LOGINNakatayo si Zach sa may bukana ng pintuan ng kusina, suot ang isang simpleng puting polo habang hawak ang kaniyang telepono.“Good morning,” bati niya nang may banayad na ngiti.Lumapit siya at naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. “Ready for the big night, Mrs. Gibson?”“Ready enough,” sagot ko sabay hinga nang malalim.“That's good.” Tinitigan niya ako nang may seryosong mga mata. “May final na plano ka na ba kung paano mo haharapin si Jeff mamaya?”Sandali akong nag-isip bago sumagot. “Hindi ko siya haharapin bilang isang babaeng desperadong naghihintay ng paliwanag o paghingi ng tawad.”Tumango siya. “Good.”“Haharapin ko siya bilang isa sa mga pangunahing nagtayo ng Greenzone Development. Bilang isang taong may buong karapatang malaman kung ano ang nangyari sa kumpanya. At kung kinakailangang sabihin ko sa harap ng lahat ang buong katotohanan, gagawin ko iyon nang walang takot.”“Then that's the exact person you should be tonight.”Napangiti ako nang bahagya. “Alam mo... dati, aka
Hindi siya agad sumagot.Tumanging diretso sa akin ang kaniyang mga mata, at sa pagkakataong ito, wala roon ang karaniwan niyang mapaglarong ngiti.“Why would Iregret it?” seryosong tanong niya.“Dahil hindi pa ako handa, Zach. Dahil hindi ko pa kayang ibigay sa 'yo ang buo at wagas na pagmamahal na nararapat para sa isang asawa. Dahil hanggang sa mga sandaling ito, may mga nakasabit at sirang bahagi pa rin akong kailangang ayusin sa aking sarili.”Dahan-dahan niyang inilapag ang tasa sa ibabaw ng mesa.“Kimmy, alam na alam ko na hindi ka pa handa. Alam ko rin ang buong rason kung bakit ka nagdesisyong pakasalan ako nang gabing iyon. Ni minsan ay hindi ko inasahan na paggising mo kinabukasan ay bigla mo na lang akong mamahalin nang ganoon na lamang.”Napayuko ako nang marahan. “Pero pormal na tayong kasal...”“Yes, we are. At hinding-hindi ko kakalimutan iyon.”“Hindi ka ba natatakot o nangangamba man lang na baka dumating ang araw na hindi kita kailanman mahalin sa paraang gusto mo?”
Umiling siya nang walang pag-aalinlangan.“Kimmy, kasal na tayo. Hindi mababago ng anumang sasabihin ng ibang tao o ng kung gaano pa katagal bago nila malaman ang katotohanang iyon. Hindi ko kailangang marinig mula sa 'yo ang salitang ‘asawa’ sa harap ng maraming tao para lang maging totoo at may halaga ang kasal natin.”Napatingin ako sa kaniya, napapaamo ang aking puso.“Pero kung dumating ang oras na gusto mong malaman ng buong mundo,” dagdag niya sa isang napakaunawain na tono, “hinding-hindi kita pipigilan.”Napalunok ako habang naninikip ang aking dibdib.Hindi ko alam kung bakit mas lalong bumibigat ang damdamin ko sa tuwing ipinapakita at ipinararamdam niya sa akin ang ganitong klaseng pambihirang kabaitan.Marahil dahil sa kaibuturan ng aking puso... alam kong hindi ako nakasanayan sa ganitong trato.“Thank you, Zach,” mahina kong bulong.Ngumiti siya nang banayad. “Anytime, wife.”Muli akong napailing sa kaniyang tawag, ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko na napigilan ang k
Hindi niya hinihinging kalimutan ko agad ang lahat ng pait ng nakaraan.Hindi niya hinihinging pilitin kong mahalin siya sa isang iglap dahil lamang sa papel na nag-uugnay sa amin bilang mag-asawa.Ang tanging hinihingi lang niya ay ang bigyan ko ang aking sarili ng pagkakataong huminga nang malaya at magpasya nang buong-tapang para sa sarili kong buhay.“Thank you, Zach,” mahina kong bulong.Ngumiti siya nang banayad. “You don't have to thank me for that, Kimmy.”“Alam kong hindi mo ako minamadali sa kahit anong bagay.”“Hindi kita minadali noon... at hinding-hindi kita mamadaliin ngayon o kailanman.”Napayuko ako nang bahagya upang itago ang bahagyang panginginig ng aking mga labi at ang luhang nagbabadyang pumatak.Hindi ko alam kung kailan ako tuluyang matututo na may mga taong hindi kailangang saktan, subukin, o pahihiyain ka para lamang patunayan na mahalaga at karapat-dapat ka sa kanila.Pero alam kong gusto kong matutuhan at yakapin ang katotohanang iyon.Hindi lamang para sa
Hindi lamang nila gustong kunin ang Greenzone Development. Gusto rin nilang siguraduhing wala na akong kahit anong pagkakataong makabangon at lumaban.Gusto nilang mawalan ako ng pera, ng karera, ng pangalan, at ng tiwala sa sarili. Gusto nilang ako pa ang lumitaw na kontrabida sa kwentong sila naman ang may kagagawan.“Ang kakapal talaga ng mukha nila!” nanggigigil na bulalas ni Aunt Rose Ann.“Hindi nila alam kung sino ang binabangga nila,” galit ding wika ni Uncle Marco.“Tama,” seryosong sagot ni Dad. “Ang problema, alam na alam nila kung sino si Kimmy. Alam nilang matalino ka, masipag, at may buong kakayahang magpatakbo ng korporasyon. Ang akala lang nila... dahil minahal mo si Jeff, kaya nilang diktahan at kontrolin ang bawat galaw mo.”Tumingin siya sa akin nang diretso sa mga mata. “Pero ibang-iba na ang sitwasyon ngayon, Kimmy.”Hindi ako sumagot agad.Sa loob ng maraming taon, naniwala ako na ang pagmamahal ay nangangahulugang kailangan mong maging maunawain at magtiis sa la
Marahang pinisil ni Mom ang aking nanginginig na mga kamay.“Iyon muna ang pinakamahalaga sa ngayon, anak.”Makalipas ang ilang minuto, pormal nang inilabas ni Liam ang ilan sa mga dokumentong nakalap ng kanilang grupo.Hindi niya agad ipinakita ang mga sensitibong video. Sa halip, ipinaliwanag muna niya nang maayos kung paano nila inayos ang bawat ebidensiya at kung aling mga rekord ang kailangan pang dumaan sa beripikasyon.“Una sa lahat, ang tungkol sa relasyon nina Jeff at Dorothy,” panimula ni Liam. “May mga leaked message threads silang dalawa na malinaw na nagpapakita na matagal na silang may itinatagong relasyon. May mga pagkakataon ding magkasama sila sa mga lugar na wala namang kinalaman sa corporate work.”“Hindi ba pwedeng idahilan ni Jeff na tungkol lamang iyon sa negosyo?” pag-aalinlangan ko.“Puwede niyang sabihin ang kahit anong gusto niya sa korte,” sagot naman ni Luke. “Kaya hindi natin pwedeng basta-basta ilatag ang mga kuha nang walang malinaw na konteksto. Ihahamb
Nalaman kong ubod ng yaman nitong si Gab. Ang negosyo ng mga ito ay ang mamahalin na mga perfume kaya pala ubod ng bango ng lalaki lalo na nung nakulob kami kasama ito sa sasakyan nito. Humahalimuyak ang amoy nito, yun bang mahihiya ka na tumabi dito dahil napaka bango nito pero hindi masakit sa ul
Totoong hindi naman nabangga ang anak ko at kitang kita iyon ng dalawang mata ko. Nakapag preno ang driver bago pa nito mabundol si Kimmy. Sadyang sobra lamang akong nag alala at kinabahan ng bumagsak ang anak ko sa lupa at nawalan ito ng malay. Mabuti na lamang at mabait pa din ang driver at amo n
MYLENE’S POV:“Kimmy! Not there mahal! Please stay near me, you might get lost!”. Sabi ko sa napaka cute kong limang taong gulang na anak.“Mommy, I’m okay! Look! I can walk alone!” Pag mamayabang nito sa akin habang naglalakad ito ng halos isang metro ang layo sa akin habang hawak hawak nito ang
“Humanda ka Mylene. Ito na ang simula ng pag hihiganti ko. Sinong may sabi sa iyong iwan mo na lang ako ng basta basta pagkatapos na pagka tapos ng kasal natin ng wala ka man lang paalam?” Matabang na napangiti ako habang nag iisip.“Chamber maid? Dito sa Paris? Bakit? Para lang taguan ako? May la







