Home / LGBTQ+ / Objection, My Love! / CHAPTER 2- Gabriel’s POV

Share

CHAPTER 2- Gabriel’s POV

Author: Lady Goulding
last update publish date: 2026-11-10 00:57:10

“Sabihin mong hindi totoo ’to, Rafael.”

Hindi agad sumagot ang lalaking nakatayo sa harap ng salamin. Sa halip, inayos niya ang gusot niyang buhok at saka tiningnan ang gintong singsing sa kaliwang kamay. Para bang wala siyang nakikitang problema. Para bang hindi kami nagising sa iisang kama, sa iisang hotel room, at higit sa lahat, hindi kami kasal.

“Good morning din, asawa ko.”

Napapikit ako nang mariin. “Don’t call me that.”

“Alin? Good morning o asawa?”

“Rafael!”

Napangisi siya. “Okay. So, hindi ka pa rin good morning person.”

Gusto kong ihagis sa kaniya ang unan, pero masyado akong abala sa pagpipigil sa sarili. Kinuha ko ang marriage certificate sa ibabaw ng bedside table at muling binasa ang bawat linya. Pangalan ko. Pangalan niya. Pirma namin. Pirma ng officiant. Pati ang mga pangalan ng dalawang witness.

Hindi ito joke. Hindi ito souvenir. At lalong hindi ito isang lasing na panaginip. Kasal kami. Sa Las Vegas.

Sa lalaking ilang taon ko nang itinuturing na pinakamalaking istorbo sa propesyonal kong buhay. “Paano nangyari ’to?” tanong ko, kahit alam ko ang sagot.

“Technically, ikaw ang unang pumayag.”

“Lasing ako.”

“Pareho tayo.”

“Hindi mo ba naisip na pigilan ako?”

“Hindi mo rin ako pinigilan.”

Napatingin ako sa kaniya. May kung anong gumalaw sa dibdib ko—galit, hiya, at isang uri ng pagkadismaya sa sarili na hindi ko kayang pangalanan.

Buong buhay ko, sinanay ko ang sarili kong mag-isip bago kumilos. Sa bawat kasong hinahawakan ko, bawat kontratang sinusuri, at bawat desisyong ginagawa ko, laging may proseso. Due diligence. Risk assessment. Contingency plan.

Pero kagabi, isang hamon lang ni Rafael ang kinailangan para kalimutan ko ang lahat ng prinsipyong iyon.

Hindi ko siya puwedeng sisihin nang buo. Ako ang pumirma. Ako ang nagsabi ng mga panata. At ako mismo ang naglagay ng singsing sa daliri niya.

Mas masakit tanggapin na hindi ako basta nadala ng alak. Nadala ako ng pride. “May paraan para maayos ’to,” sabi ko, pilit na pinatatag ang boses. “We’ll consult a lawyer. We’ll determine the proper procedure to dissolve this marriage.”

“Consult a lawyer?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Abogado tayo, Gabriel.”

“Hindi ibig sabihin no’n alam natin ang lahat.”

“Fair point. Pero baka kailangan muna nating kumalma.”

“Madali para sa ’yo sabihin. Mukhang nag-e-enjoy ka pa.”

Nawala nang bahagya ang ngiti niya. “Hindi ako nag-e-enjoy sa sitwasyon. Pero hindi rin makakatulong kung magpapanggap tayong hindi nangyari ang lahat.”

Hindi ako sumagot. Sa unang pagkakataon mula nang magising ako, may bigat sa tono niya na hindi ko kayang balewalain.

Mabilis kong inayos ang mga gamit ko. Hindi ko kayang manatili roon nang mas matagal. Kailangan kong makabalik sa Maynila, makausap ang tamang tao, at maibalik ang buhay ko sa dati. Sa isip ko, simple lang ang plano.

Walang makaaalam. Walang makaaapekto sa trabaho namin. At sa lalong madaling panahon, magiging isang hindi magandang alaala na lamang ang kasal na ito.

Pero may isang bagay akong hindi isinama sa plano. Si Rafael.

“Hindi puwedeng may makaalam nito.” Iyon ang una kong sinabi nang makasakay kami sa sasakyang maghahatid sa amin sa airport.

Nakaupo si Rafael sa tabi ko, nakasandal sa upuan habang nakatingin sa labas. Paminsan-minsan ay nilalaro niya ang singsing sa daliri niya. Nakakainis na kahit sa gitna ng isang malaking problema, nagagawa pa rin niyang magmukhang kalmado.

“Hindi naman ako magpapadala ng wedding announcement sa opisina,” sagot niya. “Hindi ito nakakatawa.”

“Alam ko.”

“Then act like it.” Huminga siya nang malalim at humarap sa akin. “Gabriel, hindi ko rin ginustong mangyari ’to. Pero nangyari na. Hindi mo kailangang akuin lahat ng sisi.”

“Hindi ko kailangan ng comfort mo.”

“Hindi rin kita kino-comfort. Sinasabi ko lang ang totoo.” Napatingin ako sa kamay niya. Nandoon pa rin ang singsing. Gusto kong sabihan siyang hubarin iyon, pero wala akong karapatang magdikta. Hindi lang ako ang sangkot sa gulong ito.

“Pagdating natin sa Maynila, mag-uusap tayo tungkol sa legal na hakbang,” sabi ko. “Hanggang doon, walang makaaalam. Lalo na sa firm.”

“Fine.”

“Rafael.”

“Ano na naman?”

“Take off the ring.”

Tumingin siya sa singsing bago muling ibinalik ang tingin sa akin. “Ikaw muna.” Hindi ako nakasagot.

Sa loob ng ilang segundo, pareho kaming natahimik. Sa dami ng pagkakataong nagkasagutan kami sa law school at sa opisina, ngayon lang kami nagkaroon ng katahimikang hindi ko kayang punuin ng pang-iinsulto. At hindi ko nagustuhan ang pakiramdam.

Pagdating namin sa Maynila, dumiretso kami sa Villanueva Santiago Law Firm. Halos hindi ko napansin ang pagod sa katawan ko. Mas malakas ang kaba na nararamdaman ko sa tuwing naiisip kong may makakakita sa singsing sa daliri ko.

Agad kong itinago ang kamay ko sa bulsa ng pantalon. “Good morning, Atty. Gabriel,” bati ng receptionist.

“Good morning.”

“Welcome back, Atty. Rafael.”

“Good morning,” sagot niya, kasabay ng pamilyar niyang ngiti.

Napailing ako. Kahit kailan, hindi niya kailangang mag-effort para maging kaaya-aya sa mga tao. Samantalang ako, ilang taon kong pinaghirapan ang reputasyon ko bilang isang abogadong maaasahan at seryoso sa trabaho.

Hindi ko kailangang maging palakaibigan. Kailangan kong maging mahusay. Iyon ang naging sandigan ko mula noong nagsimula ako sa firm. Hindi ako umasa sa apelyido ng pamilya ko, kahit alam kong nakatulong iyon para mabuksan ang ilang p***o. Pinatunayan ko ang sarili ko sa bawat kasong hinawakan ko, sa bawat gabing hindi ako natulog para maghanda sa hearing, at sa bawat pagkakataong pinili kong unahin ang trabaho kaysa sa personal kong buhay.

Kaya hindi ko kayang hayaang sirain ng isang gabing walang kontrol ang lahat ng pinaghirapan ko.

“Gabriel.”

Napalingon ako kay Rafael. Nasa likod ko siya, hawak ang cellphone. “May meeting tayo.”

“Anong meeting?”

“Emergency meeting. Tinawagan ako ni Atty. Villanueva. Kailangan daw nating pumunta sa conference room.” Kumunot ang noo ko. “Bakit?”

“Hindi niya sinabi.”

Nagkatinginan kami.

Sa unang pagkakataon, pareho kaming nakaramdam na baka mas malaki pa sa kasal namin ang problemang naghihintay sa amin.

“Sit down, both of you.”

Nasa conference room na si Atty. Eduardo Villanueva, managing partner ng firm. Nasa harap niya ang ilang dokumento at isang makapal na folder. Hindi siya karaniwang nagpapatawag ng biglaang meeting kung hindi mahalaga ang pag-uusapan.

Umupo kami ni Rafael sa magkabilang panig ng mesa. “May bagong kaso tayong hahawakan,” panimula niya. “Meridian Holdings. The board of directors has formally retained our firm to represent them in a corporate control dispute.”

Binuksan niya ang folder at inilabas ang ilang dokumento. “May alegasyon ng fraud, unauthorized transfers, at posibleng diversion of company funds. Pinagtatalunan din ang bisa ng isang board resolution na sinasabing minanipula ng isa sa mga pangunahing shareholder.”

Binasa ko ang mga dokumento. Malaki ang kompanyang sangkot. Malawak ang interes nito sa real estate, logistics, at investment ventures. Hindi ito ordinaryong corporate dispute. Kapag nagkamali kami sa paghawak, maaaring malagay sa alanganin ang buong operasyon ng kumpanya.

“Who’s leading the case?” tanong ko.

“Kayo ni Rafael.”

Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Sa isang banda, malaking responsibilidad ang ibinigay sa amin. Sa kabilang banda, ang huling taong gusto kong makasama sa isang komplikadong kaso ay ang lalaking kasal ko nang hindi ko sinasadya.

“May problema ba?” tanong ni Atty. Villanueva nang mapansin ang pananahimik namin.

“Wala po,” mabilis kong sagot.

“Good. Because I expect both of you to work professionally. This case is too important for personal disagreements.”

Naramdaman kong bahagyang gumalaw si Rafael sa tabi ko. “Understood, Atty.,” sagot niya.

Nagpatuloy si Atty. Villanueva sa pagpapaliwanag tungkol sa mga shareholder at sa mga dokumentong kailangan naming suriin. Pero hindi nagtagal, napansin kong may binabalikan siyang isang papel sa ibabaw ng mesa.

“Before we proceed, there’s another matter we need to address.” Inilapag niya ang isang sobre sa gitna namin. “May natanggap ang firm na formal notice of conflict of interest.”

Nanlamig ang mga daliri ko. “From whom?” tanong ko.

“Andrea Reyes.”

Agad kong nakilala ang pangalan. Fiancée ni Lara Mendoza.

“Anong koneksiyon nito sa Meridian?” tanong ni Rafael. Hindi agad sumagot si Atty. Villanueva. Sa halip, inilabas niya ang isang litrato mula sa sobre at inilapag sa harap namin. Parang biglang nawala ang hangin sa silid. Kaming dalawa iyon.

Nasa labas kami ng wedding chapel sa Las Vegas. Magkatabi, nakangiti, at parehong suot ang gintong singsing na hindi ko pa rin naaalis sa daliri ko. May pulang bilog sa paligid ng mga singsing.

Sa ibaba ng litrato ay may nakasulat na mensahe: Paano makatitiyak ang Meridian Holdings na magiging patas at walang kinikilingan ang dalawang abogadong ito kung hindi man lang nila isiniwalat ang kanilang personal na relasyon sa pamilya ng kabilang panig?

Hindi ako agad nakapagsalita. Hindi dahil hindi ko maintindihan ang paratang. Kundi dahil malinaw sa akin kung gaano ito kapanganib.

“Who took this photo?” tanong ni Rafael. Wala na ang karaniwang biro sa boses niya.

“That’s what we’re trying to establish,” sagot ni Atty. Villanueva. “Andrea claims that your undisclosed personal relationship creates a potential conflict of interest.”

“Wala kaming personal na transaksiyon o kasunduan sa pamilya Mendoza,” mariin kong sabi. “Wala kaming tinanggap na pabor, impormasyon, o anumang benepisyo mula sa kanila.”

“Hindi pa iyon ang buong isyu, Gabriel.” Tiningnan ko siya.

“May mahalagang impormasyong kailangan ninyong malaman tungkol kay Lara Mendoza.”

Napahigpit ang hawak ko sa papel. “Si Lara ang anak ng isa sa dalawang pangunahing shareholder ng Meridian Holdings,” paliwanag niya. “Ang ama niya ang kabilang panig sa kasong hahawakan ninyo. Siya ang kumukuwestiyon sa mga desisyon ng board, samantalang ang board ang kliyente natin.”

Dahan-dahang bumigat ang dibdib ko.

Biglang nagkaroon ng ibang kahulugan ang lahat. Ang mga hapunang dinaluhan namin ni Lara, ang mga meeting na magkakasama kami, at ang mga pagkakataong nagkaroon siya ng access sa ilang propesyonal na usapan. Kahit wala kaming ginawang mali, sapat na ang ugnayan niya sa pamilya Mendoza para kuwestiyunin ang aming pagiging patas.

At ngayon, may litrato pa kaming dalawa ni Rafael sa labas ng isang wedding chapel.

“Lara is an associate in this firm,” sabi ko. “Alam namin ang propesyonal niyang tungkulin. Hindi namin kailanman tinalakay sa kaniya ang mga sensitibong detalye ng Meridian case.”

“Hindi ko sinasabing may ginawa kayong mali,” sagot ni Atty. Villanueva. “Pero kailangan nating harapin ang posibleng epekto nito sa kliyente at sa reputasyon ng firm.”

Napatingin ako muli sa litrato. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit: ang posibilidad na mawalan kami ng kaso dahil sa isang maling akala, o ang katotohanang may taong nakakuha ng larawan namin sa mismong sandaling wala kaming kakayahang mag-isip nang maayos.

“May nakakaalam ba sa firm tungkol dito?” tanong ko. “Sa ngayon, ang managing partners pa lang ang nakatanggap ng kopya. Pero hindi natin matitiyak kung saan pa ito ipinadala.”

“Then we need to identify who leaked it,” sabi ni Rafael. “And we need to know why Andrea has it.”

“Exactly,” sagot ni Atty. Villanueva. “I want a complete explanation from both of you. Not tomorrow. Not next week. Now.” Hindi ako agad nakasagot.

Sa buong karera ko, sanay akong humarap sa mga akusasyong may kasamang dokumento, ebidensiya, at matitinding pagtatanong. Pero iba ang pakiramdam kapag ang mismong pagkakamali mo ang ginamit na sandata laban sa iyo.

At sa pagkakataong ito, hindi ko kayang itanggi ang ebidensiya.

Tumingin ako kay Rafael. Tahimik siya, pero hindi niya inalis ang tingin sa litrato. Sa unang pagkakataon, nakita kong hindi rin siya sigurado kung paano kami makaaahon sa problemang ito.

“Gabriel,” mahinang tawag niya. Hindi ako lumingon.

Dahil may isa pang bagay na unti-unting pumapasok sa isip ko. Hindi aksidenteng nakuhanan ang litrato. Hindi rin aksidenteng nakarating iyon kay Andrea. May taong nakasaksi sa amin sa Las Vegas, may nakakaalam ng aming mga pangalan, at may sapat na interes para gamitin ang gabing iyon laban sa amin.

At kung ang layunin ay sirain ang aming kredibilidad bago pa man magsimula ang Meridian case, posibleng hindi pa iyon ang huling dokumentong ilalabas nila.

Kinuha ko ang litrato at muling pinagmasdan ang likuran nito. May maliit na sulat-kamay sa ibabang sulok—isang petsa at oras. Petsa ng kasal namin. Oras na halos kasabay ng paglabas namin sa chapel.

Nang tumingin ako kay Rafael, nakatitig na rin siya sa parehong detalye. “May nakasunod sa atin,” bulong niya.

Bago ako nakasagot, tumunog ang cellphone ni Atty. Villanueva. Tiningnan niya ang screen. Pagkatapos, unti-unting nagbago ang ekspresyon niya. “May bagong email,” sabi niya. Binuksan niya iyon at inilapag ang cellphone sa mesa.

May kalakip na isa pang litrato. Mas malinaw. Mas malapit. At sa pagkakataong ito, hindi lang kami ni Rafael ang nasa larawan. May isang taong nakatayo sa likod namin, hawak ang cellphone na nakatutok sa aming dalawa.

Nang mabasa ko ang pangalan ng sender, tuluyan akong natigilan. Dahil kilala ko ang taong iyon. At alam kong hindi niya basta ilalabas ang litrato kung wala siyang mas malaking balak.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Objection, My Love!   CHAPTER 7- Rafael's POV

    “Rafael, please tell me hindi ito ang iniisip kong ibig sabihin.”Nakatitig si Gabriel sa laboratory report habang magkatabi kaming nakaupo sa private consultation room. Hawak niya ang cellphone niya, pero halatang ilang beses na niyang binasa ang resulta nang hindi pa rin makapaniwala.POSITIVE.Iyon lang ang salitang paulit-ulit na bumabagabag sa amin.Inabot ko ang kamay niya.“Let's hear what the doctor has to say first. Hindi pa natin alam ang buong picture.”“But the result is positive.”“I know.”“Then why are you acting like it's nothing?”Napabuntong-hininga ako.“Hindi ko sinasabing walang problema. I'm just saying na huwag muna tayong mag-conclude hangga't hindi natin alam ang ibig sabihin nito.”Napatingin siya sa akin.“Easy for you to say. Hindi ikaw ang may abnormal result.”Hindi ako agad nakasagot.Tama naman siya. Hindi ako ang ilang linggong halos walang ganang kumain. Hindi ako ang palaging nasusuka tuwing umaga. At higit sa lahat, hindi ako ang may kinatatakutang

  • Objection, My Love!   CHAPTER 6- Rafael's POV

    “Gabriel, hanggang kailan mo balak itago sa akin na may problema ka?”Napatingin sa akin si Gabriel bago muling ibinalik ang attention niya sa laptop.“Good morning din sa iyo.”“I'm serious.”“Rafael, I'm working.”“Exactly. Iyon na nga ang problema. Ilang linggo ka nang puro trabaho, halos hindi kumakain, at kapag tinatanong kita kung okay ka lang, lagi mong sagot ay fine ka lang.”Napabuntong-hininga siya.“I'm not a child. I can take care of myself.”“Then start taking care of yourself.”Inilapag ko sa tabi niya ang kape na binili ko bago pumasok. Ni hindi niya iyon nilingon.“Hindi ako iinom niyan.”Napataas ang kilay ko.“Since when?”“Since I don't feel like drinking coffee.”“Wow. That's new.”“People change, Santiago.”Napangiti ako nang bahagya.Two months.Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang malaman naming may taong nasa loob mismo ng firm ang kumuha ng original documents tungkol sa nawawalang pondo ng Meridian Holdings. Sa loob ng dalawang buwan, sunod-sunod ang nagi

  • Objection, My Love!   CHAPTER 5- Gabriel’s POV

    “May isang bagay kang hindi sinasabi sa akin, Gabriel. At gusto kong marinig iyon mula mismo sa iyo bago ko pa malaman sa ibang tao.”Iyon ang unang bungad ni Rafael nang makarating ako sa opisina kinabukasan. Nakatayo siya sa harap ng conference room, hawak ang cellphone at may nakabukas na email sa screen. Hindi siya nakangiti. Wala ring bakas ng karaniwang pang-aasar sa mukha niya. Sa halip, may malamig na determinasyon sa mga mata niyang mas nakakakaba kaysa sa anumang sigaw.“Good morning din sa iyo,” sagot ko habang inilalapag ang bag ko.“Don't dodge the question.”“Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo.”Iniabot niya sa akin ang cellphone. Nandoon ang email na natanggap ko kagabi.THE REAL REASON LARA MET GABRIEL BEFORE THE WEDDING.Binuksan ko ang attachment at muling nakita ang mensaheng galing kay Lara.Gabriel, please don't tell Rafael about my father's offer. I need to speak to you first.Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. “May paliwanag ako,” sabi ko.“Then explain.

  • Objection, My Love!   CHAPTER 4- Gabriel’s POV

    “May nangyari ba sa inyo ni Lara bago tayo ikasal?”Natigilan ako sa pagbukas ng laptop ko. Nasa private lounge kami ng Villanueva Santiago Law Firm. Halos wala nang tao sa opisina dahil pasado alas-dose na ng tanghali, pero hindi pa rin kami makapagpahinga. May panibagong dokumentong kailangang ihanda para sa Meridian case, at bukod doon, may isang taong tila determinado akong sirain ang reputasyon ko.Dahan-dahang ibinaba ni Rafael ang dalawang paper cup sa mesa. Hindi niya inalis ang tingin sa akin.“Anong klaseng tanong ’yan?”“Simple lang, Gabriel. May nangyari ba sa inyo ni Lara?”Napabuntong-hininga ako. “Wala.”“Sigurado ka?”“Hindi ko kailangang magsinungaling sa ’yo.”“Hindi mo rin kailangang magtago ng impormasyon.”Tumigas ang panga ko. “Kung tungkol sa mensaheng natanggap mo kagabi, malinaw na may gustong manggulo sa atin. Hindi ibig sabihin na totoo ang lahat ng nakasulat doon.”“Hindi ko sinabing totoo. Tinatanong kita.” Kinuha ko ang kape at uminom. Mainit pa iyon, per

  • Objection, My Love!   CHAPTER 3- Rafael’s POV

    “Gabriel, tigilan mo na ang kakatingin sa litrato. Hindi magbabago ang mukha ng taong nasa likod natin kahit titigan mo ’yan buong gabi.”Hindi siya sumagot. Nakatayo si Gabriel sa tabi ng bintana ng hotel room, hawak ang cellphone at nakatitig sa pangalawang larawang ipinadala sa managing partner namin. Ilang oras na ang nakalipas mula nang makita namin iyon sa conference room, pero hindi pa rin niya maalis ang pagkabigla sa mukha.Kilala niya ang taong nasa likod namin. At sa kabila ng paulit-ulit kong pagtatanong, hindi pa rin niya sinasabi kung sino iyon. “Hindi mo ba talaga sasabihin sa akin kung sino siya?” tanong ko.“Hindi ngayon.”“Gabriel, kasali ako sa litrato. Kasali ako sa gulong ito. I think I deserve to know.”“Alam ko.”“Then tell me.”Ibinaba niya ang cellphone at napahawak sa tulay ng ilong. Halata ang pagod sa mga mata niya. Mula nang matapos ang emergency meeting sa firm, halos hindi siya tumigil sa pagbabasa ng mga dokumento, pag-review ng email, at pagtawag sa mg

  • Objection, My Love!   CHAPTER 2- Gabriel’s POV

    “Sabihin mong hindi totoo ’to, Rafael.”Hindi agad sumagot ang lalaking nakatayo sa harap ng salamin. Sa halip, inayos niya ang gusot niyang buhok at saka tiningnan ang gintong singsing sa kaliwang kamay. Para bang wala siyang nakikitang problema. Para bang hindi kami nagising sa iisang kama, sa iisang hotel room, at higit sa lahat, hindi kami kasal.“Good morning din, asawa ko.”Napapikit ako nang mariin. “Don’t call me that.”“Alin? Good morning o asawa?”“Rafael!”Napangisi siya. “Okay. So, hindi ka pa rin good morning person.”Gusto kong ihagis sa kaniya ang unan, pero masyado akong abala sa pagpipigil sa sarili. Kinuha ko ang marriage certificate sa ibabaw ng bedside table at muling binasa ang bawat linya. Pangalan ko. Pangalan niya. Pirma namin. Pirma ng officiant. Pati ang mga pangalan ng dalawang witness.Hindi ito joke. Hindi ito souvenir. At lalong hindi ito isang lasing na panaginip. Kasal kami. Sa Las Vegas.Sa lalaking ilang taon ko nang itinuturing na pinakamalaking isto

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status