Share

Chapter 6

Author: Mery Grace
last update publish date: 2026-08-01 09:27:55

Hindi na itinuloy ni Erica ang kanyang pagsubo. Bigla siyang tinubuan ng hiya nang makita nitong ginawa niyang ulam ang ibinigay nitong kape kanina.

“Kain po kayo, Sir,” pag-aaya ni Erica sa kanya.

Sinuri ng mga mata ni Elias ang kinakain niya. “Masarap bang gawing ulam ‘yan?” Inukupa nito ang pwesto sa kanyang harapan.

“Masarap naman po, Sir.”

“I wanna try it. Feed me!”

Dahil nakahawak pa rin si Erica sa sariling kutsara, hinawakan ni Elias ang kanyang pulupulsuhan at iginiya iyon papunta sa labi nito. Gulat na gulat si Erica nang makitang kinain niya nga iyon, at wala man lang siyang pandidiring nakita sa mukha ng boss.

Tumango-tango ito habang ngumunguya. Biglang nagliwanag ang mukha nito at itinuro ang baonan ni Erica.

“It tastes good! One more! One more!” maligalig na sigaw nito sa kanya.

Kahit puno ng kaguluhan ang isip ni Erica ay nilagyan niya pa rin ng kanin ang kutsara. Kape lang ang ulam niya pero nagustuhan nito?

“Lagyan mo ng kaunting sabaw,” utos nito sa kanya.

Nilagyan iyon ni Erica ng kaunting sabaw bago isinubo sa bibig nito. Nag-aalangan pa siyang subuan ito dahil ang bigas nila ay 'yong mumurahin lang at medyo may amoy pa. Baka sumama ang tiyan nito at manibago sa bigas.

“Nagustuhan n’yo po ba ang lasa? Sigurado po ba kayo d’yan?” tanong ni Erica.

Nilunok muna ni Elias ang kanin bago siya sinagot. Hindi na rin tuloy makasubo nang maayos si Erica dahil iisang kutsara lang ang gagamitin nilang dalawa.

“Masarap siya, siguro dahil may halo na ng laway mo dahil sa kutsarang ginamit.”

Sinamaan ito ni Erica ng tingin kaya agad nitong binawi ang sinabi.

“I’m just kidding! It tastes good, Erica! Ipapatikim ko rin ‘to kay Samuel sa susunod. Sa susunod doon ka sa cafeteria kumain. Libre naman ang lunch doon,” seryosong sabi nito.

“Libre lang po ba?”

Akala ni Erica ay may bayad kaya hindi siya kumakain doon! Kung libre pala, sana hindi na siya nagbaon ng pagkain. Naisip din niya kung pwede kaya mag-take out para madalhan niya ang kanyang anak.

“Hindi ba kayo nasabihan niyan? Next time doon ka kumain. Ikaw naman ang sumubo.”

Kinuha nito kay Erica ang kutsarang hawak niya. Parang tumigil ang mundo ni Erica nang itapat nito sa kanyang bibig ang kutsarang may laman ng kanin.

“Open your mouth.”

Dumadampi na ang kutsara sa nakatikom na bibig ni Erica.

“Nangangalay na ang kamay ko. Hahalikan kita kapag hindi mo binuksan ang bibig mo.”

Natawa ito nang parang kidlat na nawala ang kanin dahil isinubo iyon ni Erica nang mabilis.

“Sir!”

Napapikit si Elias habang si Erica naman ay lumingon sa pumasok.

“Sir Samuel, kain po tayo,” aya ni Erica.

“Thanks, Erica.” Si Elias ay hindi pa rin lumingon sa kanya.

“Sir, we have to go. Naghihintay na raw ang mga kapatid mo,” paalala ni Samuel.

“Kakaltasan ko ng limang libo ang sweldo mo, Samuel.”

Napakamot si Samuel sa kanyang batok. “Tumawag na po si Sir Gregory na magkikita kayo. Didiretso na lang po tayo sa meeting n’yo mamaya.”

“I have to go, Erica. I’ll see you later. Continue eating,” kumindat pa si Elias sa kanya bago umalis.

Nauna itong lumabas kay Samuel.

“Tang-inang trabaho ‘to,” huling pabulong na sabi ni Samuel bago sumunod sa amo niya.

Buong maghapon ay ginawa lang ni Erica ang kanyang trabaho. Nagliligpit na siya ng kanyang mga gamit kasabay ng ibang mga kasamahan niya.

“Pumasok daw si Sir Elias dito kanina?” rinig niyang tanong nung isa.

Iba-iba ang nakakasama ni Erica araw-araw kaya mahirap makahanap ng makakasundo, lalo na at matagal-tagal na rin ang mga ito sa kumpanya kaya magkakakilala na silang lahat.

“Narinig ko sa banyo na nakasalubong daw nila na lumabas mula dito.”

Tahimik lang na nakikinig si Erica sa pag-uusap ng mga ito. Pumasok nga naman ang boss doon kaninang pananghalian. Biglang natahimik ang lahat kaya napalingon si Erica, sa kanya na pala nakatuon ang mga mata ng mga ito.

“Ikaw lang ang naiwan dito, ‘di ba?”

“Hindi naman pumasok si Sir Elias,” pagtatanggi pa ni Erica. Kung sasabihin niya kasi ang totoong nangyari ay magtatanong ang mga ito kung ano’ng ginagawa ng CEO sa locker area.

“Teka, nasaan ang pera ko? Nandito lang 'yon sa bag ko, ah?”

Nawala kay Erica ang atensyon ng mga ito. Iyon na sana ang naging hudyat niya para makaalis at umuwi.

“Hoy! ‘Wag ka munang umalis! Ikaw lang ang naiwan dito kanina, ah? Patingin nga ng bag mo!”

Pinagbibintangan ba nila akong magnanakaw? naisip ni Erica.

“Baka naman po nasa loob lang ng bag mo. Tingnan n’yo lang po ulit,” mahinahong sagot ni Erica.

Napaigtad siya nang bigla nitong itinapon sa sahig ang sariling bag kaya nagkalat ang mga gamit nito.

“Wala nga! Nasa bag ko lang ‘yon kanina! Ikaw lang ang naiwan dito nung tanghalian! Matagal ko nang iniiwan ang pera ko rito pero hindi naman nawawala! Ngayon lang!”

Humigpit ang hawak ni Erica sa kanyang bag nang sabay-sabay silang lumapit sa kanya. Tatlo ang mga ito at mas malalaki ang katawan kaysa sa kanya.

“Patingin ng bag mo!” sigaw sa kanya.

Wala namang kinuha si Erica kaya mataas ang tiwala niyang ibinukas ang kanyang bag upang ipakita sa kanila. Sigurado siyang wala siyang kinukuhang pera. Alam niyang hirap din ang mga ito sa buhay, kung magnanakaw man siya ay pipiliin niya ang mayaman, samantalang pare-pareho lang silang nagkakayod doon.

“Kumain lang po ako rito. Wala po akong kinuhang pera. Baka nakalimutan n’yo lang po kung saan n’yo nilagay,” giit ni Erica habang patuloy na hinahalughog ng mga ito ang kanyang bag.

“Pera ko ‘yan!” sigaw ni Erica nang makitang kahit ang kanyang wallet ay hinahalughog na ng mga ito.

May nakita silang bente pesos na pamasahe na sana niya. Ngunit binuksan ng isa ang bulsa kung saan nakalagay ang matagal na niyang itinatagong dalawang daan, perang itinabi niya para kay Sam-Sam kapag nagkakasakit ito.

“’Wag ‘yan! Para sa anak ko ‘yan!”

Sinubukan ni Erica na lumapit sa kanila ngunit hinarang siya nung dalawa.

“Sa anak ko ‘yan! Please! ‘Wag n’yong kunin!”

Sinubukan niyang itulak ang isa, ngunit sa kanyang pagtulak ay nagalit lang ito.

“Ano ba? Matapang ka? Baguhan ka lang dito kaya ayos-ayusin mo ang ugali mo! Wala siyang pera kaya bigyan mo muna!”

Dinampot na nung isang kasama nila ang bag na itinapon kanina, pero hindi pa rin pinapakawalan si Erica nung dalawa. Nakakuyom na ang kanyang mga kamao habang pilit na lumalapit doon sa babaeng kumuha ng pera niya.

“Wala rin akong pera! Mahirap lang din ako! Ako lang ang bumubuhay sa anak ko. Kailangan ko ang perang ‘yan!”

“Kailangan ko rin ‘to. Bitawan n’yo na ‘yan, umalis na tayo.”

“Nagmamakaawa na ako! Ibalik n’yo sa akin ang pera ko!”

Nanlumo si Erica nang isa-isa silang lumabas nang walang sinumang pumatol sa pagmamakaawa niya. Wala siyang nagawa kundi ang tahimik na umiyak. Matagal niyang itinago ang perang iyon tapos mapupunta lang sa kanila.

Tumutulo ang kanyang mga luha sa sahig habang dinadampot ang lumang wallet. Kahit ang benteng inilaan niya para sa pamasahe ay hindi pinalagpas ng mga ito.

Kinuha ni Erica ang kanyang bag at hinalughog iyon, nagbabakasakaling may perang naiwan. Ngunit kahit baligtarin niya ang bag ay kahit piso ay wala siyang nakita.

Nanghihina siyang lumabas at sinimulan ang paglalakad pauwi. Dalawang oras. Dalawang oras ang aabutin niya kung maglalakad siya.

Pahinto-hinto si Erica sa tuwing hinihingal siya. Padilim na nang padilim at kahit pambili ng tubig ay wala siyang pera. Kanina pa siya naglalakad ngunit malayo pa rin ang bahay nila. Sa bawat hakbang ay nanginginig na ang kanyang mga binti at ang bigat-bigat na ng kanyang dalawang paa, pero sinikap niya pa ring makauwi.

Bakit may mga ganoong tao? Ang hindi marunong lumaban nang patas? Pinaghirapan ko ang perang 'yon. Kahit hindi malaki, mahalaga sa buhay ko ang perang para sa anak ko.

Sa mga naging trabaho ni Erica noong araw, hindi naman maiiwasang may katrabahong hindi makakasundo, pero ito ang kauna-unahang beses na may kumuha sa pera niya. Kung sino pa ang kapos, iyon pa ang napili nilang pagtripan.

Umupo si Erica sa gilid ng daan at ipinatong ang magkabilang siko sa kanyang mga tuhod. Marami ang mga dumadaang sasakyan sa paligid dahil uwian na ng mga tao galing sa trabaho.

Ginalaw niya ang mga daliri sa paa at nakitang natuklap na ang suot niyang half shoes. Hinubad niya muna iyon at inilagay sa kanyang tabi. Nakita niya ang paltos sa kanyang paa. Naiiyak niyang pinagmasdan ang sariling mga daliri at ang kanyang sitwasyon.

Biglang may umilaw sa kanyang pwesto mula sa likod ng isang sasakyang huminto sa kanyang harapan. Mahirap aninawin kung sino ang lalaking bumaba dahil nakakasilaw ang ilaw.

“Erica?”

“Sir Elias…”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 13

    Maraming tao ang gustong magkaanak. Pero siyempre, may porsyento rin doon ang mga taong walang planong magkaroon ng anak o pamilya. Kay Elias, mali ba ang humiling na sana ay magbago ang isip nito? Sana dumating ang araw at magising na lang ito na gusto nang bumuo ng pamilya at magkaroon ng anak."Saan ko ilulugar ang anak ko sa buhay niya?"Naawa si Erica para sa kanyang anak. Pakiramdam niya ay hindi na magkakaroon ng pagkakataon ang bata na makilala ang sariling ama. Pero sisiguraduhin ni Erica na ibibigay niya rito ang pagmamahal na nararapat para sa kanya, kahit silang dalawa lang, at kahit walang ama na tatayo sa gilid nito upang gabayan ito sa kanyang paglaki.Mas una nilang madadaanan ang bahay ni Samuel. Pumasok sila sa isang subdivision at huminto sa dalawang palapag na bahay na kulay pink ang labas at may malapad na bakuran. Sa labas ng gate ay nakatayo na si Samuel. Nakalagay sa bewang nito ang isang kamay at hawak ang cellphone.Umangat ang tingin ni Samuel nang mapansin

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 12

    Palipat-lipat ang tingin ni Erica sa kanilang dalawa.Ang babae ay nakasuot ng kulay pula na sleeveless top at terno niyon ang isang pencil skirt na mukhang makikita na ang underwear nito.Nang lumabas ang babae sa elevator ay humakbang na agad si Erica para pumasok at iniwan si Elias. May bisita pala ito, mabuti na lang at uuwi na siya.Sinundan ng tingin ni Erica ang kamay ng babae na umakbay kay Elias, na ngayon ay hilaw na nakangiti sa kanya.“You didn't visit me in my condo so I came here to surprise you!”“Mauna na po ako, Sir!” paalam ni Erica at kumaway pa siya rito.Bahala na sila kung ano ang gagawin nila sa loob ng condo. Ang mahalaga ay may dala siyang fries na paboritong pagkain ni Eli.Dahan-dahang sumara ang pinto ng elevator.“Erica! Wait!”Hindi na nagawang maiharang ng boss ang kamay sa pinto dahil tuluyan na itong sumara.Alam ni Erica kung ano ang gagawin ng mga ito sa loob ng condo ni Elias. Ang ganda nung babae at iyon ang mga tipo nito, mga magaganda at parang m

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 11

    Ang mga tawa ni Erica ay napalitan ng sigaw nang tuluyang malaglag ang tuwalya na nagsisilbing takip sa pribadong parte ng katawan ng boss.Nag-loading pa ang utak ni Erica at tatlong segundo siyang napatitig sa ari nito bago niya tinakpan ang kanyang mga mata. Ang taas ng ari nito, nasa normal na size pa ba 'yon? Nung unang beses na nagtalik silang dalawa, gulat na gulat din si Erica nang makita iyon. Muntikan pa siyang umatras dahil natakot siya sa sobrang laki niyon. Inisip niya kung kakasya ba 'yon sa kanyang pagkababae o hindi, at pumasok pa sa isip niya na baka hindi na siya mabuhay. Sa una lang masakit, may napunit sa loob ng kanyang pagkababae, pero kalaunan ay napalitan din iyon ng kiliti at sarap, 'yong tipong napapatirik ang mga mata sa sobrang sarap.Kaso, nung umaga naman ay parang dinaanan ng truck ang kanyang pagkababae. Ilang araw siyang hindi nakalakad nang maayos at paika-ika ang lakad. Nagsinungaling pa si Erica kay Lolo nang tanungin siya nito kung ano ang nangyari

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 10

    “Ang bibig mo, Sir!” malakas na sigaw ni Erica na umalingawngaw yata sa buong hallway.Natatawa siya nitong hinila papunta sa loob ng condo.“Just kidding.”Malaki ang condo ni Elias. May mahaba at maliit na sofa na kulay cream, may center table, at may nakapatong na vase sa gitna na wala namang laman na bulaklak.May maliit na bar counter na nakita si Erica at sa likod niyon ay ang kusina. Dalawang pinto ang kanyang napansin, kung saan malamang ay ang kwarto nito ang isa doon.“Ito na pala ang mga lalabhan mo, Erica. Mostly mga damit ko lang 'yan dito sa condo ko.”Kaunti lamang iyon, parang nasa limang piraso lang ng damit at iilang mga piraso ng pantalon at shorts.Pagkatapos ilibot ni Erica ang kanyang mga mata sa kabuuan ng condo ay inilipat niya ang tingin sa boss. Napalunok na lamang siya nang makita ang katawan nito. Ngayon lang niya napansin na tumutulo pa pala ang tubig mula sa buhok nito hanggang sa katawan.“Saan po ako pwedeng maglaba, Sir?” tanong ni Erica habang pilit n

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 9

    “Para sa akin ba 'to, Sir?”Sinulyapan ni Elias saglit si Samuel. “Hindi, para kay Samuel talaga 'yan, ipapasukat ko lang sa 'yo,” sarkastikong wika ni Elias.At nadamay pa nga si Samuel.“Seryoso na kasi, Sir! Nagtatanong nang maayos ang tao, ganyan ang isasagot n'yo sa akin?”Kinuha ni Erica ang isang box at tiningnan din iyon. Ang isa ay itim at ang isa naman ay kulay puti, parehas lang ng design. Nike ang brand nung sapatos, at kahit hindi itanong ni Erica sa boss, alam niyang hindi basta-bastang nabibili iyon sa kanto. Original ang sapatos at alam niyang mahal.“Sa akin ba talaga 'to, Sir?” paulit-ulit na tanong ni Erica.“Ayaw mo ba? Ibibigay ko na lang kay Samuel.”Si Samuel ay napapakamot na lang sa kanyang ulo sa tuwing nadadamay ang kanyang pangalan.“Mahal 'to, Sir. Hindi ko kailangang bayaran 'to.”“Sino bang may sabing babayaran mo 'yan? Bigay ko na sa 'yo 'yan, Erica. Isukat mo kung kasya, size 7 'yan. Maliit kasi ang paa mo, pero pwede naman nating palitan kung hindi ka

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 8

    Nabunutan ng tinik si Erica nang lumiko na silang dalawa papunta sa bahay nila. Isang taong gulang pa lang ang anak ng isang kapitbahay nila at sa tuwing wala siya ay doon dumedede ang kanyang anak.Maswerte rin si Erica sa kanyang mga kapitbahay na tinutulungan ang kanilang pamilya. Dahil sa mga ito ay medyo napapadali ang buhay nila.Hinintay muna ni Erica na makaalis ang sasakyan ng boss bago siya umalis upang hindi makita ng mga ito na hindi siya pumasok sa bahay na iyon.Nang mawala ang sasakyan sa kanyang paningin ay lumipat ang tingin ni Erica sa kanyang paa. May gumuhit na maliit na ngiti sa kanyang mga labi nang makitang hindi man lang umabot sa kalahati ang kanyang paa sa tsinelas na suot.“Erica, nandito ka na pala. Pinuntahan ko na si Eli at pinadede sa akin dahil kanina pa iyak nang iyak,” sabi ni Lorena, ang kapitbahay nila.“Salamat, Ate Lorena. Medyo ginabi lang kasi ako ngayon sa trabaho,” sagot ni Erica.Napatingin si Lorena sa sapatos na hawak ni Erica. “Nasira na n

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 3

    "Tapos ko na pong linisin ang lahat, Sir," wika ni Erica nang malagay niya sa loob ng basurahan ang lahat ng mga kalat na nasa sofa kanina.Nagtataka pa rin siya kung bakit ganoon kadami ang mga kalat na nandoon gayong nung umalis siya ay malinis na ang office nito."Do you want coffee? Or juice, w

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 2

    Hindi akalain ni Erica na makikita niya ulit ang lalaking nakauna sa kanya. Wala siyang sinabihan kung sino ang ama ng anak niya. Kahit nang tanungin siya ni Lolo ay wala siyang pangalan na maisagot rito.Ngayon lang ulit nagkrus ang landas nila matapos ang dalawang taon. Ito ang pinakahuli niya. H

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 1

    “Sigurado ka na ba dito, Erica? May panahon ka pa para mag back- out,” wika ni Sanya. Kahit naglalagay ito ng lipstick sa labi nito ay nakuha pa nitong lumingon kay Erica.“Wala ng atrasan ‘to, Sanya. Uunahin ko pa ba ang hiya ko kung nag- aagaw buhay na ang Lola ko?” sagot niya.Nasa loob pa silan

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 4

    Hindi pa rin makapaniwala si Erica kay Elias. Nalilito na siya sa inaasta nito. Pumasok siya sa office nito at agad na kumunot ang kanyang noo.Ano’ng nangyayari sa office nito? Ang dami na namang punit-punit na mga papel sa mahabang sofa. Mayroon din siyang namataan na mga nakakalat na bote ng bee

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status