"Napakawalang hiya mong anak!" sinampal ako nang malakas ni Dad. Halos napangiwi ang mukha ko.
Hindi ko man lang magawang makapagsalita. Naiiyak na ako sa takot, sa sobrang kaba at sa kahihiyan kong nagawa. "Nagawa mong landiin ang fiancee ng ate mo! Tingnan mo ngayon, halos mag-isang araw nang hindi lumalabas ng kwarto ang ate mo! Hindi pa siya kumakain dahil sa ginawa mo! Alam mong nagmamahalan sila ng ninong mo! Pero, sinira mo 'to dahil sa kalandian mo! Isabel, pinalaki ba kita ng ganyan! Hindi ko inaasahan na hahantong sa ganito ang ginawa mo! Sadyang sutil ka na talaga! Pinapahiya mo lang ang Cordova Family!" Habang paulit-ulit niya akong sinusumbatan, paulit-ulit din akong tinutusok sa dibdib ng kung anong matalim at malamig na bagay. "Babe, stop that. Bata lang si Isabel, tama na. Nagawa na niya ang hindi dapat nangyari. Pero, bata lang siya, nagkakamali din siya. Please, tama na. Kakausapin ko na lang ang anak kong si Princess." Pinapakalma si Dad ng Mommy ni Princess. "Ayan! Kaya lumalaki ang ulo ng batang 'yan dahil palagi niyo na lang kinakampihan! Hindi ka ba galit sa batang 'yan?! Anak mo ang inagawan niya ng lalaki. Pwede ba! Jennifer, huwag ka na masyadong pang maging mabait sa anak ko! Dahil puro lang sakit sa ulo ang ibinigay niya!" Wala na talaga akong ibang marinig sa bibig ni Dad. Kundi puro masasakit na salita. "Dad, anak mo pa ba ako? Bakit hindi ko maramdaman? Ano ba talaga ako sa 'yo? Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Ginagawa ko naman ang lahat para patunayan na kaya ko. Pero, kailan man hindi ko nakita na naging proud ka sa akin." Kahit pilitin ko pa ang sarili ko na maging matapang. Hindi ko na kaya sa kaloob-looban. Patuloy nang tumulo ang mga butil sa mata ko. Ang sikip sa dibdib. Parang gusto ko na lang mawala sa mundo. "Proud?? Gusto mo akong maging proud sa mga kalokohan mo! Hindi mo nga nagawang makinig sa akin! Tapos gumawa ka pa ng malaking gulo! Hindi mo man lang inisip na masasaktan mo ang ate mo! Isabel! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa 'yo! Lahat na lang hinadlangan mo! Halos hindi ka sumunod sa akin. Dati pa lang, naisip ko na, na wala akong pag-asa sa nag-iisa kong anak! Hindi ko inaasahan na magiging sutil lang ang anak ko sa babaeng minahal ko nang sobra! Ito pa tandaan mo, ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang Mommy mo! Tapos, kahit isang beses lang hindi mo nagawang palambutin ang puso ko! Hindi mo nagawang gumawa ng tama! Napakawalang kwenta mong anak! Kung hindi lang dahil sa ibinilin ng Mommy mo sa akin. Siguro, matagal na kitang pinatay!" Halos manlambot ang mga paa ko. Gusto niya akong patayin mula pa noon? Dad, bakit? Ako pa rin ang sinisisi niya sa lahat. Hindi ko 'to kaya. Ayaw ko nang mabuhay pa. Sana lang, mamatay na ako. Wala akong kwentang anak! Palagi ko na lang naririnig na wala akong kwenta! Wala akong nagawang tama! Masama ba na kunin ko at pilitin kong abutin ang pangarap ko? Hindi ko maintindihan, bakit puro na lang mali ang nakikita ni Dad sa akin. "Isabel! Ngayon pa lang, mag-impake ka na ng gamit mo! Ayaw kong tumira ka ulit sa bahay na 'to! Lahat ng ibinigay ko sa 'yo ay kukunin ko! Lahat ng pera at shares mo ibibigay ko sa ate mo!" Halos gumulo ang isipan ko. Durog na durog na ang puso ko tapos kukunin pa niya ang pagmamay-ari ko. "Dad, no! Please, don't do this to me. Hindi ko na po uulitin ang ginawa ko, pangako ko po...." pagsusumamo ko. Halos mapaluhod ako sa harapan niya habang mahigpit na napahawak sa pantalon niya. "Tigilan mo ako sa kadramahan mo! Hindi mo mababago ang isipan ko!" Bigla niya akong sinipa dahilan na matilapon ako. Ang bilis ng luha kong tumulo sa sahig. Ang sakit! "Dad!! Alam kong mali ako. Pero, huwag mo naman 'tong gawin sa akin! Anak mo pa rin ako!" sabay muling paglapit ko sa kaniya habang napapahagulhol ako sa pag-iyak. "Kapag, hindi mo kunin ang mga gamit mo. Iuutos ko ang lahat sa mga guards ko!" galit na galit na sigaw ni Dad. Tila buo na ang decision niya. Pilit akong tumayo. Pero, lumalambot pa rin ang mga paa ko at tuhod ko. Parang hindi ko yata kaya ang maglakad. "Ako na, kukunin ko na po Dad." Tumayo ako nang maayos sa harap niya at pinunasan ko ang mga luha ko. Binigyan ko pa rin siya nang matamis kong ngiti. Kahit sakit na lang ang laman ng dibdib ko. Pinilit ko ang sarili kong maglakad. "Isabel, kunin mo na ang lahat. Pero, dapat hindi ko makita na dala mo ang litrato ng mommy mo! Dahil, pinahiya mo lang siya!" muling sigaw niya kahit nakatalikod na ako sa kaniya. Pilit kong pinigilan ang mga luha ko. Ngunit, pumatak pa rin ito na parang malakas na agos ng tubig. "Narinig mo ba ako! Wala akong dadalhin na litrato ng Mommy mo!" pag-uulit niya na puno ng galit. "O-opo," hagulhol kong sagot. Kahit boses ko hindi ko na makontrol ng maayos. Nagpatuloy akong maglakad hanggang sa tuluyan akong makapasok sa kwarto ko. Ibinuhos ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Bawat hakbang ng paa ko katumbas ng mga luha ko. Habang inaayos ko ang mga gamit ko. Pinagmamasdan ko muna ang mga litrato ng mommy ko. "Patawad mom, hindi ko po nagawa ang maging mabuting anak. Sana nakasama pa kita ng matagal. Miss na miss ko napo kayo," humagulhol pa rin ako sa pag-iyak. Nang matapos ako ay tuluyan na akong nagpaalam sa kwarto. Matapos ay napalingon muna ako sa kwarto ng ate ko. Nais kong kausapin siya at humingi ng tawad. Ngunit, duwag naman ang paa ko. Sobrang lungkot ng mga itsura ng mga Yaya ko. Ang iba ay umiiyak pa nga. "Ahmm, dapat maging masaya kayo. Dahil hindi na kayo ma-stress pa sa pasaway na tulad ko," sabay ngiti ko. Ngunit, ang luha ko ay muling pumatak ulit. "Pasaway ka lang naman. Pero, kilala ka namin. Mabuti ang puso mo, hindi mo dapat maranasan ang ganitong bagay," tugon sa akin ng matagal ko nang Yaya. "Oo nga naman Isabel. Mabuti kang bata, pero malupit ang ama mo sa 'yo. Pero, kailan man hindi namin nakita na naging masama ka sa Dad mo," dagdag pa ng isa. "Oo na po, tama na. Huwag na nga kayong umiyak. Hahha, mas panget kayo tingnan kapag umiiyak ehh," sabay pilit kong pagtawa. "Babalik pa rin naman ako ehh. Pero matatagalan lang. Kaya, pakiusap ko sa inyo ay mag-iingat kayo." Muli akong ngumiti. Matapos ay mahigpit nila akong niyakap. Puro lamig at kalungkutan ang bumalot sa amin. Masakit sa akin na gawin 'to. Dahil, sila lang naman ang parang naging pamilya ko.Hindi ko akalain na si Lui ang makikita ko kasama ang family ko. Ibig sabihin, kami pala ang ka-dinner niya. Pero, bakit kami pa? Inalalayan lamang ako ni Ryan hanggang sa naka-upo ako sa kaniyang tabi. Kahit paano ay nagulat naman talaga ako kay Lui. Pero, parang wala lang sa kaniya na magkita kami ngayon. Gayunpaman, ay kailangan kong ituon ang pansin ko sa dinner. "Mabuti naman at nakarating ka, my little sis," nakangiting wika ni ate sa akin. "Ahmm, sorry, mukhang na late nga kami ehh," mahinahon kong tinig. "Ohh, it's okay my daughter. The important thing there nakarating din kayo ni Ryan." Hindi ko alam pero, parang ang sungit naman ni Dad kahit nakangiti pa siya. Nag-away naman kaya sila ni Ninong? "Hindi naman pwedeng hindi kami makarating." Napatingin ako kay ninong. Ang lamig na naman niya. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. Hanggang sa, hindi ko sinasadyang mapalingon ulit kay Lui. Dahilan na magkasalubong ang aming mga tingin. "By the way, this is an import
"Isabel, tapos ka na ba diyan magbihis? Hinihintay ka na ni Ryan sa ibaba. Bilisan mo na daw, baka ma late pa kayo sa lakad niyo," pasigaw na boses ni Mama Voila. Kaya naman, mas binilisan ko pa ang kilos ko. Pinagmasdan ko muna ang sarili ko. Matapos, kung magbihis at mag-ayos nang sarili. "Hello po Mama Voila." Bungad ko agad matapos kung buksan ang pintuan."Mabuti naman. Ang ganda ganda mo talaga. May pinagmanahan talaga ang anak ko," nakangiting saad pa nito. Sinamahan niya akong bumaba sa hagdan. Ngunit, bago pa man ako tuluyan na makababa. Kita ko kung paano ako titigan ni ninong Ryan. Gusto kong tumawa. Kaso lang baka kung ano pa ang isipin nila. Paano ba naman kasi, parang nakakita siya ng angel o diwata. Ohh see, ang hangin ko pa agad ngayon."Love, maganda ba?" mahinang tanong ko. Sa tingin niya kasi sa akin, arang nahihiya na tuloy ako. Nakaderetso lang ang mg mata niya sa mg mata ko. Mukha akong ewan."Maganda, sobrang ganda." Naramdaman ko ang panlalambing niya. Ngunit
ISABEL POINT OF VIEW"Isabel, maghanda ka mamayang gabi. Mat malaking dinner tayong pupuntahan," wika ni ninong Ryan. By the way, nandito kami ngayon sa dinning area, kumakain. Maayos naman ang tulog namin kagabi. Kaya, maayos din ang gising namin."Po? Anong dinner? Sino po ba ang kasama natin sa dinner? pagtataka ko naman. "May dinner na gaganapin mamaya. Kasama ang family mo. May mahalagang i-announce ang dad mo. Kaya, lahat tayo ay dapat na pumunta. Isabel, kailangan mong pumunta kasama ako," mahinang wika niya.Hindi man lang ako pinagsabihan ni Dad tungkol sa bagay na 'to. Anak naman niya ako, dapat may sinabi man lang siya. Alam ko na malaking dinner nga ang magaganap kung kaming lahat na rin ang pupunta. Pero, tiyak na kasama si ate. Masaya akong makita siya. Kaso lang, nasaktan ko siya. Natatakot ako, kung ano ang mangyari sa aming dalawa. Pero, ano naman kaya ang announcement ni Dad. Mukhang napaka-importante naman."Sige po, magbibihis ako mamaya nang maayos. Para maging
Nakaka-inis, bakit ako magpapakasal sa taong hindi ko kilala. May posisyon ba siya sa buhay niya? Sino siya sa inaakala niya, para pakasalan ako??? Ang kapal din ng mukha ng lalaking 'yon! Hindi ako papayag kailangan kong maka-usap si Mommy. Akmang nanatayo na sana ako. Subalit, biglang pumasok sa isipan ko, na magagalit si Dad, kapag ginawa kong umalis dito sa kwarto ko. SHit! Kailangan ko ba talagang matakot sa kaniya????Bwesit namna talaga! Kinuha ko ang cellphon k sa tabi ko at agad na hinanap ang cellphone number ng mom ko. Nang makita ko ito, hindi na ako nagdalawang isipi na tawagan siya. She needs to help me, no matter what. "Mommy, ang tagal mo naman sumagot, pumunta ka nga dito sa kwarto, may gusto akong pag-usapan tayong dalawa, at ipapaliwanag mo sa akin ang lahat ng mga nangyayari lalo na kung may alam ka sa bagay na sasabihin ko," deretsahang tugos ko sa kaniya.What are you talking? Nandito na ako sa kwarto ng dad mo. Umayos ka nga diyan sa kwarto mo, pinagalitan ka n
Ang dami naman pwedeng puntahan. Pero, bakit dito pa sa lugar kung saan, kami kumain noon ni Lui. Speaking of Lui, kumusta na kaya siya ngayon. Hindi man lang siya nag message sa akin ulit. Kung sa bagay, sino ba ako para i-update niya? Wala naman akong karapatan kay Lui. "Hindi ba masarap ang pagkain, Isabel?" napa-angat ako ng tingin. Hindi ko alam, tila bigla akong naging lutang ngayon. Kaya, naman, walang laman ang aking utalk.Napatingin ako sa pagkain ko. Parang gusto kong tumawa. Sabaw, ginagamitan ko ng tinidor? Ganito na ba talaga ako ka luntang? Ayos lang naman kaming dalawa kanina ni ninong ehh. Pero, pagpasok ko dito sa restuarant. Bigla na lang ako nagblanko."Huh? Masarap ang pagkain. Hmm, sorry, baka inaantok lang ako. Kaya, ganito ako. Pero, huwag kang mag-alala dahil, kakainin ko naman itong lahat ehhh. Hindi ko sasayangin 'to. Isa pa, nakikita ko na ang sarap ng mga pagkain, okay?" mahinahon kong tinig. Sana ay hindi siya magalit sa akin."Ahmm, sige, after this. I-
"Isabel, magagawa mo rin 'yon. Kilala na kita. Marami kang alam sa paggagamot. Nakita ko 'yon mula nang maliit ka pa. Madali kang matuto. Marami kang, talento, matalino ka Isabel. Kaya, magagawa mo 'yon. Isa pa, huwag mo nang masyado pang isipin ang nangyari sa mommy mo. Dahil, ginawa niya lamang ang nararapat. Magaling ang mommy mo, mabuti ang puso niya. Mas maigi na hangaan mo siya at mahalin," buong puso na tinig ni Ninong. Salamat na lang at may nagtitiwala pa sa akin."Love, hindi ba, close na close kayo ni Mommy noon? Pero, kahit na ganun, wala akong masyadong alam tungkol sa nakaraan niyo ni Mom. Pwede mo po bang i-kwento sa akin. Habang naglalakad tayo? Gusto ko lang din na may mas marami pa akong malaman tungkol sa inyong dalawa ni mom," sabay ngiti ko. Ngunit, napansin ko ang paglalim ng iniisip niya. Ayaw ba niyang sabihin sa akin? Hmmm, kung ganun, hindi na ako mamimilit pa."Ayos lang love, hindi ako mamimilit na i-kwento mo pa sa akin. Naiintindihan ko naman ang lahat. I