MARIANNE
Nasa hapagkainan kaming lahat ngayon. Kumakain kami ng dinner at sunog na pritong isda ang nakahain sa harapan namin. Paano ba naman ang buong akala ko talaga ay marunong magluto itong ninong ko pero bakit naman nasunog ang isda. Mas okay pa yata na ako ang nagluto kanina. Baka sakaling tostado lang ang isda. May pa cool pa siyang nalalaman pero hindi naman pala marunong. Nag-astig astigan lang talaga siya.
“Manang, bakit po ang black ng fish?” tanong ni Alden kay manang.
Gusto kong tumawa pero pinigilan ko ang sarili ko. Tumingin ako sa ninong ko na ngayon ay nakatingin rin pala sa akin. Halatang naiinis siya sa narinig niya. Ngumiti ako sa kanya para asarin siya. Nakita ko na naiinis siya sa akin pero mas lalo lang akong ngumiti.
“Baby, masarap naman ito kahit black. Kasi ‘yung nag-prito kasi nito kanina ay–”
“Sino po ang nag-cook, ate?” tanong sa akin ni Yanne.
“Ang daddy mo po,” sagot ko kaya narinig ko na nasamid ang iba naming kasama dito.
“Si daddy po? Hindi naman po siya marunong mag-cook eh,” sabi ni Alden.
“Sorry, baby. Next time ay hindi na ‘yan black. May matigas kasi ang ulo na pinapakialaman ang kusin–”
“Ikaw po ba ang tinutukoy mo, daddy?” tanong pa ni Alden kaya hindi ko na talaga mapigilan ang tawa ko.
Lumabas na talaga siya kahit pa pigilan ko. Tuwang-tuwa ako dahil ang anak ba naman niya ang nagpoint sa kanya. Naging tahimik sila kaya tumigil na rin ako sa pagtawa ko.
“Sorry,” sabi ko at naging seryoso na ako.
“Next time, manang ay ‘wag mo ng payagan sa kusina si Yanne.” biglang sabi ni ninong kay manang.
“Nagcook ka po ba, ate?” nakangiti na tanong sa akin ni Anica hindi ako sumagot kaya si manang na ang nagsalita.
“Siya ang nagluto ng gulay,” sabi ni manang.
“Really po? Ang sarap po nitong vege po,” sabi niya kaya napangiti ako.
“Opo, ate. Sana po lagi ka po magluto ng ganito. Fave po ito ni daddy at ganun rin po kami,” sabi ni Alden habang sarap na sarap sa luto kong ulam.
“Bawal na daw ako sa kusina kaya baka ito na ang first and last na magluluto ako–”
“You can cook whatever you want pero hindi ang isda. Paano kung napaso ka?” sabi ni ninong kaya napatingin ako sa kanya.
“Pinapayagan mo na ako?” tanong ko sa kanya.
“Hindi ka naman siguro bingi,” masungit na sagot niya kaya napanguso na lang ako.
“Thank you, ninong.” sabi ko sa kanya na may malawak na ngiti sa labi.
“Ate, next time po tayong dalawa ang magluto.” sabi ni Anica sa akin kaya napangiti ako.
“Sure,” sabi ko sa kanya.
“Kumain na kayo, mas marami pa ang daldalan niyo kaysa sa kumain.” masungit pa rin na sabi ni ninong.
Kahit talaga masungit ang lalaking ito ay gwapo pa rin siya. Nakakainis lang dahil lagi ko na siyang pinupuri kahit hindi naman kailangan. Totoo naman kasi na gwapo siya. Ang sinungaling ko naman kapag sinabi ko na hindi.
After namin kumain ay umakyat na ako sa room ko. Naligo ako dahil balak kong tumakas ngayon. Sana lang talaga ay magtagumpay ako. Hindi puwede na dito na lang ako ngayong gabi at dahil wala namang papasok dito sa room ko ay binalot ko na lang ang katawan ko ng towel. Nakalimutan ko kasi sa labas ang bathrobe ko. Pero nagulat ako dahil nakaupo sa kama ko ang ninong ko.
“May lakad ka?” seryoso na tanong niya sa akin.
“Wala, naligo lang may lakad agad.” mataray na sabi ko sa kanya.
“First impression ko pa naman sa ‘yo ay mahinhin ka at mabait pero mukhang nagkamali ako,” sabi niya sa akin.
“Kung papayagan mo ako ay magiging mahinhin ako sa ‘yo lagi. Pero dahil sa masungit ka ay anong aasahan mo–”
“I’m your ninong,” mariin na sabi niya sa akin.
“So?”
“Anong so?”
“Bakit ka po ba nandito?” tanong ko sa kanya at nagkunwari akong naiinis sa kanya.
“Dito ako matutulog, baka kasi takasan mo ako.” sagot niya sa akin kaya parang nalaglag ang panga ko sa narinig ko mula sa kanya.
“What?!” hindi makapaniwala na bulalas ko.
“Mahirap na, baka may skills kang kakaiba at makatakas ka pa dito.” sabi niya sa akin kaya natawa ako bigla.
“Skills? Mukha ba akong may skills?” tanong ko sa kanya.
“Magbihis ka na. Huwag mo akong akitin dahil hindi mo ako madadaan d’yan,” sabi niya sa akin na lalo akong nagulat.
“I’m not seducing you. Ikaw nga itong papasok na lang sa room ko.” sabi ko sa kanya dahil siya na biglang pumasok dito.
“Like what you did?” nakangisi na sabi niya sa akin na para bang ang tinutukoy niya ay ang pagpasok ko sa room niya kanina.
“Ngayon ay alam ko na kung bakit ganun na lang ang reaction ni Anica nang makita niya ako. Dahil babaero at feeling pala ang daddy niya.” natatawa na sabi ko.
“Babaero? I’m not womanizer,” pagtanggi pa niya.
“‘Yang mukhang ‘yan hindi? Naku, ninong katulad ka rin ng ibang lalaki. FYI po, bakit naman kita aakitin? Mas gwapo pa nga ang boyfriend ko sa ‘yo,” jusko po ilang puntos ba ang nababawas sa akin sa langit sa pagsisinungaling ko.
“Boyfriend? May boyfriend ka?” tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo niya.
“Mukha bang wala akong boyfriend?” natatawa na sabi ko sa kanya.
“Siya ba ang pupuntahan mo sa bar?” tanong niya sa akin na para bang naiinis siya.
“Oo, magkikita sana kami kung papayagan mo ako. Miss na miss ko na kasi siya, miss na miss na rin niya ako. Kaya payagan mo na ako at ‘wag ka ng kontrabida d’yan.” sabi ko sa kanya.
“Ako, kontrabida? I’m just protecting you, wala naman akong ibang ginagawa kundi ang maging safe ka. Kaya kapag sinabi ko na hindi ka puwedeng lumabas ay hindi puwede,” sabi niya sa akin habang papalapit siya sa akin.
“Hindi ako aalis kaya lumabas ka na. Magbibihis rin ako kaya lumabas ka na, ninong.” kinakabahan na sabi ko sa kanya.
“Ayaw ko, dito lang ako. Mas okay na sigurado kaysa hindi. Puwede ka naman magbihis kahit pa nandito ako. Hindi rin naman kita type kaya wala kang dapat ipag-alala,” sabi niya sa akin.
“Really?” nakangisi na sabi ko sa kanya.
“Oo–”
“Bakit may nakasaludo?” nakangisi na tanong ko sa kanya sabay turo sa tumatayo.
“Fvck!” he cursed kaya mas lalo akong natawa.
“Don’t worry, ninong. Marami na akong nakita na ganyan. Iba-ibang size at length. Mas mahaba pa nga ang n–”
“Iniinsulto mo ba ang pagk*lalaki ko?” tiim bagang na tanong niya sa akin.
“Hindi, nagsasabi lang ako ng totoo—”
Nanlaki ang mga mata ko sa sunod niyang ginawa. Hindi ako makapaniwala na—”
Maraming salamat po sa lahat ng nag-add sa library nila sa story na ito.. Sana po ay suportahan niyo po ang ninong story na ito.. Ingat po kayo palagi!
MAYOR ANDREW ALCANTARIA(CONTINUATION OF FLASHBACK)Hindi naging madali ang pinagdaanan namin dalawa pero masaya ako na ipapakilala ko na siya sa pamilya ko. Wala naman akong pakialam sa magiging opinyon ng ibang tao. Ang tanging mahalaga sa akin ay si Yanne. Ang mahalin niya ay sapat na sa akin.Nagpaalam ako sa kanya na aalis muna ako dahil kailangan kong samahan si daddy. May kailangan lang kasi kaming puntahan at iyon ang ibang kamag-anak namin. Ayaw ko sana pero sabi ni daddy ay maganda na ako ang mismong mag-imbita sa kanila.“Masaya ako na makita na masaya ka, son.” sabi sa akin ni daddy.“Thank you, dad.”“In love na in love ka talaga kay Yanne,” natatawa na sabi niya.“Opo, sobra po, daddy. Kahit pa nakakatakot siya ay mahal ko siya. Parang ikaw, mahal na mahal mo si mommy,” nakangisi na sabi ko sa kanya.“Naman, dapat talaga mahal na mahal mo ang asawa mo at may takot ka sa kanya. Lagi mong tandaan na masaya ang buhay kapag laging tama ang asawa mo. Lagi mong tandaan ang mga
MAYOR ANDREW ALCANTARIA(CONTINUATION OF FLASHBACK)Tinatanong ako ni Yanne kung ano ba ang naging dahilan kaya kami naghiwalay ni Ayra. Hindi ko sinabi sa kanya dahil ayaw ko na malaman niya. Na malaman niya na umalis si Ayra at mas pinili nito ang pamilya niya at ang mga illegal nitong gawain.Ayaw ko na masangkot sa kung ano ang mayroon sila dahil wala silang aasahan na tulong mula sa akin. Kaya mas pinili ko na maghiwalay na lang kaming dalawa at isa pa, nawala na ‘yung tiwala, nawala na rin ang pagmamahal kaya mahirap na para sa aming dalawa ang magsama.Alam ko na nahihirapan ang mga anak namin pero kinaya namin na wala siya. At ngayon ay bumalik siya, sasabihin niya sa akin na magkabalikan na kaming dalawa na para bang ang dali lang. Wala na, wala na talaga dahil pagmamay-ari na ni Yanne ang puso ko.Gusto niyang makasama ang mga bata kaya naman hinayaan ko siya. At ito rin ang pagkakataon ko para ma solo ko si Yanne. At nangyari nga, na solo ko siya at ito ang isa sa pinakamasa
MAYOR ANDREW ALCANTARIA(Continuation of Flashback)Masaya ako dahil ang hinhin pala nitong babaeng mahal ko. Pero hindi ko lang talaga nagustuhan na hindi maganda ang unang pakikitungo sa kanya ni Anica dahil inaakala niya na babae ko si Yanne. Sana nga ay totoo na lang na babae ko na siya para mayakap ko na siya at higit sa lahat at mahalikan ko na siya.Sa totoo lang ay grabe ang pagpipigil ko tuwing nakikita ko ang mapula niyang labi. Alam ko na natural ang kulay ng labi niya dahil wala naman siyang nilalagay sa mukha niya. Bare face pero ang ganda. Parang ang sarap halikan ng labi niya. Parang ang sarap panggigilan ng labi niya.Kung hindi ko lang talaga gusto na matakot siya sa akin ay hihilain ko siya palapit sa akin para halikan ang labi niya. Pero kailangan ko magtimpi dahil alam ko na may tamang oras sa nais ko.“Fvck! Nalinlang ako!” wala sa sarili na bulalas ko dahil habang tumatagal ay nagbabago ang ugali ng babaeng mahal ko.Bakit ang hinhin naman niya noong nakilala ko s
MAYOR ANDREW ALCANTARIA (Continuation of Flashback) Nagmamadali akong pumunta sa hospital ng matanggap ko ang balita tungkol sa kaibigan ko at kay Yanne. Pagdating ko ay wala ng buhay ang kaibigan ko. Isa ba siyang malamig na bangkay at marami ang tama ng baril sa katawan. Talagang sinigurado nila na mamatay na siya. “Bro, bakit naman? Bakit? Ang daya mo naman eh, ang daya mo.” tanong ko sa walang buhay niyang katawan. “Si Miss Yanne po ay nasa kabilang room, mayor.” sabi sa akin ng tauhan ko. “Sige, pupuntahan ko siya.” sabi ko at lumabas na ito. “Don’t worry, bro. Aalagaan ko at poprotektahan ko ang anak mo, pangako ko ‘yan sa ‘yo,” sabi ko at pinunasan ko ang luha ko dahil nasasaktan ako sa bigla niyang pagpanaw. Sobrang malapit talaga kami sa isa’t isa at talagang kapatid na ang turingan naming dalawa kaya nakakalungkot lang talaga. Pero hindi ako puwedeng maging mahina dahil may naiwan pa. At sobrang nagpapasalamat ako na ligtas siya. Na hindi siya kasamang namatay ng daddy
MAYOR ANDREW ALCANTARIANandito kami ngayon sa sementeryo dahil pinuntahan namin ang daddy niya. Ang daddy ni Yanne na kaibigan ko. Wala na siya pero gusto ko pa rin na magbigay ng respeto sa kanya. Gusto ko na magpaalam na papakasalan ko ang nag-iisang anak niya na inaanak ko.Alam ko na mali sa paningin o mata ng mga tao ang relasyon naming dalawa. Dahil nga inaanak ko siya at ninong niya ako. Pero mahal ko siya, mahal na mahal ko si Yanne at gagawin ko ang lahat para sa aming dalawa. Lalo na ngayon na buntis siya, walang paglagyan ang saya sa puso ko. Sobrang saya ko dahil magkakaroon na ulit ako ng anak at this time ay sa babaeng mahal na mahal ko.Sobrang nagpapasalamat ako sa kanya dahil tinanggap niya ako. Sa kabila ng agwat ng edad naming dalawa ay ang pagiging single dad ko at kasama na doon ang dalawa kong anak. Ang swerte ko dahil minahal niya ako. Medyo matagal na akong may paghanga sa kanya na itinago ko lang dahil alam ko na nasa US siya pero nang sabihin ng daddy niya sa
MARIANNENagising ako sa halik ni Andrew. Ang sabi niya ay nandito na daw kaming dalawa sa pupuntahan namin. Ang sabi ko kanina sa sarili ko ay iidlip lang ako pero nakatulog pala ako. Medyo inaantok pa rin ako ngayon pero kailangan ko ng bumaba sa kotse niya. Inalalayan niya akong bumaba sa kotse niya.“Bakit tayo nandito?” tanong ko sa kanya dahil hindi ko inaasahan na dito niya ako dadalhin.“May kailangan lang tayong kausapin,” nakangiti na sagot niya sa akin at bigla na lang niya akong binuhat.“Mahal, kaya ko naman maglakad,” sabi ko sa kanya dahil ayaw ko naman na mahirapan siya.“Hayaan mo na ako,” sabi niya sa akin.“Gusto mo lang yata magpa-impress sa kanya eh,” pabiro na sabi ko sa kanya.“Opo, para pumayag,” natatawa na sabi niya kaya napangiti ako.“Wala naman siyang magagawa eh buntis na ako,” natatawa na sabi ko sa kanya.“‘Yan talaga ang plano ko mula pa noon,” sabi niya sa akin.“Talaga?”“Oo,” mabilis na sagot niya.Ako naman tumawa dahil natutuwa talaga ako sa kanya.