LOGINMabilis na lumipas ang dalawang linggo na ganoon lang ang naging takbo ng buhay ko. Gigisingin niya ako nang maaga, ihahatid sa ospital gamit ang magarbo niyang sasakyan, at magtatago ako sa sarili kong lounge tuwing break para lang hindi makita ang mga makahulugang tingin ng mga batchmates ko. Hindi nga ako napapagod sa kakarampot na binibigay sa aking duty, pero stress na stress naman ako sa pangingialam ni Gab. Tuwing may kakausapin akong doctor, lalo na pag lalaki, biglang susulpot ang bodyguard ko sa gitna namin. Tuwing uupo ako sa canteen, may darating na waiter mula sa labas para ihain ang lunch ko. It was a golden prison, and I was the miserable bird. "Claire, hindi ka ba talaga sasama sa amin? Last day na ng rotation natin sa Female Ward, mag-ce-celebrate kami sa labas," aya ni Marikit habang nag-aayos kami ng gamit sa locker room. Last week nang naipaliwanag ko sa kaniya ang sitwasyon ko, pati na ang nangyari sa amin ni Rave. Agad naman niya akong naintindihan. Napabunt
"Claire, pinapatawag ka ni Sir Ryan sa opisina niya," mayamayang sabi ni Marikit na ngayon ay hindi na rin makatingin nang diretso sa akin. Dumeretso ako sa office at doon ay nakita ko si Sir Ryan na may hawak na folder. "Claire, I just want to inform you that your case study is already being handled. Mr. Yohiko requested that you be given a private office to do your paperwork. You don't have to stay in the common study area with the others." Hindi ko na naitago ang frustration ko at mariin nang napapikit. Halos maluha-luha akong lumapit lalo kay Sir at hahawakan sana siya sa magkabilang kamay kaso tila takot na takot niya itong iniwas sa akin. "Sir, please... ayoko po ng ganito," umiling-iling ako habang nakayuko na. “Gusto ko pong makasama ang mga batchmates ko. Nursing is a team effort, right? Hindi niyo po ba ako kayang pagbigyan ngayon?" pakiusap ko. Malalim siyang napabuntong-hininga, pagkatapos ay tiningnan ako na may bakas ng awa. "I know, Claire. I really do. But your
Hindi ko namalayan ang oras sa loob ng lounge dahil sa sobrang lalim ng iniisip ko. Muling nag-vibrate ang bigay na relo ni Gab. Akala ko ay mukha na naman niya ang bubungad sa akin doon, mabuti na lang at notification lang na tapos na ang fifteen minutes break ko. Padabog akong tumayo at lumabas kaso medyo natigilan nang sumalubong sa akin ay dalawang nakabarong na bodyguard ko. Hindi ko na lang sila pinansin kahit konti na lang ay masisigawan ko na sila. Pagbaba ko sa ward, hindi ko na mabilang kung ilang stolen shots ang nasulyapan kong ginagawa ng mga batchmates ko sa akin. Yung iba, kunwari ay may tinitignan sa chart pero ang phone ay nakatutok sa akin. "Claire, pssst!” tawag sa akin ni Josh, isa naming kaklase na kilala bilang ‘crush ng lahat', maliban sa amin ni Marikit syempre. Lalapitan sana niya ako nang biglang humarang agad ang isa sa mga bodyguards ko. "S-sorry! Magtatanong lang sana ako tungkol sa meds ni Patient 302," kabadong sabi ni Josh habang nakatingin sa suot
Napabuntong-hininga na lang ako bago nagsimulang maglakad patungo sa Female Ward. Bawat hakbang ko, ramdam na ramdam ko ang pagsunod ng dalawang lalakeng naka-barong sa likuran ko. Hindi sila lumalapit, pero sapat na ang presensya nila para magbulungan ang mga pasyente at nurses na nadadaanan namin. "Claire, wait!" Napatigil ako nang habulin ako ni Marikit. Hingal na hingal siya at bakas ang pagkalito sa mukha. "I don't get it. Parang kelan lang, halos ipaglaban mo si Rave sa mga magulang mo. Tapos ngayon, biglang may asawa ka na? Ayos ka lang ba? Pinilit ka ba nila?" mahinang tanong niya habang nakatingin sa mga bodyguards ko. Medyo kumirot ang puso ko dahil bakas na bakas ang pag-aalala sa boses niya. "It’s complicated, Marikit. Please, huwag muna natin siyang pag-usapan. Gusto ko lang matapos 'tong duty ko nang payapa." Napamaang siya. Gusto pa sana niyang magtanong kaso tinawag na siya. Nagpatuloy ako sa paglalakad at diretsong pumasok na sa ward. Pero imbes na ang karaniwang
Hindi ko na siya muling kinibo sa buong byahe pabalik sa mansion. Pagdating na pagdating namin sa mansyon ay sinalubong agad kami ng kaniyang mga tauhan, may bitbit na ilang paper bags mula sa mga mamahaling boutique. "Bring those to the master bedroom," malamig na utos ni Gab bago ako nilingon. "Follow me, Claire." "At bakit? Ano naman ang—" "I said, follow me." Padabog akong sumunod sa kaniya hanggang sa makarating kami sa walk-in closet. Doon ay nakita ko ang isang set ng puting uniform na nakasampay. Pero hindi ito basta-bastang uniform. Ang tela nito ay halatang de-kalidad at may maliit na burda ng pangalan ko sa kaliwang dibdib: Claire V. Yohiko, SN. "Yohiko?! Gab, hindi pa napapalitan ang records ko sa school! Bakit Yohiko ang nakalagay d'yan?!" singhal ko habang nakaturo sa tela. "I had the school records updated this afternoon. You’re officially enrolled as a married woman," he said calmly, leaning against a shelf. "And that stethoscope in the box? Use it.” Binuksan k
Dumeretso ako sa second floor at binuksan na ang pinto ng kwarto ni Chloe. Nakita ko siyang nakaupo sa sahig, seryosong naglalaro sa kaniyang tablet, pero nang makita ako ay agad itong tumayo at sinalubong ako. "Ate Claire!" Nagyakapan kaming dalawa nang mahigpit. "Miss na miss kita, Chloe!" "I missed you too, Ate! Akala ko talaga hindi ka na babalik," sabi niya, sabay hila sa akin paupo sa kama niya. "Ate, totoo ba? I heard them talking… kasal ka na raw kay Kuya Gab? Like, for real?" Bumuntong-hininga ako at hinaplos ang buhok niya. "Unfortunately, yes. Biglaan ang lahat, e. Hindi ko rin alam kung paano ipapaliwanag sa'yo pero heto na, Mrs. Yohiko na ang Ate mo." "Wow... so rich na tayo?" inosente niyang tanong na nagpangiwi sa akin. "But Ate, he looks so scary. Parang lagi siyang galit. Is he mean to you?" "More than mean, Chloe. He’s definitely a monster!" iyan sana ang gusto kong isagot pero dahil bata pa siya, pinigilan ko ang sarili ko. Sa halip ay sinabi kong ubod ito n







