Share

Chapter 4

ARMELLE LUNA

Pagkatapos ng klase ay binisita ko si Jacob sa restaurant na pag-aari nito. Pinapasok kaagad ako ng isang staff sa opisina nito. 

"What brought you here, Love? Sana tinawagan mo ako para nasundo kita." Sinalubong niya ako ng yakap. 

"Gusto kita surpresahin," nakangiting sabi ko. 

Iginaya niya akong maupo sa couch. Nagkumustahan kaming dalawa. Hindi ko na binanggit ang tungkol kay Hanz dahil tiyak ako na magagalit ito at ipipilit na lumipat ako ng tirahan. 

Mayamaya lang ay naging malikot ang kanyang kamay sa aking katawan. 

"I missed you," halos pabulong ng sabi niya. "I can't wait to be with you, Love," aniya habang dinadampian ako ng halik sa aking pisngi. 

"J-Jacob."

"I want you, Love. I want to make love with you," tila kinakapusan ng hininga na bulong niya sa puno ng tainga ko dahilan para magtaasan ang balahibo ko sa buong katawan. 

Bahagya akong lumayo sa kanya. Nang sulyapan ko siya ay nagtatanong ang tinging pinupukol niya sa akin. 

"I'm sorry, Jacob. Pero hindi pa ako handa sa ganiyang bagay," sabi ko at nag-iwas ng tingin ng makita ko ang disappointment sa mukha niya. 

"Mahal mo ako, 'di ba?" 

"Yes, pero hindi basehan iyon para sumang-ayon ako sa gusto mo. Gusto ko muna tuparin ang pangarap ko. Kung mahal mo ako, handa ka maghintay hanggang maikasal tayo." 

"At kung mahal mo ako, pagbibigyan mo ako sa gusto ko. Since we've been dating for almost a year, Armelle, I've respected you. Wala ka bang tiwala sa 'kin?" 

"H-hindi naman sa gano'n, Jacob. Pero hindi pa talaga ako handa," sagot ko saka siya nagawang sulyapan. 

Frustrated na napahilamos siya ng mukha saka tumayo. "May gagawin pa ako, Armelle," malamig ang boses na sabi niya. 

Nakagat ko ang aking ibabang labi. Sa isang iglap lang ay naging malamig ang pakikitungo niya sa akin. 

Tumayo ako at akmang lalapit sa kanya ngunit tinapat niya ang kanang kamay sa harap ko, senyales na pinapahinto niya ako. Tila kinurot ng pino ang puso ko sa ginawa niya. 

"Leave." 

Isang salita lang pero tila libo-libong punyal ang tumarak sa puso ko. 

"I'm sorry," I said and took a small step towards his door. 

"We're done, Armelle. I'm tired of understanding you." 

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niyang iyon. Dahil lang sa hindi ako pumayag sa gusto niya ay nakikipaghiwalay na siya sa akin? Ngayon ko napagtanto na hindi niya ako totoong mahal. Dahil kung mahal niya ako ay igagalang niya ang gusto ko mangyari. 

Lumabas ako ng restaurant na pigil ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko matanggap na basta na lang niya ako hiniwalayan sa napakababaw na dahilan. 

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko at dito naglabas ng sama ng loob. Wala ako mahingahan. Wala ako masabihan ng sakit na nararamdaman ko. Hindi alam ng mama ko na may boyfriend ako kaya hindi ko magawang magsumbong sa kanya. Bukas na lang siguro din ako magkukwento sa kaibigan ko.

Natigil lang ako sa pag-iyak ng may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. 

"Armelle, are you in there? May dala akong pagkain. Let's eat," tawag sa akin ni Hanz. 

"Busog ako," sagot ko at sinubsob ang mukha sa unan. 

"Are you sure? I bought pizza for us. Marami ito. Hindi ko kayang ubusin ito," giit nito. 

Nauubusan ng pasensya na bumangon ako sa kama. Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang pintuan at marahas na binuksan ito. 

"Busog nga ako!" angil ko ngunit hindi ito natinag sa ginawa ko. Sa halip ay salubong ang kilay na tinitigan niya ako. 

"Are you crying?" 

"Hindi ba halata?" sarkastikong sagot ko. 

Hindi siya sumagot. Hinawakan niya ako sa kamay at lumabas kami sa bahay pagkatapos niyang ilapag sa lamesita ang dalang pizza.

"S-saan tayo pupunta?" takang tanong ko ng buksan niya ang pintuan ng sasakyan niya. 

"To the one who made you cry," walang emosyon na sagot nito. 

Marahas kong binawi ang kamay ko. "Para masaktan ulit ako? No way! Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa taong ayaw na sa 'kin!" Bumalik ako sa loob ng bahay. 

"Feel free to lean on me, Armelle. Come on, makikinig ako," puno ng sensiredad na sabi niya. 

Tumigil ako sa paghakbang saka hinarap siya. Nanginig ang labi ko habang nakatingin sa kanya. Muling naglandasan ang luha sa pisngi ko. Baka sumabog ako kapag hindi ko ito nilabas.

"N-nakipaghiwalay na sa 'kin ang boyfriend ko," sumbong ko rito saka parang bata na umatungal ng iyak. 

Pagkatapos ko iyon sabihin ay niyakap niya ako. Marahan niyang hinagod ang likod ko. Pinaparating niya na kahit sa yakap at hagod niya ay maibsan ang sakit na nararamdaman ko. 

Ilang araw na rin ang nakalipas simula ng maghiwalay kami ni Jacob. Ngayon ko napatunayan na hindi niya ako lubusang minahal dahil kung mahal niya ako, hindi niya ako matitiis. 

The days passed as I gradually forgot the pain I had experienced when Jacob broke up with me. These days we're happy to be with Hanz. He's not like other billionaires who have high self-esteem. Hanz was a down to earth person. I saw the good side of him. But the characteristics he won't lose, as stated on the internet and how Lea Mae described to him, Hanz is a certified playboy.

Kasalukuyan akong patungo sa isang coffee shop kung saan kami magkikita ni Lea Mae. Ngunit sa dami naman ng makikita ko ay ang ex-boyfriend ko pa ang unang nahagip ng mata ko ng pumasok ako. Hindi ito nag-iisa dahil may kasama itong babae at base kung paano ito humawak at makipagtawanan sa kasama nito ay may namamagitan sa dalawa. Mas lalo ko lang napatunayan na hindi talaga niya ako minahal dahil madali na lang niya akong pinalitan. Mabuti na lang talaga at hindi ako nagpa-uto sa kanya. 

Masakit sa mata kaya aalis na lang ako. Tatawagan ko na lang ang kaibigan ko na change location na lang kaming dalawa. Ngunit hindi pa man ako nakakaalis sa kinatatayuan ko ay may humawak sa kamay. It was Hanz. Nanlaki ang mata ko ng hilahin niya ako palapit sa mesa ni Jacob na nagulat ng nasa harap na kaming dalawa. Awtomatikong bumaba ang tingin nito sa kamay namin ni Hanz na magkasalikop. 

"You must be Armelle's ex-boyfriend," wika ni Hanz. 

Hindi sumagot si Jacob, bagkus ay nanatili lang siyang nakatingin kay Hanz habang salubong ang kilay. Nagtatanong ang tingin na pinupukol nito sa katabi ko. 

"Oh, I forgot to introduce myself. I'm Hanz, Armelle's boyfriend," sabay lahad ng kamay sa harap ni Jacob. 

Nagulat man ako sa sinabi niya ay hindi ako nagpahalata. Alam ko na ginawa lang niya iyon para hindi isipin ni Jacob na hindi pa ako nakaka-move on. 

Nagpakilala si Jacob pati ang kasama nitong babae. Bakas sa mukha ng babaeng kasama nito na nagpapa-cute ito kay Hanz. Nakikinita ko na ang kahihinatnan ng relasyon nilang dalawa kapag tumagal. 

Gusto ko nga isampal sa mukha ni Jacob na bilyonaryo ang kasama ko at mas mayaman sa kanya pero mas pinili ko na lang ang manahimik. And besides, Hanz was just pretending my boyfriend in font of my ex-boyfriend.

Nagpaalam na si Hanz sa mga ito ngunit kalauna'y bumalik kami sa mesa ng dalawa. 

"Anyway, thank you for breaking up with her," aniya dahilan para balingan ko siya. Nagulat na lang ako ng hapitin niya ako sa baywang at dinampian ng halik sa gilid ng aking ulo. "Because, I might not have known the woman who would make me happy." 

Madilim ang mukha na iniwan namin si Jacob. Nasa sasakyan na ako ni Hanz ay tahimik pa rin ako. Pilit na pinoproseso ang mga naganap. Nang nasa katinuan na ako ay saka ko binalingan si Hanz na seryosong nakatuon ang atensyon sa daan. 

"Hanz," tawag ko rito. 

"Yes." Tinapunan niya ako ng tingin at muling binalik ang atensyon sa daan. 

"Salamat." 

Hindi siya sumagot, sa halip ay isang matamis na ngiti lamang ang pinakawalan niya. 

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay kinilig ako kay hanz
goodnovel comment avatar
Dhez Rivera
hay nako armelle obvious nmn n hnd k tlga mahal ni jacob, hndi mo lng mpagbigyan s gus2 nya hiniwalayan k agad? buti nlng tlga nanjan si tisoy ,
goodnovel comment avatar
Acaly JEan D Garci
Oh ayn my utng k n nmn armelle
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status