable and handsome in his plain black tuxedo.

"Hoy! Babae huwag kang tutunganga diyan!, "ani ng isip ko. Hindi ko namalayang napatunganga ako na nakatunghay sa gwapong mukha nito.

Hindi ko namalayan na kanina pa pala itong nakatayo sa aking harapan. Ibig kong sabunutan ang sarili dahil biglang nawala ako sa ulirat nang masilayan ko ito.

"Hey Miss I am talking to you," he said in a husky voice.

Pero parang wala akong narinig at nanatiling nakasentro ang aking paningin sa mukha nito.

Napalunok akong nakatitig sa mukha nito at ganun din ito sa akin. Naglaban ang aming mga titig at walang nais magbawi. Halos isang dangkal lang ang pagitan ng mukha namin sa isa't isa.

Kinilabotan ako dahil sa lapit ng mukha nito sa mukha ko.

Kasunod ay isang pitik sa noo ko ang nagpagising sa aking diwa sa kasalukuyan. Wala sa sariling napasapo ako sa nasaktan kong noo.

"Ouch!" bulalas ko nang maramdaman ang pitik nito sa noo ko. Sigurado akong nahuli ako nitong nakatunganga at nakaawang pa ang labi.

Nag-iinit ang pisngi niya. "Pamila nakakahiya ka!", kikibot kibot na ani ko sa sarili.

"Hey Miss-" sadyang binitin nito ang huling kataga, bahagya nitong kinuha ang ID ko na nakasukbit sa aking leeg, binasa nito ang pangalan ko, nagsalubong ang kilay nito nang mabasa ang buong pangalan ko.

Pagkatapos ay bumaling ito sa akin. Tinaas nito ang paningin sa mukha ko na animo'y sinuyod.

Napalunok ako habang nakatitig dito, para atang hinigop nito ang kaluluwa ko sa tinging pinukol nito sa akin.

" Miss Ramirez," patuloy nito. "Have you already fixed my appointment today?" malamig na tanong nito.

She bite her lip, bago nagsalita. "Y-yes Sir," ani kong nagkakandautal pa sabay tango dito.

"Okay, then bring me some coffee right away," pagkasabi niyon ay agad itong tumalikod at pumasok sa loob.

Bumuga ako ng isang malalim na hininga at pagkatapos sabay ihip ko sa aking bangs sa noo.

Inirap ko ang aking mga mata at pabagsak na umupo sa silya. Ibig kong malumpasay sa sahig dahil sa tindi ng kaba.

Siguro'y hindi naman siguro ako nito natatandaan dahil na rin sa kung sinu sino ang kasama nitong babae, sana nga.

Isinandal ko ang aking ulo sa back rest ng swivel chair, kita ko ang puting kisame sa itaas.

"God!nanadya ka ba? Bakit ba ang lalaking iyon ang ginawa mong boss ko, pwede iba nalang?" sa isip ko.

"Ayy anak ng--!" bulalas ko na kamuntikan akong mahulog sa upuan.

Biglang tumunog ang phone na nasa ibabaw ng desk ko.

Mabilis ko iyong dinampot sabay lagay sa tainga.

"Hello? this-," ayon! at hindi ko natapos sa proper phone etiquette at nagsalita ang nasa kabilang linya.

"Where is my coffee? bring me a copy of my whole schedule for today!" malamig na utos nito at binaba na agad, halos mabingi ang tainga ko sa pagbagsak ng telepono.

Damn! pabagsak ko ding ibinaba ang telephone. "Anong akala nito siya lang marunong magbagsak ng aparatu ako din!" nangagalaiti kong tinitigan ang telepono, gusto kong itapon ito dahil sa inis.

How rude that man! kung magkapag utos wala man lang please!

Padabog kong tinungo ang pantry area, padabog kog inihanda ang coffee nito.

Dala ang isang folder ay kumatok muna ako sa pintuan. Walang sumasagot kaya na-isipan kong tuloy tuloy na pumasok.

Bumungad sa akin ang lalaki na bahagyang nakatalikod ang in-upoan sa mesa at may ka-usap sa phone.

"Yes baby I'll be there later," ani pa nito sa ka-usap sa cellphone.

Napasimangot ako sabay napa-ikot ko ang aking eyeballs dahil sa cringe, kay aga aga naghaharutan na sa phone?

Tumikhim ako sabay lapag ng coffee at folder sa ibabaw ng mesa.

Napabalikwas ito at mabilis na inikot ang upuan paharap sa akin.

"You don't know how to knock?" reklamo nito sabay pukol ng tingin sa akin.

"Hay!bakit kasi naglandi landi kay aga aga ayan tuloy hindi mo alam kung ninakawan kana!" reklamo niya sa utak.

"I did but you were busy Sir," sagot ko dito ng nakataas ang kilay.

Nakita ko ang paglunok nito ng laway.

"Anyway Miss-- what's your name again?" tanong nito.

Naks! Kinalimutan agad? Ganun! Ang sakit ahhh!

"Pamila Ramirez Sir," agad na sagot ko.

Nang marinig nito ang pangalan ko ay nakita kong dumilim ang mukha nito.

Ganun naba ako ka pangit o ka sama o kung ano anu pang itatawag sa akin para hindi ako nito gusto?

"Miss Ramirez!" Ani nitong bumaling sa akin.

Ako naman ay tumingin din dito at naghihintay sa idudugtong nito sa pangungusap.

"If I'll say now please do it now, ayoko ko nang kilos pagong okay? Now you may go out!" pagtataboy nito sa akin.

Walang sabi sabing tumalikod ako. "Pinagalitan ako? Kainis! oo sige sa susunod makikita mo kung ano ang hinahanap mo."

Padabog naman akong muling umupo sa aking upuan. Itinuon ko nalang ang sarili sa monitor sa harapan.

Nang tumunog muli ang telephone sa harapan ko.

Huwag mong sabihin ang epal na boss ko na naman niya ito!

"Hello de Silva Advertising office how may I help you?" ani ko, himala hindi ako nito sinupalpal.

"Yes hello," ani ng nasa kabilang linya, boses lalaki.

Napakagat ako ng labi outside call pala.

"Yes hello Sir?" sagot ko na may pagkapormal.

"Can I speak to Mr. Tristan De silva?" ani ng nasa kabila.

What! Tristan De Silva? Don't tell me ito ang pangalan ng boss ko?

Tristan De Silva? Wait that name sounds familiar.

Did I heard that name before?

Isip! Isip babae! Isip Isip.

"Hello are you still there, is he busy?" rinig kong muling nagsalita ang lalaking kausap ko sa kabilang linya.

Muling bumalik ang diwa ko. Mamaya ko na iisipin iyon aasikasuhin ko na muna ito.

"Ahhh yes sir may I know who's in the line please?"

"Frank Montecello."

"Hold on Sir," dali kong di-nial ang linya ng Boss ko sa office.

"Hello," sagut ng Boss ko.

"Sir Mr. Frank is on the line right now."

"Let me speak to him."

"Okay sir," pagkasabi niyon ay deritso kong tina-trasfer ang tawag sa office nito sabay sulyap sa glass wall ng silid nito. Nakita kong ka-usap na nito si Mr.Frank.

Nakasimangot kong hinarap ang sarili sa monitor.

Muli kong iniisip kung saan ko narinig sa pangalan nito?

Nanlaki ang aking mga mata. No! It can't be. Tanggi ng utak ko ng maalala ko kung saan.

Pilit akong ngumiti. Tristan De Silva our class President in college, a nerdy guy at naging hero ko minsan?

Malabo! They are definitely opposite, my boss is hot and sexy, my college classmate was nerd and weird. Muli kong tanggi sa sarili.

No!No! Kumbinsi ko sa sarili.

Kinagat kagat ko ang ballpen na hawak.

Paano kung siya nga! Nakakahiya! He changed and I changed pero bumaliktad ata at may hindi tama.

But no! No! They're not the same person, maraming may ganyang pangalan.

Muling kumbinsi ko sa sarili.

-----

"Bye Pamila mauuna na kami sa iyo," paalam ng mga kasamahan ko sa office.

"Okay po," ani ko naman habang kumakaway kaway sa kanila.

Bwisit ang daming pinapagawa ng boss sa akin ayaw atang paawat.

Napakamot ako sa aking ulo at muling itinuloy ang pag ee-input ng mga data sa computer.

Tumingin ako sa gawing office ng CEO!

Malaya kong makita ang ginagawa nito sa loob dahil salamin ang dingding nito.

Kita kong abala pa rin ito sa iba pang mga dokumento.

Hmmm! Hindi na masama hardworking din naman kahit playboy ang boss ko.

Nang bigla nagtaas ito ng paningin at nagtama ang paningin namin sa isa't isa.

Parang napaso kami sa isa't isa at sabay nagbawi ng paningin at muling itinuon ang aming mga sarili sa ginagawa.

------

Inunat ko ang aking mga braso sa wakas ay natapos ko rin lahat ng gawain ko.

Sumulyap ako sa aking wrist watch.

Alas otso na ng gabi kaya mabilis kong inayos ang nagkalat na mga gamit sa ibabaw ng mesa at pumihit ako patayu sabay unat ng likod kong namanhid nang biglang lumabas ang Boss ko sa sarili nitong office.

Dali kong inayos ang tayu ko.

Dumaan lang sa ito sa aking harapan at dumiretsong lumabas.

"Ang kumag hindi man lang marunong magpaalam, suplado pa."

Mabigat ang paa na sumunod na rin ako at lumabas ng office.

Tinakbo ko ang elevator na pasara at mabilis akong pumasok. Ibig kong magsisi kung bakit pa ako nagmamadali. Ayan at kasama ko ang Boss sa loob.

What an awkward moment. Nanahimik nalang ako sa tabi. Ilang floor na ang aming nalampasan at tahimik pa rin kaming dalawa.

Ayaw ko rin naman magsalita ano! Kaya pinili kong manahimik.

Mayamaya ay sinapit namin ang first floor.

Kaya ako na ang naunang nagpaalam, alam ko naman na sa parking lot ang gawi nito.

"Sir mauna na po ako," paalam ko sabay labas sa nakabukas na elevator.

Nakita kong tumango nga lang ito.

Nang makalabas na ako ng tuluyan mula sa building ay nagsimulang pumatak ang ulan.

Kaya patakbo kong tinungo ang waiting shed upang makasilong.

May bumusina ng sasakyan sa likod ko.

Napatalon ako sa gulat.

Lexus black car?

Nagsalubong ang aking kilay sino naman to at bakit binusihan ako ng napakalakas?

Luminga ako sa paligid kung may nagawa ba akong traffic violation, pero paano mangyayaring makagawa ako ng voilation eh nasa gilid lang naman ako ng kalsada?

Salubong na kilay at hindi ko mahulaan kung ano ang sadya ang itim na kotse.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status