Mag-log inANG tila armalite na bunganga ni Aling Susan ang gumising sa mahimbing na pagtulog ni Kola. Dahil sa maliit lamang ang bahay na inuupahan nila, abot hangang sa silid niya ang boses ng ina.
"Ang aga naman niyan..." bulong niya habang nakapikit pa rin. Marahan niyang hinilot ang sintido dahil parang pumipitik iyon. Hang over na naman. Pinilit niyang bumangon at tinignan ang oras, alas sais pa lamang ng umaga. Pero bigla siyang napabalikwas ng bangon nang maalala na ngayon ang unang araw niya sa Moretti Empire! "Oh, shit. Nine o'clock sharp!" Paalala niya sa sarili. Dali-dali siyang nagtungo sa kanilang maliit na kusina kung nasaan naroon na rin ang dining table. Nasa hapag kainan na ang kapatid na si Tiffany at Cedric na nag aalmusal na. Ang ina naman nila ay nasa bandang labado at tumatalak habang may nililinis doon. Ito ang normal na umaga ni Kola. Maingay, magulo at well, okay naman at sanay na siya. Kasabay ng pag-upo niya sa upuan ay ang pagbagsak sa harapan niya ng mga papel kung saan nakasulat doon ang mga bills na babayaran niya ngayong buwan. "Due date na ng mga 'yan this week," anang ina niya na siyang nagdala ng mga bills. Kaya pala mainit ang ulo nito ngayon dahil hindi pa niya nababayaran ang mga dapat bayaran Inayos ni Kola ang eye glasses at tinignan ang mga 'yon. Water bill, electric bill at wifi bill nila. Wala pa man ay gusto ng manlumo ng dalaga. "Wala pa diyan ang renta nitong bahay. Naniningil na kahapon ang land lady natin, Kola. Ano ang nangyari at nadelay ka sa pagbabayad ngayon? Dati ay hindi naman, ah." Oo nga pala hindi alam ng pamilya niya na resigned na siya sa dating trabaho at ngayong araw pa lamang siya magsisimula ulit sa bago niyang trabaho. Sabagay, wala naman pakialam ang mga ito sa kung saan siya nagtatrabaho, basta ba nababayaran niya ang mga bills. "Huwag kang mag-alala ma, ako ang bahala diyan," tanging nasambit na lamang ni Kola habang nilalagyan ng sinangag ang plato. Pero sa totoo lang problemado siya. Hindi na sapat ang hawak niyang back pay para bayaran ang lahat ng pending bills nila. "Aba ay bayaran mo na, baka tayo ay maputulan ng kuryente o kaya naman ay palayasin rito. Ayokong tumira ulit sa kalsada, matanda na ako para maranasan pa 'yon." Hindi sumagot si Kola. Dati rin kasi nilang naranasang tumira sa kalsada, noong nabubuhay pa ang ama nila. Kahit siya ay hindi na niya nanaiisin pang muling mangyari 'yon. Pilit na nginuya ni Kola ang itlog at sinangag na nasa bibig. Okupado ng problema ang kaniyang isipan. Nakakahiya naman ng mangutang sa dalawa niyang kaibigan na pawang mga breadwinner din katulad niya. "Ate..." Tumingin siya kay Tiffany na siyang tumawag sa kaniya. May nais itong sabihin pero may pag aalinlangan sa mukha nito. Sa lahat ng kapatid niya, si Tiffany lang ang medyo nakakaunawa sa hirap niya bilang breadwinner ng pamilya nila. "Ano 'yon, Tif?" "May babayaran kasi kami sa school this week din, ate. Kakayanin ba?" Malumanay nitong tanong. Marahang napabuntong-hininga si Kola at pilit na tumango. "Sige, magsabi ka lang kung kailan ba." "Sige, ate." "Naku ako rin ate mayroong babayaran," biglang sabat naman ni Cedric. "Magkano naman ang sa'yo?" "Mga nasa six hundred lang 'yon, Ate Kola. Next week din kasi 'yon." Mas lalong nahirapang lunukin ni Kola ang kinakain. Imbes na magka-energy siya dahil nag-almusal, mukhang nanlambot pa siya lalo dahil sa mga bayarin. Hinarap niya ang ina na patuloy pa rin sa pagkiskis sa lababo. "Ma, si Kuya Evan? Hindi ba niya ako matutulungan sa mga bills or kahit sagutin na lang niya ang kina Tiffany." Humarap si Aling Susan, bumuntong hininga. "Kola, wala naman maibibigay ang kuya mo. Kulang pa sa kanilang magpapamilya ang sahod niya. Maawa ka sa kapatid mo, may mga anak 'yon." Buti pa ang mama niya, marunong maawa at intindihin ang kapatid niya. Pero pagdating sa kaniya, Nada! Nevermind na lang. Pinili na lang ni Kola na manahimik. Pero kung tutuusin matutulungan naman siya ng kuya niya, paanong hindi sasapat ang sahod nito sa pamilya nito e halos siya naman nagpapakain sa mga ito? Halos wala ng gastos ang kuya niya na nakikipisan sa kanila. Saan nito dinadala ang sahod? Wala man lang itong kusang mag-ambag. Nakakasama naman ng loob. Tahimik na tumayo si Kola mula sa hapag, hindi na inubos ang pagkain at muling pumasok sa silid niya. Nagkalkal siya sa closet niya ng pwede niyang isuot ngayong araw. Sa pagkalkal niya ay doon lang niya narealize na wala siyang mga bagong damit na nabibili para sa sarili niya. Ganoon na ba siya ka-selfless? Bago pa siya lamunin ng awa sa sarili ay nagtungo na siya sa CR upang makaligo. ______________________________ ____________________ AFTER an hour, nakagayak na ang dalaga. She chose a Ivory-white buttoned up to the collar blouse, then she put a soft and delicate silk scarf around her neck. She wore her favorite pressed navy skirt, cut just below the knee and paired it with black leather pumps. Kola drawn back her long black and glossy hair in a pony tail. This style revealed the clean line of her jaw and the delicate curve of her ears. And ofcourse, her thick eyeglasses were an inseparable part of her get-up. Hinihingal ang dalaga dahil sa pagmamadali habang papasok siya sa matayog na building ng Moretti Empire, hangang sa makarating sa elevator hindi mawala-wala ang hingal at kaba ni Kola lalo na nang masilip sa kaniyang simpleng wrist watch ang oras. "Hindi naman niya siguro ako lalamunin ng buo, hindi ba?" Kausap ni Kola sa sarili dahil mag-isa lang siya sa elevator ng mga sandaling 'yon. Late na late na siya! Nang makarating sa palapag ng C-suite ay mas lalong lumala ang kabang nararamdaman ni Kola kumpara kanina, mas malala rin nga sa kaba nang unang pagpunta niya rito noon. Gusto na nga niyang umurong at lisanin na ang building na 'yon. Kahirapan ng buhay lang talaga ang isa sa pumigil sa kaniya. Triple ang laki ng sasahurin niya kay Demus kumpara sa ibang mapapasukan niya. Makailang beses munang huminga ng malalim si Kola bago kumatok sa pintuan ng executive office na 'yon. Marahan niyang itinulak ang pintuan at bumulong ng munting panalangin na sana maging smooth ang unang araw niya sa Moretti Empire. "Your late, Miss Matias." Ngunit ang malamig, nakakatakot at seryosong tinig ni Demus ang sumalubong sa kaniya. At alam ni Kola na hindi magiging smooth ang araw na 'yon gaya ng dinadasal niya kanina."YOU'RE my partner," bulong ni Demus kay Kola. Napatingin siya sa binata. "Hindi ako sasali sa mga games," mahinang sabi niya sa lalaki. Nangunot ang noo ni Demus at nagtanong, "Why?" Nag-isip ng idadahilan si Kola, hindi naman niya p'wedeng sabihin na kaya hindi siya sasali kasi ay mapanganib para sa kaniya dahil buntis siya. "H-hindi ako mahilig sa mga laro," pagdadahilan na lamang niya. "Don't worry, hindi mga palaro 'yan na kailangan ng takbuhan. Just a simple game," wika pa ni Demus habang nasa kina Kirbin na ang tingin. Hindi na sumagot si Kola. Maya-maya pa ay nakita niya si Zhila na tumabi na sa kasintahang si Levin. Sina Jax at Arzus naman ay nanatiling nakaupo at nakamasid sa mga nangyayari. "Our first game is what we call the treasure dive!" Anunsyo ni Kirbin sa lahat. Nagsigawan ang mga bisita na halatang nasasabik sa palaro ng may kaarawan. "You won't need a partner for this one, guys. I'll be tossing coins into the pool and whoever grabs the most be
"SAAN tayo pupunta?" Usisa ni Kola kay Demus nang hindi siya nito pinayagang umuwi sa oras ng labasan sa trabaho. "Kirbin," tipid na sagot naman ng binata. "Kirbin? Anong gagawin natin doon?" Tanong pa rin ni Kola habang inaayos ang mga gamit sa kaniyang mesa. "It's Kirbin's birthday." Natigilan si Kola sa ginagawa at napatingin kay Demus na patayo na sa kinauupuan. "Teka, hindi naman ako invited nakakahiya naman kung basta lang ako-" "You're with me, Kola. Isa pa, parte ka ng grupo." Parang may kung anong mainit na kamay ang humaplos sa puso ni Kola nang sabihin 'yon ni Demus, ang sarap lang marinig na itinuturing na siyang parte ng pagkakaibigan ng mga ito. "Iiyak ka pa yata?" Pang aasar sa kaniya ni Demus. Inirapan niya ito at ipinagpatuloy ang ginagawa kanina. Nagulat pa siya nang lumapit si Demus sa kaniya at hapitin ang beywang niya, sa gulat niya ay napaharap siya rito at mas lalong nagdikit ang mga katawan nila. Amoy na amoy niya ang hininga ng binata na tumatam
"CAN we talk?" Natitigilan si Kola habang pinagmamasdan ang mensaheng 'yon sa kaniyang cellphone na galing kay Rain. Pagayak na sana siya papasok sa trabaho nang umagang 'yon nang matanggap ang mensahe nito.Hindi muna siya sumagot at inisip kung makikipagkita ba siya sa babae o hindi. Pero sa bandang huli ay naisip din niya na iyon na ang tamang pagkakataon para maipaliwanag kay Rain ang lahat. Mabilis siyang tumipa at sumagot sa mensahe ng babae at sinabi niyang pumapayag siya. Pagkatapos magpadala ng mensahe rito ay si Demus naman ang pinadalhan niya ng text message at sinabi doon na mamayang tanghali na lang s'ya papasok dahil may aasikasuhin pa siya. _________________________ "HI." Nakangiting bati ni Rain nang datnan ito ni Kola sa cafe na napili nilang maging tagpuan. Halata ni Kola ang tila pamumugto ng mga mata ng babae, malamang sa malamang ay umiyak din ito kagaya niya. Naroon na naman ang munting guilt na nararamdaman niya sa tuwing nakikitang may mga tao sa pal
DEMUS AND RAIN "What are you still doing here? I already told you to leave, hindi ba?" Masungit na sabi ni Rain nang buksan ang pintuan dahil narindi na siya sa kaka door bell ng binata. Halata ang pamumugto ng mga mata niya na alam niyang napansin ni Demus. Talagang sinundan siya ng binata hangang dito sa bahay nila dapat. Para ano? "We need to talk," casual na wika ni Demus sa babae at walang salitang pumasok sa loob ng bahay. "Wala naman tayong dapat pag-usapan, Dem." Hinarap siya ng lalaki at nagpamulsa, matiim siya nitong pinagmasdan na para bang pinag-aaralan ang mukha niya. "I know you're hurting because of what you saw." Pilit na ngumiti si Rain at pagkatapos ay naglakad palapit sa sofa na nasa living room na kinaroronan nila at marahang umupo roon. "So, si Kola pala ang dahilan kung bakit pakiramdam ko ay may nagbago na sa pakikitungo mo sa akin?" Panimula ng dalaga. Hindi sumagot si Demus at nanatiling nakatayo roon at nakatingin pa rin ng matiim kay R
KAHIT puyat ay maaga pa rin nagising si Kola upang magluto ng almusal, nang matapos ay napagpasyahan na niyang maligo. Nadaanan niya sa sala si Demus na mahimbing pa rin ang tulog, kaninang chineck niya ito ay hindi na ito gaanong mainit. Napabuntong hininga siya at itinuloy na ang pagpasok sa silid upang makaligo. Mabigat man ang loob niya dahil sa mga naganap kagabi ay wala siyang choice kung hindi ang pumasok. Matapos maligo ay gumayak na siya, habang isinusuot niya ang contact lens ay narinig niyang may nag-door bell. Nagsalubong ang kilay niya at napaisip kung sino maari 'yon? Si Arzus kaya? Hindi tuloy niya alam kung bubuksan ang pintuan, pero sa huli ay napagdesisyonan niyang lumabas ng silid at pagbuksan na kung sino man 'yon dahil walang tigil ito sa pagpindot ng door bell. Ngunit tila natigil sa paghinog ang mundo ni Kola, biglang tinakasan ng kulay ang kaniyang mukha at nanlamabot ang mga tuhod nang makita kung sino ang nasa harapan ng pintuan. Katulad niya ay gulat na
"WHERE'S Demus?" Nagulat pa si Kola sa biglang pagsulpot ni Rain nang hapon sa opisina at ayun nga hinahanap si Demus. "Ikaw pala, Rain. Hindi pa nagpapakita ni anino ni Mr. Moretti rito," casual niyang saad sa babae. Totoo naman na wala roon si Demus, huling nakita niya ito ay kagabi nang puntahan siya nito sa condo at ngayon ay hapon na nga at ni hindi niya nasilayan ni anino nito. Bagay na lubos na ipinagtataka rin niya. Hindi kaya iniiwasan siya nito dahil alam nitong galit siya? "That's unusual of him. Hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ko," napapangusong wika ng babae na tumambay sa harap ng mesa ni Kola. "Baka busy siya at may inasikaso," tanging naisambit ni Kola. Pero, haler. Alam niya lahat ng appointment ni Demus dahil siya ang nag-aayos n'on, ayon sa schedule nito wala naman itong out of town this week at may isang meeting ito na hindi nito sinupot ngayong araw. Bagay na hindi gawain ng binata. Napabuntong hininga si Rain at napatingin sa kaniya. "Pe







