Share

Rough to Passionate

"Rough to Passionate"

Pabalikwas na tumayo si Tristan mula sa pagkakaupo sa sahig. Sapo ang noo'y mabibigat ang hakbang na tinalunton nito ang telephone sa ibabaw ng desk nito.

Tahimik lang akong nakamasid dito. Hindi ko mawari kung bakit nanginginig pa rin ang aking mga tuhod. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nito kung bakit nito iyon ginawa. Nalilito ako, litong lito. Malaking palaisipan sa akin ang mga kilos ng binata.

Nanatiling nakamasid lang ako dito. Hindi rin ako pwedeng lumabas ng ganito ang ayos ko. Dahil siguro akong may mga matang nakaabang sa akin.

Punit ang aking damit, ang bra ko ay nasa sahig nakakalat.

Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan nang nahimasmasan.

Ano ang gagawin ko, paano ako uuwi? hindi pwedeng ganito ang ayos ko. Siguradong hindi ako lulubayan ni Jocel.

"Yes hello Mr. Frank can we set our appointment on the next day?" dinig kong ani ni Tristan sa kausap sa telepono.

"Yes Sir I can't make it today, some emergency came up," dahilan nito sa kausa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status