공유

Chapter One

last update 최신 업데이트: 2026-02-06 21:27:04

Her POV

Pakiwari ko'y pinukpok ng matigas na bagay ang ulo ko ng ilang ulit. Halos hindi ko na maimulat ang mga mata ko sa labis na sakit. Parang binibiyak ang bungo ko.

I tried to peek with my left eye. Umaga na pala. Masyadong maliwanag ang buong paligid. Marahil ay nakalimutan kong isara ang bintana ko kagabi.

Sinubukan kong imulat ng maayos ang mga mata ko subalit kusa itong sumasara. Sinubukan ko ring bumangon ngunit napakabigat ng buong katawan ko. Dinaig ko pa ang nag-work out buong maghapon kahapon. Nagmistulang may mga mabibigat na bato ang mga hita at binti ko. Maging ang kaliwang tuhod ko ay tila nasugatan.

Ngayon ako nagsisisi na umulit pa ako ng rum kagabi. Marahil ay bumagsak at tumama ako sa kung saan dahil sa labis na kalasingan.

I should go straight home instead of wasting money and time for alcohol, because it won't change anything.

I am still a divorced woman.

Inipon ko ang hangin sa dibdib ko saka dahan-dahang pinakawalan. Ilang ulit ko itong ginawa sa pag-asang maiibsan ang pananakit ng ulo ko.

I can also feel the softness of my bed. Kahit papaano mas bumibilis ang paggaan ng pakiramdam ko.

Bumangon na ako ng tuluyan matapos ang breathing exercise. Ngayon ko naramdaman ang matinding hilo. Uminit din ang tiyan ko dahilan upang mapatakbo ako sa banyo.

My bathroom is five steps away from my bed kaya kayang-kaya kong puntahan ito kahit naka-blindfold pa, but at this moment I think I had the wrong way.

Pader ang sumalubong sa akin na nasa isang metro pa ang layo. Sinubukan kong imulat ang mga mata ko, pero gumagalaw ang buong paligid. Para silang mga jelly ace na inaalog. Ngunit, awa ng Diyos, nagawa ko pa ring makita ang pintuan ng cr.

A frosted glass wall stands inside the bathroom. There's no bathtub, just a long marble sink and a mirror that's freaking clean!

Nagkamali ba ako ng pinasukang banyo?

Ngunit hindi na nagawa ng utak ko ang magtaka pa nang muling umikot ang paningin ko at uminit ang sikmura ko.

Nanginginig ang mga tuhod ko habang nakasandal sa pader malapit sa bowl. Nailuwa ko yata ang mga organs ko kanina. Sobrang hinang-hina ang katawan ko. Bahagya ko pang nasampal ang mukha ko dahil sa labis na pagkahilo. Halos hindi ko na ulit maimulat ang mga mata ko.

Inom pa, Aurelia! Inom pa!

I flush everything bago lumabas ng banyo. Gumapang ako pabalik, ngunit hindi na ako umakyat sa itaas ng kama.

Hinigit ko ang sling bag ko na nasa ibabaw ng side table, at kinuha ang pamahid na langis. This oil will calm my nerves. Lavender scents na may pinagsamang anghang at lamig na nanunuot sa kalamnan ko.

Hindi na ito nawawala sa akin ever since nag-aaral ako ng college. Ito na ang nagsilbi kong pabango noong kasagsagan ng pagdurusa, lalo na sa defense at thesis.

Abala akong pinapahiran ang sentido ko, tatlong katok ang narinig ko sa pintuan. Kasunod ang pagbukas ng pinto ay ang pagpasok ng dalawang babae.

Did I ever hired maids before? Sa pagkakatanda ko, hindi pumapayag si Caspian na magkaroon ng maid sa bahay dahil takot na manakawan.

They put a tray in my bed and leave with no trace. Hindi man lang nila ako binati. Siguro hindi nila ako nakita. Nasa kabilang side kasi ako ng kama. Nakaupo, nakasandal na para bang manikang itinapon ng bata.

Ahhhhh! Nahihilo pa rin ako! Kainis!

Humalo ang aroma ng pagkain sa lavender scented oil na ipinahid ko. Uminit muli ang sikmura ko pero hindi na para sumuka, kundi dahil sa gutom.

Natatandaan kong hindi ako kumain bago ako uminom. Huli kong kain ay kahapon pa ng 7am. Matapos ko kasing pumirma ng kontrata, hindi ko na nagawa pang kainin ang mga inorder ni Caspian sa restaurant... na ako pa nga ang pinagbayad, bruho!

Unti-unting nanikip ang dibdib ko nang sumaging muli sa isip ko ang nangyari kahapon.

I used to look at his nape and shoulders everytime we walk inside his company before. And I'm happy with that, kahit na sinasabihan ako ng iba na dapat katabi niya ako while showing affection. We believe that it's kinda cringe. Isa pa, kuntento naman na ako sa ganoon kaya wala sa akin ang mga sinasabi ng iba tungkol sa kaniya, o sa akin.

As long as I'm on his side, everything is good.

Subalit iba ang kahapon. Bawat paggalaw ng likod at balikat niya ay nag-iiwan ng kirot sa dibdib ko. Every step he take pinch my soul na halos kalimutan ko na ang kagustuhang mabuhay.

I'm at my twenties noong pinakasalan niya ako. Sagrado, sagana at puno ng pagmamahal ang araw na iyon. Sabi nga nila, minsan lang ikinakasal ang isang babae, kung kaya naman walang pagsidlan ang kaligayahan ko. Ang araw kung kailan naging isa akong ganap na Whitlock.

Only child ako, at hindi naman ganoon kayaman ang pamilya ko. But people never look down on us dahil sa respeto. Mabait kasi ang mga magulang ko. They help people without expecting anything in return. Kaya naman kahit hindi pa milyones ang kinikita ni Papa sa business niya, hindi iyon naging kaso sa akin maging sa mga magulang ni Caspian. Because for them, as long as we're happy and standing in our good reputation and principles, everything is fine.

Isa kasi sa pinakamayamang pamilya ang pamilya ng Whitlock sa Valerio. Kabilang sa first Clan si Caspian kaya mataas ang tingin ng mga tao sa kaniya. Kilala silang malakas pagdating sa pagbebenta ng mga alak sa iba't-ibang bansa. Subalit, isa lamang ito sa marami pa nilang negosyo at koneksyon na mas lalong nagpapamayagpag ng pangalan nila.

Pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko. Heto na naman sila. Nakakainis na.

Becoming a Whitlock is never been in my dreams. Ang tanging nais ko lang noon ay ang maka-graduate ng college, mapakinabangan ito at makatulong sa negosyo nina Papa.

Subalit, hindi ko naman inaasahan na hindi pa ako nakaka-graduate ng college ay magku-krus ang mga landas namin ni Caspian. Noong una, hesitant ako sapagkat takot akong mahusgahan ng mga tao. He is Caspian Whitlock!

Naging mabait ang tadhana sa akin noon dahil hindi ako nakaranas ng masamang pagtrato sa pamilya ng mga Whitlock at maging sa ibang tao. Kung kaya't noong hiningi niya ang mga kamay ko ay walang pag-aalinlangan akong sumagot ng oo.

Six years ang lumipas matapos ng kasal. Walang araw na hindi ko ibinigay lahat ng gusto at pangangailangan niya. Naging mabuting asawa sa kaniya kahit na minsan ay hindi na maganda ang trato niya sa akin.

Sinasabihan na ako ng kaibigan ko na desperada at martir, subalit lahat ng iyon ay nilunok ko. Nagbulag-bulagan, kumapit at umasa, sa pag-aakalang hindi kami kailanman hahantong sa ganito.

Ngunit mapaglaro talaga ang tadhana.

Sinong mag-aakala na hahantong sa ganito ang relasyon namin ni Caspian? O siguro maaari ngang ako lang ang hindi nakakita na hahantong talaga kami sa ganito ni Caspian.

Mabibigat man ang mga hita ko'y pinilit kong tumayo at sumampa sa kama. Gusto kong kumain bago ako umalis sa bahay na ito.

I've decided to leave this house as soon as possible. First of all, this is his house. Our ties estranged yesterday kaya para sa akin katigasan na ng mukha kung mamamalagi pa rin ako rito. Adding to it, I don't want to see him anymore.

Miso soup with a hard-boiled egg. A piece of banana, a slice of orange, and ginger tea. I smile because everything is good for easing my headache.

Dati, ako lang mag-isa ang gumagawa ng mga ganito para sa sarili ko. I never been treated like a princess.

Subalit sanay naman ako sa ganoong sistema dahil wala rin naman kaming katulong sa bahay. Pinalaki ako ng mga magulang ko na kami ang umaasikaso sa sarili namin. Naaalala ko pa nga hanggang ngayon ang mga linya ni Mama palagi noon na, mas mabuti ang may alam sa lahat ng gawaing bahay kaysa sa wala dahil hindi sa lahat ng pagkakataon, may maaasahan kang gumawa ng mga kailangan mo para sa sarili mo.

Which is right! Lalo ngayon na ako na lang mag-isa. Laking pasasalamat ko kay Mama. Sapagkat makakaya kong mabuhay mag-isa.

I turn my gaze to the door kung saan lumabas ang mga katulong kanina. It's beige against the white walls. Inilibot ko pa ang paningin ko sa silid. The floor is covered with a red carpet. There's a huge antique closet with a small table beside it, and a tall lamp on the other side.

Huge windows with sheer white curtains stand wide open, letting light flood the room. Beside of it is the bathroom. There's a chandelier too, and my dress is hanging by the window.

My dress is hanging by the window.

Wait?

My dress?

Is hanging by the window?

Agad kong kinapa ang suot kong damit. Pair of white satin panjamas with teddy bear designs. Without bra, just undies and pajama. Gumalaw ang paningin ko subalit, hindi ako nagpatinag. Yumuko ako sa gilid ng kama para tignan kung naroroon ang sapatos ko. And yes! Nandoon siya.

Pero bakit nasa hanger ang damit ko? Hindi ko rin kilala ang suot kong panjamas.

Ang kwarto... hindi ko ito bahay!

Nasaan ako?!

Lumabas ako ng kwarto upang malaman kung nasaang lupalop ba ako ng mundo. Hindi ko maalala ang nangyari kagabi. Ang tanging naaalala ko lang ay noong ininom ko ang rum at hindi ko na maramdaman ang mga binti ko.

Matapos noon, wala na.

Sinalubong ako ng malalaking chandelier na nakasabit sa kisame. Pakiwari ko'y malaki pa sa paa ko ang bawat ilaw na nakakabit sa bandang gitna noon. Sa kaliwa ko naroon ang mahabang pasilyo na mayroong tatlong pinto na nakasarado. Sa kanan ay ganun din ngunit naroon ang malawak na hagdan paibaba. Ang sahig ay makintab na gawa sa kahoy. Ang railings ay ganoon din ngunit may disenyong ukit ito ng mga bulaklak at dahon.

Sumilip ako sa ibaba. Napakalawak ng bahay. Naroon ang dalawang katulong na nagbigay sa akin ng pagkain ngunit hindi sila tumitingala. Nananatiling nakayuko at abala sa kanilang ginagawa. Ang isa ay nagpupunas ng mga pigurin na nasa ibabaw ng lamesa. Habang ang isa ay nagba-vacuum ng sahig.

Sinubukan kong bumaba, ngunit nakakadalawang baitang pa lamang ako bumungad sa akin ang mukha ng isang pamilyar na tao. Nasa larawan ito na nakadikit sa dingding ng mansyon.

He sits in a leather chair, one leg crossed over the other. A glass of wine rests casually in his hand, though nothing about him feels casual.

His hazel eyes are not soft, they're sharp. His gaze carries authority, as if he's used to being obeyed.

Moreno, with a thin yet full beard framing his jaw, he wears his expensive suit with effortless elegance. His nose is sharp and proud, fitting a man who clearly knows his own power.

A sleek luxury watch gleams on his wrist, and a small pin on his lapel bears the Whitlock crest. He doesn't need to smile. His presence alone is enough to dominate the entire mansion.

Whitlock crest...

I know him, but I barely saw him. Kung hindi ako nagkakamali... He's Lucian Whitlock, uncle of Caspian Whitlock, my ex-husband.

"May kailangan po ba kayo Mam? Ibinilin po sa amin ni Sir Lucian na huwag daw po namin kayong hayaang lumibot ng mansion kung nahihilo pa po kayo."

Muntik akong mahulog sa gulat nang magsalita ang katulong na hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala.

"S-Sir Lucian?"

"Opo Mam."

Tinitigan niya ako ng mataman, tingin ko'y hinihintay nito ang sagot ko mula sa tanong niya kanina.

"W-Wala akong kailangan. S-Salamat."

Muling gumuhit ang hilo sa sistema ko. Halos itatlong hakbang ko na lang kasi ang hagdan pabalik sa silid kung nasaan ako kanina.

Isinara ko ang pinto at umupo sa kama. Iniisip ko kung paano ako nakarating dito. Isa pa, ano ang ginagawa ko rito? Bahay ito ng tiyuhin ni Caspian. Ang tiyuhin niyang dalawang taong lang ang agwat sa kaniya at hindi niya kasundo.

"Uhm..." "So big..."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang rumehistro sa utak ko ang isang pangyayari. Kung saan sarili ko ang nakikita ko na nakapatong sa isang lalaki.

Tinungga ko ng mabilis ang tsaa na halos ikalapnos ng lalamunan ko. Sa sobrang taranta ko, hindi ko na naisip na mainit pa ang tsaa. Nabitawan ko pa ang tasa. Mabuti na lang at sa kama ito nahulog. Safe!

"Uhm..." "So big..."

Pinukpok ko ang gilid ng ulo ko dahil patuloy na rumerehistro sa isip ko ang isang maselang eksena. Eksenang hindi ko matandaan kung kailan nangyari.

Nilapitan ko ng dahan-dahan ang dress ko na nasa hanger at nakasabit sa bintana. Sumasayaw ito sa hangin. Nang lumakas ang hangin, saka lang nagpakita ang bra ko na nasa likod pala nito.

Isa na namang eksena ang rumehistro sa isip ko. Nasa loob ako ng isang madilim na lounge. Nakahiga sa couch at lasing na lasing. Maitim na pigura ang lumapit sa akin... pagkatapos...

Pagkatapos...

Para akong naupos na kandila nang mapaluhod ako sa kinatatayuan ko. Rumehistro muli sa isip ko ang mukha ng nasa larawan, at ang lalaking nasa alaala ko.

Ngayon ko na-realize na ang nasa lalarawan ay ang lalaking nakasalo ko sa isang mainit na gabing hindi ko malilimutan, ang gabing hindi dapat nangyari kailanman.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • My Forbidden Tycoon   Chapter 3

    Her POVI choose to stay. Sa pakiusap ni Madam Carmela nanatili ako sa gathering kahit kating-kati na akong umalis. Nasa loob ako ng isang private room. Nakaupo at nakapangalumbaba. Ang silid na ito ay espesyal na ipinagawa para lamang kay Madam. Kumpleto ito sa mga gamit na pinasadya para lamang sa isa hanggang dalawang tao. Mula sa mga upuan, higaan at maging sa mga gamit sa kusina, at banyo, lahat ito ay magkakapares at organisado. Ang silid na ito ang nagsisilbing pahingahan ni Madam sa tuwing nai-stress na sa mansion. The smell of the Hoya plant near me changes my mood from bad to good. Vanilla ang scent na isa sa mga paborito ko. Nakatanaw ako sa hardin at sa mga nasa labas na pawang mga nag-uusap at nag-e-enjoy sa mga pagkain. Kilala ko silang lahat, subalit ilan lang ang nakakausap ko. Karamihan sa mga nakakausap ko noon ay pawang asawa rin ng mga Whitlock, from first clan to eighths, at ang topic kung hindi tungkol sa kung papaano sila itrato ng asawa nila, tungkol naman

  • My Forbidden Tycoon   Chapter Two

    Her POV "ANO?!" Tila bombang sumabog ang boses ni Frenzy sa lakas. Kasalukuyan kaming nasa bahay niya, nakasuot ng ternong pajama, nakasalampak sa sahig at may hawak na kape. Kung gaano ako ka-chill habang hawak ang kape, kabaligtaran naman ng nasa harapan ko. Pakiwari ko'y handa na itong ipakain ako sa buwaya any minute. "Bakit mo ginawa iyon?" She's asking about what happened last night. She's my childhood friend and she knows me so well, sabi niya. And I know her too. Kung gaano siya ka-conservative pagdating sa usaping sekswal, but her head is wild. I can tell you she's freaking wild! But she once said na hanggang imagination lang naman daw siya. Hindi daw siya ganoon outside. 'Di mo sure' I tell her about me wasting my time and money for heavy drinks and then waking up inside someone's longue. "Sis, hindi ko rin alam kung paano ko nagawa iyon." "Sino yung lalaki?" Tila may naghabulang daga sa loob ng dibdib ko dahil sa tanong na iyon. Sasabihin ko ba? O

  • My Forbidden Tycoon   Chapter One

    Her POV Pakiwari ko'y pinukpok ng matigas na bagay ang ulo ko ng ilang ulit. Halos hindi ko na maimulat ang mga mata ko sa labis na sakit. Parang binibiyak ang bungo ko. I tried to peek with my left eye. Umaga na pala. Masyadong maliwanag ang buong paligid. Marahil ay nakalimutan kong isara ang bintana ko kagabi. Sinubukan kong imulat ng maayos ang mga mata ko subalit kusa itong sumasara. Sinubukan ko ring bumangon ngunit napakabigat ng buong katawan ko. Dinaig ko pa ang nag-work out buong maghapon kahapon. Nagmistulang may mga mabibigat na bato ang mga hita at binti ko. Maging ang kaliwang tuhod ko ay tila nasugatan. Ngayon ako nagsisisi na umulit pa ako ng rum kagabi. Marahil ay bumagsak at tumama ako sa kung saan dahil sa labis na kalasingan. I should go straight home instead of wasting money and time for alcohol, because it won't change anything. I am still a divorced woman. Inipon ko ang hangin sa dibdib ko saka dahan-dahang pinakawalan. Ilang ulit ko itong gi

  • My Forbidden Tycoon   Prologue

    Her POV "Hey cutie, rum please." Sa paningin ko'y tila tinakasan na ng grabidad ang mundo. Kasabay ng pagbilis ng beat ng musika ang pagbabago ng mga gumagalaw na ilaw. Ngunit para sa akin hindi pa rin ito sapat. Ang paggalaw ng paligid ay hindi sapat upang mabawasan ang masamang enerhiya na nasa sistema ko ngayon. Nais kong makalimot. Kahit ngayon lang. Kahit isang gabi lang. Gusto kong burahin ang masalimuot na pangyayari kanina. Kung paano gumuhit ang ngiti sa labi niya matapos kong pirmahan ang mga papeles na inihain ng abogado. Milyon-milyong karayom ang nakatusok sa dibdib. Ang katagang diborsyada ay nakatatak na sa noo ko. Dignidad ay wala. Kakapitan din ay wala. "Are you sure Ma'am? Naka-apat ka nang Margarita." Uminit ang pisngi ko sa sinabi ng barista. "I'm fine sweetheart. I'm not that weak. Just give me some rum." Unti-unti nang nilalamon ng alak ang sistema ko pero imbes na makaramdam ng takot ay natutuwa pa ako. This is what I want! Ang malunod sa

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status