Mag-log inJEFF CRUZ POINT OF VIEW Wala ako sa sariling pumasok sa kompanya ko. Kasama ko dito si Dwane. Wala man lang akong salita na masabi. "Tama na nga 'yan bro. Kagabi ka pa nagmumokmok. Alam mo ba pupunta dito mamaya ang lolo mo. Kailangan mo umayos. Masyado kang malungkot at wala sa sarili. Ano na lang ang isipin ng lolo mo sa 'yo? Gusto mo bang isipin niya na mahina ka pa rin? Tsk! Kahit na anong mangyari. Ipakita mo sa kaniya na kaya mo. Babalik pa rin naman sa 'yo si Grace. Kailngan niya lang magpahinga nang maayos at tama ang desisyon ng kuya niya. Mas mabuti pa nga 'yon para sigurado talaga ang kaligtasan niya," mahabang sanaysanay ni Dwane. "Pati ba naman ikaw bro, iniisip mo na nagiging masama lang ang lagay ni Grace sa akin? Kapahamakan lang ba ako sa kaniya?" walang ganang tanong ko. Habang nasa malayo pa rin ang tingin ko. Hindi nga ako maka-upo nang maayos. Mukha akong tanga dito na naghihintay ng kung ano ang darating. Pero si Grace lang talaga ang nasa isip ko pati na ri
P A N I B A G O N G A R A W Sabay-sabay na bumaba ang mga bata patungo sa dining area. Hinihintay sila ng kanilang lolo at mga uncle. Nang malapit na ang mga bata sa dining area. Tuwang-tuwa ang kanilang lolo at mga uncle nang makita sila. "Oii, masaya silang lahat. Dapat tayo rin. Ngumiti tayong lahat. Para maging masaya ang buong pamilya," aniya ni John kahit na meron pa siyang dinadamdam na kalungkutan. "Sige," sabay-sabay na sagot ng mga kambal niya kahit mga malungkot rin ang mga ito. Deretsahan na silang nagtungo sa dining area. Nakangiti at masayang masaya. "Good morning po lolo at mga uncle namin!" sabay-sabay na sigaw ng mga bata sabay ngiti nila. "Ang bait naman. Good morning mga apo. Dito na kayo umupo." Inasikaso ng mga uncle nila ang upuan nilang apat. Magkakatabi sila. Maayos at masaya rin silang umupo. "Wow ang bango naman po ng mga food po dito. Gusto ko po ng fried chicken!" natutuwang sigaw ni Gia habang natutuwa ito. Dahilan na mas lalong umingay ang
JACKSON POINT OF VIEW Nakarating na kami sa bahay namin. Maayos na rin ang lagay ni Grace sa silid niya habang naka-upo si Jayson sa tabi ni Grace at sinusuri na rin ang lagay ni bunso. "Ang mga bata?" seryosong tanong ko habang nakatuon ang tingin ko kay Grace. "Ahm tulog na sila bro," sagot naman ni Julian. "Jayson, kunin mo na itong pagkakataon upang maoperahan ang mata ng kapatid natin. Hindi na natin siya hihintayin pang magising ng ilang araw. Maayos na rin naman ang lagay niya." Wala akong oras ngayon para hindi magseryoso. Hindi ko gusto na makitang ganito ang bunsong kapatid namin. "Are you sure? Pero kailangan ng ilang araw." Tumayo si Jayson. Seryosong tumingin sa akin. "Patunayan mo na magaling kang doctor. Huwag mo sabihin na hindi mo gagawin? Ikaw na ang nagsabi na pagbalik dito ng bunso natin ay gagamutin mo agad siya. Kaya tumupad ka sa sinabi mo. Gawin mo ang lahat nang sa ganun paggising ni Grace may paningin na siya." Hindi ko batid kung bakit bigla na lang
Nakatayo si Sir Sison sa harapan ng family picture nila ng mga anak niya. Ilang saglit lamang ay dumating si Jayson sa bahay nila. "Dad..." Aniya agad ni Jayson. Dahan-dahan na tumingin si Sison sa kaniya. Gulat siyang nakita ang dalawang bata nabitbit ni Jayson. Malaking ngiti ang binigay niya. Walang alinlangan na lumapit si Sison sa kaniyang mga apo. "Ito na ba ang mga apo ko?" Labis ang kaniyang tuwa nang tinanong niya si Jayson. Wala man lang bakas nang takot ang gumuhit sa itsura ng dalawang bata. "Yes dad, sila na po. Pero may darating pa po maya-maya. Malapit na sila dito," sagot naman ni Jayson na may seryosong tinig ang pananalita. "Uncle Jayson siya po ba ang Dad niyo ni mommy? Lolo po namin siya?" walang alinlangan na tanong ni Gerald. Tanging ngiti at tango naman ang ibinigay ni Jayson sa kanila. "Hello po Lolo... Ang gwapo niyo naman po. Bata pa po kayo tingnan..." tuwang-tuwa na tugon ni Gia dahilan ng pagtawa ni Sison. Walang alinlangan na lumapit si Gia sa
JULIAN SANTIAGO POINT OF VIEW "Magaling ganyan nga dapat. Huwag kayo basta-basta maniniwala sa iba. Pinalaki nga kayo nang tama at matalino." Seryoso lang nila akong binigyan ng tingin. "Hmm, asan na po ang proweba niyo?" tanong ni Juliana. Hmm, mga kilala ko na ang mga bata dahil pinakilala sa amin ni Gelo ang mga bata isa-isa. "Sige, ipapakita ko sa inyo." Binuksan ko ang brown envelop na kanina ko pang hawak. Mabuti na lang ay handa ako. "Ito, tingnan niyong mabuti kung sino ang mga 'yan." Masaya akong ibinigay sa kanila ang mga dating litrato naming magkakapatid. "Wow... Si mommy 'to kuya John..." natutuwang sabi ni Juliana. "Ako ang uncle niyo. Ako ang katabi ng mommy niyo diyan. 'Yong nakangiting gwapo," pabirong wika ko. Pero hindi manlang sila natawa. Mukhang ang hirap naman nilang patawanin. Ano ba 'yan. Hindi ba totoo na gwapo ako? "Kung ganun po sabihin mo sa amin kung ano ang pangalan ng mommy namin. Para maniwala na po kami," dagdag pa ni Juliana. Ang t
"Hindi ko akalain na sa 'yo mapapahamak ang kapatid ko," wika ng lalaki. Agad ko siyang nakilala ng binigyan ko siya ng tingin. Siya ang lalaking nakabangga ko noon. "Nice to meet you again. Nagkita tayo ulit matapos ang banggaan dati. Kaso hindi ko inaasahan na sa muling pagkikita natin pinahamak mo ang pinakamamahal kong kapatid," seryoso at buo niyang boses. Naaalala ko ang boses niya kay Jackson Santiago. Pero si Jackson hindi pa nagpakita ng mukha sa akin. Imposible naman na magpunta siya dito. Dahil maraming nakakaalam na hindi siya basta-basta lumalabas ng walang mask. Binaling ko ang paningin ko kay Gelo. "Gelo? Totoo ba na siya ang kuya ni Grace?" Nais kong makasigurado. "Oo. totoo 'yon." Walang bahid na kasinungalingan na sagot ni Gelo. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa sinasabi niyang kuya ni Grace. "Ikaw ang kuya ni Grace?" mahinahon kong tanong matapos siyang makalapit sa akin. "Tama ka, ako si Jack at nandito ako para kunin siya." Hindi ko alam kung ano ang
STILL WINNIE POINT OF VIEW "Jeff mabuti na lang at dumating ka na. Kanina pa kita tinatawagan, hindi ka man lang sumagot," deretsahang wika ko pagkalapit niya. Malungkot niya lamang akong binigyan ng tingin niya."Doc, kumusta si Grace? Ayos lang ba ang lagay niya?" puno nang pag-aalala ni Jeff."
Mula sa office ng kompanya ni Jackson Santiago. Narito si Jeff at Gelo. "Alam mo naman Mr. Jeff ganun talaga ang ugali ni Jackson. Dahil sa maraming ginagawa. Hindi siya masyadong nakakarating sa ganitong usapin. Pero alam ko na may mahalaga siyang sasabihin sa 'yo. Baka maya-maya lang ay darating
GRACE POINT OF VIEW Hindi kami dinala ni Winnie sa silid ng office ni Jeff. Nandito lamang kami sa sala ngayon walang ginagawa. Kanina ko pa rin hinihintay si Jeff. Matapos niyang makausap ang family ko ay hindi na siya agad bumalik. Mas lalo lang akong nag-aalala para sa kaniya. Kapag tinanong k
Seryosong nakatuon ang tingin ni Lisa sa kawalan. Habang iniisip nito ang mga sinabi ni Jeff sa kaniya. "Hindi ako papayag na basta-basta ko na lang palalagpasin si Grace. Kaya kailangan ko ng makakatulong sa akin sa loob ng bahay ni Jeff." Ito ang naging bulong niya sa kaniyang sarili. "Ngayon







