공유

Chapter Two

last update 최신 업데이트: 2026-02-06 21:27:10

Her POV

"ANO?!"

Tila bombang sumabog ang boses ni Frenzy sa lakas. Kasalukuyan kaming nasa bahay niya, nakasuot ng ternong pajama, nakasalampak sa sahig at may hawak na kape.

Kung gaano ako ka-chill habang hawak ang kape, kabaligtaran naman ng nasa harapan ko. Pakiwari ko'y handa na itong ipakain ako sa buwaya any minute.

"Bakit mo ginawa iyon?"

She's asking about what happened last night. She's my childhood friend and she knows me so well, sabi niya.

And I know her too. Kung gaano siya ka-conservative pagdating sa usaping sekswal, but her head is wild. I can tell you she's freaking wild! But she once said na hanggang imagination lang naman daw siya. Hindi daw siya ganoon outside.

'Di mo sure'

I tell her about me wasting my time and money for heavy drinks and then waking up inside someone's longue.

"Sis, hindi ko rin alam kung paano ko nagawa iyon."

"Sino yung lalaki?"

Tila may naghabulang daga sa loob ng dibdib ko dahil sa tanong na iyon. Sasabihin ko ba? O itago ko na lang kaya muna?

He's my ex-husband uncle. At hindi lang basta uncle dahil sa pagkakatanda ko malalim ang galit ni Caspian kay Sir Lucian.

Napakatanga mo kasi, Aurelia.

"A-ahh ano, a-ang totoo niyan—"

"Hindi mo kilala? Gumising ka na wala siya sa tabi mo at masakit ang buong katawan mo. Nasa loob ng isang hotel at nang may kumatok sa pintuan, sinasabi nito na mam, tapos na po ang oras niyo? Ganoon ba? Ganoon ba ang nangyari?"

Lumiwanag ang mukha ko sa sinabi niya. "O-Oo! G-ganun nga!"

Hinampas niya ang hita niya, "Sabi na nga ba! Alam mo Elyang ganiyan na ganiyan ang nangyari sa bida noong binabasa kong story! Grabe! Hindi ko akalain na mangyayari iyon sa iyo!"

Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang! Kahit papaano ligtas na ako. Hinigop ko ang natitirang kape sa baso. Kahit papaano naibsan na nito ang hilo ko. Naligo na rin ako kanina kung kaya't mas magaan na ang pakiramdam ko.

"Pero 'Yang, paano kung mabuntis ka noon?"

Sa sinabi niya iyon, naibuga ko ang iniinom kong kape. Halos mamilipit pa ako sa sakit dahil lumabas ang kape sa ilong ko at may gumuhit na sakit mula sa loob patungo sa ulo ko.

"B-bwisit ka Praneng! Ang sakit!"

Binigyan niya ako ng tissue. "Bakit? Nagsasabi lang naman ako ng mga posibilidad. May nangyari sa inyo e. Hindi imposible na may mabuo kung wala kayong ginamit na proteksyon."

Napailing na lamang ako sa sinabi niya. Totoo naman ang sinabi niya pero pakiwari ko'y mas dumagdag alalahanin pa ang sinabi niya.

Ito na marahil ang mga parusa ko dahil sa ginawa ko. Hindi naman kasi tamang nagpakalasing ako. At lalong mali ang ginawa kong pakikipagtalik.

"Elyang, alam kong magulo pa ang lahat para sa iyo ngayon, pero kailangan mong maging matatag. Iyong nangyari sa iyo kagabi, kung makakaya mo, huwag mo nang isipin. Siguro naman ay hindi ka nakilala ng kahit na sino roon. Wala pa rin naman akong nakitang masamang balita tungkol sa iyo. Hindi pa rin lumalabas sa headline ang tungkol sa paghihiwalay niyo ni Caspian," saad niya saka ipinakita ang isang page sa cellphone niya.

'All About Whitlock' with blue badge.

"Wala kang ginawang mali para dungisan ang pangalan nila. Sa totoo lang, kawalan ka ni Caspian. Maganda ka. Matalino. Hindi spoiled brat. Kulang ka lang sa pera sa ngayon. Pero, girl, may ibubuga ka! Siya ang nagkamali na iniwan ka niya!"

"Ang mga susunod na araw, buwan at taon, magiging masakit dahil matagal din ang anim na taon. Maraming alaala ang maaalala mo na magbibigay sa iyo ng sakit, pero sigurado akong unti-unti ka ring masasanay."

"Tungkol pala sa plano mong pag-alis, may io-offer ako sa iyong lugar. Iyong binabalak mong shop, sure akong maitatayo mo iyon doon."

Tumunog ang cellphone ko sa sling bag ko, someone texted me. Ibinaba ko ang baso, saka tumayo upang kunin ito. Muli, tila naglaro na naman ang mga daga sa dibdib ko nang makita kung sino ang nagtext.

"Bakit Elyang?"

Tinignan ko si Frenzy na nasa harapan ko. Halata sa mga mata nitong nag-aalala siya.

"Uy! Namumutla ka. Bakit?"

"N-nagtext si Madam Carmela. Pinapupunta ako ngayon sa reunion nila."

"HA?!"

Wearing a white-and-black bustier-style midi dress, I leave my friend's house and step into my Lamborghini. Bahagya ko pang ini-ayos ang suot kong puting stilettos.

The black bodice hugs my body, proudly showing my curves, making me look dangerous. The white sleeves, make me seem clean and untouchable. I add a pair of butterfly earrings and a silver necklace with a matching butterfly pendant.

I'm heading toward the Whitlock' private compound for a gathering, an annual event where all the Whitlock members and their extended family come together.

Ironic, isn't it?

Divorced na kami ni Caspian pero pupunta pa rin ako roon.

Hindi ko matiis si Madam. Sa tingin ko'y hindi pa niya alam ang tungkol sa paghihiwalay namin ni Caspian, o maaaring alam na niya subalit hindi pa rin niya ako inaaalis sa listahan ng pamilya nila.

Sa loob ng anim na taon, siya ang isa sa mga taong trumato sa akin ng tama. Napakabuti ng puso niya. Unang araw pa lamang na dumating ako sa lupain Whitlock, siya ang unang umasikaso sa akin at trumato na parang tunay na anak. She even asked me almost everyday if we will have a baby.

Unfortunately now, wala na siyang maaasahan pa mula sa amin ni Caspian.

Habang tinatahak ko ang daan patungo sa compound, unti-unting nanlalamig ang mga kamay ko. Sapagkat, kanina lamang sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako pupunta dahil ayoko nang makita pa si Caspian. Subalit, heto ako. Nagbihis, nag-ayos, nasa kalsada.

The stoplight turned red. Thirty seconds pa bago ako maka-abante. It's 11 in the morning at bahagyang mabigat ang trapiko.

Natuon ang tingin ko sa kaliwang kamay ko na nakahawak sa manibela. Ngayon ko lang napansin na suot ko pa pala ang mga singsing.

The promise ring na ibinigay niya sa akin nang umabot na sa anim na buwan ang relasyon namin. Ang engagement ring na isinuot at ibinigay sa isang private resort, at ang wedding ring.

Ang lahat ay nagdulot ng magaganda at hindi malilimutang alaala. Subalit, ang lahat ng iyon ay pinutol na. Winakasan na sa pamamagitan ng isang pirma.

Uminit ang mga mata ko at unti-unting lumabo. Kasunod ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko. Agad kong pinunasan ang pisngi at mata ko sapagkat limang segundo na lang ay aabante na ako.

"Make yourself ready for everything, sissy..." That line from my best-friend echoes in my head.

Kanina marami pa siyang tanong, ngunit hindi ko masagot. Sa kaniya rin kasi ako unang nagsasabi ng mga ganap namin ni Caspian. Kung kaya hindi ko rin talaga siya masisisi sa mga naging reaksyon niya. Isama pa ang tungkol sa makasalanang gabi na ginawa ko kagabi.

Alam niya kung gaano ka-sweet si Caspian sa akin noon. Linggo-linggo ay palagi niya akong dinadalhan ng bouquet ng rosas at palagi kaming kumakain sa labas tuwing araw ng Miyerkules dahil ito raw ang nagsisilbi kong day off sa pagiging house wife.

Subalit, isang taon bago kami mag-divorce, napansin ko ang mga pagbabago. Hindi na kami lumalabas. Wala na rin ang pabulaklak. Minsan ko siyang tinanong at biniro tungkol dito, subalit ang madalas niyang sagot ay nakalimutan daw niya o kundiman ay hindi niya naasikaso dahil busy siya sa kumpanya.

"Hindi kaya may iba na siya?"

Ang linyang iyan ang tumagos sa dibdib ko. Nang narinig ko iyan mula sa bibig ng kaibigan ko ay halos maubusan ako ng hangin.

Hindi iyon kailanman sumagi sa isip ko.

Oo, maaaring sabihin niyo na ganoon ako kainosente, pero totoo ang sinasabi ko. Hindi ko kailanman naisip na ipagpapalit ako ni Caspian sa iba.

Ang tanging dahilan lamang na nasa isip ko kung bakit siya nakipag-divorce ay dahil abala na siya sa trabaho at hindi na niya ako mabibigyan ng oras.

Kung kaya't nang marinig ko rin ang mga huling linya ni Caspian, natigilan ako't hindi makapaniwala. Sapagkat, hindi ko alam kung saan iyon maaaring magmula.

I reach the private compound. High walls rise on both sides, polished and painted in flawless white. The automatic gate stands nearly as tall as the walls themselves.

On the right side, a rectangular stone is embedded in the wall, bearing a single name carved in gold, Whitlock.

And somehow, just seeing it makes my chest tighten. Gusto ko na palang umuwi. Sa pakiramdam ko'y tila naging freezer ng refrigerator ang sinasakyan ko. Namamawis ang mga kamay ko na nakahawak pa rin sa manibela.

Gusto ko na talagang umuwi. Hindi na ako nababagay sa lugar na ito.

Still in hesitation when someone texted me.

Praneng:

In case di mo na balak tumuloy, isipin mo lang palagi na wala kang ginawang mali sa kanila, ok? U never made anything to stain their names. Be proud. Ok? Fighting!

At heto na nga, bumukas na ang gate para sa akin.

Nagkaroon ako ng kaunting lakas ng loob sa sinabi ni Frenzy. Just like what she said, never akong gumawa ng kahit na ano para sa ikadudungis ng pangalan nila. Kung kaya't, bakit ako mahihiya? Isa pa, mismong si Madam Whitlock ang nagpapunta sa akin dito. Kung kaya inabante ko na ang sasakyan papasok ng compound. Anuman ang mangyari mamaya, bahala na.

I see the catering set up outside the house, in the garden. Everyone is dressed casually, chatting with glasses of wine in their hands.

A reception guard guides me to the parking area. He bows respectfully as I step out of my car. I follow the gravel pathway, winding between neatly trimmed hedges. The huge white bow in my hair dance in the wind until I reach the pavilion.

A long buffet table stretches across the entrance. Tulad pa rin ng dati, sa aroma pa lang, mabubusog ka na. Beyond it, I see the main garden hall, set with white chairs and tables.

"Aurelia! You're here!"

Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses. A small woman, barely five feet tall and in her fifties, rushed toward me. Her grey hair, cut neatly around her head in an apple shape, almost matched her white bodycon dress and jacket. She looks just like Caspian, a spitting image of my ex-husband. She still wore that gorgeous smile that seemed to capture my very soul.

The one and only, Madam Carmela Whitlock.

Hinaplos niya ang pisngi ko. Her warm hands slowly melted the cold that had settled into my body. Niyakap niya ako, bineso. Pinipigil ko ang sarili kong maluha. She shouldn't see me cry.

She gives the warmest welcome, but the others stares are ice cold, like I'm some fugitive who doesn't belong here.

Nang hatakin niya ako papasok pa ay isang pamilyar na boses ang narinig ko.

"Look who's here."

Namayani ang katahimikan sa buong hardin. The spitting image I'd been talking to earlier was walking toward us, a man in a suit with a glass of wine in his right hand. Those same blue eyes that had drowned my heart and soul for years met mine. His no one else but Caspian Whitlock.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit sa akin ni Madam Carmela, tila pahiwatig ito na hindi ako dapat matakot.

"If I remember correctly, this is a Whitlock-only gathering. Yet here you are. Who might you be, and how did you convince yourself that the Whitlock name still permits your presence?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Dapat talaga hindi na ako nagpunta pa rito.

I'm looking for answers-sarcastic answers, when Madam Carmela smile and talk back.

"Well, I was the one who invited her here. Is there any problem with that, my son?"

I saw him clench his jaws before he finished his wine. He took some steps to move forward, and smile.

"Oh! Okay Mom. But since you'd invited an outsider here, if you don't mind... I think you should also let her in..."

Isang babaeng nakasuot ng pulang bestida ang lumabas mula sa likuran ni Caspian at kumapit sa braso nito. Lagpas bewang ang straight nitong buhok, at may katangkaran.

"Who is she?" Madam Carmela asked.

"She's Elara, Elara Monroe of FLQ cosmetics. She's my fiance."

F-Fiance?

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • My Forbidden Tycoon   Chapter 3

    Her POVI choose to stay. Sa pakiusap ni Madam Carmela nanatili ako sa gathering kahit kating-kati na akong umalis. Nasa loob ako ng isang private room. Nakaupo at nakapangalumbaba. Ang silid na ito ay espesyal na ipinagawa para lamang kay Madam. Kumpleto ito sa mga gamit na pinasadya para lamang sa isa hanggang dalawang tao. Mula sa mga upuan, higaan at maging sa mga gamit sa kusina, at banyo, lahat ito ay magkakapares at organisado. Ang silid na ito ang nagsisilbing pahingahan ni Madam sa tuwing nai-stress na sa mansion. The smell of the Hoya plant near me changes my mood from bad to good. Vanilla ang scent na isa sa mga paborito ko. Nakatanaw ako sa hardin at sa mga nasa labas na pawang mga nag-uusap at nag-e-enjoy sa mga pagkain. Kilala ko silang lahat, subalit ilan lang ang nakakausap ko. Karamihan sa mga nakakausap ko noon ay pawang asawa rin ng mga Whitlock, from first clan to eighths, at ang topic kung hindi tungkol sa kung papaano sila itrato ng asawa nila, tungkol naman

  • My Forbidden Tycoon   Chapter Two

    Her POV "ANO?!" Tila bombang sumabog ang boses ni Frenzy sa lakas. Kasalukuyan kaming nasa bahay niya, nakasuot ng ternong pajama, nakasalampak sa sahig at may hawak na kape. Kung gaano ako ka-chill habang hawak ang kape, kabaligtaran naman ng nasa harapan ko. Pakiwari ko'y handa na itong ipakain ako sa buwaya any minute. "Bakit mo ginawa iyon?" She's asking about what happened last night. She's my childhood friend and she knows me so well, sabi niya. And I know her too. Kung gaano siya ka-conservative pagdating sa usaping sekswal, but her head is wild. I can tell you she's freaking wild! But she once said na hanggang imagination lang naman daw siya. Hindi daw siya ganoon outside. 'Di mo sure' I tell her about me wasting my time and money for heavy drinks and then waking up inside someone's longue. "Sis, hindi ko rin alam kung paano ko nagawa iyon." "Sino yung lalaki?" Tila may naghabulang daga sa loob ng dibdib ko dahil sa tanong na iyon. Sasabihin ko ba? O

  • My Forbidden Tycoon   Chapter One

    Her POV Pakiwari ko'y pinukpok ng matigas na bagay ang ulo ko ng ilang ulit. Halos hindi ko na maimulat ang mga mata ko sa labis na sakit. Parang binibiyak ang bungo ko. I tried to peek with my left eye. Umaga na pala. Masyadong maliwanag ang buong paligid. Marahil ay nakalimutan kong isara ang bintana ko kagabi. Sinubukan kong imulat ng maayos ang mga mata ko subalit kusa itong sumasara. Sinubukan ko ring bumangon ngunit napakabigat ng buong katawan ko. Dinaig ko pa ang nag-work out buong maghapon kahapon. Nagmistulang may mga mabibigat na bato ang mga hita at binti ko. Maging ang kaliwang tuhod ko ay tila nasugatan. Ngayon ako nagsisisi na umulit pa ako ng rum kagabi. Marahil ay bumagsak at tumama ako sa kung saan dahil sa labis na kalasingan. I should go straight home instead of wasting money and time for alcohol, because it won't change anything. I am still a divorced woman. Inipon ko ang hangin sa dibdib ko saka dahan-dahang pinakawalan. Ilang ulit ko itong gi

  • My Forbidden Tycoon   Prologue

    Her POV "Hey cutie, rum please." Sa paningin ko'y tila tinakasan na ng grabidad ang mundo. Kasabay ng pagbilis ng beat ng musika ang pagbabago ng mga gumagalaw na ilaw. Ngunit para sa akin hindi pa rin ito sapat. Ang paggalaw ng paligid ay hindi sapat upang mabawasan ang masamang enerhiya na nasa sistema ko ngayon. Nais kong makalimot. Kahit ngayon lang. Kahit isang gabi lang. Gusto kong burahin ang masalimuot na pangyayari kanina. Kung paano gumuhit ang ngiti sa labi niya matapos kong pirmahan ang mga papeles na inihain ng abogado. Milyon-milyong karayom ang nakatusok sa dibdib. Ang katagang diborsyada ay nakatatak na sa noo ko. Dignidad ay wala. Kakapitan din ay wala. "Are you sure Ma'am? Naka-apat ka nang Margarita." Uminit ang pisngi ko sa sinabi ng barista. "I'm fine sweetheart. I'm not that weak. Just give me some rum." Unti-unti nang nilalamon ng alak ang sistema ko pero imbes na makaramdam ng takot ay natutuwa pa ako. This is what I want! Ang malunod sa

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status