로그인Ilang minuto nang nakatitig si Ylaine sa litrato ng bank transaction na ipinadala sa kanya ng hindi kilalang numero. Montenegro Holdings.Hindi niya alam kung bakit ganun na lamang ang bigat ng dibdib niya nang makita ang pangalan ng kumpanyang iyon.Hindi naman bago sa kanya ang apelyidong Montenegro. Alam niyang pag-aari iyon ng pamilya ni Adrian. Pero bakit may perang nagmula sa kumpanyang iyon na napunta sa taong nagbayad kay Vincent?May koneksyon ba talaga si Adrian sa nangyari? O may ibang taong gumagamit sa pangalan ng kumpanya nito?Muli niyang binuksan ang mensahe.Unknown Number: Hindi lahat ng taong tumutulong sa iyo ay may mabuting intensyon.Napahigpit ang hawak niya sa cellphone.Hindi siya basta maniniwala sa isang anonymous message. Masyado nang maraming kasinungalingan ang narinig niya nitong mga nakaraang araw.Kaya sa halip na sumagot, kinuha niya ang screenshot at ipinadala kay Scarlett.Ylaine: May kailangan akong ipakita sa'yo. Pwede ba tayong magkita bukas?Il
Nang gabing iyon, hindi makatulog ng maayos si Vincent. Nasa harap pa rin niya nag folder na ilang linggo na niyang itinatago, ilang beses na niyang pinag-isipan kung dapat ba niyang ibigay iyon kay Adrian o tuluyan na lamang niya itong sunugin. Ngunit alam niyang hindi na niya kayang takasan ang nangyari, lalo na ngayong may isang babaeng nadadamay sa gulong hindi naman dapat siya kasali. Kinuha niya ang cellphone at muling binuksan ang conversation nila ng taong tumawag sa kaniya kanina.Isang mensahe ang naghihintay.“Don't forget what we agreed. Keep your mouth shut.”Napailing si Vincent.“Hindi na ako pwedeng manahimik,” bulong niya.Kinuha niya ang folder at inilagay sa isang bag, nakapag desisyon na siya. Bukas na bukas mismo, makikipag kita siya sa legal team ni Adrian. Samantala, si Ylaine ay maagang nagising. Nasa kusina siya at abalang naghahanda ng almusal nang bumaba si Mike. “Aalis ka ba ngayon?”“May appointment ako sa clinic.”“Sasamahan na kita.”Agad siyang nap
Maagang dumating si Adrian sa Montenegro Group kinabukasan.Hindi niya nakasanayan ang magpakita ng emosyon sa harap ng kanyang mga empleyado, ngunit ngayong umaga, halatang wala siya sa magandang mood.Nasa conference room na ang head ng administrative department, kasama ang legal team at si Daniel.“Let's start,” malamig niyang utos.Inilapag ng legal representative ang isang folder sa mesa.“Sir, we've traced the visitor pass request. It was processed using an administrative account under one of our subsidiaries. However, the employee assigned to that account claims that he didn't personally submit the request.”“Then who did?”“According to his statement, someone asked him to process it on behalf of a senior executive.”Napatingin si Adrian sa kaniya.“Name?”“Mr. Vincent Hale, sir.”Bahagyang kumunot ang noo ni Adrian.“Vincent?”“Yes, sir. He was previously assigned to handle confidential administrative documents.”“Where is he now?”“According to our records, he resigned two we
Hindi mapakali si Ylaine matapos ang tawag ng laboratory technician, paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga sinabi nito. May isang lalaking pumunta sa laboratory area noong araw ng procedure. Hindi ito kabilang sa medical staff, pero may dala itong folder na may pangalan ni Adrian Alexander Montenegro.Bakit? May kinalaman ba ito sa pagpapalit ng specimen? At kung mayroon man, bakit kailangan madamay ni Adrian? Agad niyang tinawagan si Scarlett para sabihin na tumawag sa kanya ang technician.Naka ilang ring ang cellphone ng kanyang kaibigan bago ito tuluyang nasagot. “Ylaine, napatawag ka? May problema ba?”“May kailangan akong sabihin.”“Ano ‘yon?”Agad na ikinuwento ni Ylaine ang naging pag uusap nila ng laboratory technician. “Wait. May tumawag sayo na technician?”“Oo, sabi niya may nakita siyang lalaking may dalang folder na may pangalan ni Adrian.”“May sinabi ba siya kung sino iyon?”“Wala, pero sinabi niyang hindi raw iyon kabilang sa medical staff.”Saglit na na tah
Hindi mapakali si Mike matapos ang tawag mula sa clinic.Ilang minuto na siyang nakaupo sa loob ng kaniyang sasakyan, hawak ang cellphone at paulit-ulit na binabasa ang mensaheng ipinadala sa kaniya.Kailangan niyang pumunta sa clinic para sagutin ang ilang katanungan tungkol sa araw ng procedure ni Ylaine.Hindi niya alam kung gaano karami ang nalaman ng mga ito.Pero alam niyang hindi na basta-basta mawawala ang pangalan niya sa imbestigasyon.Muli niyang tinawagan ang lalaki mula sa restaurant.“Hindi ko kayang pumunta roon ng hindi alam kung ano ang sasabihin ko.”“Then tell them the truth.”Napakunot ang noo ni Mike.“What?”“Sabihin mong nagtanong ka lang tungkol sa procedure. Wala kang alam sa nangyari sa laboratory.”“Paano kung itanong nila kung sino ang kinausap ko?”“Then answer only what you know. Don't drag anyone else into this.”Napahawak si Mike sa manibela.“Hindi mo naiintindihan. Kapag nalaman ni Ylaine—”“Mike, hindi na natin kontrolado ang sitwasyon. Ang mahalaga nga
Ilang beses binasa ni Ylaine ang natanggap niyang message. Hindi niya pa rin maintindihan ang ibig sabihin nito, posible bang may kinalaman si Mike sa lahat ng mga nangyayari?“Kung gusto mong malaman kung bakit nangyari ang lahat, magsimula ka sa sarili mong asawa.”Hindi niya alam kung sino ang nagpadala nito. Hindi rin niya alam kung dapat ba niya itong paniwalaan, pero may isang bagay na hindi niya maikakaila. Nagsimula siyang magduda sa kanyang asawa, kinuha niya agad cellphone at agad na tinawagan ang kaibigan. “Scarlett, may kailangan akong sabihin sa'yo.”“Ano 'yon? May nangyari ba?”“I received an anonymous message. Sinasabi nitong may alam daw si Mike tungkol sa nangyari sa clinic.”Sandaling tumahimik ang kabilang linya. “May sinabi ba itong ibang detalye?”“Wala naman, pero ang sabi kasi huwag daw ako magtiwala sa mga tao sa clinic at huwag ko raw hahayaan na malaman ni Adrian ang buong katotohanan. Nalilito na ako, hindi ko alam kung sino na ba dapat ang paniwalaan ko.”







