Share

Chapter 42

DAHIL sa ayaw na naman siyang makita at makausap pa ni Jornaliza, naisipan ni Yael na sundan na lamang niya si Luigi. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kung saan ito matatagpuan. 

Siyempre, hindi naman siya nagpakita kay Luigi. Matagal na rin siyang hindi nagpupunta sa L's. Ayaw niyang makita ng lalaki dahil baka kung anong magawa niya rito. Sa lahat kasi ng ayaw niya ay ang inaagawan at iyon ang ginawa nito sa kanya. 

Malalim na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan nang maisip niyang may pakiramdam din naman siyang hindi niya makakamit ang matamis na oo ni Jornaliza. Hindi naman siya manhid ngunit gusto pa rin niyang umasa. Naniniwala kasi siyang makukuha rin niya si Jornaliza sa tiyaga. 

Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Talaga kasing hindi niya inakala na magiging mabilis ang pag-aksyon ni Luigi para makuha si Jornaliza. 

Muli, napabuntunghininga siya. Dapat nga sana ay tanggapin na lamang niyang iba na ang bu

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status