HINDI alam ni Jornaliza kung anong sumapi sa kanya at nagawa niyang sunggaban si Luigi at halikan ang labi. Basta ang alam niya, gusto niyang gawin ang pagkakataong ibinigay nito para magawa ang kanyang gusto.
Ngunit, hindi lang halik ang gusto niyang gawin dito ngayon. May inaasam siyang mangyri na higit pa sa pakikipaghalikan. Hindi tuloy niya namalayan na naging mapangahas na rin ang kanyang kamay. Para itong may sariling isip kaya nagawa pa niyang ipasok ang kamay sa loob ng t-shirt nito at humahaplos doon.
Bigla tuloy niyang naalala ang mga nababasa niya sa mga romance stories.
"Jornaliza…" padaing na sabi nito na para bang labis na nahihirapan.
Sa ginagawa niyang pagdama sa katawan ni Luigi nagsisimula na sanang mag-init ang kanyang pakiramdam. Ngunit, nang magsalita si Lu
"HINDI ako papayag na hindi mo pakasalan ang anak ko, Luigi.""Kasal…" gilalas na bulalas ni Jornaliza. Kung hindi nga lang malapad ang sofa na kanyang kinauupuan ay parang gusto niyang mahulog roon. Kung sabagay kahit naman swak na swak ang katawan niya roon kanina pa siya nakakaramdam ng pagkahulog.Una, sa halik ni Luigi.Pangalawa, sa pagkakahuli sa kanila ni Luigi. At sa lahat pa ng tao, ama pa niya ang nakahuli sa kanila."Inaasahan mo bang babalewalain ko lang ang nakita ko?" malamig na tanong ng kanyang ama. Pakiwari niya tuloy kahit ang tubig ay magyeyelo sa kalamigang ipinapakita nito sa kanya."Daddy…" wika niya dahil talagang hindi niya alam kung anong kanyang sasabihin.
"ANONG kalokohan ang sinabi mo sa mga magulang natin?" Nagpa- panic na tanong ni Jornaliza kay Luigi kaya talagang napalakas ang kanyang boses. Mabuti na lang at may sliding door sa terrace kung saan sila naroroon ngayon."Shhh…ang boses mo," saway sa kanya ni Luigi.Sasabihin na sana niya ritong kahit magsisisigaw siya ay hindi naman sila maririnig ng kanilang mga magulang dahil nagpaiwan pa ang mga ito sa library pero nang maalala niya kung nasaan sila ay bigla siyang natigilan. Para siyang natauhan nang dumapyo sa kanyang pisngi ang malamig na simoy ng hangin. Kahit naman kasi pasado alas-nueve na ay tiyak niya marami pa ring mala-Maritess sa paligid na nag-aabang ng ipapakalat kinabukasan."Bakit pumayag kang magpakasal tayo?" Tanong niya sa mahinang tinig. Ayaw din naman kasi matsismis ng mga kapit-bahay nilang may makakating dila. Gayunman, alam niyang sa susunod na araw ay magiging tampulan na sila ng usapan ni Luigi dahil tiyak n
WALA pang beinte kuwarto oras ay tuluyan nang nagbago ang mundo ni Jornaliza. Iba na kasi ang pangalan niya ngayon.Jornaliza Smith-Chances.Hindi niya napigilang mapangiti dahil ang ganda-ganda ng bago niyang pangalan. May kilig din siyang naramdaman ngunit mas nakakakilig pa rin iyong hawak-hawak ni Luigi ang kanyang kamay na para bang nasiyahan sa pag-iisang dibdib nila.Gusto tuloy niyang maniwala na bukal na bukal sa loob nito ang kanilang pagpapakasal. Kung sabagay, ito rin naman ang nagsabi sa kanyang ama na pakakasalan siya. Nang una ay inisip niyang gusto lamang panindigan ang 'ginawa' nila dahil ayaw nitong masira sa paningin ng kanyang ama ngunit parang may ibang sinasabi ang mga mata nito.Kahit naman hanggang ngayon ay masasabi niyang isa pa rin siyang frustrated writer, nasasalamin niya sa mga mata nito ang kasiyahan nang magpalitan sila ni Luigi ng 'I do'.Natawa pa nga ang judge na nagkasal sa kanila dahil an
SA palagay ni Yael ay sapat na ang apatnapu't limang oras para mapagtanto ni Jornaliza na karapat-dapat siyang maging boyfriend nito. Dama naman niyang mayroon siyang pag-asa sa dalaga dahil masaya itong nakikipag-usap sa kanya kapag dumadalaw siya. Kahit baduy ang kanyang mga jokes ay binibili rin nito.Saka, minsan ay nasabi rin sa kanya ni Jornaliza na ang tipo niya ang pinangarap nitong maging boyfriend. Iyon ang dahilan kaya umaasa siya na isang araw ay sasagutin siya nito. Kaya, kahit na hindi siya sanay na tumatagal ng ilang oras ang kanyang panliligaw ay pinili pa rin niyang maghintay. Marahil ang dahilan ay dahil gusto niya talaga si Jornaliza.Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan ng unang araw na makita niya ito. Talagang nabighani siya sa ganda nito. Sa paningin niya ay isa itong Diyosa na naligaw sa lupa. Hindi lang dahil sa maamo nitong mukha kundi dahil na rin sa
MATINDING galit ang nararamdaman ni Yael nang mga oras na iyon. Pakiramdam niya'y niloko siya ni Jornaliza at pinaasa. Nagawan na nga niyang buksan dito ang isang bahagi ng kanyang pagkatao na gusto na niya sanang kalimutan.Minsan ay nabigo siya sa pag-ibig. Sobrang mahal niya ang babae kaya nang ipagpalit siya nito sa iba ay sobrang sakit ang kanyang naramdaman. Para ngang nahirapan siyang makahinga nu'n dahil sobrang nanikip ang kanyang dibdib. Palagi na'y hindi niya nagagawang pigilan ang kanyang pagluha. Ang pangit-pangit nga ng tingin niya sa kanyang sarili.Kung sabagay, noon ngang highschool siya ay sobrang pangit niya. Payat siya at maraming pimples kaya naman marami ang nanloloko sa kanya. Kaya, isang araw ay nagulat siya, nang lapitan siya babaeng crush na crush niya.Ayaw sana niyang maniwala na interesado ito sa kanya
NAPABUNTUNGHININGA si Luigi habang pinagmamasdan niya ang kagandahan ni Jornaliza. Mistulan itong anghel na natutulog. Maamo kasi ang mukha nito. Iyon nga lang kapag nagagalit ay nagmimistulan itong amasona.Natawa siya dahil sa kanyang isipan ay naaalala niyang kapag napipikon ito sa kanya ay parang unuusok ang ilong at tenga nito tapos nanlilisik ang mga mata nito sa sobrang galit.So, cute.Baliw na nga siguro siya pero talagang sa tingin niya ay lumalabas ang kagandahan ng kanyang matalik na kaibigan kapag galit na galit.Hindi lang siya isang matalik na kaibigan, sabi niya sa kanyang sarili. Hanggang ngayon kasi'y hindi pa mapaniwalaan na darating ang araw na magiging asawa niya ito. Noon kasi'y parang diring-diri pa si Jornaliza kapag tinutukso silang magkakatuluyan. Alam naman k
MISS na miss na niya si Luigi pero kailangan niyang maghinay-hinay. Hindi kasi ito ang tipo ng lalaki na madadaan lang sa pagpapa-cute niya't pagpapa-sexy. Kaya, kailangan niyang pag-isipan ang kanyang magiging aksyon. Basta ang alam niya, hindi na niya gustong mabigo ulit.Sigaw niya sa sarili, hindi na mabu-brokenhearted pa si Paula Seldon.Matapos niyang magpunta sa Hongkong para mag-shopping ay gusto na sana niyang matulog. Magpa-beauty rest para kapag nakaharap niya si Luigi bukas ay fresh na fresh siya. Ngunit, paano naman niya iyon magagawa ngayon kung inabutan niyang nag-aaway ang kanyang mga magulang. Hindi lang nagsisigawan at nagmumurahan ang mga ito, nagbubuntalan pa.Dapat sana ay tumakbo siya sa kanyang ina at awatin ang ama niyang nambubugbog pero hindi niya magawa. O mas tamang sabihing ayaw niyang gawin. Wala naman kasing pakialam ang mga ito sa kanya, kaya, bakit siya makikialam?Matapos niyang iutos sa mga katulong na
ILANG beses na napalunok si Jornaliza nang pumasok na sila sa suite na ookupahin nila ni Luigi. Kahit sanay silang mag-out of town ni Luigi at nagsasama sila sa iisang silid, hindi pa rin niya naiwasan ang makaramdam ng nerbiyos. Kung sabagay, natural lang niyang naramdaman ito ngayon. Hindi lang sila mag-bestfriends, mag-asawa na rin sila.Hindi tuloy niya napigilang yakapin ang kanyang sarili dahil parang bigla siyang nangilabot.Para kasing nararamdaman na niyang naglalakbay sa buong katawan niya ang halik at haplos ni Luigi. Damang-dama na rin niya ang mainit na buga ng katawan nito na magiging dahilan para mawala siya sa kanyang katinuan. Tapos ay naalala pa niya ang madalas sabihin sa kanya ng mga babaeng nakakarelasyon ni Luigi, the best daw ito sa kama.Ngayon pa lang ay parang gusto na niyang mapaungol dahil sobra siyang naaapektuhan sa mga naalala niyang usapan ng mga naging babae ni Luigi. Gayunpaman, maya-maya ay naningkit ang kanya