LOGINPROLOGUENakaupo si Ruby sa harap ng salamin.Ilang minuto na siyang nakatitig sa sarili niyang repleksiyon, ngunit parang hindi niya makilala ang babaeng nakikita niya roon.Suot niya ang puting wedding gown na ilang linggo niyang pinag-isipan kung isusuot ba talaga niya.Sa likod niya ay abala ang mga taong tumutulong sa paghahanda ng kasal. May mga bulaklak, mga gamit, at mga dekorasyong nagsasabing ilang sandali na lamang at magiging asawa na siya ni Carlo Sanchez.Carlo.Ang lalaking minsan niyang minahal ng buong puso.Ang lalaking kasama niya ngayon na haharap sa altar.Napayuko si Ruby.Ilang beses niyang sinubukang kumbinsihin ang sarili na tama ang desisyon niyang ito.Na kailangan niyang ituloy.Na kailangan niyang kalimutan ang lahat ng ibang bagay at piliin ang buhay na matagal na niyang pinangarap. At magiging kasama niya si Carlo sa mga pangarap niyang iyon, pag mag-asawa na sila.Pero habang papalapit ang oras ng kasal, lalo lamang sumisikip ang dibdib niya. Parang nag
Lumipas ang ilang linggo matapos maayos ang lahat.Nakulong ang ama ni Jiha at nagsimula na ang paglilitis laban sa kanya. Naging saksi si Albert at isinuko ang lahat ng impormasyong hawak niya tungkol sa Project Orion.Sa wakas, nabigyan ng pagkakataong magsalita ang mga taong matagal ng naghihintay ng hustisya.Para kay Antonette, hindi na mababago ng anumang hatol ang mga nangyari sa kanyang mga magulang: sa kanyang ina at kinagisnan na ama.Hindi na sila maibabalik pa.Ngunit kahit ganoon, alam niyang hindi na mananatiling walang sagot ang kanilang pagkamatay.At hindi na niya kailangang dalhin mag-isa ang sakit ng nakaraan.Dahil nandiyan at kasama niya si Gabby.-Isang hapon, nasa dalampasigan si Antonette. Nakaupo siya sa isang malaking bato habang pinagmamasdan ang dagat. Maya-maya, may narinig siyang yabag sa likuran. Hindi na niya kailangang lumingon. Dahil alam na niya kung sino iyon.“Akala ko ba nasa hotel ka?” Tanong ni Antonette kay Gabby.Ngumiti si Gabby. “Hinahanap
Dumating sina Grandma at Tito Albert sa resort nang hapon na iyon.Hindi na sila nag-aksaya ng oras. Alam ni Albert na dumating na ang araw na kailangan niyang harapin ang katotohanang matagal niyang tinatakasan.Nang makita niya si Gabby, agad siyang lumapit.“Gabby, may kailangan akong sabihin sa iyo.”Napatingin si Gabby sa tiyuhin.Kasama niya si Antonette na abala sana sa pag-aayos ng ilang dokumento para sa hotel, ngunit nang mapansin niyang seryoso ang mukha ni Albert, nanatili siya sa tabi ni Gabby.Huminga ng malalim si Albert.“Hindi aksidente ang nangyari sa barko noong araw na iyon.”Parang huminto ang mundo ni Antonette.“Anong ibig mong sabihin?” tanong niya.Tumingin si Albert kay Gabby bago muling humarap kay Antonette.“Ang barkong sinakyan ng mga tao mula sa baryo ay sinadyang pabagalin at sirain ang makina.”Nanlaki ang mga mata ni Antonette.“Kasama roon ang mga magulang ko…”Tumango si Albert.“Hindi ko alam noon na kasama pala sila.”Napaupo si Antonette.Nagsimu
Hindi agad nakapagsalita si Antonette.Nakatingin lamang siya sa lumang kahoy na laruan na hawak ni Gabby.May kakaibang pakiramdam sa dibdib niya habang pinagmamasdan iyon. Hindi niya alam kung bakit parang may kung anong pumipigil sa kanya na lumapit, ngunit kasabay noon ay may boses sa kanyang isipan na nagsasabing kilala niya ang bagay na iyon.“Bakit parang pamilyar sa akin ‘yan?” tanong niya.Hindi sumagot si Gabby.Inikot nito ang laruan at pinagmasdan ang maliit na ukit sa ilalim.Halos burado na ang pangalan.Ngunit may ilang letra pa ring mababasa.“Ano ba ang nakasulat…?” Tanong ni Antonette. “Anong pangalan?” patuloy pa niya.Hindi agad sumagot si Gabby. Muli nitong tiningnan ang ukit. “Hindi ako sigurado.” wika nito, nang matingnan iyon.“Pero may nababasa ka?” Tanong ulit ni Antonette.Tumango si Gabby.“Parang pangalan ng isang bata.”Lumapit si Antonette.“Pwede ko bang makita?”Iniabot ni Gabby ang laruan.Pagkakahawak pa lamang niya rito ay biglang nagbago ang kanyan
Hindi mapakali si Antonette habang naglalakad sila palabas ng lumang kubo.Ilang beses na niyang tinitingnan si Gabby, ngunit sa tuwing mahuhuli siya nitong nakatingin, agad niyang iniiwas ang kanyang mga mata. Ewan ba niya, kung ano ang nangyayari sa kanya nang sabdaling iyon. Parang may kakaiba.Hindi niya maintindihan ang sarili.Parang may kung anong koneksyon sa pagitan nila na hindi niya maipaliwanag.Parang matagal na niya itong kilala.At higit sa lahat, parang may bahagi ng kanyang puso na matagal ng naghihintay na makasama ito, samantalang palagi naman silang magkasama sa trabaho at ngayong nasa bakasyon sila. Simula nang pumasok sila sa kubo parang may mga nangyayaring hindi niya maintindihan.“Antonette.”Napalingon siya.“Nakatingin ka na naman sa akin.”Namula siya.“Hindi ah.”Napangiti si Gabby.“Kanina ka pa ganyan.”“Ano bang ganyan?”“Parang may gusto kang itanong pero hindi mo masabi.”Napabuntong-hininga si Antonette.Hindi niya alam kung paano niya sisimulan.“Ga
Biglang napabalikwas si Gabby mula sa kanyang pagkakahiga.Mabilis ang tibok ng kanyang puso.Ilang segundo siyang nakatitig sa paligid habang pilit inuunawa kung nasaan siya.Ang silid.*Ang kama.Ang kisameng ilang araw na niyang nakikita sa lugar na iyon.Ngunit ang nasa isip niya ay hindi ang kasalukuyan.Kundi ang panaginip.Isang napakahabang panaginip na tila hindi lamang panaginip.Para kay Gabby, parang totoong-totoo ang lahat.May isang batang lalaki.At may isang batang babae.At silang tatlo ay nasa isang lugar na hindi niya maipaliwanag kung bakit pamilyar na pamilyar sa kanya.Taiwan.Nakita niya ang sarili bilang isang maliit na batang lalaki.Marahil ay anim na taong gulang lamang siya.Katabi niya ang isa pang batang lalaki na tila nasa pitong taong gulang.Magkasama sila.Kahit saan siya magpunta, kasama niya ang batang lalaki.Sa loob ng bahay.Sa hardin.Sa mga lugar na kanilang pinaglalaruan.Maging sa mga simpleng gawain ay hindi sila magkahiwalay.Parang hindi l
Ito ang unang kwento. Kwentong pag ibig nina Sheena at Carlo. Halina't basahin kung paano mapapaamo ni Sheena del Fuente ang puso ng kanyang boss na Super suplado, perfectionist at super kung makatingin na animo'y pati kaluluwa mo ay kaya nitong basahin.. ----- Hindi normal ang hiling na gusto mo
Pagpasok nila sa loob ng opisina, agad itong naupo sa upuan nito, na bumalik sa dati nitong cold, distant, unreadable aura. Habang si Sheena ay nakatayo pa rin, tahimik at hawak ang tablet. Pero hindi niya maayos ang sarili niya dahil sa kalabog ng dibdib na nararamdaman... Ang kabang hindi n
Lumapit pa si Carlo. “At ngayon?” mababa ang boses. “Who do you see?” patuloy nito. Hindi siya makagalaw. Hindi makasagot. - Bigla siyang nagising. Hinihingal. Pawis. Kumakabog ang dibdib. “Ano ba yon?…” tanong niya sa sarili at napahawak siya sa dibdib. Parang hindi pa rin nawala an
Pagbalik ni Sheena sa desk niya, iba na ang pakiramdam niya. Now she knew... May dahilan kung bakit siya tinatrato ng ganito. Hindi siya ñ ni Carlo. Hindi dahil siya si Sheena. Kundi dahil .... Kamukha niya ang taong sumira rito. Huminga siya ng malalim. At saka pumikit. “Hindi ako si Ruby,







