LOGINNawala lahat ng ingay sa paligid nang makita ni Erica na naglakad papunta sa kanyang direksiyon si Elias. Napunta ang tingin nito sa kanyang half shoes na nakalapag sa kanyang tabi.
“Good evening po,” wika ni Erica sabay punas ng luha sa kanyang pisngi.
Sa nilayo-layo ng nilakad niya ay naisip ni Erica kung kumusta na kaya ang sitwasyon ng mukha niya ngayon. Magulo na rin ang kanyang buhok, at ang pawis at luha ay nagkalat na sa kanyang pisngi. Tapos haharap pa siya sa boss. Sa kalagitnaan ng lahat, naisip din niya kung bakit ito nandito.
“What are you doing here in the middle of the night, Erica? It's dangerous,” nag-aalalang sabi nito.
Napa-isip si Erica kung sasabihin ba niya rito ang totoong dahilan kung bakit siya naglalakad nang mag-isa sa gitna ng gabi—na ninakawan siya ng pera ng mga empleyado nito.
“You shouldn't be walking here alone. And what happened to your feet? Ang daming paltos,” sabi ni Elias sa kalma at mas malambot na boses.
“Nagkaproblema lang ng kaunti sa pera para sa pamasahe, Sir. Kaya naglakad na lang ako pauwi ng bahay namin,” sagot ni Erica.
Nakita ni Erica na dumaan ang gulat sa mga mata nito, at may nabasa rin siyang kaunting awa.
“Naglakad ka lang? Ang layo na ng nilakad mo. Sumakay ka. Ihahatid na kita sa bahay n'yo,” utos nito.
Napatayo na si Erica, ngunit dahil sa kanyang biglaang pagtayo ay nawalan siya ng balanse. Nanginginig pa rin ang kanyang mga tuhod at inihanda na niya ang sarili na tatama siya sa sahig dahil matutumba na siya. Ngunit mabilis ang naging kilos ni Elias at nakarating ito sa kanyang harapan. Bago pa siya bumagsak sa kalsada ay pumulupot na ang kamay nito sa kanyang bewang upang saluhin siya.
Tila tumigil ang mundo ni Erica nang magkatinginan silang dalawa. Napako ang mga mata nila sa isa't isa. Pakiramdam niya ay nawala ang mga tunog ng busina ng sasakyan at tanging silang dalawa lang ang natira sa mundong ibabaw. Ang nagsisilbing liwanag nila ay ang ilaw ng sasakyan nito ngunit hindi naging balakid iyon upang hindi niya mapagmasdan ang kabuuan ng mukha nito. Ang tangos ng ilong nito, makapal ang kilay, mapupula ang mga labi, mataas ang pilik-mata, at nangungusap ang mga mata. Wala siyang ibang naramdaman kundi panghihina dahil sa mga titig nito.
“'Wag mo akong titigan ng ganyan baka matunaw ako, Erica,” ani Elias.
Itinulak ito agad ni Erica, ngunit humigpit lamang ang kapit nito sa kanyang bewang. Sa isang iglap, nasa likod na ng kanyang tuhod ang kamay nito at hindi na dumampi sa kalsada ang kanyang mga paa. Umangat na siya sa ere at binuhat siya nito na parang isa silang bagong kasal.
Ngayon lang napansin ni Erica na kasama pala nito si Samuel. Ito ang nagbukas ng pintuan sa backseat.
“'Yong sapatos ko,” wika ni Erica nang makapasok sa loob.
Lumingon si Elias kay Samuel.
“Get her things,” utos nito. Tahimik na tumango si Samuel at tumalikod. Pumasok din si Elias sa loob at umupo sa tabi ni Erica.
Kaginhawaan ang naramdaman ni Erica nang dumampi ang kanyang pwet sa malambot na upuan. Tuluyan nang nakapagpahinga ang kanyang mga binti, bagaman paniguradong hanggang bukas ay dadalhin niya ang sakit sa kanyang mga paa.
“Ano'ng ginagawa mo dun, Erica? Gabing-gabi na,” wika ni Samuel nang umandar na ang sasakyan.
“Trip niya lang mag-walking, Samuel. Tumahimik ka na at 'wag na magtanong,” sagot ni Elias.
“Nagtatanong lang naman ako kay Erica, Sir,” ani Samuel.
“Dumaan muna tayo sa pinakalamapit na pharmacy, Samuel. Bibili lang tayo ng gamot para sa paltos niya sa paa,” ani Elias sabay sulyap kay Erica.
“Sa pinakamalapit, Sir? Ayaw mo sa malayo?” hirit ni Samuel.
Sinamaan lang ito ng tingin ni Elias na siya namang ikinahalakhak ni Samuel.
“Hindi naman po kailangan ng gamot para rito, Sir. Sapat na po sa akin na makauwi ako sa bahay namin,” sabi ni Erica.
“Ang daming paltos ng paa mo. Gagamutin natin 'yan bago ka umuwi,” sabi nito at parang wala nang karapatang magreklamo si Erica.
Dumaan muna sila sa isang pharmacy at bumili ng gamot.
“Salamat po pagbili ng gamot, Sir. Sa bahay ko na lang po gagamutin,” sabi ni Erica. Naiwan silang dalawa sa loob ng sasakyan dahil lumabas si Samuel upang bumili ng gamot.
“Ako ang gagamot at dito natin gagamutin,” giit ni Elias.
Naisip ni Erica na kung magtatagal pa siya ay mag-aalala na sa kanya ang kanyang Lolo dahil alam nito kung anong oras matatapos ang trabaho niya. At ang anak niyang si Sam-Sam ay hahanapin na rin siya.
“Ako na po, Sir. Sa bahay na po. Sobra-sobra na po ang tulong n'yo sa akin at ayos na po ang paghatid sa bahay namin. Baka mapagalitan po ako sa bahay kapag ginabi ako,” mahabang paliwanag ni Erica.
“Okay, fine. Parang ikakamatay mo kung ilang minuto kang maiiwan sa tabi ko,” sagot ni Elias.
Bukod sa hinahanap na siya sa bahay ay nahihiya rin si Erica na magpagamot dito. Siya pa ang gagamutin nito, at pahahawakan ba niya ang madumi niyang paa sa isang CEO na boss pa niya? Manhid lang ang hindi mahihiya sa ganoong sitwasyon.
Dumating si Samuel na may bitbit na isang supot at ibinigay iyon sa kanila sa likod.
“Hindi n'yo man lang muna gagamutin ang sugat niya bago tayo umalis, Sir?” tanong nito habang ikinakabit ang seatbelt sa kanyang katawan.
“She doesn't want to. Ihatid na lang natin sa bahay nila,” tugon ni Elias.
Ang sinabi ni Erica na bahay nila ay malayo pa sa totoo nilang bahay. Natatakot siyang sabihin dito ang totoo niyang address. Gabi naman na at hindi naman lumalabez ang kanyang anak, pero naninigurado lang din siya.
“Dito ba ang bahay n'yo?” tanong ni Samuel at sumilip sa labas. Tatlong bahay pa ang layo nito bago ang bahay nila Erica. Ang nagmamay-ari sa bahay na iyon ay si Saddie.
“Opo, maraming salamat po sa paghatid sa akin.” Lumingon si Erica kay Elias. “Thank you, Sir.”
Hindi na isinuot ni Erica ang kanyang half shoes at baka masira pa ito nang husto. Malapit lang naman ang bahay at maghuhugas na lang siya ng paa pagdating. Ipapaayos na lang niya iyon dahil mukhang hindi na kaya ng shoes glue sa laki ng sira, at matagal-tagal na rin kasi iyon sa kanya.
“Magpapaa ka lang?” tanong ni Elias.
Tumango si Erica at kinuha na rin ang supot para makalabas na.
“May extra akong tsinelas sa likod. Gamitin mo muna. Pakikuha nga sa likod, Samuel,” utos ni Elias.
“Hindi naman po kailangan. Pero salamat po. Ibabalik ko na lang po sa susunod na araw dahil wala po akong duty bukas,” wika ni Erica.
“Wala kang trabaho bukas? Why is that? Hindi whole week ang duty mo?” tanong ni Elias habang nakakunot pa ang noo.
“Hindi po, Sir. Tatlong araw lang po ako.”
Kumatok sa bintana si Samuel kaya lumabas na si Erica. Nakahanda na ang tsinelas na para sa kanya. Sa laki niyon ay mukhang kalahati lang ng kanyang paa ang kasya.
Para namang tatalon ang puso ni Erica palabas nang makita niyang lumabas ang isang kapitbahay nila at buhat-buhat pa nito ang anak niya.
Maraming tao ang gustong magkaanak. Pero siyempre, may porsyento rin doon ang mga taong walang planong magkaroon ng anak o pamilya. Kay Elias, mali ba ang humiling na sana ay magbago ang isip nito? Sana dumating ang araw at magising na lang ito na gusto nang bumuo ng pamilya at magkaroon ng anak."Saan ko ilulugar ang anak ko sa buhay niya?"Naawa si Erica para sa kanyang anak. Pakiramdam niya ay hindi na magkakaroon ng pagkakataon ang bata na makilala ang sariling ama. Pero sisiguraduhin ni Erica na ibibigay niya rito ang pagmamahal na nararapat para sa kanya, kahit silang dalawa lang, at kahit walang ama na tatayo sa gilid nito upang gabayan ito sa kanyang paglaki.Mas una nilang madadaanan ang bahay ni Samuel. Pumasok sila sa isang subdivision at huminto sa dalawang palapag na bahay na kulay pink ang labas at may malapad na bakuran. Sa labas ng gate ay nakatayo na si Samuel. Nakalagay sa bewang nito ang isang kamay at hawak ang cellphone.Umangat ang tingin ni Samuel nang mapansin
Palipat-lipat ang tingin ni Erica sa kanilang dalawa.Ang babae ay nakasuot ng kulay pula na sleeveless top at terno niyon ang isang pencil skirt na mukhang makikita na ang underwear nito.Nang lumabas ang babae sa elevator ay humakbang na agad si Erica para pumasok at iniwan si Elias. May bisita pala ito, mabuti na lang at uuwi na siya.Sinundan ng tingin ni Erica ang kamay ng babae na umakbay kay Elias, na ngayon ay hilaw na nakangiti sa kanya.“You didn't visit me in my condo so I came here to surprise you!”“Mauna na po ako, Sir!” paalam ni Erica at kumaway pa siya rito.Bahala na sila kung ano ang gagawin nila sa loob ng condo. Ang mahalaga ay may dala siyang fries na paboritong pagkain ni Eli.Dahan-dahang sumara ang pinto ng elevator.“Erica! Wait!”Hindi na nagawang maiharang ng boss ang kamay sa pinto dahil tuluyan na itong sumara.Alam ni Erica kung ano ang gagawin ng mga ito sa loob ng condo ni Elias. Ang ganda nung babae at iyon ang mga tipo nito, mga magaganda at parang m
Ang mga tawa ni Erica ay napalitan ng sigaw nang tuluyang malaglag ang tuwalya na nagsisilbing takip sa pribadong parte ng katawan ng boss.Nag-loading pa ang utak ni Erica at tatlong segundo siyang napatitig sa ari nito bago niya tinakpan ang kanyang mga mata. Ang taas ng ari nito, nasa normal na size pa ba 'yon? Nung unang beses na nagtalik silang dalawa, gulat na gulat din si Erica nang makita iyon. Muntikan pa siyang umatras dahil natakot siya sa sobrang laki niyon. Inisip niya kung kakasya ba 'yon sa kanyang pagkababae o hindi, at pumasok pa sa isip niya na baka hindi na siya mabuhay. Sa una lang masakit, may napunit sa loob ng kanyang pagkababae, pero kalaunan ay napalitan din iyon ng kiliti at sarap, 'yong tipong napapatirik ang mga mata sa sobrang sarap.Kaso, nung umaga naman ay parang dinaanan ng truck ang kanyang pagkababae. Ilang araw siyang hindi nakalakad nang maayos at paika-ika ang lakad. Nagsinungaling pa si Erica kay Lolo nang tanungin siya nito kung ano ang nangyari
“Ang bibig mo, Sir!” malakas na sigaw ni Erica na umalingawngaw yata sa buong hallway.Natatawa siya nitong hinila papunta sa loob ng condo.“Just kidding.”Malaki ang condo ni Elias. May mahaba at maliit na sofa na kulay cream, may center table, at may nakapatong na vase sa gitna na wala namang laman na bulaklak.May maliit na bar counter na nakita si Erica at sa likod niyon ay ang kusina. Dalawang pinto ang kanyang napansin, kung saan malamang ay ang kwarto nito ang isa doon.“Ito na pala ang mga lalabhan mo, Erica. Mostly mga damit ko lang 'yan dito sa condo ko.”Kaunti lamang iyon, parang nasa limang piraso lang ng damit at iilang mga piraso ng pantalon at shorts.Pagkatapos ilibot ni Erica ang kanyang mga mata sa kabuuan ng condo ay inilipat niya ang tingin sa boss. Napalunok na lamang siya nang makita ang katawan nito. Ngayon lang niya napansin na tumutulo pa pala ang tubig mula sa buhok nito hanggang sa katawan.“Saan po ako pwedeng maglaba, Sir?” tanong ni Erica habang pilit n
“Para sa akin ba 'to, Sir?”Sinulyapan ni Elias saglit si Samuel. “Hindi, para kay Samuel talaga 'yan, ipapasukat ko lang sa 'yo,” sarkastikong wika ni Elias.At nadamay pa nga si Samuel.“Seryoso na kasi, Sir! Nagtatanong nang maayos ang tao, ganyan ang isasagot n'yo sa akin?”Kinuha ni Erica ang isang box at tiningnan din iyon. Ang isa ay itim at ang isa naman ay kulay puti, parehas lang ng design. Nike ang brand nung sapatos, at kahit hindi itanong ni Erica sa boss, alam niyang hindi basta-bastang nabibili iyon sa kanto. Original ang sapatos at alam niyang mahal.“Sa akin ba talaga 'to, Sir?” paulit-ulit na tanong ni Erica.“Ayaw mo ba? Ibibigay ko na lang kay Samuel.”Si Samuel ay napapakamot na lang sa kanyang ulo sa tuwing nadadamay ang kanyang pangalan.“Mahal 'to, Sir. Hindi ko kailangang bayaran 'to.”“Sino bang may sabing babayaran mo 'yan? Bigay ko na sa 'yo 'yan, Erica. Isukat mo kung kasya, size 7 'yan. Maliit kasi ang paa mo, pero pwede naman nating palitan kung hindi ka
Nabunutan ng tinik si Erica nang lumiko na silang dalawa papunta sa bahay nila. Isang taong gulang pa lang ang anak ng isang kapitbahay nila at sa tuwing wala siya ay doon dumedede ang kanyang anak.Maswerte rin si Erica sa kanyang mga kapitbahay na tinutulungan ang kanilang pamilya. Dahil sa mga ito ay medyo napapadali ang buhay nila.Hinintay muna ni Erica na makaalis ang sasakyan ng boss bago siya umalis upang hindi makita ng mga ito na hindi siya pumasok sa bahay na iyon.Nang mawala ang sasakyan sa kanyang paningin ay lumipat ang tingin ni Erica sa kanyang paa. May gumuhit na maliit na ngiti sa kanyang mga labi nang makitang hindi man lang umabot sa kalahati ang kanyang paa sa tsinelas na suot.“Erica, nandito ka na pala. Pinuntahan ko na si Eli at pinadede sa akin dahil kanina pa iyak nang iyak,” sabi ni Lorena, ang kapitbahay nila.“Salamat, Ate Lorena. Medyo ginabi lang kasi ako ngayon sa trabaho,” sagot ni Erica.Napatingin si Lorena sa sapatos na hawak ni Erica. “Nasira na n
"Tapos ko na pong linisin ang lahat, Sir," wika ni Erica nang malagay niya sa loob ng basurahan ang lahat ng mga kalat na nasa sofa kanina.Nagtataka pa rin siya kung bakit ganoon kadami ang mga kalat na nandoon gayong nung umalis siya ay malinis na ang office nito."Do you want coffee? Or juice, w
Hindi akalain ni Erica na makikita niya ulit ang lalaking nakauna sa kanya. Wala siyang sinabihan kung sino ang ama ng anak niya. Kahit nang tanungin siya ni Lolo ay wala siyang pangalan na maisagot rito.Ngayon lang ulit nagkrus ang landas nila matapos ang dalawang taon. Ito ang pinakahuli niya. H
“Sigurado ka na ba dito, Erica? May panahon ka pa para mag back- out,” wika ni Sanya. Kahit naglalagay ito ng lipstick sa labi nito ay nakuha pa nitong lumingon kay Erica.“Wala ng atrasan ‘to, Sanya. Uunahin ko pa ba ang hiya ko kung nag- aagaw buhay na ang Lola ko?” sagot niya.Nasa loob pa silan
Hindi pa rin makapaniwala si Erica kay Elias. Nalilito na siya sa inaasta nito. Pumasok siya sa office nito at agad na kumunot ang kanyang noo.Ano’ng nangyayari sa office nito? Ang dami na namang punit-punit na mga papel sa mahabang sofa. Mayroon din siyang namataan na mga nakakalat na bote ng bee







