Share

Chapter 5

Author: Mery Grace
last update publish date: 2026-08-01 09:16:44

“Pero teka lang. Parang naiiyak ka na d'yan, ah? Baka gawin mong pamunas ang basahan. Ito na lang, pwede naman 'tong damit ko. 'Wag mo lang singahan may meeting pa kasi ako mamaya. Yakapin na lang din kita,” wika ni Elias.

Awtomatiko na lang na napatakip si Erica sa kanyang mga mata nang itaas nito ang laylayan ng suot na longsleeve na natanggal na sa pagkaka-tuck in. Akmang ipupunas na 'yon sa kanya, at sa isang iglap ay nasa harapan na niya ito.

Nasulyapan pa nang kaunti ni Erica ang abs nito, dahilan para bawiin niya ang kanyang sinabi. Napaisip siya na ilang minuto lang pala ang itatagal ng pagseseryoso nito. Ganito ba talaga ito? 

Napakapalabiro ng kanyang boss. Talagang nakakatawa ang bawat hirit nito at napapatawa siya kahit hindi niya iyon ipinapakita rito.

Hindi napigilan ni Erica ang mag-isip habang nakatitig sa lalaki. Kung paano kaya ito kapag kaharap na ang mga empleyado? Siya lang ba ang binibigyan nito ng ganitong ugali—'yong madaling makasama at puno ng mga biro? O baka naman ganito talaga ito sa lahat ng taong nakakasalamuha?

“Sir! Hindi naman ako naiiyak, eh!” pagtanggi ni Erica.

“Hindi ba? Akala ko naiiyak ka, eh. Yakap na lang gusto mo? Free hug lang,” nakangiting sabi nito bago binuksan ang dalawang kamay at akmang yayakapin siya.

Mabilis na umiling si Erica. Niyakap din niya ang sarili at umatras nang isang hakbang. “Bawal po mangyakap, Sir.”

“Ikaw nahihiya ka pa, eh. Grabe nga ang yakap mo sa akin, bumaon pa ang kuko mo sa likod ko nung magta—”

Hindi na pinatapos ni Erica ang sasabihin nito at agad niyang tinakpan ang bibig nito gamit ang kanyang palad. Kailangan pa niyang tumingkayad para lang maabot ang mukha nito.

“Tapos na 'yon, Sir! Maraming taon na ang nakalipas, kalimutan na lang natin 'yon!”

Huli na nang mapagtanto ni Erica ang posisyon nilang dalawa, dikit na dikit ang kanyang katawan sa dibdib nito. Nanlaki rin ang mga mata ng lalaki. Agad na pumasok sa isip ni Erica na naghugas naman siya ng kamay kanina at hindi naman madumi ang mga papel na hinawakan niya.

“Sorry, Sir! Sorry po! Malinis po ang kamay ko, pangako po!” hinging-paumanhin ni Erica bago tinanggal ang kamay at umatras ulit.

Napatakip si Elias sa sariling bibig at itinuro si Erica gamit ang bakanteng kamay. “Tsansing 'yon! Tsansing ka sa akin! Style mo lang 'yan para madikit sa akin. Ilalim, binatang Pilipino ako, ano ka ba... Kailangan mo muna magpaalam sa Mommy ko bago mo ako mahawakan.”

Tinakpan pa nito ang sarili na tila ba nanamantala si Erica. Napailing na lang si Erica sa kaapalan ng mukha nito. 

Pagbibintangan pa siyang nantsatsansing!

“Tsansing? Hindi ganoon ang balak ko, Sir! Tinakpan ko lang ang bibig mo dahil masyado kang maingay!” giit ni Erica.

Inayos ni Elias ang damit nito. Sa harapan mismo ni Erica, ibinalik nito ang pagkakatuck-in ng damit. Saglit pang nasulyapan ni Erica ang kulay itim na boxer nito dahil sumilip iyon nang kaunti.

“Nakita ko 'yon, ah? Tumingin ka sa boxer ko mga 2 seconds. May pagnanasa ka ba sa akin? Aminin mo na habang maaga pa baka maagaw pa ako sa iba. I'm so handsome... I'm the most handsome creation my parents have ever given the world.”

"Nababaliw na ba siya?" tanong ni Erica sa sarili.

Hinimas-himas pa nito ang sariling panga at inayos ang buhok. Gwapo nga ito pero napakakapal ng mukha. Naisip ni Erica na baka may sayad sa utak ang CEO na ito.

“Sir!” medyo tumaas na ang boses ni Erica. Kung hindi niya lang ito boss, baka lumipad na ang hawak niyang mop sa pagmumukha nito.

Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Samuel na may dalang kape galing Starbucks.

“Nandito na ang kape n'yo, Sir!” Itinaas nito ang hawak na kape upang ipakita sa kanila.

Nagtaka si Erica kung bakit ang bilis nito, ilang minuto pa lang naman itong nawawala.

“You got here so quickly! Didn't I tell you to head to the branch that's the farthest away from here?” nakameywang na hinarap ni Elias si Samuel.

“Sir, may malapit lang na branch d'yan tapos paborito mo pa. Bakit pa ako bibili sa malayo?” Naglakad si Samuel papunta kay Elias at inilahad ang bitbit na kape. “Go ahead and drink it while it's hot. Enjoy your coffee, Sir!”

Nakabusangot ang mukha ni Sir Elias habang iniinom ang kape. Pinagpatuloy naman ni Erica ang kanyang paglilinis, bumalik sa trabaho si Samuel, habang ang boss naman nila ay umiinom lang ng kape na mukhang hindi nag-eenjoy dahil magkasalubong ang mga kilay.

“Samuel, what time is my next meeting?”

Malapit na ring matapos si Erica sa paglilinis. Tapos na siyang mag-vacuum sa buong opisina nito at naligpit na rin niya ang mga kalat sa sofa kanina.

“Your next meeting is going to start after lunch. Pag-uusapan natin ang tungkol sa bagong model since magrerelease tayo ng bagong collection,” sagot ni Samuel.

Bahagyang napaisip si Erica. Dito siya nagtatrabaho pero wala man lang siyang kahit isang perfume na ginagamit galing sa kumpanyang ito. 'Yong ibibili kasi niya ng pabango ay ipambibili na lang niya ng gatas at diaper para sa kanyang anak. Ang pabangong ginagamit niya ay inuutang pa niya na one month to pay, at tipid na tipid pa 'yon para lang umabot ng ilang buwan.

Niligpit na ni Erica ang kanyang mga gamit para makalabas na nang bigla siyang tawagin ng boss.

“Gusto mo ng kape?” tanong ni Elias sa kanya.

Sa bahay, hindi lang iniinom ni Erica ang kape. Madalas, kapag wala silang ulam ay isinasabaw niya 'yon sa kanin. At sa araw na iyon, wala nga siyang dalang baon na ulam dahil ang itlog na nabili niya kanina ay iniwan na niya para sa kanyang anak. Kahit hindi na siya makakain basta busog lang ang anak niya. Asin lang ang ibinaon si Erica at iyon ang gagawin niyang ulam. Kaya para sa kanya, kahit sobrang kape lang ang ibigay ni Elias ay maayos na rin na gawing ulam para sa pananghalian. May pera naman siyang inilaan para sa ulam pero bente pesos lang, at kahit bente ay ayaw niya pang igastos kaya nagbaon pa rin siya ng asin. Sa locker area lang din naman siya kakain.

“Ayaw n'yo na po ba?” tanong ni Erica.

“Ayoko na. Marami pang laman 'to. Wala namang rabies ang laway ko. Proven and tested mo naman 'yon,” sagot ng lalaki.

Malakas na napaubo si Samuel sa narinig.

“Ang kuripot naman. Tira-tira pa ang ibibigay,” pabulong na hirit ni Samuel, pero rinig na rinig pa rin ni Erica.

Tumayo si Elias upang ibigay kay Erica ang kape. “Here, this is yours. You love to drink coffee? Next time we'll order two.”

Nang kukunin na ni Erica ang kape, medyo marami pa nga ang laman niyon. “Salamat dito, Sir!”

Nangiti si Erica sa isip. Iuulam niya ang Starbucks na kape.

Dumating ang oras ng pananghalian at nagpaiwan si Erica sa loob ng locker area. Umupo siya sa pinakasulok, inilabas ang baong kanin, at ibinuhos doon ang kape. Nakakaapat na subo pa lang siya nang biglang may pumasok sa loob.

Nabitin sa ere ang isang kutsarang kanin na isusubo sana ni Erica.

“What are you doing? Oh god, why are you eating here?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 13

    Maraming tao ang gustong magkaanak. Pero siyempre, may porsyento rin doon ang mga taong walang planong magkaroon ng anak o pamilya. Kay Elias, mali ba ang humiling na sana ay magbago ang isip nito? Sana dumating ang araw at magising na lang ito na gusto nang bumuo ng pamilya at magkaroon ng anak."Saan ko ilulugar ang anak ko sa buhay niya?"Naawa si Erica para sa kanyang anak. Pakiramdam niya ay hindi na magkakaroon ng pagkakataon ang bata na makilala ang sariling ama. Pero sisiguraduhin ni Erica na ibibigay niya rito ang pagmamahal na nararapat para sa kanya, kahit silang dalawa lang, at kahit walang ama na tatayo sa gilid nito upang gabayan ito sa kanyang paglaki.Mas una nilang madadaanan ang bahay ni Samuel. Pumasok sila sa isang subdivision at huminto sa dalawang palapag na bahay na kulay pink ang labas at may malapad na bakuran. Sa labas ng gate ay nakatayo na si Samuel. Nakalagay sa bewang nito ang isang kamay at hawak ang cellphone.Umangat ang tingin ni Samuel nang mapansin

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 12

    Palipat-lipat ang tingin ni Erica sa kanilang dalawa.Ang babae ay nakasuot ng kulay pula na sleeveless top at terno niyon ang isang pencil skirt na mukhang makikita na ang underwear nito.Nang lumabas ang babae sa elevator ay humakbang na agad si Erica para pumasok at iniwan si Elias. May bisita pala ito, mabuti na lang at uuwi na siya.Sinundan ng tingin ni Erica ang kamay ng babae na umakbay kay Elias, na ngayon ay hilaw na nakangiti sa kanya.“You didn't visit me in my condo so I came here to surprise you!”“Mauna na po ako, Sir!” paalam ni Erica at kumaway pa siya rito.Bahala na sila kung ano ang gagawin nila sa loob ng condo. Ang mahalaga ay may dala siyang fries na paboritong pagkain ni Eli.Dahan-dahang sumara ang pinto ng elevator.“Erica! Wait!”Hindi na nagawang maiharang ng boss ang kamay sa pinto dahil tuluyan na itong sumara.Alam ni Erica kung ano ang gagawin ng mga ito sa loob ng condo ni Elias. Ang ganda nung babae at iyon ang mga tipo nito, mga magaganda at parang m

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 11

    Ang mga tawa ni Erica ay napalitan ng sigaw nang tuluyang malaglag ang tuwalya na nagsisilbing takip sa pribadong parte ng katawan ng boss.Nag-loading pa ang utak ni Erica at tatlong segundo siyang napatitig sa ari nito bago niya tinakpan ang kanyang mga mata. Ang taas ng ari nito, nasa normal na size pa ba 'yon? Nung unang beses na nagtalik silang dalawa, gulat na gulat din si Erica nang makita iyon. Muntikan pa siyang umatras dahil natakot siya sa sobrang laki niyon. Inisip niya kung kakasya ba 'yon sa kanyang pagkababae o hindi, at pumasok pa sa isip niya na baka hindi na siya mabuhay. Sa una lang masakit, may napunit sa loob ng kanyang pagkababae, pero kalaunan ay napalitan din iyon ng kiliti at sarap, 'yong tipong napapatirik ang mga mata sa sobrang sarap.Kaso, nung umaga naman ay parang dinaanan ng truck ang kanyang pagkababae. Ilang araw siyang hindi nakalakad nang maayos at paika-ika ang lakad. Nagsinungaling pa si Erica kay Lolo nang tanungin siya nito kung ano ang nangyari

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 10

    “Ang bibig mo, Sir!” malakas na sigaw ni Erica na umalingawngaw yata sa buong hallway.Natatawa siya nitong hinila papunta sa loob ng condo.“Just kidding.”Malaki ang condo ni Elias. May mahaba at maliit na sofa na kulay cream, may center table, at may nakapatong na vase sa gitna na wala namang laman na bulaklak.May maliit na bar counter na nakita si Erica at sa likod niyon ay ang kusina. Dalawang pinto ang kanyang napansin, kung saan malamang ay ang kwarto nito ang isa doon.“Ito na pala ang mga lalabhan mo, Erica. Mostly mga damit ko lang 'yan dito sa condo ko.”Kaunti lamang iyon, parang nasa limang piraso lang ng damit at iilang mga piraso ng pantalon at shorts.Pagkatapos ilibot ni Erica ang kanyang mga mata sa kabuuan ng condo ay inilipat niya ang tingin sa boss. Napalunok na lamang siya nang makita ang katawan nito. Ngayon lang niya napansin na tumutulo pa pala ang tubig mula sa buhok nito hanggang sa katawan.“Saan po ako pwedeng maglaba, Sir?” tanong ni Erica habang pilit n

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 9

    “Para sa akin ba 'to, Sir?”Sinulyapan ni Elias saglit si Samuel. “Hindi, para kay Samuel talaga 'yan, ipapasukat ko lang sa 'yo,” sarkastikong wika ni Elias.At nadamay pa nga si Samuel.“Seryoso na kasi, Sir! Nagtatanong nang maayos ang tao, ganyan ang isasagot n'yo sa akin?”Kinuha ni Erica ang isang box at tiningnan din iyon. Ang isa ay itim at ang isa naman ay kulay puti, parehas lang ng design. Nike ang brand nung sapatos, at kahit hindi itanong ni Erica sa boss, alam niyang hindi basta-bastang nabibili iyon sa kanto. Original ang sapatos at alam niyang mahal.“Sa akin ba talaga 'to, Sir?” paulit-ulit na tanong ni Erica.“Ayaw mo ba? Ibibigay ko na lang kay Samuel.”Si Samuel ay napapakamot na lang sa kanyang ulo sa tuwing nadadamay ang kanyang pangalan.“Mahal 'to, Sir. Hindi ko kailangang bayaran 'to.”“Sino bang may sabing babayaran mo 'yan? Bigay ko na sa 'yo 'yan, Erica. Isukat mo kung kasya, size 7 'yan. Maliit kasi ang paa mo, pero pwede naman nating palitan kung hindi ka

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 8

    Nabunutan ng tinik si Erica nang lumiko na silang dalawa papunta sa bahay nila. Isang taong gulang pa lang ang anak ng isang kapitbahay nila at sa tuwing wala siya ay doon dumedede ang kanyang anak.Maswerte rin si Erica sa kanyang mga kapitbahay na tinutulungan ang kanilang pamilya. Dahil sa mga ito ay medyo napapadali ang buhay nila.Hinintay muna ni Erica na makaalis ang sasakyan ng boss bago siya umalis upang hindi makita ng mga ito na hindi siya pumasok sa bahay na iyon.Nang mawala ang sasakyan sa kanyang paningin ay lumipat ang tingin ni Erica sa kanyang paa. May gumuhit na maliit na ngiti sa kanyang mga labi nang makitang hindi man lang umabot sa kalahati ang kanyang paa sa tsinelas na suot.“Erica, nandito ka na pala. Pinuntahan ko na si Eli at pinadede sa akin dahil kanina pa iyak nang iyak,” sabi ni Lorena, ang kapitbahay nila.“Salamat, Ate Lorena. Medyo ginabi lang kasi ako ngayon sa trabaho,” sagot ni Erica.Napatingin si Lorena sa sapatos na hawak ni Erica. “Nasira na n

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 3

    "Tapos ko na pong linisin ang lahat, Sir," wika ni Erica nang malagay niya sa loob ng basurahan ang lahat ng mga kalat na nasa sofa kanina.Nagtataka pa rin siya kung bakit ganoon kadami ang mga kalat na nandoon gayong nung umalis siya ay malinis na ang office nito."Do you want coffee? Or juice, w

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 2

    Hindi akalain ni Erica na makikita niya ulit ang lalaking nakauna sa kanya. Wala siyang sinabihan kung sino ang ama ng anak niya. Kahit nang tanungin siya ni Lolo ay wala siyang pangalan na maisagot rito.Ngayon lang ulit nagkrus ang landas nila matapos ang dalawang taon. Ito ang pinakahuli niya. H

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 1

    “Sigurado ka na ba dito, Erica? May panahon ka pa para mag back- out,” wika ni Sanya. Kahit naglalagay ito ng lipstick sa labi nito ay nakuha pa nitong lumingon kay Erica.“Wala ng atrasan ‘to, Sanya. Uunahin ko pa ba ang hiya ko kung nag- aagaw buhay na ang Lola ko?” sagot niya.Nasa loob pa silan

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 4

    Hindi pa rin makapaniwala si Erica kay Elias. Nalilito na siya sa inaasta nito. Pumasok siya sa office nito at agad na kumunot ang kanyang noo.Ano’ng nangyayari sa office nito? Ang dami na namang punit-punit na mga papel sa mahabang sofa. Mayroon din siyang namataan na mga nakakalat na bote ng bee

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status