로그인Her POV
I choose to stay. Sa pakiusap ni Madam Carmela nanatili ako sa gathering kahit kating-kati na akong umalis. Nasa loob ako ng isang private room. Nakaupo at nakapangalumbaba. Ang silid na ito ay espesyal na ipinagawa para lamang kay Madam. Kumpleto ito sa mga gamit na pinasadya para lamang sa isa hanggang dalawang tao. Mula sa mga upuan, higaan at maging sa mga gamit sa kusina, at banyo, lahat ito ay magkakapares at organisado. Ang silid na ito ang nagsisilbing pahingahan ni Madam sa tuwing nai-stress na sa mansion. The smell of the Hoya plant near me changes my mood from bad to good. Vanilla ang scent na isa sa mga paborito ko. Nakatanaw ako sa hardin at sa mga nasa labas na pawang mga nag-uusap at nag-e-enjoy sa mga pagkain. Kilala ko silang lahat, subalit ilan lang ang nakakausap ko. Karamihan sa mga nakakausap ko noon ay pawang asawa rin ng mga Whitlock, from first clan to eighths, at ang topic kung hindi tungkol sa kung papaano sila itrato ng asawa nila, tungkol naman sa kung paano nila waldasin ang perang ibinibigay sa kanila. Hindi ako ganoong klase ng babae, kaya hindi ako maka-relate sa kanila. Mula pagkabata, hindi ako naging maluho at hindi ako naghangad na maging sobrang yaman tulad nila. Ang tanging nais ko lamang noon ay ang makapagtapos, magkaroon ng sariling pamilya na may stable na negosyo at peace of mind. Simpleng buhay, pero stable. Bibihira ang makakausap kong walang pakialam sa yaman ng Whitlock. Halos lahat sa kanila hipokrito at hipokrita na ayaw malalamangan pagdating sa yaman, antas at hitsura. Kung kaya't nang makilala ko si Madam Carmela, naging malapit ako kaagad sa kaniya. Sapagkat, sa lahat ng nakilala ko sa pamilyang ito, siya lamang ang nag-iisa at namumukod tangi pagdating sa kagandahan, katalinuhan at kayamanan. Totoo, mayaman siya. Her side is also one of the wealthiest family sa Valerio. Pero hindi mo siya makikitaan ng kayabangan. Nalaman ko na siya'y minsan nang umalis sa kanila at nagpanggap bilang ordinaryong taong may ibang ngalan sa ibang isla. Namuhay siya roon nang wala ni isang kusing. Ang tanging ginamit lamang niya ay ang angking katalinuhan at kagandahan. Hanggang sa nakilala niya ang ama ni Caspian at naging isang ganap na Whitlock na may tatlong anak na lalaki. Siya ang wife ng eldest Whitlock. The way she handle all the stress from youngsters is a top tier. Ayon din sa kaniya'y ilan taon niya munang itinago ang tungkol sa pagkatao niya. Nakilala siya bilang ordinaryong taong minahal ng isang Whitlock. Kung kaya't minsan din siyang nakaranas ng pangungutya. But after many years of hiding, the truth reveals itself after an accident. And the moment they found out that she's an heiress, nagbago ang tingin ng lahat sa kaniya. Iginalang siya at inirespeto ng lahat. I heard some footsteps, kung kaya naalis ang tingin ko sa labas at bumalik sa reyalidad. "Here, anak. Kumain kana. Ako ang nagluto niyan." She serves a plate on the table. It's a beef steak na hiniwa sa apat. It's medium rare pero caramelized ang gilid nito. Kung tulo-laway na ako sa aroma ng steak, mas natakam pa ako ng makita ko ang mashed potato, toasted bread with sour and cream sauce sa paligid nito. "Dito na tayo kumain. Masyadong nakaka-suffocate sa labas," dagdag pa nito. I feel her hands on my left arm. Saka ito tumango at binigyan ako ng kutsilyo. "H-hindi po ba mas makakabuti kung lalabas na po kayo roon para saluhan po sila? Nakakahiya na po. Okay naman po ako, at saka uuwi na rin po ako pagkatapos kon—" Humigpit ang kapit niya sa braso ko. "Shh! Huwag ka munang umuwi. Gusto kong dumito ka muna kahit sandali. Isa pa, ayoko rin doon. Mas komportable ako dito, kasama ka." Ang mga mata niya'y nangungusap na tila ba mayroon pa itong nais iparating sa akin. Mas lalo ko tuloy naaalala si Caspian sapagkat ganitong-ganito ang mga tingin niya sa akin noon. Na hindi ngayon sapagkat hiwalay na kami. The way he looks at me tells me everything. The love he once had is gone. As if our six years together never mattered. His smile feels like an insult, lalo na nang makita ko kung paano niya hinawakan ang beywang ng babaeng ipinakilala niya bilang fiancée niya. "Alam ko kasing hindi ka na kailanman babalik pa rito sa oras na lumabas ka ng compound." Natigilan ako sa sinabi nito, sapagkat ito'y totoo. Sa oras na lisanin ko ang compound na ito, hindi-hindi na ako babalik dito. I have no right to be here. I'm no longer a Whitlock. Six years were enough for me to learn how sacred their family is, how carefully they guard their name, and how nothing is ever allowed to stain it. "Aurelia... ikaw ang gusto ko para kay Caspian. Wala ng iba. Ikaw lamang ang kaisa-isang nagustuhan ko sa tatlo kong manugang. Kaya naman, ayoko munang umalis ka. Gusto pa kitang makasama." Rumagasa ang luha sa mga mata ko. Did I told you that I love her more than Caspian? If not, then yeah, I love her more than Caspian. Kahit hindi na niya sabihin ramdam ko ang sinabi niya noon pa man. Kung kaya maswerte pa ako sapagkat walang pakialam ang dalawa kong hipag na sina Alessandra at Brenda kahit pa nasa akin ang buong atensyon niya. The fact na mas gusto pa nilang hindi sila gusto ng byenan nila ay nakakapagtaka dahil lubhang napakabuti ng puso ni Madam Carmela para iwasan. "M-Ma..." "Sinabi na sa akin ni Conrado ang tungkol sa divored papers. Sa pagpirma niyo ni Caspian. Ilang ulit kong tinanong si Caspian sa dahilan, pero hindi ako makumbinsi ng mga naging sagot niya. Ang kasal ay sagrado. Hindi ito dapat binabali. Kaya napakasakit malaman na ganito ang ginawa ng anak ko. At sigurado akong lalong-lalo na sa iyo." Sagrado... Totoo, ito'y sagrado. Pero sa tingin ko tanging kami lamang ang nakauunawa ng salitang iyon. "Nalaman ko rin na hindi ka umuwi kagabi." Kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Lagot! Hindi kaya alam na niya kung saan ako natulog kagabi kaya niya ako kinakausap ng ganito? "Saan ka natulog? Hindi kita matawagan kagabi. Ilang ulit din akong tumawag sa guard ng village para malaman kung dumating ka na pero hindi ka raw dumaan doon." Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang at wala siyang idea. And speaking, mabuti na lamang din at wala ang taong iyon dito. He's a Whitlock, of course he belongs here. This is their annual gathering too. Kaya naman lucky me! I guess? "A-anong pakiramdam mo ngayon? Ay hindi mali. Sigurado akong masakit para sa iyo ang nangyari kaya sorry sa naging tanong ko. Ahhh, t-tungkol na lamang sa lilipatan mo. Sinabi ni Caspian na maaaring umalis ka na sa mansion dahil sa nangyari kaya saan ka lilipat? M-may kakilala ako na pwede kong kausapin para doon ka tumira at—" Ibinaba ko ang hawak kong kutsilyo. Masuyo kong hinawakan ang kamay niya sa braso ko. Then I raise her hand and let it rest against my cheek, still warm with my tears. "Ma, huwag po sanang sasama ang loob niyo sa pagtanggi ko, pero huwag niyo na pong stressin ang sarili niyo sa akin. M-malaki na po ako! K-kaya ko na po ang sarili ko." Her eyes change. From worried to teary. "Alam ko po kung gaano kayo nag-aalala sa akin, at nagpapasalamat po ako para roon. Sa loob ng anim na taon po nating pagsasama, hindi ko kailanman naramdaman na iba ang turing niyo sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niyo para sa akin kaya naman po Ma..." If I could see myself in a mirror, I'd look like a seven-year-old pleading with her mother for candy. Tears are spilling down my face. "P-please let me go. S-salamat po sa offer pero hindi ko na po kailangan. I-isa pa... ayokong madungisan ko ang pangalan mo. Sana po hayaan mong ako naman ang magparanas ng totoong pagmamahal para sa iyo sa pamamagitan ng paglayo ko hindi para talikuran ka o kalimutan ka. K-kundi para maging payapa ang lahat, lalong-lalo na ang puso mo, Ma." "A-Aurelia..." "Ipinangangako ko pong hindi kita kailanman kalilimutan. Ang mga itinuro mo sa akin ay babaunin ko saan man ako makarating. Mahirap man, pero kailangan po natin itong tanggapin. Kailangan po nating umusad dahil ito na po ang totoong kinakaharap natin." She rises and wraps me in the warmest hug. She's crying too, her tears dampening my hair, and somehow, that hurts more than anything. Hindi ko akalaing may mas sasakit pa pala kaysa sa paghihiwalay namin ni Caspian. "I-if that's your decision anak, s-sige. Tatanggapin ko. Thank you, and i... I-i love you." Tinapos ko ang pagkain ko bago ako lumabas ng private room. Sinabi niyang hindi na muna siya lalabas doon dahil hindi raw niya makakayang makita ako na umalis. For me that's better. Mas mabuti iyon upang hindi na mas lalong madagdagan ang sama ng loob niya. I go straight to the bathroom to retouch. My heavy tears have washed away my makeup, at ayokong makita nila akong ganoon. I hear some movement in the middle cubicle. I ignore it and go back to fix myself. I'm slipping my lipstick back into my bag nang makita ko sa salamin kung sino ang kasama ko. A woman in a red dress. It's a deep red, vintage-style gown that hugs her tall, curvy figure like it was made just for her. Makinis ang balat niya. Her long hair flows down to her waist, and paired with her white, rich-girl sling bag and matching stilettos. She looks effortlessly expensive. The way the fitted waist and flowing skirt move when she walks makes her look confident and powerful. I hate how my eyes keep drifting back to her. I try to look away, but the jealousy sits heavy in my chest, quietly reminding me of everything she has that I think I don't. Tulad ko'y lumapit din siya sa sink at naglagay ng lipstick. I saw her eyes turned on me kaya nagmadali na ako para lumabas. "Hey." Napahinto ako sa gulat. I just did three steps away from her. I also didn't expect her to call me out. She's beautiful, wealthy, and carries herself with quiet wisdom. She's the kind of woman who wouldn't normally speak to someone like me, someone already discarded. "Ikaw iyon hindi ba? Iyong ex-wife ni Caspian?" Her tone. There's something in her tone. Something na hindi ko magustuhan bukod pa sa accent na hindi ko malaman kung saan nanggaling. Hinarap ko ito bagaman dala ko sa dibdib ang mga daga na pinili na namang dito maglaro at maghabulan. "Yeah. Why?" She nod, hide her lipstick and move a little bit closer. She lean her face closer and sniff me like a rabbit. "Ahh. Yung scent mo, amoy skwater. Hindi ka anak mayaman no?" Pakiwari ko'y umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. "Excuse me?" "Yeah. Noong una, hindi pa sana ako maniniwala sa mga sinabi ni Caspian na, you're not his type. But now that I saw you in person, masasabi kong he is just stating the facts. You literally not his type. The way you dress, the way you walk and your smell. Halatang... mahirap." I can't imagine na mukha lang pala siyang expensive dahil sa suot at mga burloloy niya. It turns out the saying don't judge a book by its cover is true, because even from the way she speaks, I can tell she's like an overripe fruit. Beautiful on the outside but rotten inside. I can't help but wonder why Caspian replaced me with a woman like this. Humigpit ang hawak ko sa sling bag ko. Hangga't maaari hindi ko ipinapakita na apektado ako sa mga sinasabi nito. Pero kung mind reader siya, siguro maaaring kilabutan siya sa paraan kung paano ko siya naiisipang kitilin. "Miss Monroe, if you don't mind, hindi ko ugaling mag-aksaya ng panahon at oras especially sa mga katulad mong lata." "Lata? Oh, so now you're proving him right. The way you talk, ngayon ko lalo napagtanto na hindi ka talaga karapat-dapat kay Caspian. Lata? You call me that? Why? Dahil iyon lang ba ang alam mong masarap na pagkain?" I smiled at her. "No. You're the one who brought up poverty, Miss Monroe. But, interesting, dahil ikaw pa ang may mas maraming alam tungkol doon. If you were really born into wealth, you wouldn't even know the taste of canned food, don't you? But never mind. What I mean is, may be you heard the saying, the emptiest can makes the loudest noise. So..." "You—sinasabi mo bang b*bo ako?" "Oops, not my words. Pero since na-gets mo kaagad ang sinabi ko, maybe you're not that much!" "Ang lakas ng loob mong sabihan ng b*bo ang isang Monroe! Pagsisisihan mo ito! Ikaw na nanggaling sa hirap, sumabit sa Whitlock para magkaroon ng image at patapong—" "WHAT ARE YOU DOING HERE?" Isang malakas na sigaw ng isang lalaki ang narinig ko, at ang boses na iyon, alam ko kung kanino iyon. Hindi ko inaasahan ang malakas na pagbangga mula sa likuran ko. Si bulok na Monroe pala ito na halos nakalimutan ko nang kasama ko. She's rushing towards the door upang tignan ang pinanggalingan ng boses. That's Caspian voice, at base sa lakas ng pagkakasigaw niya ay batid kong may hindi magandang nangyayari. Lumabas na rin ako ng comfort room. Tatlong nakatalikod na lalaki ang nakita ko na nakatayo malapit sa entrance ng pavilion. Lahat sila'y pawang nakasuot din ng formal attire. Ang isang lalaki sa kaliwa ay nakahawak sa balikat ng nasa gitna, habang ang isa naman sa kanan ay nakaabante ng kaunti na tila may piniligilan sa unahan ng nasa gitna. Base sa nakikita kong pwesto ng mga kalalakihan, mayroong kumusyon o eksenang nagaganap at medyo malala ito. Kahit nakatalikod, alam kong si Caspian ang nasa gitna, ang pinipigilan ng dalawa pang lalaki. Ano kaya talaga ang mayroon? Gusto kong magtanong at usisain ang nagaganap, pero alam kong hindi na dapat. Lalo pa akong natauhan nang lumapit si Elara kay Caspian at niyakap ito mula sa likuran. I made my steps, hindi lang dahil sa masakit sa mata ang mga nakikita ko, kundi dahil nais ko na ring umuwi. Anuman ang mangyayari pa'y hindi ko na dapat pang alamin at pakialaman. Tapos na rin kaming mag-usap ni Madam Carmela kaya kumbaga sa mission, mission accomplished na ako. But before I pass the guys at the entrance, my eyes catch a familiar face. A six-foot-two tall man, standing perfectly still. One hand tucked into his pocket, the other relaxed at his side. His sleek watch catches the light. Not all of him has changed. His hazel eyes are still sharp, never soft. Moreno, with a thin yet full beard framing his jaw. Effortlessly elegant in his expensive suit, his nose sharp and proud. Noong una'y malamig ang mga mata nitong nakatingin kay Caspian. But he turned his gaze on me, and when our eyes meet, he smirks. Tila pahiwatig na he's found something truly important. Like an officer catching a most-wanted criminal. And me? My feet feel cemented to the floor. I can't move. There's a saying that regret always comes at the end, right? And yet, here I am. Wishing I never came here in this freaking annual event. That tall man is no other than the one in the picture, the person I never wanted to see again. He's Lucian Whitlock, Caspian's uncle, and the youngest brother of Conrado Whitlock.Her POVI choose to stay. Sa pakiusap ni Madam Carmela nanatili ako sa gathering kahit kating-kati na akong umalis. Nasa loob ako ng isang private room. Nakaupo at nakapangalumbaba. Ang silid na ito ay espesyal na ipinagawa para lamang kay Madam. Kumpleto ito sa mga gamit na pinasadya para lamang sa isa hanggang dalawang tao. Mula sa mga upuan, higaan at maging sa mga gamit sa kusina, at banyo, lahat ito ay magkakapares at organisado. Ang silid na ito ang nagsisilbing pahingahan ni Madam sa tuwing nai-stress na sa mansion. The smell of the Hoya plant near me changes my mood from bad to good. Vanilla ang scent na isa sa mga paborito ko. Nakatanaw ako sa hardin at sa mga nasa labas na pawang mga nag-uusap at nag-e-enjoy sa mga pagkain. Kilala ko silang lahat, subalit ilan lang ang nakakausap ko. Karamihan sa mga nakakausap ko noon ay pawang asawa rin ng mga Whitlock, from first clan to eighths, at ang topic kung hindi tungkol sa kung papaano sila itrato ng asawa nila, tungkol naman
Her POV "ANO?!" Tila bombang sumabog ang boses ni Frenzy sa lakas. Kasalukuyan kaming nasa bahay niya, nakasuot ng ternong pajama, nakasalampak sa sahig at may hawak na kape. Kung gaano ako ka-chill habang hawak ang kape, kabaligtaran naman ng nasa harapan ko. Pakiwari ko'y handa na itong ipakain ako sa buwaya any minute. "Bakit mo ginawa iyon?" She's asking about what happened last night. She's my childhood friend and she knows me so well, sabi niya. And I know her too. Kung gaano siya ka-conservative pagdating sa usaping sekswal, but her head is wild. I can tell you she's freaking wild! But she once said na hanggang imagination lang naman daw siya. Hindi daw siya ganoon outside. 'Di mo sure' I tell her about me wasting my time and money for heavy drinks and then waking up inside someone's longue. "Sis, hindi ko rin alam kung paano ko nagawa iyon." "Sino yung lalaki?" Tila may naghabulang daga sa loob ng dibdib ko dahil sa tanong na iyon. Sasabihin ko ba? O
Her POV Pakiwari ko'y pinukpok ng matigas na bagay ang ulo ko ng ilang ulit. Halos hindi ko na maimulat ang mga mata ko sa labis na sakit. Parang binibiyak ang bungo ko. I tried to peek with my left eye. Umaga na pala. Masyadong maliwanag ang buong paligid. Marahil ay nakalimutan kong isara ang bintana ko kagabi. Sinubukan kong imulat ng maayos ang mga mata ko subalit kusa itong sumasara. Sinubukan ko ring bumangon ngunit napakabigat ng buong katawan ko. Dinaig ko pa ang nag-work out buong maghapon kahapon. Nagmistulang may mga mabibigat na bato ang mga hita at binti ko. Maging ang kaliwang tuhod ko ay tila nasugatan. Ngayon ako nagsisisi na umulit pa ako ng rum kagabi. Marahil ay bumagsak at tumama ako sa kung saan dahil sa labis na kalasingan. I should go straight home instead of wasting money and time for alcohol, because it won't change anything. I am still a divorced woman. Inipon ko ang hangin sa dibdib ko saka dahan-dahang pinakawalan. Ilang ulit ko itong gi
Her POV "Hey cutie, rum please." Sa paningin ko'y tila tinakasan na ng grabidad ang mundo. Kasabay ng pagbilis ng beat ng musika ang pagbabago ng mga gumagalaw na ilaw. Ngunit para sa akin hindi pa rin ito sapat. Ang paggalaw ng paligid ay hindi sapat upang mabawasan ang masamang enerhiya na nasa sistema ko ngayon. Nais kong makalimot. Kahit ngayon lang. Kahit isang gabi lang. Gusto kong burahin ang masalimuot na pangyayari kanina. Kung paano gumuhit ang ngiti sa labi niya matapos kong pirmahan ang mga papeles na inihain ng abogado. Milyon-milyong karayom ang nakatusok sa dibdib. Ang katagang diborsyada ay nakatatak na sa noo ko. Dignidad ay wala. Kakapitan din ay wala. "Are you sure Ma'am? Naka-apat ka nang Margarita." Uminit ang pisngi ko sa sinabi ng barista. "I'm fine sweetheart. I'm not that weak. Just give me some rum." Unti-unti nang nilalamon ng alak ang sistema ko pero imbes na makaramdam ng takot ay natutuwa pa ako. This is what I want! Ang malunod sa

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





