Share

Chapter 153 [Pagsisisi]

Author: Dwendina
last update Last Updated: 2025-09-06 22:38:13

Napahandusay si Lucas. Muli pa sana itong lalapitan ni Javier para suntukin nang pumagitna siya at kaagad na yumakap sa kaniyang asawa. Tinapunan ito nang matalim na tingin ng senador saka siya hinawakan sa braso at napasunod na lamang nang hilahin.

Tinawagan ni Javier ang mga guard para paalisin si Lucas sa building. Sinundan na lamang sila nito ng tingin habang papalayo sa lalaki. Napalingon siya rito.

Tahimik silang pareho ng senador habang nasa loob ng elevator. Wala ni isa sa kanila ang nagtangkang magsalita. Alam niyang galit pa rin hanggang ngayon si Javier.

Napahigpit siya ng hawak sa asawa nang biglang magkaproblema sa lulan nilang elevator. Bigla kasing nagbrown out kaya't na-stuck sila sa loob. Kinuha ni Javier ang cellphone ngunit nang makitang walang signal ay muli nitong isinilid iyon sa loob ng suit.

Hindi maitago ni Francesca ang kaniyang takot. Iniisip na baka hindi na sila makalabas roon. Pero, may tiwala siya kay Javier. Hangga't kasama niya ito, ramdam niya na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 155 [Paglalandi]

    Nagsalubong ang kilay ni Francesca nang madatnan niyang nilalandi ng secretary nito si Javier. Nakatayo siya sa may pintuan habang nakakrus ang mga braso. Hindi inaalis ang masamang tingin sa dalawa. Halata kasing ipinapakita ni Myrna, ang cleavage nito sa kaniyang asawa. Hindi naman nakatingin si Javier dahil habang nagsasalita ito, nasa dokumento naman nakatuon ang mga mata. Hindi siguro nito napapansin ang pasimpleng paglapit at paghawak ni Myrna habang ipinaliliwanag ang laman ng files. Napataas pa ang kaniyang kilay nang sinadya nitong isubsob ang sarili para makapanamantala. Hindi siguro nito napapansin na naroroon siya. Bahagya siyang naglakad palapit dahilan para mapalingon ang dalawa.“Ganito ang tunay na subsob..” tiim-bagang niyang saad. Nanlaki ang mata ni Javier nang hawakan niya sa buhok si Myrna, at isubsob sa desk na nasa harapan nito.“Honey.” Napatayo si Javier. “Baka kasi tulog ka pa at nakalimutan mong gisingin ang iyong sarili mula sa masarap na panaginip,” m

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 154 [Sama ng loob]

    Nauna nang umuwi si Francesca sa kaniya. Marami pa kasi siyang inasikaso at naka-meeting. Pag-akyat niya ng kwarto ay naabutan niya itong nakahiga nang patagilid sa kama habang may librong hawak sa kamay.“Good evening,” aniya nang lapitan ito at halikan sa pisngi. Nang huhubarin na niya ang suit na kaniyang suot napansin niya ang hindi nito pagkibo. Ni walang narinig na sagot mula sa asawa. Halatang masama pa rin ang loob sa kaniya. Huminga siya nang malalim. Pumasok siya ng banyo. Nang matapos mag-wash off ay muli siyang bumalik ng kama. Naroon pa rin ito, ni hindi nag-iba ng pwesto. Lumapit si Javier at banayad na hinaplos ang braso ni Francesca.“Did you eat supper?” malambing niyang bulong. Para pa rin itong walang narinig. Yumakap na siya at muling binulungan sa tenga.“Sige ka, ‘pag hindi mo pa ako pinansin.. ikaw ang magiging hapunan ko. Nagugutom pa naman na ako..”“E, ano ba..” anito nang ibalibag ang kaniyang kamay at iiwas ang leeg sa kaniya nang simulan niya itong ha

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 153 [Pagsisisi]

    Napahandusay si Lucas. Muli pa sana itong lalapitan ni Javier para suntukin nang pumagitna siya at kaagad na yumakap sa kaniyang asawa. Tinapunan ito nang matalim na tingin ng senador saka siya hinawakan sa braso at napasunod na lamang nang hilahin. Tinawagan ni Javier ang mga guard para paalisin si Lucas sa building. Sinundan na lamang sila nito ng tingin habang papalayo sa lalaki. Napalingon siya rito.Tahimik silang pareho ng senador habang nasa loob ng elevator. Wala ni isa sa kanila ang nagtangkang magsalita. Alam niyang galit pa rin hanggang ngayon si Javier. Napahigpit siya ng hawak sa asawa nang biglang magkaproblema sa lulan nilang elevator. Bigla kasing nagbrown out kaya't na-stuck sila sa loob. Kinuha ni Javier ang cellphone ngunit nang makitang walang signal ay muli nitong isinilid iyon sa loob ng suit. Hindi maitago ni Francesca ang kaniyang takot. Iniisip na baka hindi na sila makalabas roon. Pero, may tiwala siya kay Javier. Hangga't kasama niya ito, ramdam niya na

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 152 [Pagbabalik ng Nakaraan]

    Nabunot ang tinik sa lalamunan ni Francesca dahil nabawasan na ang kanilang problema. Nakakalungkot lang isipin kung paanong paraan pinagbayad si Selina sa kasalanan nito. Hindi na siya umimik pa patungkol roon. Hindi pa rin siya pakampante kahit wala na si Selina, sapagkat buhay na buhay pa rin si Dionisio. Anumang oras ay maaari itong gumawa ng hakbang para tapusin sila. Dapat silang maghanda sapagkat nasa panganib pa rin ang kanilang buhay. Makalipas pa ang mga araw at linggo, nagsimula na silang mag-build up ng kanilang future ng kanilang anak. Inayos nila ang ilang mga negosyo at ari-ariang nakatiwangwang. Binalikan niya ang bahay sa Cagayan. Ginawa nila itong bahay-bakasyunan. Ang area naman na kaniyang nabili at napabayaan sa syudad ay ibinenta niya. Nag-focus si Francesca sa negosyong ipinasa sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Nagtatag sila ni Javier ng isang korporasyon para ipagsanib-pwersa ang apat na kompanya. Siya ang naging tulay ng muling pag-iisang dibdib ng nawa

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 151 [Balita at Eleksyon]

    Sa gigil ay halos punitin na niya ang hawak na newspaper. Nakatatak kasi roon ang mukha ni Selina patungkol sa balitang nangyari kahapon. Mahigit sampung katao ang na-food poison at na-drug nito kabilang na siya. Labis-labis na talaga ang perwisyong dala nito sa buhay nila. At ngayon, pati ang mga taong walang malay at tanging naki-celebrate lamang sa party ay nadamay pa. Marami ngayon ang nagpapahanap kay Selina, maliban sa kanila ni Javier. Sigurado siya sa mga oras na ito, ang ilan ay nagbabalak nang ma-salvage si Selina dahil sa ginawa ng abogada at nang mga kasabwat nito. Wala nang makapipigil pa sa galit ng mga kilalang negosyante at mayayamang may maraming koneksyon. Napailing na lamang siya at napatakla sa kaniyang kinauupuan. ‘Hinintay mo pa talaga na kamuhian ka ng lahat. Sigurado akong hindi na kulungan ngayon ang bagsak mo..’ bulong niya sa isipan na nagtatagis ang ngipin. Kung nakalabas man ito sa kulungan nung una dahil ginamit nito ang pagiging attorney. Sigura

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 150 [Food Poison]

    ‘Tama si Delta, may babala nga'ng hatid ang panaginip na iyon..’ Napasinghap si Francesca habang naglalaro pa rin sa isipan ang hindi makalimutang pangyayari matapos ng kanilang kasal ni Javier. Hindi niya maiwasan na maalala pa rin ang lahat kahit pa lumipas na nang ilang araw. Mula nang maikasal sila ni Javier at mangyari ang hindi inaasahan, naging tahimik naman nang muli ang takbo ng kanilang buhay. Nagpalamig muna sila. Makalipas pa ang isang linggo, nagpareserve sila sa isang five star hotel para sa gaganaping venue. Itinuloy nila ang naudlot na selebrasyon ng kanilang kasal. Muli nilang inimbitahan ang mga kamag-anak, kaibigan at kakilalang matataas rin ang impluwensya sa lipunan. Alas sais ng gabi.. maluwang ang ngiting kinamayan nilang dalawa ni Javier ang lahat ng mga bisitang dumating upang makisaya. Sa isang malawak na bulwagan, nagbigay ang mga ballroom dancers ng isang nakahahangang intermission number. Mula sa kumikinang na suot, hanggang sa matitikas na galaw at mal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status