ログイン
Unang kwento...
----- Hindi normal ang hiling na gusto mong masampal ka sa job interview. Pero iyon mismo ang sinabi ni Sheena Del Fuente sa CEO ng Sanchez Media Corporation. Ilang oras lang ang nakalipas… Sheena took a deep breath bago pumasok sa lobby ng Sanchez Media Corporation. Pagpasok niya, agad na bumungad ang napakalawak na espasyo—glass walls na parang salamin ng bawat galaw, polished marble floors na kumikinang sa ilalim ng ilaw, at sleek modern interiors na tila sinasabing hindi basta-basta ang kumpanyang ito. Saka ang mga empleyado—walang sayang na oras, parang sanay na sa pressure, sa success, sa expectations na mataas at walang puwang sa pagkakamali. May kanya-kanyang mundo, pero iisa ang aura: competence. At siya? Parang hindi bagay. Bigla siyang nakaramdam ng liit. “Okay, Sheena… chill ka lang,” bulong niya sa sarili habang mahigpit ang hawak sa folder ng resume niya. Ramdam niya ang bahagyang panginginig ng mga daliri niya. “First impression is everything.” Patuloy niyang pag-encourage sa kanyang sarili. Dumiretso siya sa waiting area at umupo sa bakanteng upuan. Kasama niya ang iba pang applicants. Lahat mukhang confident, well-dressed, at halatang may experience na. May nagre-review ng notes, may nakapikit na parang kinokondisyon ang sarili, at may nakatingin lang sa harap pero halatang kalmado. “Grabe… mukhang ang gagaling nila,” bulong niya. “First time mo rin?” tanong ng katabi niyang babae. Napalingon si Sheena at tumango. “Oo… ikaw?” “Second time ko na dito,” sagot nito, bahagyang ngumiti. “Mahirap makapasok, lalo na kung si Carlo Sanchez ang mag-iinterview.” Napakunot ang noo ni Sheena. “Si Carlo Sanchez?” “CEO,” sagot ng babae. “Bata pa, pero sobrang powerful. Billionaire. Perfectionist… at sobrang gwapo.” Napangiti si Sheena ng bahagya. “Talaga?” “Yeah. Pero warning...sobrang strict. Walang patawad. Isang mali mo lang, ligwak ka agad.” Biglang kinabahan si Sheena. Parang hindi na siya sigurado kung ready ba talaga siya. Parang gusto na niyang umatras habang may pagkakataon pa. Pero bago pa siya tuluyang mag-isip ng dahilan para umalis— “Ms. Del Fuente?” Napalingon siya sa HR staff. “Your turn.” Tumayo siya. Pagbukas ng p***o. Natigilan siya. Hindi dahil sa laki ng opisina. Kundi dahil sa lalaking nakaupo sa swivel chair. Carlo Sanchez. Impeccably dressed. Perfect posture. At may isang bagay pa...pamilyar ito. Sobrang pamilyar. Parang nakita na niya ito dati. Hindi niya lang maalala kung saan. Hindi agad nagsalita si Carlo. Nakatingin lang ito. Diretso. Walang emosyon. Parang binabasa nito si Sheena mula ulo hanggang paa, parang binabasa hindi lang ang itsura niya, kundi pati ang pagkatao niya. “Ms. Del Fuente,” malamig nitong sabi. “Sit." Isang salita. Pero parang utos na hindi puwedeng suwayin. Umupo siya. Maingat. Halos hindi niya maramdaman ang upuan niya dahil sa kaba. “Why do you want to work here?” Diretso. Walang kahit konting comfort. Walang small talk. Walang “good morning.” Napakurap si Sheena. Parang biglang nawala ang lahat ng sagot na inihanda niya kagabi. “B-Because… I want to grow in the media industry…” “Explain your skills. Be specific.” Mas bumilis ang tibok ng puso niya. Isa-isa siyang sumagot—about sa writing experience niya, sa organizational skills, sa pagiging adaptable. Pero habang tumatagal, pakiramdam niya… parang bawat sagot niya ay hinuhusgahan bago pa niya matapos. “Give me an example.” “How do you handle pressure? “What makes you different from the others outside?” Sunod-sunod. At habang tumatagal... May mali. May mali talaga. Sa pakiramdam na iyon. Sa lalaking kaharap niya. Hanggang sa hindi niya napigilan. “Sir…” Tumigil si Carlo. Huminga siya ng malalim. “I know this sounds weird…” Aniya. “Pero… puwede mo ba akong sampalin?” Pakiramdam niya, tumahimik ang buong silid. Parang pati hangin huminto. “What?” malamig na tanong ni Carlo. “Para magising ako…” halos pabulong niya, pero sapat na tinig niya para marinig nito ang sabi niya. “Kasi parang… hindi totoo ‘to.” patuloy pa niya. Mas tumalim ang tingin ni Carlo. “I don’t hit people in my company.” wika nito. “If you cannot separate reality from imagination… this position is not for you.” patuloy ng lalaki Parang bumagsak ang mundo ni Sheena sa salitang iyon. Parang may p***o na isinara, hindi lang sa opportunity, kundi sa sarili niyang confidence. — Paglabas ni Sheena ng building, hindi niya maalala kung paano siya nakalakad pababa. Parang lahat ng nangyari ay nasa ulap. Malabo, magulo, at paulit-ulit na bumabalik sa alaa niya. Carlo Sanchez. Ang interview. Ang tingin nito. At ang sinabi nito. “Not for you…*Iyon na lang ang paulit-ulit sa isip niya. Parang mantra na pilit niyang tinatanggap para hindi masaktan. Iwas disappointments. Pagdating niya sa bahay, diretso siyang humiga sa kama. Hindi na siya nagpalit ng damit. “Congrats, Sheena…” sarkastiko niyang bulong, habang nakatitig sa kisame. “Sample ng kahihiyan, 100% complete. Sampal pa more.” patuloy niya Tinakpan niya ang mukha ng unan. Pero kahit pinipilit niyang kalimutan iyon, bumabalik sa isipan niya ang nangyari. Ang eksena. Ang boses. Ang presensya. Si Carlo Sanchez. At yung pamilyar na mukha nito... Ay may pagkahawig. “Kamukha lang niya,” pilit niyang sabi sa sarili. Pero hindi mapigil ng utak niya. Na isipin ang pagkahawig nito kay Homer Alejandrino. Parehong tindig. Parehong aura. Parehong paraan ng pagtitig na parang may nakikita silang hindi mo kayang itago. “Hindi… coincidence lang ‘to,” bulong niya. Biglang nag-ring ang phone niya. Napabalikwas siya mula sa pagkakahiga at agad kinuha ang phone sa tabi niya. Unknown number. Nag-alinlangan siya sandali bago sumagot. “Hello?” “Good afternoon, Ms. Del Fuente. This is HR from Sanchez Media Corporation.” Bigla siyang napaupo ng maayos. Parang bumalik ang lahat ng tension sa katawan niya. “Opo?” “We’re calling to inform you that you are hired.” Napatigil siya. “You are assigned as the personal assistant of Mr. Carlo Sanchez. Please report tomorrow.” Saglit siyang hindi nakapagsalita. “Okay po… thank you,” aniya sapagdaka Call ended. Napatulala siya. Wait… what? Personal assistant? Hindi naman iyon ang in-applyan niya. At bukas agad? “Ang bilis naman…” bulong niya. —- Ano kaya ang dahilan kung bakit na-hired si Sheena bilang personal assistant ni Carlo Sanchez? Bakit ganoon na lang kabilis ang lahat? At sino nga ba si Homer Alejandrino, ang pangalang patuloy na bumabalik sa isip ni Sheena? Subaybayan ang mga susunod na kabanata. Huwag kalimutang i-follow at i-add to library/subscribe and click the heart, para masundan ang kwento nina Sheena at Carlo.Biglang napabalikwas si Gabby mula sa kanyang pagkakahiga.Mabilis ang tibok ng kanyang puso.Ilang segundo siyang nakatitig sa paligid habang pilit inuunawa kung nasaan siya.Ang silid.*Ang kama.Ang kisameng ilang araw na niyang nakikita sa lugar na iyon.Ngunit ang nasa isip niya ay hindi ang kasalukuyan.Kundi ang panaginip.Isang napakahabang panaginip na tila hindi lamang panaginip.Para kay Gabby, parang totoong-totoo ang lahat.May isang batang lalaki.At may isang batang babae.At silang tatlo ay nasa isang lugar na hindi niya maipaliwanag kung bakit pamilyar na pamilyar sa kanya.Taiwan.Nakita niya ang sarili bilang isang maliit na batang lalaki.Marahil ay anim na taong gulang lamang siya.Katabi niya ang isa pang batang lalaki na tila nasa pitong taong gulang.Magkasama sila.Kahit saan siya magpunta, kasama niya ang batang lalaki.Sa loob ng bahay.Sa hardin.Sa mga lugar na kanilang pinaglalaruan.Maging sa mga simpleng gawain ay hindi sila magkahiwalay.Parang hindi l
Kabanata — Ang Batang Laging Kasama“Gabby!”Mabilis na inalalayan ni Antonette ang lalaki nang bahagya itong mawalan ng balanse.Napatingin si Gabby sa kanya.“Okay lang ako.”“Hindi ka okay.”“May naalala lang ako.”“Ano?”Hindi agad sumagot si Gabby.Muli niyang sinubukang alalahanin ang batang lalaki.Puting damit.Maliit na katawan.At ang ngiting pamilyar na pamilyar sa kanya.Pero sa tuwing pilit niyang hinahabol ang alaala, tila may bahagi nito na biglang nawawala. Hindi niya alam at hindi niya maintindihan kung bakit?“Hindi ko pa rin makita ng malinaw ang mukha niya.”“Pero kilala mo siya?”Tumango si Gabby.“Pakiramdam ko.”“Baka kaibigan mo noong bata ka.”“Hindi.”Sigurado siya.“Hindi lang isang kaibigan ang batang iyon.”Napatingin si Antonette kay Gabby.“Bakit?”“Hindi ko alam.”Napabuntong-hininga si Gabby.“Pero pakiramdam ko, napakalapit niya sa akin.”Hindi na nagtanong si Antonette.Sa halip, hinayaan muna niya itong ayusin ang mga naiisip.Pagkaraan ng ilang san
“Anak…”Muling narinig ni Gabby ang tawag ng matandang babae.Nanatili siyang nakatingin dito habang pilit inuunawa ang sitwasyon.Hindi niya kilala ang babae.Sigurado siya roon.Pero bakit ganoon na lamang ang pagtingin nito sa kanya?Para bang matagal na siyang hinihintay.Para bang ang taong nakikita nito sa harapan niya ay isang taong matagal ng nawala.“Ma’am…” maingat na tawag ni Antonette.Hindi agad sumagot ang matanda.Nakatitig lamang ito kay Gabby.Maya-maya, lumapit ito.“Anak ko…”Napaatras ng bahagya si Gabby.“Pasensya na po, pero…”Hindi niya natapos ang sasabihin.Biglang hinawakan ng babae ang kanyang braso.“Buhay ka.”Napakunot-noo si Gabby.“Ma’am, nagkakamali po kayo.”Umiling ang babae.“Hindi.”“Hindi po ako…”“Anak kita.”Napatigil si Gabby.Napatingin siya kay Antonette na tila humihingi ng tulong.Lumapit si Antonette sa kanila.“Ma’am, baka napagkakamalan ninyo siya.”Tumingin ang matanda kay Antonette.“Hindi ko siya napagkakamalan.”Muli nitong binalinga
Ilang sandali silang nanatili sa harap ng kubo. Hindi agad nagsalita si Antonette.Maging si Gabby ay tila pinag-iisipan kung dapat ba nilang alamin kung ano ang nasa loob.“Baka may staff lang na nagpahinga rito,” sabi ni Antonette.“Posible.”“Pero bakit parang wala naman akong alam na may ganitong kubo rito?”Tumingin si Gabby sa paligid.“Baka matagal na itong nandito.”Lumapit siya sa pinto.“Gabby, teka.”Napahinto ito.“Bakit?”“Baka hindi tayo dapat basta pumasok.”Napangiti si Gabby.“Hindi naman ako papasok agad.”Inilapit lamang niya ang kamay sa pinto upang itulak ito ng kaunti.Sa paggalaw nito, mas lumawak ang bukana.Mula sa kinaroroonan nila, nakita nila ang loob ng kubo.May lumang mesa.May ilang upuan.At sa isang sulok ay may maliit na aparador na natatakpan ng alikabok.“Wala namang tao,” sambit ni Antonette.“Pero kanina may narinig tayo.”Tumango siya.“Baka daga.”Napangiti si Gabby.“Daga?”“Bakit? Hindi ba posible?”“Posible.”Muli nitong itinulak ang pinto.
Parehong napatigil sa pag-uusap sina Antonette at Sheena nang biglang tumunog ang cellphone ni Antonette. Napatingin siya sa screen. Nang makita niya ang pangalan ng tumatawag, bahagya siyang napangiti. Si Gabby. Agad niyang sinagot ang tawag. “Hello, Gabby?” “Antonette, dumating na ako sa Isabela.” Napatingin si Antonette kay Sheena. “Nasa Isabela ka na?” “Oo. Nasa resort na ako ngayon.” Napangiti si Antonette. “Ang bilis naman.” “Maaga akong umalis kanina. Gusto ko sanang makapaglibot agad.” “Ah, okay. Mag-isa ka lang?” “May mga staff naman dito, pero may gusto sana akong hilingin sa’yo.” “Ano ’yon?” Saglit na nagkaroon ng katahimikan sa kabilang linya bago nagsalita si Gabby. “Pwede mo ba akong samahan mamasyal sa buong resort?” Napatingin si Antonette sa paligid. “Bakit? Hindi mo ba kabisado ang resort?” “Hindi lahat. Marami pa akong bahagi rito na hindi ko napupuntahan. At saka…” Natatawang nagpatuloy si Gabby. “Mas gusto kong may kasama.” Napangiti si Antonet
Biyernes ng gabi nang katatapos lang kumain ng hapunan si Antonette nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.Pagtingin niya sa screen, napangiti siya.Si Sheena.Agad niyang sinagot ang tawag."Hello?""Antonette! Susunod ako diyan bukas."Napakunot ang noo ni Antonette."Ha? Pupunta ka rito?""Oo.""Biglaan naman.""May pasok ba ako sa Sabado at Linggo?""Kung tutuusin, wala.""Exactly."Napangiti si Sheena sa kabilang linya."Dalawang araw muna akong mamamalagi diyan. Miss ko na kayo.""Miss mo ako?""Ikaw at ang bahay ninyo."Napatawa si Antonette."Ang landi mo.""At saka," dagdag ni Sheena, "miss ko na rin ang bestfriend at kapatid ko."Napangiti si Antonette.Mula nang malaman nilang magkapatid sila sa ama, naging mas malalim ang kanilang samahan.Hindi lamang sila naging magkapatid.Naging matalik na magkaibigan din sila."Sigurado ka?" tanong ni Antonette."Oo. Ako mismo ang magda-drive.""Eh di sige. Ingat ka.""See you tomorrow.""See you."Pagkababa ng tawag, napangiti s
Pagbalik ni Sheena sa desk niya, iba na ang pakiramdam niya. Now she knew... May dahilan kung bakit siya tinatrato ng ganito. Hindi siya ñ ni Carlo. Hindi dahil siya si Sheena. Kundi dahil .... Kamukha niya ang taong sumira rito. Huminga siya ng malalim. At saka pumikit. “Hindi ako si Ruby,
“Others get consideration,” malamig na pagpapatuloy ni Carlo, hindi inaalis ang tingin sa kanya. “They get adjustments. Second chances.” “You won’t.” Narinig niyang sabi nito. Hindi niya alam kung bakit ganun ang nasabi ng boss niya sa kanya Oo, CEO ito at boss niya. Assistant lang siya nit
Friday morning. Maaga siyang nagising, halo-halo ang kaba at excitement. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot. Lalo na at personal assistant siya ni Carlo Sanchez—ang lalaking parang walang emosyon at sagad kung makatingin. Feeling niya pati kaluluwa niya nakikita nito. Nagbih
Pagpasok nila sa loob ng opisina, agad itong naupo sa upuan nito, na bumalik sa dati nitong cold, distant, unreadable aura. Habang si Sheena ay nakatayo pa rin, tahimik at hawak ang tablet. Pero hindi niya maayos ang sarili niya dahil sa kalabog ng dibdib na nararamdaman... Ang kabang hindi n







