Share

CHAPTER 6

Author: Author Lemon
last update Last Updated: 2025-08-22 14:36:13

"THIS is insane," bulong ni Cindy na hindi pa rin makapaniwala sa narinig. "But, well. Since may boyfriend naman na si Kola. We can invite them into our wedding, hindi ba, babe?" Sabay tingin kay Lawrence na seryoso lang ang mukha na nakikipagtagisan ng titig kay Demus nang mga sandaling 'yon.

"Babe?" Ulit ni Cindy na napakunot na ang noo.

Biglang tila natauhan naman si Lawrence at sumang-ayon na lamang, "Ah, yeah. We can invite them."

Malawak ang ngiting tumingin muli si Cindy kina Demus at Kola.

  "Did you hear that? Our wedding will take place three months from now, so I expect to see you both there."

   Hindi alam ni Kola ang isasagot. Nakatayo lang siya doon na parang biglang napipilan sa lahat ng nangyayari.

   "Sure," maikling sagot ni Demus at sa pagkakataong ito ay inakbayan si Kola.

  "Good!" Kumapit sa braso ni Lawrence si Cindy at sinenyasan nito ang lalaki na umalis na.

Tumango lamang si Lawrence.

    Ngunit kita ni Kola na bago tumalikod si Lawrence ay binigyan siya nito ng isang tingin na hindi niya maintindihan. Pinagmasdan niyang makalayo ang dalawa, basag na basag at nagdurugo ang kaniyang puso.

  "Aren't you going to thank me?"

  Nilingon ni Kola ang nagsalitang si Demus na bumalik sa malamig ang hitsura nito. This time ay tinanggal na nito ang pagkaka akbay sa kaniya at naglagay ng espasyo sa pagitan nila habang nakapamulsa.

   "Thank you for what?"

    Nagkibit ng balikat si Demus. "I saved your ass from your ex."

    Sumimangot si Kola. "At bakit mo alam na ex ko 'yon, aber?"

    "I happened to overhear your conversation. I was sitting nearby." Parang walang ano na sagot ng binata.

    "Lakas ng pandinig mo, may tugtog pa sa paligid niyan, ha," sarkastikong wika ni Kola. "Salamat ha? Dinagdagan mo ang problema ko!"

    Tumaas ang isang kilay ni Demus. "Dinagdagan?"

   "Pumayag kang magpunta sa kasal nila!"

    Ngumisi ng nakakaasar si Demus. "Ayaw mo ba?"

   "That's pathetic!" Nag walk out si Kola. Ang pagpunta sa kasal ng dalawa ang pinakahuling bagay na gusto niyang gawin! Hindi siya masokista!

     Mabilis na naglakad si Kola na tila biglang nawala ang kalasingan dahil sa nangyari. Binaybay niya ang pasilyong may kadiliman patungo sa ladies room. Ngunit hindi pa man siya nakakarating sa women's room ay impit siyang napasigaw nang may humila sa braso niya at bigla siyang isinandal sa pader ng pasilyong 'yon.

     Napasinghap siya nang mapagsino ang pangahas. "Demus!"

    "Have you given my offer some thought?"

Inipit siya ni Demus sa pader, isinandal nito ang buong katawan sa kaniya at inilapit din ng binata ang mukha nito sa kaniyang mukha. Aninag ni Kola sa mapusyaw na ilaw ang apoy ng pagnanasa na nasa mga mata ni Demus.

    "Demu—" Tangka sana niyang itutulak ang lalaki.

     Ngunit bago magawa ni Kola iyon ay marahas at nakakaliyong halik ang ipinagkaloob ni Demus sa dalaga. Buti na lang at walang sagabal dahil hindi niya suot ang kaniyang salamin at naisipan niyang magsuot ng contact lens na may grado nang gabing 'yon.

"Open up for me..."

Hindi alam ni Kola kung bakit sinunod niya ang nais ni Demus at tinugon ang halik nito. Dala pa rin ba ito ng alak sa kaniyang sistema? O dala ng katotohanang talaga namang nakakatukso ang tulad ni Demus?

     Sino ba naman ang hindi matutukso sa kakisigan nito? Sa lalaking-lalaking amoy nito at sa nakakamagneto nitong parsonalidad.

    "I want your answer now, Kola..." Hingal na wika ni Demus matapos nitong putulin ang isang marubrob na halik sa pagitan nila. Bahagya lamang nitong inilayo ang mukha sa mukha niya.

     Hindi mahanap ni Kola ang boses. Ano ba ang dapat niyang isagot?

  "H-hindi ko alam. Bakit ako?" sa wakas ay bigkas ng dalaga.

"Because I know you don't fall easily...and that only makes it

more tempting..."

Hindi sumagot si Kola at nahulog sa malalim na pag-iisip.

    Tumaas ang kabilang gilid ng labi ni Demus nang mapansin ang reaksyon ni Kola. "Think of this... We'll both have our share— i'll help you forget your ex and I'll satisfy myself. See? It will feel as though we're only playing..."

    For Kola, it's a dangerous game to play. Isang laro kung saan bihasa si Demus, at siya? Anong alam niya? Isa lang siyang babaeng may pusong sugatan na nais makalimot pansamantala and at the same time isang breadwinner na nais magprovide sa dukhang pamilyang meron siya, and Demus could give her both.

  "Fine. I'll accept it." Hindi sigurado pero binigkas pa rin ni Kola ang mga salitang 'yon.

    Kumislap ang mga mata ni Demus at muli nitong inangkin ang labi ni Kola. Sa pagkakataong iyon, ito'y mapusok at mapag-angkin.

  "Hey, you guys get a room!"

     Naitulak ni Kola si Demus nang marinig ang sinabi ng isang babaeng dumaan. Pakiramdam ng dalaga ay pulang-pula ang mukha niya nang oras na 'yon at halos magpalamon na siya sa lupa. Nang tignan niya si Demus, tila wala man dito ang kahihiyan dahil may nakapuna sa kanila. He's just there, standing like a boss habang malamig ang mga matang pinagmamasdan siya. Isang bagay ang napansin ni Kola, ang bilis magbago ng ekspresyon ng mukha nito at mata. Kung kanina ay puno ng pagnanasa 'yon patungkol sa kaniya, ngayon naman ay hindi mo na mabasa ang naroon.

  "S-saglit lang at gagamit lang ako ng rest room," tarantang wika ni Kola habang kabadong inaayos ang mahabang buhok na nagulo sa pinanggagawa nila ni Demus kanina.

    "Be in my office tomorrow at nine o'clock sharp." Wika ni Demus sa commanding at seryosong tinig.

     Napanganga na lamang si Kola at tahimik na pinagmasdan ang papalayong bulto ni Demus.

    "Oh, gosh. Ano ba itong pinasok ko?" Mangiyak-ngiyak niyang bulong at wala sa sariling nakagat ang hintuturo na malimit niyang gawin sa tuwing kinakabahan.

    "Kola! Kanina ka pa namin hinahanap babae ka!" Sigaw ni Jessy. Kasama nito si Paula at naglalakad papalapit sa kaniya ang mga ito.

    Pasimpleng pinunasan ni Kola ang labi upang masigurong hindi kumalat doon ang lipstick dahil sa pakikipaghalikan sa binata.

    "Ayos ka lang? Para kang ginulpi diyan?" Puna ni Jessy nang tuluyan ng nakalapit ang mga ito.

    Parang biglang muling namula ang pisngi ni Kola. Kung alam lang ng mga ito kung ano ang pinaggagawa niya.

    "Mag-CCR ako, kayo ba?" Painosente niyang tanong.

  "Haler, hinahanap ka nga namin, hindi ba? Iuuwi ka na namin, mukha ka ng ano diyan oh." Salo naman ni Paula habang nagsusuklay ng buhok.

      Mabilis na inagaw ni Kola ang suklay mula sa kaibigan at sinuklay ang nagulong buhok. Napapa 'shit' na lang siya sa kaniyang isipan sa tuwing naalala si Demus at ang larong pinasok niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 45

    "BAKIT nandito ang babaeng yan?" Inis na usisa ni Paula kay Lawrence. "I don't know. Pero ako ang haharap sa kaniya, don't worry." Si Kola ay tahimik lang, kahit wala siyang ginagawang masama ay hindi niya maiwasang kabahan sa eskandalong gagawin ni Cindy. Sa dating pa lang ng sigaw nito ay para utong ssusugod sa giyera at kilala niya ang pinsan, sanay na sanay ito sa eskandalo. Binuksan ni Lawrence ang pintuan at nakita nila ang naggagalaiting si Cindy sa labas. "Sinasabi ko na nga ba at si Kola ang pupuntahan mo rito! Hindi na kayo nahiya!" Halata sa boses ni Cindy ang gigil nang sabihin 'yon kay Lawrence. "Cindy what are you doing here? Bakit sinusundan mo pa rin ang bawat galaw ko? Tapos na tayo," hayagang wika ni Lawrence sa dating kasintahan. "Hindi! Hindi ako makakapayag na ganun-ganun na lang ang lahat, Lawrence! Hindi ako papayag!" Parang baliw na wika ng babae. Napailing na lamang si Lawrence sa narinig. Pero iniharang niya ang katawan sa pintuan para

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 44

    ANG pag-ikot ng sikmura ang siyang gumising kay Kola nang sumapit ang umaga. Mabilis siyang bumangon at nagtatakbo patungo sa banyo. Sumalampak siya sa malinis na sahig at sumuka sa toilet bowl. Gaya kahapon ay malagkit lamang ang sinuka niya at mapait. Tatayo na sana siya nang makakita ng dalawang pares ng paa na nasa harapan niya at marahan siyang tumingala. Natigilan siya nang makita si Demus na nakatitig sa kaniya habang nakapamulsa. Mukhang bagong ligo ito, suot na nito ang isang kulay abo na t-shirt at itim na shorts na lagi niyang nakikita sa closet na naroon.Ang buong akala niya ay umalis na ito dahil wala na sa kama. "Are you okay?" Kunot noong tanong nito sa dalaga. Inabot ni Demus ang kamay niya at itinayo siya. "Hang over," tipid niyang turan. "Medyo nahihilo din ako. Naparami yata ang inom natin kagabi," aniya habang napapakamot sa ulo. "The breakfast is ready," saad ng binata at pinakatitigan siya ng binata. "Why don't you take the day off and rest?"

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 43

    PARANG may kung anong mainit na kamay ang humaplos sa puso ni Kola nang marinig ang pagbati ni Demus sa kaniya. "Thank you. Pero bakit?" Nagsalubong ang mga kilay ni Demus. "Bakit saan?" "Ito." Tsaka niya tinignan ang pamilya na masayang nagsasalo-salo sa mesa. Muling bumaling ang tingin niya kay Demus. "Bakit mo naisip gawin ito?" "Gusto kong surpresahin ka and this is also my way of saying sorry to you." "Paano mo nalaman ang birthday ko?" Ngumisi si Demus. "I have my own ways." Napangiti si Kola. Wala naman talagang imposible rito kung gugustuhin nito. Talagang nasurpresa siya sa ginawa ng binata, hindi niya alam kung paano ginawa iyon ni Demus nang hindi niya napansin man lang. "Shall we eat? Mamaya na tayo mag-usap." Natitigilan man ay nakiumpok na sila ni Demus sa lamesa. Nasa harapan niya ang binata na katabi ito ng kuya Evan niya at siya naman ay ang kapatid niyang si Tiff ang katabi. "Bakit?" Usisa niya kay Tiff nang maramdaman ang mah

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 42

    BIGLANG nagising si Kola dahil parang babaligtad ang sikmura niya sa hindi malamang dahilan. Mabilis siyang napabalikwas ng bangon sa kama at nagtungo sa banyo. Pagdating doon ay wala naman siyang isinuka kung hindi malapot na laway. It must be her acid, umaatake na naman. Nakalabas na siya ng banyo nang makarinig siya ng alarm ng kaniyang cellphone, tinignan niya ang orasan sa wall clock, alas dies na ng umaga. Sa pagkakaalala niya ay ini-off niya ang alarm niya kagabi dahil day off niya ngayong araw. Agad niyang tinignan ang cellphone at napakamot pa siya ng ulo nang malaman kung para saan ang alarm. Birthday pala niya. Sinong baliw ang mag-aalarm upang maalala ang sariling kaarawan? Siya lang siguro. Ganoon yata talaga kapag tumatanda na at nakakalimutan na ang sariling kaarawan. Muli siyang humiga sa kama at wala naman siyang gagawing ngayong araw kahit kaarawan pa niya. Pusta din niya, pati pamilya niya ay limot ang birthday niya. Iilan lang ang nakakaala katu

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 41

    DEMUS' POV MARAHANG binuksan ng binata ang drawer sa may bedside table niya at mula doon ay inilabas ang isang picture frame ng isang magandang babae. Sa litrato ay makikita ang matatamis na ngiti ng babae na para bang ito na ang pinaka masayang babae sa mundo. It was Rain Cavlar. Nang gabing 'yon ay tahimik ang paligid, nakapatay ang pinakailaw sa silid ng binata at tanging ang liwanag na nagmumula sa ilaw sa labas na tumatagos sa bintana ang siyang nagsisilbing tanglaw ni Demus nang mga sandaling 'yon. He was on the verge of sleep, yet fragments of the past stirred restlessly in his mind, rousing his spirit awake. Hindi na niya mabilang kung ilang libong beses na siyang nagiging ganoon sa tuwing sasapit ang gabi. Paulit-ulit niyang naalala ang nakaraan nila ni Rain. Mga masasayang alaala man o mapapait. Tahimik niyang pinagmasdan ang litrato at bahagyang hinaplos pa 'yon. Kasabay ng pagbangon ng pangungulila ay ang pagbangon din ng poot na sa mahabang panahon ay

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 40

    HINDI agad nakasagot si Kola sa tanong ni Demus, tinignan lamang niya ang binata at huminga ng malalim pagkatapos. "Wala, sir." Lagi niyang binibigyang diin ang 'sir' sa tuwing sinasabi niya iyon kay Demus. Lalo na sa tuwing naiinis siya rito. "Miss Matias—" Natigilan si Demus nang biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ng slacks nito. "Let's talk later," anang binata bago kinuha ang cellphone at lumayo kay Kola bago sinagot 'yon. Doon pa lang nakahinga ng maluwag ang dalaga at ipinagpatuloy ang pagtitimpla ng kape at pagkatapos ay inilagay 'yon sa table ni Demus na abala pa rin sa pakikipag-usap sa cellphone habang nakatayo sa gilid ng malaki bintana ng opisina. Agad siyang bumalik sa table niya at may kailangan pa siyang i-print na mga papeles. Sa kabilang banda ay hindi niya maiwasang mapangiti habang inuulit sa utak kung paano humingi ng tawad sa kaniya si Demus kanina. Parang ang ganda niya sa part na 'yon. May parte din pala ito na marunong kumilala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status