FAZER LOGINNgunit nakabalik na siya sa pagbabasa ng mga dokumento sa kaniyang mesa.Para bang hindi ako mahalagang tao.Para bang hindi ako nag-aksaya ng oras sa pagpunta roon.Para bang wala akong halaga sa paningin niya.At iyon ang pinakamalaking insultong natanggap ko sa buong buhay ko.Hindi niya ako itinuring na karibal.Hindi niya ako itinuring na banta.Hindi niya man lamang ako itinuring na isang taong dapat pag-aksayahan ng galit.Isa lamang akong babaeng nais niyang paalisin upang makabalik siya sa kaniyang trabaho at sa buhay na kasama si Kimmy.Habang naglalakad ako palabas ng opisina, ramdam ko ang mga matang nakasunod sa akin. Hindi ko alam kung narinig nila ang buong pag-uusap namin, ngunit sapat na ang mga tingin nila upang maramdaman kong para akong isang taong nahuling gumagawa ng kahihiyan.Pagdating ko sa elevator, mariin kong pinindot ang pindutan.Nang magsara ang mga pinto, saka lamang ako nakahinga nang malalim.Nanginginig ang mga kamay ko.Hindi dahil natatakot ako kay
Nanginig ang mga daliri ko.“Hindi mo alam ang buong kuwento!”“Alam ko ang sapat para hindi magtiwala sa inyo.”“That's not true!”“Then prove me wrong.”Napanganga ako.“Prove me wrong,” ulit niya, mas mariin na ngayon. “Pero huwag mong subukang gamitin ang pangalan ng kompanya ninyo para makuha ang atensiyon ko. Hindi ako interesado.”Tumayo ako.Hindi ko na kayang manatili sa upuan habang patuloy niya akong minamaliit. Pakiramdam ko, unti-unting nadudurog ang lahat ng kumpiyansang pinaghirapan kong buuin sa loob ng maraming taon.“Mr. Gibson, I came here with a business proposal, not to be insulted!”“Kung insulto ang nararamdaman mo dahil sinasabi ko ang totoo, problema mo na iyon.”“Napakayabang mo!”Nawala na ang pagpipigil ko.Hinampas ko ng palad ang ibabaw ng kaniyang mesa. Napatingin sa akin ang ilan sa mga taong nasa labas ng silid na bahagyang nakikita sa salaming dingding.Ngunit hindi man lamang kumurap si Zach.Sa halip, marahan niyang ibinaba ang hawak na panulat at t
Doon ako bahagyang kinabahan.Kailangan kong maging maingat sa bawat salitang bibitawan ko kay Zach Gibson. Alam na alam ko kung paano niya ako tinitingnan—isang babaeng tumulong kay Jeff Geronimo na yurakan si Kimmy at agawin ang kompanyang pinaghirapan nito.Kahit pa may ilang taong pilit na nagbubulag-bulagan sa biglaang pagpapakasal nina Zach at Kimmy, malinaw sa akin ang isang bagay: hindi niya hahayaang may sinumang manakit sa kaniyang asawa.At sa malamig niyang mukha, kitang-kita kong kung maaari niya lamang akong itaboy palabas ng silid nang walang anumang paliwanag, malamang na ginawa na niya iyon.Kaya hindi ko maaaring madaliin ang mga bagay-bagay. Kailangan ko munang basahin ang kaniyang kilos at ipakitang isa akong seryosong negosyante bago ako lumipat sa tunay kong pakay.“I wanted to reconnect,” panimula ko, pinipilit panatilihing kalmado ang aking tinig sa kabila ng matalim niyang tingin. “I remembered our brief conversation last year, and I thought there might be a v
Hindi ko na rin kailangang magkunwaring kuntento ako sa isang lalaking ang tanging maipagmamalaki ay ang kumpanyang hindi naman niya kailanman kayang patakbuhin nang mag-isa.Ngumiti ako nang may pagbabaon sa aking repleksyon sa salamin.“Let's see what happens tomorrow, Zach Gibson.”Kinabukasan, maaga akong dumating sa gusaling kinaroroonan ng opisinang pinamumunuan ni Zach.Habang nananatili ako sa loob ng sasakyan, ilang beses kong sinuri ang aking mukha sa vanity mirror. Inayos ko ang aking buhok at siniguradong perpekto ang pagkakalagay ng aking lipstick bago ako tuluyang bumaba.Sa bawat hakbang ko palapit sa gusali, lalo akong dinadalaw ng kakaibang pananabik at kuryosidad.Hindi ko pa lubusang alam kung paano ako sasalubungin o tatanggapin ni Zach—lalo pa't alam kong kilala niya ako bilang pangunahing kasabwat at karibal ni Kimmy noong gabing mapahiya si Jeff sa IPO gala ng Greenzone. Subalit desidido akong makuha ang gusto ko.Pagpasok ko sa reception area, sinalubong ko ng
POV: DorothyHalos hindi ko mapigilan ang pagguhit ng ngiti sa aking mga labi habang tahimik kong pinagmamasdan si Jeff na nakaupo sa kaniyang mesa, mukhang problemado at luhaan.Kanina lamang ay halos sumabog na ito sa galit dahil sa naganap na trahedya sa gala ng Greenzone Development. Nasira nang tuluyan ang kaniyang pangalan at kredibilidad sa harap ng mga investors, nag-iwanan ang mga empleyado, at isa-isang umatras ang mga taong dati ay nakalinya upang magbuhos ng milyon-milyon sa kaniya. Ang mas masakit pa... ang babaeng minamaliit at tinapakan niya nang ilang taon ay bumalik sa buhay niya bilang isang malayang reyna na hinding-hindi na niya kailanman makokontrol pa.At ang lalaking kasama nito?Si Zach Gibson.Napangiti ako nang mas malawak habang binibigkas sa aking isipan ang pangalan ng lalaking iyon.Zach Gibson.Hinding-hindi ko makalimutan ang unang pagkakataon na nasaksihan ko siya noong nakaraang taon. Dumalo siya sa isang eksklusibong business summit para sa mga taong
Napakagat ako nang mariin sa aking labi.May punto siya.Hindi ba't si Kimmy ang babaeng ilang beses naghintay sa akin nang walang reklamo? Hindi ba't siya ang taong kumakapit sa akin kahit ilang beses ko siyang saktan?Mas madaling paniwalaan na nagkukunwari lamang siya. Mas madaling isipin na ang lahat ng ito ay palabas lamang para mapilitan akong magsisi.“Baka nga...” mahina kong sambit.Lalong lumapit si Dorothy. “Kaya huwag kang susuko ngayon, Jeff. Hindi pa natin alam ang buong katotohanan sa likod ng mga sinasabi nila.”Tinitigan ko siya. Sa kabila ng gulo ng kaniyang buhok at hitsura, kalmado ang kaniyang mga mata. May matalim na determinasyon sa kaniya.At sa sandaling iyon, naniwala akong may pag-asa pa kaming mabawi ang kontrol.“Kung gayon... ano ang balak mong gawin?” tanong ko.Dahan-dahang ngumiti si Dorothy. “May kailangan tayong patunayan sa kanila.”“Ano iyon?”“Kung talagang mag-asawa na sina Kimmy at Zach, dapat ay matatag at walang butas ang relasyon nila. Ngunit
MYLENE’S POV:“Kimmy! Not there mahal! Please stay near me, you might get lost!”. Sabi ko sa napaka cute kong limang taong gulang na anak.“Mommy, I’m okay! Look! I can walk alone!” Pag mamayabang nito sa akin habang naglalakad ito ng halos isang metro ang layo sa akin habang hawak hawak nito ang
“Humanda ka Mylene. Ito na ang simula ng pag hihiganti ko. Sinong may sabi sa iyong iwan mo na lang ako ng basta basta pagkatapos na pagka tapos ng kasal natin ng wala ka man lang paalam?” Matabang na napangiti ako habang nag iisip.“Chamber maid? Dito sa Paris? Bakit? Para lang taguan ako? May la
Pag dating ko sa Hotel ay agad na humingi ako ng tawad sa supervisor ko dahil sa pag iwan ko sa post ko. Nakakaunawang pinatawad naman ako nito at agad na pinabalik sa trabaho ko.Inunti-unti ko na ang paglilinis ng nasabing kwarto. Mabuti na lamang at na delay din ang flight ng VIP Guest namin nga
Nalaman kong ubod ng yaman nitong si Gab. Ang negosyo ng mga ito ay ang mamahalin na mga perfume kaya pala ubod ng bango ng lalaki lalo na nung nakulob kami kasama ito sa sasakyan nito. Humahalimuyak ang amoy nito, yun bang mahihiya ka na tumabi dito dahil napaka bango nito pero hindi masakit sa ul







