Compartir

004

Autor: kmn
last update Última actualización: 2026-03-03 08:12:35

Aiah

“Damn, girl,” si Guinne habang pinagmamasdan akong nakasalampak ng upo sa may sofa, imbes na nakikipagsabayan kina Cherry sa dance floor. “What happened? Why are you in such a foul mood? I thought you wanted to party?”

Instead of answering him, pinili kong inumin ang panibagong shot ng tequila. It’s still early. Ni wala pa kaming isang oras dito, ngunit hindi ko na mabilang kung ilang shots na ang nainom ko.

Pumikit ako sandali habang dinadamdam ang mainit na hagod ng alak sa aking lalamunan.

Lalo lang nag-ukit ang pagkalito sa kanyang noo nang nakitang aabutin ko pa sana ang isa pagkatapos maubos ang una. Agad niyang hinablot iyon papalayo sa akin.

Iritado ko siyang tiningnan.

“Ano ba?”

Nilagay niya sa malayong parte ng mesa ang iba pang mga shots, bago ako tinabihan.

“Hey, what’s wrong?” nag-aalalang tanong niya.

I bit my lip as I dodged his concerned eyes. Gusto ko lang namang uminom!

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang parte sa akin na gustong sigawan siya na umalis na lang at pagtuunan ng pansin ang sarili.

And instead of doing that, tipid akong sumagot.

“Nothing.”

But of course, he didn’t buy it. He's been one of my close friends since junior high school. Silang dalawa ni Hillary. Kaya kung may higit mang nakakakilala sa akin sa friend group namin ngayong college, silang dalawa ‘yon.

Malas nga lang at hindi siya abala ngayon sa pagha-hunting ng mga babae na madalas niyang ginagawa rito sa bar.

“Come on. You can tell me. I’m all ears.”

Umiling ako. “Wala nga.”

Lalo siyang lumapit, bahagyang inilapit ang kaliwa niyang tainga sa akin. It took me a few seconds to understand what he was doing.

He was literally doing what he said earlier—being all ears.

Inis man sa pang-iistorbo niya sa pag-inom ko, gumuhit pa rin ang maliit ng ngiti sa aking labi.

“Siraulo!” tukoy ko sa ginagawa niya.

“Ano nga? What’s the problem?” tanong niya, nasa gano’ng pa ring pwesto.

“I said nothing! Umusog ka na nga ro’n,” natatawang sagot ko dahil mukha siyang tanga nang mas inilalapit pa ang tainga sa akin. “Move, Guinne!”

Natawa na rin siya. “Sabihin mo na kasi! Ayaw pang sabihin!”

I laughed with him. Nasa gitna kami ng tawanan nang sandali akong natigilan at maalala ang nadatnan ko sa parking kanina.

Shiloah was laughing with Engr. Santos. Sinakay niya ito sa kanyang sasakyan, sa loob ng front seat. Tumanggi siya sa paghatid sa akin dahil aniya, busy siya.

But why am I so bitter about it, when all of those things… I normally do with my friends? Tulad ng pagsasabay ni Julius sa akin pauwi. Tulad na lang ng pagbibiruan namin ni Guinne ngayon.

I realized… how unfair I had been to even be mad at him because of what I saw earlier.

At teka, ano bang karapatan kong magalit? Hindi nga dapat ako nagagalit! Ano naman kung magkasama sila?

Nakita ko lang siyang may kasamang babae, ganito na agad ang nararamdaman ko. If she was his friend from before, siguro ay kakilala na bago pa magturo sa university, dapat hindi ako nakakaramdam ng kung ano. Lalo na kung gano’n din naman ang ginagawa ko.

Our relationship was purely physical. Kahit na madalas niyang sabihin na hindi ako pwedeng maghanap ng iba dahil gusto niyang sa kanya lang ako.

Men are usually territorial while doing it. Kaya bakit ako magagalit dahil lang sa nakita ko?

Besides, it’s normal to have friends of the opposite sex. Just like I’m friends with all of my male friends.

Gusto ko biglang sabunutan ang sarili. Bakit nga ba ako nagmumukmok dito? I should be having fun!

Siguro’y matagal silang hindi nagkita at balak na magkumustahan pagkatapos ng klase. I shook my head at myself, a bit disappointed that I had been acting like a bitch toward my friends the whole time we were here at the bar. Imbes na nagsasaya kami.

Pero kasi… sana man lang sinabi niya kung lalabas pala sila.

But he said it, didn’t he? He said he was busy. Malinaw naman ang reply niya sa akin. Ako lang itong nagpupumilit.

Confused by my own reaction, hinatak ko na lang ang kaibigan ko patungong dance floor.

“Alam mo, magsayaw na lang tayo!” anyaya ko sa kanya.

He let me drag him. Natuwa pa nga ata dahil maraming nag-aabang sa kaya roon.

The bass thumped hard against my chest. It vibrated through my ribs, drowning out whatever was left of my thoughts. Ang paiba-ibang kulay sa dance floor ay nakatulong din sa akin na panandaliang makalimot sa mga iniisip kani-kanina lang.

I let myself move, and let the alcohol loosen my limbs as the music takes over. Ito ang pinunta ko rito, kaya ito ang gagawin ko!

I danced with all of my friends. May iba ring dati pang kakilala ang naroon dahil sa opening ng bagong bar. Nakipagsayawan na rin ako sa kanila.

Maraming tao, at lahat ng nasa dance floor ay magulo’t nagsasaya.

Ilang minuto kong hinayaan ang sarili malunod sa gitna ng sayawan. It was only when the adrenaline fully subsided that I decided to head to the bar counter.

“Water lang,” hinihingal pa ako nang magpaalam sa mga kaibigan kong abala pa rin sa pagsayaw.

“Samahan kita?” si Guinne ulit nang mapansin ang kaunti kong pagkahilo.

I shook my head at him.

Ang tangang ‘to, may kasayawan siya tapos mag-aalok na samahan ako?

“I got this.”

Tumango siya at pinabayaan na ako.

Sa dami ng nainom ko kanina, ngayon ko lang naramdaman ang unti-unting pag-alon ng aking paningin. But thankfully, I could still manage to walk despite feeling nauseous.

May iilan nga lang akong nabangga, na laking pasasalamat ko ay abala sa mga kanya-kanyang partner, para magalit pa sa kamuntikan kong pagsubsob sa kanila.

Kinawayan ko agad ang bartender at nginitian nang makalapit.

“One glass of water, please.”

The bartender smiled and handed it to me. “Here you go, ma’am. Would that be all?”

I chuckled because it was so obvious that he was interested. Panay ang baba ng tingin nito sa slit ng dress ko, maging sa banda ng aking dibdib.

Damn, bakit ako natatawa? That must be the alcohol in me. Nababaliw na yata ako.

“Wala na, thanks.”

Nang mainom ang tubig, sandali akong naginhawaan. And because I was still recovering, I decided to stay in that area for a while.

Iginala ko ang tingin ko sa paligid. The bar had a modern setup. May mga booth sa first floor, pero ang bar counter at dance floor ang pinaka-highlight ng unang palapag.

The second floor, on the other hand, was for people who preferred a more private setting. Pero kahit mula sa ibaba, kita pa rin doon ang mga nasa bukana dahil gawa sa salamin ang mga bandarilyas.

Habang walang ginagawa, tiningnan ko isa-isa ang mga naroon.

I felt my heart drop to my stomach when, from one of the booths on the second floor, I saw Shiloah leaning closely toward a woman’s face.

Akala ko nahihilo lang ako, kaya sinubukan ko pang kusutin ang parehong mata.

But when I looked again, it was real.

Siya nga iyon. Mula sa kanyang bulto hanggang sa damit na kanyang suot, I was so sure that it was him.

Unti-unti akong nanghina nang makitang naglapit ang labi nilang dalawa.

Their kiss was brief. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o nangyari nga sa sobrang bilis ng pangyayari.

But when I clearly saw the woman he was face-to-face with, nanlamig ang buong katawan ko.

The woman was Engr. Santos.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • My Stepbrother is My Professor and Secret Lover   005

    Aiah—Gusto kong sumugod. Intoxicated by alcohol mixed with my heated anger, it was the perfect combination to do exactly that.But then, I also surprised myself when I just froze there, not knowing what to do.They were talking seriously now. Hindi ko tuluyang maiwasang mapatingin sa banda nila. My eyes stayed glued to them.It was as if I was waiting for them to do it again, just so I could clearly see it this time. Na para bang hindi pa sapat ang isa para maniwala akong nangyari nga. Talagang hinihintay ko pang magkaroon ng pangalawa.Biglang tumayo si Engr. Santos mula sa kanyang kinauupuan, dahilan para tumayo na rin si Shiloah. But the woman signaled to him that it was okay, kaya muli siyang umupo roon at tahimik na pinanood ang pag-alis ng babae.I stared at him when he was left alone there.Is this it? The end of our agreement?Pero sana sinabi niya! Nilinaw niya man lang sana sa akin! Hindi ‘yong gagawin niya akong mukhang tanga habang nagpapakasasa na pala siya sa iba!And

  • My Stepbrother is My Professor and Secret Lover   004

    Aiah—“Damn, girl,” si Guinne habang pinagmamasdan akong nakasalampak ng upo sa may sofa, imbes na nakikipagsabayan kina Cherry sa dance floor. “What happened? Why are you in such a foul mood? I thought you wanted to party?”Instead of answering him, pinili kong inumin ang panibagong shot ng tequila. It’s still early. Ni wala pa kaming isang oras dito, ngunit hindi ko na mabilang kung ilang shots na ang nainom ko.Pumikit ako sandali habang dinadamdam ang mainit na hagod ng alak sa aking lalamunan.Lalo lang nag-ukit ang pagkalito sa kanyang noo nang nakitang aabutin ko pa sana ang isa pagkatapos maubos ang una. Agad niyang hinablot iyon papalayo sa akin.Iritado ko siyang tiningnan.“Ano ba?”Nilagay niya sa malayong parte ng mesa ang iba pang mga shots, bago ako tinabihan.“Hey, what’s wrong?” nag-aalalang tanong niya.I bit my lip as I dodged his concerned eyes. Gusto ko lang namang uminom!Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang parte sa akin na gustong sigawan siya na umalis na

  • My Stepbrother is My Professor and Secret Lover   003

    Aiah—Saka lang nasagot ang mga tanong sa utak ko nang magsimula ang sunod na klase.“I’m Ma. Ylona D. Santos,” nakangiting sambit ng babaeng nasa aming harapan. “But you can call me Engr. Santos.”She’s our new professor for one of our major subjects.Nag-maternity leave kasi ang original na professor namin para rito dahil malapit na ang kabuwanan. At dahil first-time mom, pinili pala nitong ilipat sa ibang professor ang subject na ‘to para hindi siya gaanong mahirapan sa pagbalanse ng mga loads na hawak pagbalik.I tilted my head as I watched her prepare the presentation for today’s lesson on her laptop.Nakabutones na ang blazer na suot nito, malamang para maitago ang mantsa ng sarsa kanina. Without the visible stain, she looked sophisticated and polished. Hindi mo aakalaing marumi ang suot na damit.How old is she? Mukhang ang bata niya pa para maging professor at magturo sa college. Or is she just young-looking?She’s already a licensed civil engineer and has a master’s degree.

  • My Stepbrother is My Professor and Secret Lover   002

    Aiah—“Saan ka galing?” tanong ni Hillary nang maupo ako sa tabi niya rito sa cafeteria.Mabilis kong inayos ang buhok ko dahil pakiramdam ko, sa pagmamadali namin kanina, hindi ko na iyon naayos nang maigi.She looked at me weirdly, pero mabuti na lang at ibinalik din niya ang atensyon sa kinakain.“CR break lang,” tipid kong sagot, umaasa na sana hindi na siya mang-usisa pa.Ngunit nag-angat siya muli ng tingin sa akin. Ang kanyang mga mala-pusang mata ay puno ng kuryosidad.“Ha? Eh hinahanap ka nina Cherry sa CR kanina. Wala ka raw,” aniya habang nginunguya ang bacon sa rice meal niya.Kinagat ko ang labi ko at mabilis na nag-isip. Sa isang taon na ginagawa namin ‘to ni Shiloah, ngayon pa ba ako mahuhuli?Ang gagong ‘yon kasi! Sinabi ko na ‘wag kami rito sa school, pero talagang hindi siya makapagpigil kanina!“Uh… sa Nursing kasi ako.”Kumunot ang noo ng aking kaibigan. “Huh? Ginagawa mo ro’n?”“May dinaanan lang. Pinsan ko.” I mentally noted to myself na daanan si Garret mamaya,

  • My Stepbrother is My Professor and Secret Lover   001

    Aiah—If someone asked me how we even got here, him kneeling between my legs inside his classroom while anyone could walk past the door, I wouldn’t know what words to use to form the right answer.Or maybe, because it’s so forbidden, I’d refuse to answer at all.“Ahh… shit, Shilo… wait,” hindi magkandaugagang ungol ko dahil sa pinaghalo-halong nararamdaman.Ang lamig ng aircon at ang init na dulot ng kanyang ginagawa sa akin ay tila naglalaban, ngunit tila mas nananaig ang huli.Beads of sweat formed on my forehead as I tried to watch him bury himself deeper into my cunt. Ang kanyang buhok ay bahagyang natatabunan ng skirt kong nakataas sa aking baywang, habang ang dalawa niyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa mga nakataas kong binti.I watched him in a daze. Pero hindi ko matagalang manood sa kanya dahil umiikot ang paningin ko sa sarap. His tongue skillfully trailed through my private curls, each flick bringing me closer to the orgasm that had already been building inside me earl

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status