"Napakagaling mo talaga, pinahanga mo ako sa ginawa mo laban kay Oliver Monro. Dahil doon dinagdagan ko ang hinihingi mong pera," sambit ni "Black hawk" nang makausap ko sa telepono. Tinawagan ko siya para sa financial naming pangangailangan."Kung may magaling man sa atin, ikaw iyon. Kung di dahil sa tulong mo malamang pinag-pyestahan na ako ng mga bulate ngayon sa lupa""Of course, ako lang naman ang the "legendary spy" sa buong Pilipinas. Nakakalungkot lang dahil ikaw lang ang nakaka alam niyan," matapos niyang sabihin ito ay tumawa siya."Hindi ka pa rin nagbabago," saad ko sa kanya."Get the money in any LCB encashment center near you" huling sinabi niya at ibinababa ang tawag, ngunit bago iyon ay narinig ko pa ang pagtawa niya matapos magsalita."Hanggang ngayon ba nagtitiwala ka pa rin sa matandang iyon?" tanong ni Luciana."Oo, alam ko tutulungan niya tayo at hindi niya ako bibiguin." "Sana nga lang, dahil kung hindi hahanapin ko siya sa buong Pilipinas pag gumawa siya ng kalo
"Hindi mo ako anak. Dahil kong ikaw ang aking Ina, hindi mo dapat ako hinahayaang mawala" Tumulo ang aking luha ng bigkasin ko ang bawat letrang ito. Kahit kaunting pagmamahal ay wala akong nararamdaman ngayon. Nananaig ang kirot sa puso ko, na parang gusto kong sumigaw."Kung alam mo lang anak...""Hindi ko alam, at hindi kita kilala. Isa pa, hindi ko hinahanap ang aking magulang. Dahil alam ko na patay na sila." pagmamatigas kong sabihin ito. Hindi ko alam kung maniniwala siya o may epekto ang sinabi ko. Pero ito ang totoo. Pinatay na nila ako noon, na kahit humihinga pa ako hanggang ngayon. "Talya... patawarin mo ang mama..." mahinahon niyang salita ngunit may kalakasan, lakas na nakakapanghina sa akin. Bakit hindi sing-tigas ng bato ang puso ko, katulad ng ginawa nila sa akin noon?Humakbang siya kasabay ng pag agos ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Itinaas ang dalawang kamay na parang may sinasalubong na isang mahigpit na yakap, saka sinabing..."Talya anak.. miss na miss n
"Talya! tapos kana bang maglaba diyan?" ang sigaw ni mama mula sa taas ng bahay namin. "Opo mama" ang pasigaw ko na sagot habang sinampay ang huli at malaking pantalon ni papa sa sampayan. "Magbihis ka, at samahan mo ang papa mo. Bilisan mo na at nag aantay siya sa labas." Ang sabi ni mama na sumigaw pa mula sa bintana. "Opo." Ang tangi kong sagot. Itinago ko ang cell phone ko sa aking bulsa na may ngiti sa labi habang naglalakad papunta sa Papa ko, at sumakay sa sasakyan. Kung alam ko lang na hindi ko na makikita ang aming tahanan, kapatid, at ang aking Ina...Hinding hindi ako sasama sa papa ko. "Papa, saan po tayo pupunta?" Lakas-loob kong tanungin ang aking ama na may pananabik sa aking tono. "It's a surprise Talya," sabi niya na hindi tumitingin sa akin kundi sa cellphone niya. "Bigyan mo lang ako ng konting hint. Please Papa.." pakiusap ko. Gusto kong malaman kung saan kami pupunta. Kinasusuklaman ko ang pagiging out of a loop. Tumingin sa akin ang Papa ko saglit, at tumin
Makalipas ang dalawang buwan ay may ipinagawa sa akin ang aking amo na si Don Geralt Monro. Ingay, sigawan, at nahinto ang tugtog.Nagtakbuhan ang mga tao sa isang club. Binasag ko ang buntot ng isang empty bottle upang gamitin pang depensa laban sa mga tambay at lasing na mga lalaki. Anim silang lahat kung bibilangin. Napalaban ako dahil sa pambabastos nila sa isang babae. Ang babaeng dancer ay sumasayaw sa gitna, pero dahil sa kalasingan nila ay lumapit sila sa stage at doon hinahawakan ang babae sa braso para hilahin at dalhin sa table nila. Walang sumita sa mga ito, na kahit ang manager ng club ay walang nagawa. Pero bago paman nangyari ang karahasan sa club na ito, ay may narinig akong bulungan sa katabing table, ayon sa kanila ang group na ito ay pawang mga miyembro ng wakwak gang. Good timing actually, dahil ang group nila ang sadya ko sa lugar na ito. "Ang tapang mo ah, sige! Lumapit ka dito!" Nagsalita ang isa sa kanila, akmang bumunot ito ng baril pero hindi natuloy dahi
Narating ko ang isang pangpang kung nasaan nakatago ang startup damon motor ko na kulay dilaw. Ang motor na unang regalo ni Don Geralt Monro sa akin, nang mapatay ko ang dalawang drug lords sa Mindanao. Sinoot ko ang aking long coat, na kulay itim, madulas at manipis na tela. Sumunod ay sinuot ko na rin ang helmet na kulay dilaw, maliban sa isara ang salamin nito para takpan ang aking mga mata."Tsog! tsog! tsog!"Bigla akong napayuko para umiwas sa tatlong sunod sunod na putok. Ngunit hindi na ako lumingon pa para hanapin kung saan galing ang pag putok. Ang kinaroroonan ko ngayon ay nasa matarik na bundok, na may kalsada na parang bituka ng manok, umiikot mula itaas hanggang baba.Batid ko na may sniper ang taohan ni Kwago kaya walang ibang hahabol sa akin kundi ang kanyang grupo lamang.Dahil sa biglang pagpapaputok sa akin mabilis kung pinatakbo ang startup damon motor at nagmamaneho ng walang tigil, nagpasuray suray sa daan, dahil kahit anong layo ko na ay nasusundan pa rin ako n
Nadulas ako sa loob at labas ng kamalayan. Malabo ang isip ko at manhid ang katawan ko, iyon ay dahil sa nakatulog ako sa malamig na metal surface sa loob ng isang puting van.Pinabagal ko ang aking paghinga at kinakalma ang sarili hangga't kaya ko. Nakahiga ako na nakatagilid at nakatali ang aking mga braso at binti. May nakatali na tela sa bibig ko at kasalukuyang nakabalot sa itim na plastic bag ang ulo ko. Sa pamamagitan ng kakaibang init sa magkabilang panig ng aking mga binti at sa isang lugar na malapit sa aking likod, masasabi ko na may tatlong taong nakapaligid sa akin habang binabantayan ako.Nakakapanibago lang sa pakiramdam dahil matagal na akong, hindi nakasakay ng isang van. Sa sandaling ito, maayos naman ang pakiramdam ko, pero nabago nang magtaka ako kung saan ang punta ng byaheng ito.Matagal din akong nakakulong sa isang bahay na may sekreto at malaking basement sa loob, kasama ko ang iba pang tulad ko na nabili, sa ngalan ng salapi. Ang bahay na iyon, ay ang tinat
Tahimik ang silid habang nakatingin si Geralt sa aking katawan, sa kanyang mga mata na may pitch black eyes. Nakasuot ako ng marumi at tattered na t-shirt at shorts na medyo malaki sa akin kaya tinalian ko ito sa baywang ko.Walang tanda na may maayos akong sitwasyon sa ilalim ng kapangyarihan niya. Tahimik kong ipinamamanhik sa kanya at walang tanda na ipagpapalit niya ako. Galit ako na hindi ko siya mabasa kung ano ang pinaplano niya na masama sa akin.Nababasa ko ang lahat ng tao sa silid na ito. Tinapik ni Geralt ang kanyang tagiliran, kinakabahan siya. Panaka-nakang nakasilip sa akin ang mga mata ng mga guwardiya, nagtataka sila.Nakaluhod ako sa sahig, walang. anumang galaw ang katawan ko. Bakit? dahil patay na ako sa loob ng pagkatao ko.Sa ilang taong pananatili ko sa basement na iyon, ay doon nakatira ang bahagi ng aking buhay. May mgapinagdadaanan ako at hindi ko na maibabalik ang dati. Kung ano at kong sino ako."Kukunin ko siya sa isang kondisyon," sabi ni Oliver.At sa wa
Nagsuklay ako ng buhok sa mukha ko gamit ang sariling kamay, habang sinusundan ko si Oliver. Gusto kong tumigil dahil humanga ako sa madilim na palamuti sa paligid ko, pero alam kong hindi ngayon ang tamang panahon.Itinulak ni Oliver ang isang malaking pinto na may desinyong pang moderno, bold, malinis ang kulay at may mga linya.Pumasok kami sa isang napakalaking silid. May malaking pabilog na desk sa gitna na napapaligiran ng mga upuan at flat screen tv sa kahabaan ng mga pader. Kung may masasabi man ako sa silid na ito, ito ay isang silid ng isang bigatin at pribadong tao.Lumipat si Oliver sa may dulo ng bahagi ng mesa. May tinapik ito at nagliwanag ang makikinis na itim na ibabaw. Isang tv sa isang mesa? May ganito pala?Sinubukan kong tandaan ang anumang uri bago ako umalis apat na taon na ang nakararaan, ngunit dumating ako sa mansyon na ito na walang alam.Talagang umunlad ang mundo mula noon. Pero di ko akalain na ganoon kabilis. May alam ako kung paano mag hack ng password