LOGINHindi pa siya nagsisimula, pero pakiramdam niya pagod na siya.
Huminga siya ng malalim. 'First day mo pa lang, Sheena. Be patience at gawin mo ang tama.’ Nakita niyang nilapag nito ang isang tablet sa mesa. “Memorize my schedule.” Sheena blinked. “Now, sir?” “Do I look like I’m joking?” “No, sir.” “You have ten minutes.” Saglit na nanlaki ang mata niya, pero agad niyang kinuha niya ang tablet. Sunod-sunod ang laman—meetings, calls, briefings, interviews. Halos parang wala itong pahinga. Natanong niya sa isipan niya, kung nakakaramdam ba ito ng pagod? “Time’s running,” malamig na paalala ni Carlo. Agad niyang ipinagpatuloy ang pagbabasa. Pinilit niyang kabisaduhin lahat—oras, pangalan, location, details. Kahit na mabilis ang tibok ng puso niya sa kaba kailangan niyang mag-focus. Dahil wala siyang choice. “Stop.” Napatingin siya rito. “Recite.” Umayos siya ng upo. At sinimulan iyon… “8:00 AM—marketing meeting. 9:30—conference call with international partners. 10:45—internal review…” Tuluy-tuloy. Hindi siya huminto at hindi siya pwedeng magkamali. Pagkatapos niya, saglit na tahimik si Carlo. Then— “You hesitated.” Wika nitong seryosong- seryoso ang mukha. Parang nanlambot ang tuhod niya. “Sir—” “You paused before 11:00.” “I was just—” “You weren’t sure.” Diretso ang tanong nito at walang paligoy-ligoy na sabi sa kanya. “I’m sorry, sir.” “I don’t need apologies.” Sagot nitong malamig. Na parang walang emosyon habang nakatitig sa kanya. “Again.” Narinig niyang sabi nito. “From the top.” “Yes, sir.” Sagot niyang halu-halo ang emosyon: kinakabahan, natatakot at hindi niya maiwasan ang mainis. Pero inulit nga niya, gaya ng sinabi nito. Mas maingat, kahit kabado. Mas pressured siya. Pero tuloy ang pagsalita. “Prepare my 8:00 AM documents.” Napatingin siya sa desk. Wala pang nakalatag kahit isang kusing ng papel doon. “Sir… wala pa pong files.” “I didn’t say they’ll be given to you.” Natigilan siya. “You find them. Marketing, finance, and production. Fifteen minutes.” “Sir, kakasimula ko lang—” “And you think that gives you an excuse?” Hindi siya umimik sa tinuran nito. “Move.” “Yes, sir.” Halos tumakbo si Sheena palabas ng opisina. - Sa marketing department… “Marketing files po for Mr. Sanchez—” - Sa finance department… “Second floor.” “Finance documents—urgent po “Wait” “Please po, kailangan na ngayon" - Sa production department… “Production files—” “Hindi pa tapos” “Kailangan na po—” Halos mawalan na siya ng hininga. Pagbalik niya— Hingal na hingal. “Sir, ito na po ang mga files…” wika niyang pilit na tinatago ang paghingal. Kinuha ni Carlo ang documents. Tahimik nitong ni-review iyon. Saka isa-isang sinuri. Then— “Wrong” Feeling niya ay muling nanlambot ang kanyang mga tuhod “Sir?” “Page 6. Outdated data.” “Galing po sa finance—” “And you trusted it blindly?” Seryoso ang mukha nito, nakatingin sa kanya ng matalim na tingin. Natigilan siya. “I—” “Careless.” Isang salita. Pero parang dinurog siya. “I’ll fix it, sir.” “You have five minutes.” “Yes, sir.” Pagbalik niya, mas hingal na siya. “Corrected file po, sir.” Sandali iyon na tinignan ni Carlo pagkatapos ay ibinalik sa kanya. “Still slow.” Tapos ay sabi nito. Kinabahan siya, akala niya may mali naman. Wala man lang sinabi sa kanya na “okay” na. Wala man lang acknowledgment. — 8:00 AM meeting. Punong-puno ang conference room. Nandoon lahat ang mga executives, managers at heads ng company. At si Sheena ay tahimik na nakatayo sa gilid. First time niya sa ganitong setting. At si Carlo— Ibang tao, ibang klase ng boss. Hindi niya alam kung meron ba ito tinatawag na konsiderasyon? Pero, sabi nga niya sa interview di ba? She can able to learn faster? Lihim na lamang siyang napabuntong hininga. “This proposal is inefficient,” narinig niyang sabi nito. “Sir, we—” sasagot pa sana siya pero naputol iyon. “I don’t pay you to justify failure.” Tumahimik ang lahat. Ramdam na ramdam niyang nakatingin sa kanya ang karamihan. “Next slide.” narinig niyang sabi nito. Lumapit siya. At ni-click ang next slide. Maling slide. “Stop.” Parang tumigil ang mundo niya. “I said next slide.” “S-sorry, sir—” “Focus. Or leave.” Parang gusto niyang maglaho. Sa puntong iyon, parang gusto na niyang sumuko at lumabas ng conference room. But, Sheena is not a type of person na madaling sumuko. Palagi niyang pinatutunayan na matatag siya in whatever situation. Agad niyang inayos iyon kahit ramdam niya ang pamumula ng pisngi niya sa pagkapahiya. — Lunch time. Pero hindi siya kumain. Dahil hindi niya kayang kumain. Parang feeling niya, nakakawala ng gana. Lalo na kung maalala niyang napahiya siya. “Ms. Del Fuente.” Napalingon siya. Nakatayo si Carlo. “Why are you still underperforming?” Natigilan siya. “Sir, I’m trying my best—” “Your best isn’t enough.” Diretsong sabi nito. Oo, nasaktan siya, as in masakit iyon na marinig mo. Kahit na, ginagawa mo ang lahat ng best mo. “If you can’t keep up, resign.” Parang may sumaksak sa dibdib niya. Pero, hindi siya umatras. “I won’t, sir.” Saglit itong tumahimik. Tinitigan siya ni Carlo. Mabigat. Malamig. “Then prove it.” Saka, sabi nito. Nang gabing iyon mas lumala pa ang mga naranasan ni Sheena. Emails na paulit-ulit niyang nire-revise. Reports na pinapabalik. Calls na siya ang pinapahandle. At bawat mali niya. Palaging binabalik sa kanya, sabay sabi nito: “Redo this.” “Unacceptable.”“Fix it.” o “Again.” Paulit-ulit. Parang wala siyang nagawang tama. Kaya hindi niya naiwasang itanong sa sarili. ‘Kaya ko pa ba to?’ Aniya at napabuntong hininga saka napapikit siya. At— ‘Kakayanin!’Matatag niyang sabi iyon. —-- Bandang gabi. Tahimik na ang opisina. Pero nandoon pa rin siya. Nakatayo sa harap ng desk ni Carlo. “Anything else, sir?” Hindi siya nito agad sinagot. After a few seconds… “Why are you still here?” tanong nitong nakatitig sa kanya. Matalim at sobrang intimidating. Natigilan siya. “Sir? You asked me to stay—” “I didn’t say stand there doing nothing.” Napalunok siya. “I’m waiting for instructions, sir.” Carlo looked up. “Then listen carefully.” Lumapit ito. Mas malapit kaysa dati. Ramdam niya ang tension dito, na parang inis i galit. Hindi niya maintindihan. Pero ano ba ang nagawa niyang kasalanan? Bakit, parang palagi itong galit sa kanya? “Don’t expect anything from me.” “Because you won’t get it.” Mas lalo siyang kinabahan. “At don’t expect me to treat you like the others.” Nanlaki ang mata niya. At mas lalong lumalim ang mga katanungan sa isipan niya. Mas lalong lumabo, dahil hindi niya alam ang dahilan kung bakit nasabi nito iyon sa kanya. “What do you mean, sir?” Saglit na katahimikan. Then— “Figure it out.” parang casual na sabi nito pero Andon parin ang tensyon. Seryoso ito at gaya ng nakasanayan niya, walang emosyon ang mukha Bumalik ito sa trabaho. As if, walang nangyari. Pero, nasabi ng isip niya… Hindi siya gusto ng boss niya. At mukhang hindi iyon magbabago anumang oras. Pero.. Hindi siya susuko. Hindi pa. —- Hindi naging madali ang paggising ni Sheena kinabukasan. Parang buong katawan niya, pagod pa rin, parang hindi siya natulog, kahit alam niyang nakapikit siya buong gabi. Yung malamig na boses ni Carlo. Yung mga salitang— “Careless.” “Unacceptable.” “Your best isn’t enough.” Napapikit siya sandali. Huminga ng malalim. “First day pa lang ‘yon…” bulong niya sa sarili. “Hindi ka pa tapos.” Dahan-dahan siyang bumangon. Kahit mabigat ang katawan, pinilit niyang kumilos. Kailangan. — Mas maaga siyang dumating sa opisina. Mas maaga kaysa kahapon. Tahimik pa ang buong floor. Ilang ilaw pa lang ang bukas. May ilang employees na naglalakad, pero karamihan—wala pa. Pero si Sheena, Diretso agad sa desk niya. Binuksan ang computer. Checked emails. Organized documents. Sinulat sa notebook niya ang schedule ni Carlo—by memory. “8:00 AM—marketing meeting… 9:30—conference call…” Mahina niyang inuulit. Parang pinipilit niyang patunayan sa sarili niya— Kaya ko. Mas maingat siya ngayon. Mas alerto. Mas takot magkamali. —-- Ang tanong, hanggang kailan kaya kakayanin ni Sheena ang lahat ng iyon? - May dahilan kaya kung bakit ganon ang pagpapahirap ni Carlo kay Sheena? Basahin ang sumusunod na kabanata para sa mga kasagutan. I-click ang add in library para malaman kung ano ang dahilan ng kasungitan ni Carlo.Coffee BreakKahit ganito na simpleng sandali, ramdam na ramdam ni Sheena ang kaba na palihim na pumapasok sa dibdib niya. Nakaupo siya sa maliit na coffee corner ng Sanchez Media Company, hawak ang tasa ng kape. Dito niya nakilala si Ellen, ang dating bestfriend ni Ruby—si Ruby na ex-fiancée ni Carlo.Naghahanap si Ellen ng bakanteng mesa at naupo sa tabi ni Sheena, dahil puno na ang coffee corner. Nagkataon, kay Sheena ito nakaupo. Syempre, agad naman siyang pumayag. Nagpakilala si Ellen at nag-open up tungkol kay Ruby. Nang mabanggit niyang personal assistant siya ni Carlo Sanchez:"Ikaw pala ang bagong personal assistant ni Sir Carlo?" wika ni Ellen habang umiinom ng kape, at hindi maiwasang ma-mention si Ruby.“Ruby… former fiancée ni Sir Carlo, ‘di ba?” medyo mahina ang tinig ni Sheena, pero sinusubukang maging casual.Tumawa si Ellen ng mahina.“Yeah… ganun nga. Alam mo na pala. Hindi madali ang nangyari. Ang dami ng detalye na hindi nakikita ng iba. Lalo na nung araw ng kasal—
Maaga pa lang, nasa office na si Sheena. Tantiya niya ay siya pa lang ang unang empleyado na dumating. Pagdating niya sa opisina, maingat pa siyang humakbang sa sementadong sahig. Dahil katatapos lang mag-mop ng janitor. “Good morning po ma'am, masyado ka namang maaga ma'am” wika pa ng janitor sa kanya nang makita sya nito. “Good morning din po, meron pa kasi akong tapusin, manong” sagot niyang May bahagyang ngiti. Everything looked normal. Organized. Controlled. Pero sa loob niya, hindi. Hindi kasi siya nakatulog ng maayos kagabi. Paulit-ulit lang sa isip niya ang panaginip. Ang lugar, boses, ang pagbabago ng mukha. At higit sa lahat ang tanong... "Who do you see?" Nagpahinga siya ng malalim. “Focus" wika niya sa sarili. Kailangan niyang mag-focus. Hindi siya pwedeng magpadala. Hindi siya pwedeng magkamali. Hindi ngayon at lalo hindi kung kaharap niya si— Napapikit siya sandali. Huminga nang malalim. Once. Twice. Then she straightened her posture. Calm and con
Gabi na nang makauwi si Sheena.Nakita niya ang kanyang ina na nakaupo sa sofa.Lumapit siya rito at nagmano.“Good evening, Mom,” mahina niyang bati.Ngumiti ang kanyang ina, pero halatang may halong pag-aalala ang mga mata nito.“Gabi ka na, anak. Nauna na lang kaming maghapunan ng Daddy mo. Nang tumawag ka kanina, sabi mo mauna na kami.”Tumango si Sheena. “Opo.”“It’s already 9 PM,” dagdag pa nito. “Pero nagtabi ako ng pagkain para sa’yo. Kumain ka muna, ha?”Saglit siyang napahinto.Wala talaga siyang gana.Pagod siya. Drained. At higit sa lahat—magulo ang isip niya.Pero ayaw niyang madagdagan pa ang iniisip ng mama niya.“Sige po, Mom. Magpapalit lang ako ng damit.”Ngumiti ang kanyang ina, halatang relieved.At doon pa lang, sapat na para pilitin niyang maging okay kahit hindi naman talaga.a—Pagpasok niya sa kwarto, agad niyang ibinagsak ang bag sa gilid.Parang naubos ang lakas niya sa simpleng pagbitaw lang.Umupo siya sa kama.Then she exhaled.Mahaba.Mabigat.Pagod ang
Bandang tanghali.Doon niya lang napansin na sumasakit na ang ulo niya.Hindi pa siya kumakain pero hindi pa siya tumitigil.At habang tinititigan niya ang screen—“Lunch?”Napalingon siya.May babaeng nakatayo sa gilid ng cubicle niya. Nakangiti ito.“Ah—sorry?”“Lunch tayo,” ulit nito, medyo amused ang tono.“Mukha kang mawawalan ng malay anytime.”Napakurap si Sheena at napatingin sa oras.Lunch break na pala.“Ah… oo… sure…”Tumayo siya, medyo naninigas pa ang katawan.“By the way,” sabi ng babae habang naglalakad sila, “I’m Mia.”“Secretary ni Sir Carlo.”Tumango lang si Sheena, naalala niya ito. Ito ang nag-orient sa kanya kahapon regarding sa work niya, as personal assistant.“Sheena po.” ilang saglit ay sabi niya.Ngumiti si Mia.“I know.”Napakunot ang noo niya.“Ikaw yung bagong PA na nakasurvive kahapon.”“…Survive?”Napatawa si Mia, pero hindi ito mukhang biro.“Girl… congratulations.”Bahagyang napabagal ang paglakad niya.“Ganun ba kahirap…?”Napatingin si Mia sa kanya.
Hindi pa siya nagsisimula, pero pakiramdam niya pagod na siya.Huminga siya ng malalim.'First day mo pa lang, Sheena. Be patience at gawin mo ang tama.’ Nakita niyang nilapag nito ang isang tablet sa mesa.“Memorize my schedule.”Sheena blinked. “Now, sir?”“Do I look like I’m joking?”“No, sir.”“You have ten minutes.”Saglit na nanlaki ang mata niya, pero agad niyang kinuha niya ang tablet.Sunod-sunod ang laman—meetings, calls, briefings, interviews.Halos parang wala itong pahinga.Natanong niya sa isipan niya, kung nakakaramdam ba ito ng pagod?“Time’s running,” malamig na paalala ni Carlo.Agad niyang ipinagpatuloy ang pagbabasa.Pinilit niyang kabisaduhin lahat—oras, pangalan, location, details.Kahit na mabilis ang tibok ng puso niya sa kaba kailangan niyang mag-focus. Dahil wala siyang choice.“Stop.”Napatingin siya rito.“Recite.” Umayos siya ng upo. At sinimulan iyon…“8:00 AM—marketing meeting. 9:30—conference call with international partners. 10:45—internal review…”T
Sheena took a deep breath bago pumasok sa lobby ng Sanchez Media Corporation.Napakalaki ng space—glass walls, polished marble floors, at sleek modern interiors na agad nagpaparamdam kung gaano kalaki, respetado at hindi basta-basta ang kompanyang pinasok niya. Halos lahat ng taong nadadaanan niya ay naka-formal attire at busy sa kani-kanilang trabaho.“Okay, Sheena… chill ka lang. Focus. First impression is everything,” mahina niyang bulong sa sarili habang mahigpit na hawak ang folder ng resume niya.First time niyang mag-apply sa ganitong klaseng kumpanya. At isa ito sa mga kilalang pangalan sa media industry. Kahit pilit niyang kinakalma ang sarili, hindi niya maikakaila ang kaba na unti-unting sumisikip sa dibdib niya.“You need this job… kaya mo ‘to,” giit pa niya sa sarili.Dumiretso siya sa waiting area at umupo sa bakanteng upuan. Kasama niya ang iba pang applicants—lahat mukhang confident, well-dressed, at halatang may experience na.“Grabe… mukhang ang gagaling nila,” bu







