Mag-log inTumango ako. “Lalapit at lalapit talaga siya sa akin sa tuwing iniisip niyang hindi tayo nagkikita o walang nakakakita sa atin sa publiko. Isang buwan na silang walang nakikitang larawan natin o pampublikong paglabas nating magkasama. Dahil doon, binuo ni Jeff sa isip niya ang delusyong gawa-gawa lamang ang kasal natin at may pag-asa pa siyang bawiin ako.”Umiling si Zach nang may pait. “He still doesn't understand you.”“Hindi niya talaga ako kilala gaya ng ipinagmamayabang niya.”“Maybe he never did.”Napabuntong-hininga ako. “Ang nakakatawa, Zach, noong kami pa, lagi niyang ipinagmamalaking kilalang-kilala niya ako. Pero ngayon, hindi man lang niya maunawaan kung bakit diring-diri na ako sa kaniya.”Tahimik kaming nagkatinginan bago marahang pinisil ni Zach ang kamay ko. “I'm sorry you had to deal with his persistence.”“I'm okay.”“I know you're strong. But you don't always have to be strong around me, Kimmy.”Biglang kumirot ang dibdib ko sa simpleng pangungusap na iyon.Dahil sa
POV: KimmyPagpasok ko sa opisina, agad kong nakita si Zach na nakatayo sa tabi ng malaking salamin sa loob ng silid.Nakatupi ang mga manggas ng puting polo niya hanggang siko, at may hawak siyang folder habang seryosong nakikipag-usap sa telepono. Nang mapansin niyang bumukas ang pinto, agad niyang tinapos ang tawag at ibinaba ang folder sa kaniyang mesa.Isang banayad at maaliwalas na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi bago siya mabilis na lumapit sa akin.“Finally, you’re here.”Hindi pa ako nakasasagot nang kabigin niya ako para sa isang yakap. Mahigpit ngunit maingat ang pagkakakulong ko sa kaniyang mga bisig, na para bang matagal niya akong hindi nakita kahit ilang oras lamang ang lumipas nang maghiwalay kami sa bahay.“Good morning to you, too,” natatawa kong bati.“Good morning, wife.”Lalong lumapad ang ngiti niya bago niya marahang idinampi ang kaniyang mga labi sa akin.Saglit akong natigilan—hindi dahil ayaw ko, kundi dahil hindi pa rin ako lubusang nasasanay sa ganoo
“Kimmy, please.”“Jeff, huwag mo na akong pahirapan pa.”Napaatras ako sa narinig.Hindi ako ang dapat niyang kaawaan; ako ang lalaking pilit na nanloko at tumapak sa kaniya. Ngunit sa unang pagkakataon, pakiramdam ko ay ako ang naiwan sa isang madilim at pamilyar na lugar na hindi ko na alam kung paano pa babalikan.“Gusto ko lang malaman mo na hindi pa ako sumusuko,” giit ko, may bahid ng panlulumo sa boses ko. “Hindi ko kailanman tatanggapin na basta na lang maglalaho ang lahat ng pinagsamahan natin.”Tinitigan niya ako nang mariin, walang emosyon ang mga mata. “Hindi mo kailangang tanggapin, Jeff. Dahil ang totoo... wala ka nang kontrol sa mga desisyon ko.”Tumama sa akin ang mga salitang iyon na parang isang malamig na sampal.Bago pa ako nakabawi para sumagot, lumapit sa kaniya ang isang empleyado ng kumpanya at magalang na yumuko. “Good morning, Ms. Sanchez. Handa na po ang mga naghihintay sa loob para sa meeting ninyo.”“Thank you. Papunta na ako.”Ms. Sanchez.Napatingin ako
“Tatlong beses akong umasa na sa wakas, matutupad mo na ang mga pangako mo.”“Alam ko, Kimmy.”“Sa bawat pagkakataon, naniwala akong may mabigat kang dahilan. Pinagtanggol pa kita sa sarili kong pamilya at mga kaibigan. Sinubukan kong unawain ang bawat pagkukulang mo dahil akala ko, may halaga sa iyo ang mga binitawan mong salita.”Naramdaman ko ang mabilis na pag-init ng mukha ko, hiyang-hiya sa sarili kong mga kasalanan. “Patawarin mo ako...”“Pero sa huli, nalaman ko na habang naghihintay ako sa iyo sa altar nang may luha sa mga mata, may iba ka pala sa tabi.”Agad akong luminga sa paligid, kinakabahang may makarinig. “Kimmy, please... huwag nating pag-usapan dito ang tungkol kay Dorothy.”“Bakit? Natatakot ka ba? Hindi ba siya ang babaeng hayagan mong pinili at tinawaging best partner sa harap ng buong industriya?”Napasinghap ako sa talim ng kaniyang mga salita. “Hindi ko kailanman sinabing wala kang halaga sa akin.”“Pero iyon ang ipinakita at isinigaw ng mga aksyon mo, Jeff.”W
At ngayon, heto siya.Napakaganda. Napakayaman. At mukhang masayang-masaya kahit wala ako sa tabi niya.Agad kong winaksi ang huling iilang salitang pumasok sa isip ko. Hindi ko hinayaang lamunin ako ng insecurity.Hindi ako narito para mainggit o mausisa sa mga mamahaling laruan niya. Narito ako para bawiin siya. At sa pamamagitan niya, maibabalik ko ang lahat ng nawala sa akin.Kaya naman, mabilis akong humakbang papalapit sa kaniya.“Kimmy!”Napalingon siya sa aking gawi.Walang ngiti sa mga labi niya. Walang bakas ng pagkagulat o pagkabigla—parang simula pa lang ay inaasahan na niyang makikita ako rito. Sa halip, huminto lamang siya sa paglalakad at mariin akong tinitigan nang walang emosyon.Pinilit ko ang sarili kong ngumiti, pinatamis ang aking boses. “Good morning.”Itinaas ko ang dala kong bouquet. “Para sa iyo.”Saglit niyang sinulyap ang makukulay na rosas bago muling ibinaling sa akin ang kaniyang malamig na mga mata.Hindi niya agad tinanggap ang alok ko.Kaya naman mas i
POV: JeffMaaga akong dumating sa labas ng matayog na gusali ng Sanchez Group.Maayos ang pagkakapark ng kotse ko sa gilid ng kalsada, ngunit hindi muna ako pumasok agad. Sa halip, nanatili akong nakatayo sa harap ng entrada habang mahigpit na hawak ang isang malaking bouquet ng pinakamahal at pinakamatingkad na pulang rosas. Personal kong pinili ang bawat bulaklak. Hindi ako nagtipid sa gastos, dahil alam kong mahilig si Kimmy sa mga bagay na pinaglalaanan ng panahon at malaking halaga.Hindi rin ako basta-basta nag-ayos ngayong araw.Nakasuot ako ng mamahaling cashmere coat na bumagay sa malamig na hangin ng umaga, plantsadong-plantsado ang puting polo sa loob nito, at maingat kong ibinabadya ang buhok ko sa tulong ng pomada. Naglagay rin ako ng mamahaling pabango na alam kong pamilyar sa kaniya at minsan niyang nagustuhan. Ilang beses akong sumilip sa repleksyon ng salamin ng aking kotse para matiyak na walang kahit anong gusot ang aking kasuotan.Kailangan kong maging presentable
Totoong hindi naman nabangga ang anak ko at kitang kita iyon ng dalawang mata ko. Nakapag preno ang driver bago pa nito mabundol si Kimmy. Sadyang sobra lamang akong nag alala at kinabahan ng bumagsak ang anak ko sa lupa at nawalan ito ng malay. Mabuti na lamang at mabait pa din ang driver at amo n
MYLENE’S POV:“Kimmy! Not there mahal! Please stay near me, you might get lost!”. Sabi ko sa napaka cute kong limang taong gulang na anak.“Mommy, I’m okay! Look! I can walk alone!” Pag mamayabang nito sa akin habang naglalakad ito ng halos isang metro ang layo sa akin habang hawak hawak nito ang
“Humanda ka Mylene. Ito na ang simula ng pag hihiganti ko. Sinong may sabi sa iyong iwan mo na lang ako ng basta basta pagkatapos na pagka tapos ng kasal natin ng wala ka man lang paalam?” Matabang na napangiti ako habang nag iisip.“Chamber maid? Dito sa Paris? Bakit? Para lang taguan ako? May la
Pag dating ko sa Hotel ay agad na humingi ako ng tawad sa supervisor ko dahil sa pag iwan ko sa post ko. Nakakaunawang pinatawad naman ako nito at agad na pinabalik sa trabaho ko.Inunti-unti ko na ang paglilinis ng nasabing kwarto. Mabuti na lamang at na delay din ang flight ng VIP Guest namin nga







