Share

Chapter 16

WALA pang beinte kuwarto oras ay tuluyan nang nagbago ang mundo ni Jornaliza. Iba na kasi ang pangalan niya ngayon. 

Jornaliza Smith-Chances.

Hindi niya napigilang mapangiti dahil ang ganda-ganda ng bago niyang pangalan. May kilig din siyang naramdaman ngunit mas nakakakilig pa rin iyong hawak-hawak ni Luigi ang kanyang kamay na para bang nasiyahan sa pag-iisang dibdib nila. 

Gusto tuloy niyang maniwala na bukal na bukal sa loob nito ang kanilang pagpapakasal. Kung sabagay, ito rin naman ang nagsabi sa kanyang ama na pakakasalan siya. Nang una ay inisip niyang gusto lamang panindigan ang 'ginawa' nila dahil ayaw nitong masira sa paningin ng kanyang ama ngunit parang may ibang sinasabi ang mga mata nito. 

Kahit naman hanggang ngayon ay masasabi niyang isa pa rin siyang frustrated writer, nasasalamin niya sa mga mata nito ang kasiyahan nang magpalitan sila ni Luigi ng 'I do'. 

Natawa pa nga ang judge na nagkasal sa kanila dahil an

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status