Share

CHAPTER 5

Author: Author Lemon
last update Last Updated: 2025-08-13 20:49:10

    NAISTORBO ang dalaga sa pagninilay-nilay nang may kumatok sa pintuan ng kaniyang silid. Mabilis siyang tumayo upang buksan ang pintuan. Nabungaran niya ang binatilyong kapatid na si Cedric sa labas ng silid niya.

    "Bakit?"

    "Nagpapahingi ng pambili ng bigas si mama, ate." Sabay palad nito sa dalaga, tipong akala mo ay lagi siyang may iaabot sa tuwing hihingi sa kaniya.

     Hirap talaga kapag breadwinner sa pamilya.

   "Wala na naman bigas?" Nanlulumong tanong niya sa kapatid.

   "Mabilis maubos, ate. Nandito rin kasi sina Kuya Evan, hindi ba?"

     Hindi siya umimik. Si Evan ang kapatid niyang panganay na may asawa at dalawang anak na pero madalas pa rin makipisan sa bahay nila. Wala naman problema sana sa kaniya iyon, ang kaso siya lahat ang nagpapakain sa mga ito na halos makuba na siya sa kakatrabaho.

     Bumuntong hininga siya, muling pumasok sa silid upang kumuha ng pera para pambili ng bigas.

     Inabot niya kay Cedric. "Bumili ka na, ibalik mo ang sukli parang awa mo na," bilin niya sa kapatid na madalas kupitan siya ng sukli.

     Pagkaalis ni Cedric ay muli siyang pumasok sa silid at nangalumbaba, hindi pa alam ng mama niya at mga kapatid niya na nawalan siya ng trabaho at kaka-apply pa lang sa Moretti Empire at iba pa ang inalok na trabaho sa kaniya ng buset na si Demus!

     "Pa, ang hirap naman pala ng ganito, ano?" Kausap niya sa hangin, hoping na makarating sa namayapa niyang ama kung nasaan man ito ngayon.

      Apat silang magkakapatid. Hindi siya panganay pero para bang siya ang sumalo sa pagiging panganay simula mawala ang papa nila five years ago. Sabagay, simula maka-graduate siya ng kolehiyo ay siya na ang naging breadwinner sa pamilya nila. Maagang nag-asawa ang panganay nilang si Evan, na para bang dinagdagan ng kuya niya ang binubuhay niya. Siya rin pala ang nagpapaaral sa dalawa niyang kapatid. Si Cedric na nasa first year high school at si Tiffany na nasa first year college naman.

      Ang mama nila ay sa bahay na lang at hindi na niya pinagtatrabaho dahil sa may edad naman na din ito at marami ng sumasakit sa katawan. Napabayaan na nga ni Kola ang sarili dahil sa pagtataguyod sa pamilya nila.

      Bago pa maiyak sa stress si Kola ay tumayo na siya upang maligo. Alas sais na at may usapan sila nina Jessy at Paula na magkikita kita sa bar kung saan niya nakilala si Demus. Dahil sahod ni Jessy kaya ililibre daw sila.

———————

     "AYAW mo ba talagang sumayaw?" Pamimilit ni Jessy kay Kola na ayaw umalis sa kinauupuan.

     Nasa bar na sila n'un at medyo nahihilo na siya dahil sa nainom niyang alak. Hindi naman talaga siya sanay.

    "Ayoko. Nahihilo na ako. Kayo na lang," taboy niya sa dalawang kaibigan na kapwa may mga tama na rin.

    "Sige. Huwag kang aalis diyan at baka sumama ka na naman sa fafa, ah? Tama na ang isa my sis!" Bilin pa ni Jessy

     Tinawanan lamang niya ito at nang makaalis ang dalawa ay saglit niyang isinandal ang ulo sa sandalan ng kinauupuan at pumikit saglit, talagang nahihilo na siya.

    "Kola?"

     Marahang iniangat ni Kola ang ulo upang makita kung sino ang tumawag sa pangalan niya. Pero nang makita ang mukha n'un ay hiniling na lang sana niyang hindi niya tinignan ito.

     It was Lawrence. Her ex.

    "Are you okay?" May concern sa tinig nito na akala mo naman ay totoo.

     Tanga ba ito? Matapos ang pakikipaghiwalay nito sa kaniya ay tatanungin siya nito kung okay lang siya?

    "What are you doing here, Kola? Hindi ka dapat narito. You're not used to places like this," pagpapatuloy pa ni Lawrence.

    "Sinong may sabi sa'yong hindi ako sanay sa ganitong lugar?"

     Totoo naman ang sinabi ni Lawrence na hindi siya sanay sa ganoong lugar noong sila pa. Pero noon 'yon. Hindi na ngayon, dahil sinasanay na niya ang sarili niya sa ganitong lugar.

    "Kola?"

     Muling napatingin si Kola sa isang pigura. Si Cindy— ang pinsan niyang mayaman at modelo. Ito rin ang bagong nobya ni Lawrence.

Bigla tuloy siyang nakaramdam ng insecure nang makita ang pinsan. Kung itatabi siya kay Cindy magmumukha siyang basahan.

    "Narito ka rin pala Cindy..." Dahil sa wala siyang ibang masabi iyon na lamang ang lumabas sa bibig niya.

     Nakita niyang naging mailap ang mga mata ni Lawrence. Nakita ni Kola ang guilt na naroon. Nang mga sandaling 'yon ay hindi alam ni Kola kung ano ang gagawin, kung paano maglaho na lang sa lugar na kinaroroonan dahil sa bigat ng nararamdaman. Ang dalawang taong iniiwasan niyang makita ay nakaharap niya ngayon. Masakit pa rin pala kahit ilang buwan na rin.

    Masakit lalo nang makita niya kung paano marahang pumalupot sa balingkinitang beywang ni Cindy ang mga braso ni Lawrence.

    Lawrence had done that to her before but had never experienced that kind of gentle possessiveness with him. He had been affectionate before, but it was never like this. At iyon ang masakit na katotohanang nasa harapan niya.

   "Kasama mo ba sila Jessy? Your boyfriend, perhaps?"

     Sa tanong ni Cindy ay tila ba naroon ang kasiguraduhan na sasabihin niyang wala siyang kasamang nobyo. Parang alam nito na hindi niya agad mapapalitan si Lawrence. Lihim niyang hiniling na sana ay nagkita-kita sila sa panahong may nobyo na talaga siya at naka move on na.

      Hindi ngayon na mukha siyang kawawa, mukhang talunan, mukha siyang babaeng nagwawalwal upang makalimot.

     "A-ah..."utal niyang sabi na hindi alam kung ano nga ba ang dapat niyang sabihin.

    "Oh, I get it, Kola. Sorry, akala ko okay ka na, na may bago ka na at tanggap mo na kami na ni Lawrence."

    "Cindy stop it." Awat ni Lawrence na hindi na mukhang komportable.

    "Why? It's been months na, hindi ba? Kola should be okay. How can we invite her to our wedding if she hasn't moved on yet?"

     Parang gustong kunawala ng mga luha ni Kola nang banggitin ni Cindy ang salitang 'wedding'. Ikakasal na ba ang dalawa? Sila dapat 'yon ni Lawrence. Sila ang nagplano noon ng kasal. Siya ang inalok ni Lawrence ng kasal. How she wish na sana ay dumating na si Jessy at Paula upang maputol na ang usapan nila ni Cindy, dahil baka di na niya mapigilan at umiyak siya sa harap ng dalawa.

   "Honey."

    Kasabay ng endearment na 'yon ay isang malalaking braso ang pumalupot sa beywang ni Kola na lubos niyang ikinagulat. Nang tignan niya kung sino 'yon...

It was Demus.

    Ang malamig na presensya nito ay tila naghatid ng kakaibang tensyon sa paligid. Pero nakakapagtakang ang presensya nito at ang mga braso nito sa kaniyang beywang ay nagdala ng kakaibang comfort sa kaniya.

    "Mr. Demus Moretti?" Magkapanabay na turan ni Lawrence at Cindy.

    Hindi sumagot si Demus na malamig na tinitigan ang dalawa.

   "She's your girlfriend?" Hindi makapaniwalang tanong ni Cindy.

     Hindi niya alam kung hindi ito makapaniwala dahil 'boyfriend' niya kuno si Demus o dahil sa may papatol na katulad ni Demus sa tulad niyang old-fashioned.

    Sa seryoso at buong tinig ay sumagot si Demus, "Yes. Kola is my girlfriend."

     Napanganga na lang din si Kola sa narinig.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 5

    NAISTORBO ang dalaga sa pagninilay-nilay nang may kumatok sa pintuan ng kaniyang silid. Mabilis siyang tumayo upang buksan ang pintuan. Nabungaran niya ang binatilyong kapatid na si Cedric sa labas ng silid niya. "Bakit?" "Nagpapahingi ng pambili ng bigas si mama, ate." Sabay palad nito sa dalaga, tipong akala mo ay lagi siyang may iaabot sa tuwing hihingi sa kaniya. Hirap talaga kapag breadwinner sa pamilya. "Wala na naman bigas?" Nanlulumong tanong niya sa kapatid. "Mabilis maubos, ate. Nandito rin kasi sina Kuya Evan, hindi ba?" Hindi siya umimik. Si Evan ang kapatid niyang panganay na may asawa at dalawang anak na pero madalas pa rin makipisan sa bahay nila. Wala naman problema sana sa kaniya iyon, ang kaso siya lahat ang nagpapakain sa mga ito na halos makuba na siya sa kakatrabaho. Bumuntong hininga siya, muling pumasok sa silid upang kumuha ng pera para pambili ng bigas. Inabot niya kay Cedric. "Bumili ka na, ibalik mo ang sukli parang aw

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 4

    "Your resistance only fuels my desire, Ms. Matias." 'Yan ang huling tinuran ni Demus nang tanggihan niya ang alok nito. Wala sa loob na napatitig si Kola sa black calling card na binigay sa kaniya ni Demus bago niya lisanin ang opisina nito. "Bakit ko ba tinanggap ito? Eh para na rin tinanggap ko ang alok niya nito..." kausap ng dalaga sa sarili habang nakaupo sa kaniyang maliit na kama. Aminin man o hindi ni Kola, naroon ang pagka engganyo niya na tanggapin ang alok ni Demus, lalo na nang sabihin nito ang laki ng sahod niya sa isang araw. Pero pinipigilan pa rin niya ang sarili. Biglang napaharap sa small vanity mirror sa kaniyang harapan. Inayos ang suot na malaking eye glasses. Hindi siya pangit, hindi rin naman siya saksakan ng ganda, iyon ang tingin niya sa kaniyang sarili. May pagka-old fashioned siya sa pananamit noon pa man. Ano ang nakita ni Demus sa kaniya? Muling nag-flash back ang tagpo nang gabing angkinin siya ni Demus... THIS IS WRONG... But

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 3

    PASIMPLENG pinag-aralan ni Kola ang hitsura ng kaharap. Hindi talaga siya maaring magkamali. Ito ang lalaking nakaniig niya kagabi! Higit na gwapo pala ito sa mas maliwanag. Damn, the man could pass for a movie star. Tall and gorgeous on his business suit. Wala yatang eva na hindi mahuhumaling sa kakisigan ng lalaking ito at hindi makapaniwala si Kola na ito ang estrangherong umangkin sa kaniya kagabi lamang. Ngunit ibang-iba ang aura ng lalaking ito ngayon kumpara kagabi. He looks cold, intimidating and dominant. Every inch of him screams power. "You're drooling," puna ng lalaki na walang kangiti-ngiti sa labi. But there is something in his eyes na hindi nito maitago o sadya nitong ipinapakita sa kaniya nang mga sandaling 'yon. Lust! Parang biglang nahiya ang dalaga at alam niya nang mga sandaling iyon ay pulang-pula ang mukha niya. "I wonder how you managed to even get here after what we had last night." Makahulugang sabi ng lalaki. Parang may

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 2

    INILABAS ni Kola Matias ang yellow notepad na nasa dalang shoulder bag, kasalukuyan siyang nasa kompanya ng Moretti nang mga sandaling 'yon at nakaupo sa may lobby, naghihintay na magsimula ang interview. Masyado yata siyang napaaga. LOSE your virginity: check! Nilagyan ng check mark ang 'lose your virginity' na isinulat niya sa kaniyang notepad. Six months ago dumating siya sa planong iyon na gusto niyang mawala ang pagkabirhen niya sa pamamagitan ng one-night stand, dahil wala naman na sila ng taong pinaglalaanan niya ng pagkabirhen niya at hindi na rin niya nakikita ang sarili niya na magpakasal pa sa iba. Gusto na lang niyang mamuhay mag-isa at ilaan sa pamilya niya ang buhay niya hangang pagtanda. Ganoon nga siguro ang epekto ng pagiging sawi sa pag-ibig. She only wants Lawrence and she doesn't want anyone else. Hindi biro ang apat na taon. At ang rason kung bakit sila naghiwalay ay dahil nainip na ito sa paghihintay sa kaniya kung kailan niya gustong magpakasal

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 1

    A VIRGIN, HUH? Isang nakakalokong ngisi ang kumawala sa labi ng Filipino-Italian na si Demus Moretti, matapos makita ang pulang marka sa bed sheet ng kama. Tanging iyon na lamang ang naiwan ng babaeng nakaniig niya kagabi sa hotel na 'yon. When he woke up this morning, she was gone. Ni hindi niya nalaman ang pangalan nito—sabagay, kailan pa ba siya nag-abalang alamin ang pangalan ng mga nakaka-one night stand niya? But he vividly remember her face, her fucking innocent but seductive face. She's a fucking virgin... Naglaro sa kaniyang isipan ang mga naganap kagabi sa pagitan nila ng estranghera. Demus could still smell the woman on his skin, he could still remember her taste on his tongue, the feel of her breasts against him, her mouth on his and the image of her above him made every part of his body hardened. Dahil doon ay dali-dali siyang nagtungo sa banyo and took a long shower. "Damn," he muttered. Ano ba ang nangyayari sa kaniya? Bakit ba siya nag-aabalang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status